Si Bb. Khiene Pearl Frias o mas kilala bilang Pearl
ay labing-anim na taong gulang at ipinanganak sa Biñan, Laguna. Siya ay kasalukuyang nakatira sa Dasmariñas, Cavite at nag-aaral bilang ika-11 baitang estudyante sa Dasmariñas Integrated High School. Nagkamit ng 'May Karangalan' sa kanilang moving up noong ika-10 baitang (S.Y. 2021-2022) sa Tanza National Comprehensive High School (TNCHS). Iginugol nya ang kanyang ika-pitong baitang sa Don Bosco National High School (DBNHS) bago lumipat sa TNCHS. Doon na siya nag-aral mula Baitang 8 hanggang Baitang 10. Nag-aral naman siya ng kaniyang buong elementarya sa Dr. Jose P. Rizal Elementary School at nagtapos din noong 2018 nang 'May Karangalan'. Nakatanggap siya ng medalya at P1000.00 mula sa Gawad Karangalan na inorganisa ng kanilang Mayora para sa mga mag-aaral na may mga karangalan.
Ang pagsulat ng balita o News Writing sa kategorya ng Filipino ang
kaniyang sinalihang extra-curricular activity noong siya ay nasa Baitang 6 at 7. Sa kabutihang palad, siya ay nanalo sa Division Schools Press Conference (DSPC) ng mga ito at nakapag-kompentisya sa Regional Schools Press Conference (RSPC). Noong ika-6 na baitang ay nakapagsulat din siya para sa school paper ng kanilang paaralan.