gulang. Ipinanganak noong ika dalawampu't tatlo ng Setyembre taong 2006. Ang kanyang kasalukuyang trabaho ay empleyado sa isang multi-nasyonal na kilalang kumpanya na pinagngalanang SM Entertainment Co., Ltd. Siya ay kasalukuyang nasa posisyon bilang Art director sa kumpanya. Nag-apply siya sa kumpanyang ito noong taong 2029, kalaunan sa halos kalahating taon ng paghihintay at sa wakas siya ay natanggap sa kumpanya.
Siya ay nagtapos ng elementarya sa paaralang Lila Central Elementary School
(LCES) at ginawaran ng parangal bilang isang honor student at isa sa pinakamahusay sa pakasang Relihiyon at Filipino. Siya ay nakapagtapos ng pag- aaral ng junior highschool sa paaralang Lila National High School (LNHS) at sa senior high school naman ay grumaduate siya sa paaralang St. Nicholas Academy, Inc., pinarangalan ng gantimpila sa pagiging consistent Honor Student. Nakapag-aral ng kolehiyo sa unibersidad ng Bohol Institute State University. Isang malaking karangalan ito sa kaniya pagkatapos pa lamang maka pasa sa entrance exam ng unibersidad na ito, kaya noong siya ay nakapagtapos siya ng apat na taong degree sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Arts in Graphic Design ay isa din ito sa mga gantimpila na natanggap sa kaniyang buhay dahil ito ay bunga ng lahat ng sikap, tiyaga, pasensya at sakripisyo. Siya ay bihasa sa maraming larangan gaya ng kompyuter, kooperatiba, edukasyon at paggawa ng mga biswal at grapikang desinyo. Siya ay nagtamo ng parangal sa trabaho bilang Employee of the Month at Outstanding Service Record.