You are on page 1of 5

Pasig Catholic College

SENIOR HIGH SCHOOL


School Year 2022 – 2023

PCC@110: Journeying Together as one


in Faith, Hope, and Love

Subject: FILIPINO SA PILING LARANGAN Date: 07/11/2022


Subject Teacher: Mrs. Mia H. Gaspe

Module 1: AKADEMIKO AT DI-AKADEMIKONG GAWAIN

PANGKALAHATANG PANUTO

o Pagkatapos ng aralin ay inaasahang masasagutan ng mga mag-aaral ang aktibidad na inihanda ng guro.
o Tiyakin na masasagutan ito at ipapasa sa itinakdang araw at oras na nakapaloob sa bawat panuto.
o Sagutan ang mga aktibidad gamit ang MS Word at i-upload ito sa MS Teams.
- FONT STYLE: TIMES NEW ROMAN
- SIZE: 12
- PORMAT: JUSTIFIED

LAYUNIN

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaaral ang sumusunod:

1. Nalilinaw ang kahulugan at katangian ng malikhain at mapanuring pag-iisip;


2. Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng akademiko sa di-akademiko kaugnay ng kahulugan, katangian, at
mga gawain dito; at
3. Nakabubuo ng talaan ng mga gawaing akademiko at di-akademiko sa loob at labas ng akademiya.

MGA GAWAIN

o Basahin at unawain ang paksa.


o Makapagtala ng mga gawain patungkol sa akademiko at di akademiko
o Maiugnay ang Mapanuri at Malikhaing pag-iisip sa pagsagot ng aktibidad.

PAGTATALAKAY NG ARALIN

Mga Gawaing Pampag-iisip sa Akademiya


 Akademiya- mula sa salitang Pranses na academe, sa Latin na academia, at sa Griyego na academeia.
Ang huli ay mula naman sa Academos, ang bayaning Griyego, kung saan ipinangalan ni Plato ang
hardin.
 Akademiya-itinuturing na isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar, artista, at
siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin, at palawakin ang kaalaman at kasanayang
pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan. Isa itong
komunidad ng mga iskolar.

Malikhain at Mapanuring Pag-iisip
 Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga, at talino upang
epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay-akademiko, at maging sa mga gawaing di-
akademiko.

Akademiko vs. Di-akademiko
 Akademiko o academic ay nagmula sa wikang Europeo( Pranses: academique; Medieval Latin:
academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16 na siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon,
iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag-aaral na nagbibigay-tuon sa pagababasa, pagsulat, at pag-
aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na gawain. (www.oxforddictionaries.com)
 Sa akademiya nililinang ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang kaugnay ng larangang
pinagkakadalubhasaan. Kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood, at pagsulat ang
napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan.
 Analisis, panunuring kritikal, pananaliksik, at eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito.
 Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebidensiya, at balanseng pagsusuri.
 Di-akademikong gawain ay ginagabayan ng karanasan, kasanayan, at common sense.
Halimbawa ng Akademikong Gawain

 Pagbasa ng ginamit na teksto sa klase


 Pakikinig ng lektyur
 Panonood ng video o dokumentaryo
 Pagsasalita
 Pakikipagdiskurso sa klase o isang simposyum
 Pagsulat ng sulatin o pananaliksik.

Halimbawa ng Di-Akademikong Gawain


 Panonood ng pelikula o video upang maaliw
 Magpalipas-oras
 Pakikipag-usap sa sinoman ukol sa paksang di-akademiko
 Pagsulat sa isang kaibigan
 Pakikinig sa radyo
 Pagbabasa ng komiks , magasin o diyaryo

Ayon kay Cummins (1979)


 kung saan pinag-iba niya ang kasanayang di akademiko (ordinaryo, pang-araw-araw) Ito ay tinatawag
niyang Basic Interpersonal Communication Skills (BICS) Impormal na gawain.
 Sa kasanayang akademiko (pang-eskuwelahan, pangkolehiyo). Tinatawag na Cognitive Academic
Language Proficiency (CALP) naman ang huli o pormal na mga gawain.

AKTIBIDAD/ GAWAIN

o Sagutan ang mga aktibidad gamit ang MS Word at i-upload ito sa MS Teams.
- FONT STYLE: TIMES NEW ROMAN
- SIZE: 12
- PORMAT: JUSTIFIED

I. Panuto: Bumuo ng tig-tatlong pangungusap tungkol sa bawat larawan. Ang mga pangungusap ay maaaring
nagtatanong, nagbibigay ng opinyon, naglalahad, o nagbibigay ng obserbasyon at pagpapahalaga. Bigyan ng
pamagat ang bawat larawan at pagkatapos ay gumuwa ng sariling paglalarawan dito.

MUNGKAHING PAMAGAT: Isang Lakad

PAGLALARAWAN SA IMAHE: Ang nakikita ko sa imahe ay isang lalaki na naglalakad kasama ang
kanyang carabao. Mukhang mahaba ang nilalakaran nila at ang lalake ay kakatrabaho lang dahil wala
na siyang damit at naiinitan na dahil sa bungad ng araw. Mukha simple ang buhay nila at ang kailangan
nila para matuwa ay pamilya, kaibigan at ang kanilang trabaho ngunit sa panahon ngayon hindi simple
ang buhay. May mga taong maraming gusto para matuwa tulad ng mga bilihin, asawa, mga laro, mga
gamit.

KUNG AKO ANG KUKUHA NG LARAWAN, GAGAWIN KO ITO SA PAMAMARAANG:


Sa harap ko kukunin ang larawan upang makikita ang mukha nila para malaman kung sila talaga may
masaya sa buhay nila o hirap na mga pangyayare sakanil. Pag nasa harap kitang-kita ang emosyon ng
mga tao at ang kanilang paligid kasi pag ito sa likod mukha sila ay naglalakad lang lamang. Mahirap
bigyan masyadong emosyon itong larawan kaya ako’y gumawa ng paraan sa pagagamit ng anggulo

MUNGKAHING PAMAGAT: Pangangailangan

PAGLALARAWAN SA IMAHE: Ang nakikita ko sa imahe ay isang matanda na nagttrabaho at


nangingisda kahit mukha syang hirap na sa galaw, siya ay patuloy parin dahil kailangan ng pamilya niya
ang pera . Para sakin, ito ang mga hindi magaganda sa panahon natin ngayon. Dapat sa panahon natin
ngayon, itigil natin ang mga masyadong matatanda nagttrahaho kasi sila ay hirap na sa katawan nila at
dapat ipasa ang trabaho sa pamilya nila, ngunit hindi ito posible kasi ngayon, ang mga tao ngayon ay
umaasa parin sa matanda o kulang sa edukasyon upang makapag trabaho. Kaya rin nangyayare ang
child labor dahil sa pamilya nila na hirap makapagkuha ng pera kasi sila o anak nila ay kulang ng
edukasyon upang makapag-aral, o kulang ng pera.

KUNG AKO ANG KUKUHA NG LARAWAN, GAGAWIN KO ITO SA PAMAMARAANG:


Sa nakikita ko sa imahe, mukha ito talaga ang realidad ng buhay ngayon, ang mga bata at masyadong
matatanda ang nagttrabaho para pamilya nila. Kaya para sakin hindi ko iibahin ang emosyon na
binibigay ng imahe na ito kasi ito talaga ang nangyayare sa panahon ngayon na dapat tumigil. Pero pag
iniba mo yung anggulo at sa likod kinuha hindi natin malalaman kung matanda ba ang nangingisda at
kung hirap ba sya.
MUNGKAHING PAMAGAT: Paghihirap

PAGLALARAWAN SA IMAHE: Ang nakikita ko sa larawan ay isang PWD o Person with disability,
dahil sa nakikita kong supporter upang maglakad, siya rin ay mukhang walang bahay at naghihirap
talaga sa buhay dahil sa kondisyon ng kanyang damit at itsura. Ang problema ng ating bansa ngayon ay
dami ng tao at walang titirahan, ang tawag dito ay overpopulation na pwede masolusyunan sa pagdaan
ng edukasyon at family planning, kapag mas edukado ang mga tao ngayon marami ang makakapag
plano ng kanilang buhay at magiging edukado sa pagbubuntis.

KUNG AKO ANG KUKUHA NG LARAWAN, GAGAWIN KO ITO SA PAMAMARAANG:


Tulad sa imahe ng nangingisda ayoko rin ibahin ang emosyon na binibigay ng imahe na ito kasi ito din
ang nangyayare sa panahon ngayon. Mga taong hirap na at wala na natutulugan dahil sa hirap at
overpopulation ng bansa. Pero pag ako ako naman ang kumuha ipapakita ko ang emosyon ng tao sa
imahe, kasi kapag siya ay ngumingiti sa imahe makikita natin na kahit hirap na siya patuloy parin ang
buhay niya at kung siya naman ay malungkot, mas makikita natin ang katotohanan.

RUBRIK:

SANGGUNIAN
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK). Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2016). Rex
Book Store

You might also like