Professional Documents
Culture Documents
UNANG MARKAHAN
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa
panahon ng pagdadalaga/pagbi binata
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/paghi
binata.
I. Layunin:
Pagkatapos ng 30 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang naisagawa ang mga
sumusunod nang may 85% na tagumpay:
1. Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili ayon sa walong inaasahang kakayahan at
kilos ni Havighurts.
2. Nakapagbibigay-diin sa papel na kanyang ginagampanan bilang nagdadalaga at
nagbibinata
3. Nakapagninilay sa mismong aksiyon bilang nagdadalaga at nagbibinata
II. Nilalaman:
Pakasang Nilalaman: Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata (Developmental Task)
A. Pagtamo ng Pagbabago at ganap na Pakikipag-ugnayan
B. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae at lalaki
Kagamitan: manila paper, chalk at flash cards
Sanggunian: Teachers guide pp 4-18; Learner's materials pp. 14-21/ Internet
C. Pamamaraan
A. Pagbabalik-aral
Upang lubos na nauunawaan ng mga mag-aaral ang natutunan nila nitong
nakaraang aralin, magpapakita ng flash cards ang guro na nilalaman ng parirala.
Kilalanin ng mga mag-aaral kung saang aspeto ng palatandaan na nabibilang ang
parirala.
Halimbawa:
B. Pagganyak
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral tungkol sa pakikipag-ugnayan bilang
babae/lalaki. Gawing gabay ang mga tanong:
1. Ano ang inyong reaksiyon pag nakakita ka ng kaklaseng babae na natagusan
ng dugo sa kanyang palda? Ano ang gagawin mo?
2. Ano ang iyong pakiramdam kung may lalaking nanliligaw sa iyo? Ano ang
gagawin mo?
D. Pagtuklas
Magpaskil ng larawan ang guro na nagpapakita na iba't ibang gawain na ginagampanan ng
babae at lalaki. Hayaan ang mga mag-aaral na magbahagi kung anong gawain ang nasa
larawan.
E. Pagtatalakay
Sa larawan, pinapakita nito ang ibat-ibang mahalagang gawain na ginagampanan ng
babae at lalaki sa pamilya. Bilang nagdadalaga at nagbibinata, mahalagang mapaunlad
ang kanyang kakayahan na inaasahan ng kaniyang lipunan.
F.Pagpapalalim
Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata, may walong inaasahang kakayahan at
kilos na dapat malinang ayon kay Havighurts. Sa puntong ito, tatalakayin ng guro ang
dalawa sa walong inaasahang kakayahan ayon kay Havighurts.
- Pagtamo bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations)
- Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae at lalaki.
IV. Pagtataya
Panuto: Maglbigay ng maikling pasulit ang guro. Ang pasulit ay nasa anyong pagsulat ng isang sanaysay.
Isulat ito sa kalahating papel.
l. Paano mo tunay na maipakikita ang pagiging mapanagutan sa iyong pakikipagkapwa?
V. Takdang Aralin
Journal Writing
1. Maghanap ng isang pelikula o teleserye namay tema patungkol sa pagbabago ng isang babae
at lalaki..
2. Magsulat ng isang sanaysay patungkol sa kwentong ito. Isulat din kung anong aral ang
mapupulot sa kwentong ito.
3. Ipasa sa susunod na pagkikita