You are on page 1of 3

PRINTED/DIGITAL LEARNING MODULES BESTCAP

Junior High School/Senior High School Departments


SY 2021-2022
CAREER COLLEGE, INC.

Edukasyon sa Pagpapakatao 7
PANGALAN: ___________________________________________________________________
LINGGO 8 KWARTER 1
LAANG PETSA NG PAGGAWA September 20-24 TAKDANG PETSA September 27
GURO Ms. Anna Trisha S. Santiago
PAKSA Pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng
propesyon, kursong akademiko o teknikal- bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod
sa pamayanan

PAMAGAT NG ARALIN: Ang Magkakaibigan

Nakikita mo ba sa salamin ang pagbabago sa iyong mga hilig at


sarili? Alin- alin sa iyong mga hilig ang unti-unting nagbabago o
nawawala na? paano mo nakikita ang iyng sarili sa darating na panahon?

Ang pagkakaroon ng isang kaibigan ay isa sa mga bagay na


natural sa mga kabataan. Ngunit alam mo ba na may kilala akong
mga bata na nagngangalang Arlin at Gracia na walang masyadong
kaibigan? Sila ay magkaklase noong sila ay nasa mataas na paaralan
pa at naging matalik na magkaibigan. Mahiyain si Gracia, kaya't
walang masyadong kaibigan kundi ang kanyang mga pinsan na nag-
aaral din sa parehong paaralan. Kadalasan ay nag-iisa si Gracia sa
kanilang silid-aralan. Kapag oras ng kanilang break, nais pa niyang
magbasa ng kanyang aralin para sa susunod nilang asignatura kaysa
makihalubilo sa ibang kaklase. Si Arlin at Gracia ay parehong
tahimik kaya walang masyadong kaibigan; palaging silang dalawa ang magkasama. Dahil sa matagal nang
magkakilala ay magkasundong-magkasundo ang dalawa sa maraming bagay hanggang sa makilala nila si Josie na
palakaibigan at magiliw kaya naging kaibigan na rin nila. Nang nag-aral na sila sa mataas na antas sa kolehiyo ay
nagkahiwalay na sila dahil magkaibang kurso ang kanilang hilig. Nagkaroon na rin ng iba pang kaibigan ang tatlo
mula sa kani-kanilang mga kaklase. Bagaman mayroon na silang kanya-kanyang barkada ay di pa rin nawala ang
pagkakaibigan ng tatlo kahit minsan na lang silang nagkakasama.

Minsan ay nagkita ang tatlo sa kantina ng paaralan, masayang kumain, at nag kuwentuhan at nasabi rin ng
magkakaibigan sa isa't-isa na walang magbabago sa kanilang pagkakaibigan maging sa mga susunod pang taon ng
kanilang pag-aaral.

Maraming araw ang lumipas at muling nagkita-kita ang magkakaibigan. Sa kanilang kuwentuhan ay napag-
usapan ng magkakaibigan ang panahon kung paano sila naging magkakaibigan. Natanim sa isip nila na ang
kahalagahan ng pakikisama at pagkilala sa bawat isa ang nagpatatag ng kanilang pagkakaibigan kahit marami nang
pagbabagong naganap sa kanila tulad ng pisikal na anyo, sa takbo ng pag-iisip, emosyon, at marami pang iba. Napag-
usapan din nila ang mga pagbabago sa kanilang mga nakagawiang hilig noon at ang pagsisikap na pagtupad ng
tungkulin at gampanin bilang nagdadalaga at nagsisikap sa pagtupad at pagpapaunlad ng kanilang mga hilig.

Mabilis na lumipas ang panahon at nasa ika-apat na antas na sila ng kolehiyo. Marami ng pagbabago sa
magkakaibigan tulad nang minsang nakita nila si Josie na may naghatid na lalaki at magkahawak ang kanilang kamay.
Nang makaalis ang lalaki ay nilapitan agad ni Arlin at Gracia si Josie at tinanong kung ito ay nobyo niya at
pinaalalahanan na ito'y mag-ingat sa pakikipagrelasyon.
PRINTED/DIGITAL LEARNING MODULES BESTCAP
Junior High School/Senior High School Departments
SY 2021-2022
CAREER COLLEGE, INC.

Bago umuwi ay dumaan muna sina Gracia at Arlin sa silid-aklatan para sa sagot sa kanilang takda.
Nagpasalamat ang magkaibigan. Habang nagsusulat ay na sila nahirapan dahil ipinahiram na nito ang aklat kung saan
makukuha a itong nakatingin kay Aralin. Nang matapos ang takda sa aralin ay umuwi na ang napansin ni Gracia ang
pagsulyap ng kaklaseng lalaki kay Aralin, nakangiti lamang dalawa. Habang naglalakad pauwi ay nagkukuwentuhan
ang magkaibigan. Nagtawanan lamang ang magkaibigan at nagsabi si Arlin kay Gracia na kailangang Biniro ni Gracia
si Arlin na marami nang nakakapansin sa kanyang kagandahan Nasambit ni Gracia na magtatapos muna siya ng pag-
aaral, marami pa siyang magbago na rin siya at mag-ayos na rin upang mapansin ng mga nagbibinata pangarap at
gusto niyang maging guro para matupad niya ang pangarap ng magulang, hanggang magkahiwalay papauwi ng
bahay. Lumipas ang isang linggo ay nagkita-kita muli ang magkakaibigan at nag-usap nang seryoso tungkol sa
napapansing pagbabago sa sarili. Nabanggit nila na naging mas responsable sila ngayon dahil nakatutulong na sila sa
bahay sa mga simpleng gawain napagkakatiwalaan na sila ng kanilang magulang na maiwan at mag-asikaso ng
kapatid sa bahay, nakapagsasabi na sila ng mga saloobin sa magulang, hindi na sila nakikipag-away sa mga maliliit na
kapatid sa halip ay nagpaparaya na sila dito at higit sa lahat ay nagkakaroon na sila ng mga plano para sa hinaharap.
Napag usapan din nila ang nagiging atraksyon nila sa mga nagbibinata at nahihilig na rin sila sa pagsama sa iba-ibang
organisasyon at gawain upang maging aktibo at makatulong sa kapwa at pamayanan. Totoo ngang hindi na sila bata,
ang sabay sabay na nasabi ng magkakaibigan. Lumipas ang mga araw ay nakatapos sila at sa ngayon ay may kanya-
kanyang hanapbuhay at sariling pamilya na ngunit ang pagiging magkakaibigan ay di nawawala at, kapag may
pagkakataon, ay nagkikita-kita pa rin sila.

TANDAAN

Ang kaalaman sa mga bagay na iyong kayang gawin ay tunay na nag-aangat ng iyong tiwala sa sarili. Dahil
dito, natataya mo ang mga kilos na dapat mong gawin tungo sa maayos na pagtupad ng mga tungkulin bilang
nagdadalaga o nagbibinata. Maisasagawa ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng iyong tungkulin bilang
nagdadalaga o nagbibinata. Natataya mo ang iyong mga kilos upang maayos mong matupad ang iyong tungkulin sa
tulong at gabay ng iyong mga magulang o ng mga taong tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa iyo. Isaalang-
alang mo rin ang iyong mga hilig na naaayon sa iyong pagdadalaga o pagbibinata. Ang pagiging mahiyain ay hindi
makatutulong upang mapaunlad ang iyong mga hilig. Gaya nga ng nauna na nating aralin, bigyan natin ng pansin ang
ating mga hilig, paunlarin ang mga ito ngunit huwag din nating ipagwalang bahala ang ating mga kahinaan.

Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata, may walong inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang ayon
kay Robert J. Havighurst.

Ang mga ito ay ang mga sumusunod:


1. pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature sa mga kasing-edad relations)
2. pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
3. pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang pamamahala sa mga ito.
4. pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa
5. pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya
6. paghahanda para sa paghahanapbuhay
7. paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
8. pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting asal)

Gawin natin itong inspirasyon upang makamtan natin ang pagtitiwala sa sarili at mataya natin kung ang mga
bagay na nais mo sa buhay ay kaya mong kamtin pagdating ng tamang panahon. Basta't laging tandaan na ang
sobrang tiwala sa sarili ay nagdudulot ng kawalan ng pagpapakumbaba at simpleng pamumuhay.
PRINTED/DIGITAL LEARNING MODULES BESTCAP
Junior High School/Senior High School Departments
SY 2021-2022
CAREER COLLEGE, INC.

PAGSASABUHAY
Tungkulin sa Bawat Gampanin Bilang Nagdadalaga o Nagbibinata
Bilang nagdadalaga o nagbibinata, nauunawaan mo ang iyong mga tungkulin sa bawat gampanin,
ang tungkulin sa sarili, bilang anak at kapatid ay lubos mong maipamamalas sa pamamagitan ng pagtataya
ng iyong mga kilos.
Ang iyong tungkulin o gampanin bilang mag-aaral ay maisasagawa nang maayos kung natutukoy mo at
nauunawaan ang iyong mga gampanin sa buhay bilang nagbibinata o nagdadalaga. Dapat isaalang alang na
kahit hindi ka na bata ay dapat ka pang magpasakop sa magulang dahil sila ang may pinakamalaking
impluwensiya sa iyong buhay.

Aktibidad
Makatutukoy ka ba ng mga kilala mong tao na sa tingin mo ay may maayos at masayang
B. Piliin ang saKapanayamin
pamumuhay? palagay mo ayang
tamang sagot.
ilan sa mga taong ito at itanong kung bakit at paano nila narating ang
1. Niyaya
kanilang ka ng kaibigan
kinalalagyan sa buhay?mo sa computer
Isulat sa malinisshop para sa
na papel anginyong proyekto.
ginawang pakikipanayam,
a) Maglalaro muna ako bago ko gawin ang proyekto namin sa paaralan.
b) Tutulong
Kongkretong Hakbangako sa paghahanap
Tungo ngsa
sa Tungkulin tungkol
Bawatsa aming proyekto
Gampanin Bilang Nagdadalaga o Nagbibinata
c) Mag-iisip ako ng dahilan para hindi na ako makasama sa computer shop
2. Magaling kang kumanta sabi ng iyong mga kaklase. Magkakaroon ng programa ang inyong
paaralan at naghahanap sila ng maaaring kumatawan sa inyong klase.
a) Alam kong kumanta, pero hindi ako magaling.
b) Hindi ako sumasali pag maraming tao.
c) Susubukin ko at sana ay mapatunayan ko na hindi sila nagkamali sa pagpili sa akin.
3. Magkakaroon ng paligsahan sa pagguhit. Maraming magagaling gumuhit sa paaralan ninyo
ang lalahok sa paligsahan.
a) Ayaw ko nang subukan pang sumali, baka matalo lang ako.
b) Susubukin kong gumawa nang ayon sa hihingin ng paligsahan.
c) Titiyakin kong ako ang mananalo sa paligsahan.
4. Naipakita mo na sa iyong guro ang iyong kakayahang gumuhit, pero hindi niya ito binigyang
halaga.
a) Kulang pa siguro ang aking kakayahan kaya hindi pinansin ng aking guro.
b) Kailangan ko pa sigurong linangin ang aking kakayahan.
c) Tatanungin ko ang aking guro kung ano pa ang kailangan kong palaguin sa aking likha.
5. Nagyaya ng bayanihan ang aming kapitan upang linisin ang aming mga lugar.
a) Niyaya ko ang aking mga kaibigan para sama-sama kami sa paglilinis.
b) Yayayain ko ang aking mga kaibigan para mamasyal habang naglilinis ang iba sa lugar
naming.
c) Yayayain ko ang aking nanay at sasabihin kong tulungan niya kaming maglinis sa aming
lugar.

You might also like