You are on page 1of 19

Mga Rehiyon at Klima

sa Daigdig
Week 3, Araling Panlipunan
Panimula
Sa anong rehiyon kaya ng daigdig naroroon ang mga nasa litrato?
 Makikita rito na malaking impluwensiya sa pamumuhay ng mga
tao ang rehiyon kung saan sila nakatira. Isang mahalagang
bahagi rin ang klima. Maaaring nakabatay sa klima ang uri ng
panahanan, pananamit, hanapbuhay, o pagkain na mayroon ang
isang tao.
 Dahil dito, mahalaga na ating matutuhan kung saang rehiyon sa
daigdig tayo nakatira at ano-anong uri ng klima ang ating
nararanasan. Makatutulong din sa atin na pag-aralan ang klima
na nararanasan ng mga tao sa iba pang bahagi ng daigdig upang
maintindihan natin ang uri ng pamumuhay na mayroon sila.
Ang daigdig
- ay binubuo ng iba’t ibang rehiyon
o kontinente. Ang bawat
kontinente ay may sari-sariling
pisikal at kultural na katangian
na nagbubukod dito sa iba pang
kontinente. Ang isa sa mga pisikal
na katangian na nag-uuri sa bawat
kontinente ay ang klima.
Mga Rehiyon ng Daigdig
Ang kontinente ay ang pinakamalaking uri ng anyong lupa.
May mga kontinente na magkakadikit, at mayroon ding
pinalilibutan ng tubig.
Ayon kay Alfred Wegener, isang Aleman na siyentipiko, ang
kalupaan ng daigdig ay isang malaking kontinente lamang noong
unang panahon.
Ang malaking kontinenteng ito o supercontinent ay tinatatawag
na pangaea. Dahil sa paggalaw ng mga tectonic plates, naghiwa-
hiwalay ang mga ito at saka nabuo ang pitong kontinente sa
kasalukuyang panahon. Ang tawag sa teoryang ito na isinulong ni
Wegener ay continental drift theory.
Ang Pitong Kontinente

Ang pitong kontinente ay


ang sumusunod: Asya,
Aprika, Hilagang Amerika,
Timog Amerika, Antartika,
Europa, at Australia. Asya
Ang Asya
ay ang pinakamalaking
kontinente sa daigdig. Ito ay
napalilibutan ng Karagatang
Pasipiko sa silangan,
Karagatang Indian sa timog,
Karagatang Artiko sa hilaga,
at Europa sa dakong
kanluran.
Sa katunayan, magkarugtong
ang ilang bahagi Europa at
Asya. Dahil dito, mayroong
ilang siyentipiko na nagsasabi
na dapat tawagin na lamang
itong kontinente ng Eurasia.
Ang Asya
Ang Asya rin ang kontinenteng may pinakamalaking populasyon sa
daigdig. Mahigit-kumulang 4.5 bilyon ang kasalukuyang populasyon ng
Asya. Ang dalawang bansang may pinakamalaking populasyon sa mundo
ay matatagpuan sa Asya—ang Tsina at India.
Magkakaiba ang wika, relihiyon, at paniniwala ng populasyon sa Asya.
Nabibilang ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na may sariling wika at
paniniwala. Sa Asya matatagpuan ang ilan sa mga hiwaga ng ating
daigdig.
Matatagpuan sa Asya ang Bundok Everest, ang pinakamataas na punto
sa buong mundo. Matatagpuan sa rehiyon ang pinakamababang punto
sa buong mundo, ang Dead Sea. Makikita rin sa Asya ang ilang mga
natatanging gawa ng tao. Ang Great Wall sa Tsina, ang Angkor Wat sa
Cambodia, ang Taj Mahal sa India, at ang Borobodur sa Indonesia ay
ilan lamang sa mga halimbawa ng mga likhang ito.
Aprika
Ang Aprika ang pangalawa sa pinakamalaking
kontinente sa mundo, sa laki ng kalupaan at
populasyon.
Mahigit isang bilyon ang mga taong
naninirahan dito. Ang Aprika ay napapalibutan
ng Mediterranean Sea sa hilaga, ng Red Sea
at Karagatang Indian sa silangan, at ng
Karagatang Atlantiko sa kanluran.
Ang hilagang bahagi ng Aprika ay binubuo ng
disyerto. Matatagpuan dito ang
pinakamalaking mainit na desyerto sa
daigdig, ang Sahara. Samantala, ang ibang
bahagi ng kontinente ay binubuo ng savanna
at mga tropikal na gubat, kung saan
matatagpuan ang mga hayop katulad ng mga
leon, elepante, kalabaw, usa, kamelyo, at mga
giraffe.
Matatagpuan din ang pinakamahabang ilog sa
buong mundo sa Aprika, ang Ilog Nile.
Aprika
Ang Aprika ay mayaman sa likas na
yaman. May malaking suplay ng
ginto, kopra, diyamante, at langis
dito.
Sinasabing mga siyentipiko na
Malaki ang potensiyal nito sa pag-
unlad.
Ngunit sa kabila ng yamang tao at
likas na yaman na matatagpuan sa
Aprika, may kakulangan sa pag-unlad
ang rehiyong ito. Ang pagkalat ng
mga sakit, korapsyon, at ang
madalas na pag- aaway ay ilan sa
mga nakaaapekto sa pag-unlad ng
rehiyong ito.
Hilagang Amerika
Ang Hilagang Amerika ay ang pangatlong
pinakamalaking kontinente. Ito ay matatagpuan
sa dakong hilagang-kanluran ng daigdig.
Napaliligiran ito ng Karagatang Arktiko sa hilaga,
ng Karagatang Atlantiko sa silangan, at ng
Karagatang Pasipiko sa kanluran.
Matatagpuan ang lahat ng klase ng klima sa
Hilagang Amerika, tulad ng polar o malamig na
klima sa hilaga, disyerto sa timog ng Estados
Unidos, at tropikal na klima sa sa mga bansa sa
dako na malapit sa Timog Amerika.
Ang Hilagang Amerika ay may populasyon na
mahigit 579 milyon sa kasulukuyan. Marami sa
mga naninirahan dito ay gumagamit ng wikang
Ingles, Espanyol, at Pranses.
Ang siyudad na may pinakamalaking populasyon
ay ang Lungsod ng Mexico.
Timog Amerika
Ang Timog Amerika ay pinalilibutan ng
Hilagang Amerika sa itaas, ng Karagatang
Pasipiko sa kanluran, at ng Karagatang
Atlantiko sa silangan.
Maraming uri ng hayop at halaman ang
matatagpuan sa mga gubat ng Timog
Amerika.
Mahigit 40,000 uri ng halaman, 3,000 uri ng
isda, 2,000 uri ng ibon, mamal, at reptilya
ang natala sa Timog Amerika. Marami dito ay
matatagpuan sa mga gubat ng Amazon.
Bukod sa mga uri ng hayop, ang isa sa mga
pinakamalaki at mahabang ilog sa mundo ay
matatagpuan din dito—ang Ilog Amazon.
Karamihan sa populasyon ng Timog Amerika
ay gumagamit ng wikang Espanyol at
Portuges dahil sa kasaysayan nito bilang
kolonya ng Espanya at Portugal.
Europa
Ang Europa ay ang karatig na kontinente ng
Asya. Nahihiwalay ang dalawang kontinente ng
Bulubunduking Ural, Caspian Sea, at ng
Bulubunduking Caucasus.
Pinalilibutan ito ng Karagatang Arktiko sa hilaga,
ng Karagatang Atlantiko sa kanluran, at ng
Dagat Mediterranean sa timog.
Ang malaking bahagi ng Europa ay may temperate
na klima. Ang kanlurang bahagi ng Europa ay
madalas nakararanas ng pag-ulan, samantalang
ang silangang bahagi nito ay hindi gaanong
nakakaranas ng ulan.
Sumusunod ang Europa sa Asya at Aprika sa laki
ng populasyon. Ito ay may populasyon na mahigit
730 milyon.
Ang Europa ay kilala sa kaniyang kultura at
arkitektura. Ang ilan sa mga gawang tao na kilala
sa buong daigdig ay ang Colosseum, ang Torre ng
Pisa, ang Parthenon sa Gresya, ang Eiffel Tower,
at mga kastilyo sa iba't ibang bahagi ng Europa.
Australia
Ang Australia ang pinakamaliit na kontinente sa daigdig.
Pinaniniwalaan na ang Australia ay dating bahagi ng
Antartika bago ito gumalaw pahilaga.
Sa kasalukuyan, ito ay napaliligiran ng Karagatang Indian
at ng Karagatang Pasipiko.
Ang malaking bahagi ng Australia ay nasa loob ng
kontinente na tinatawag na outback. Ito ay malayo sa mga
mataong lugar. Ang outback ay kadalasang tuyot at
nagtataglay ng kaunting anyong tubig.
Ang hilagang bahagi ng Australia ay naaapektuhan ng
Karagatang Indian na nagdadala ng pag-ulan. Maraming
bukod-tanging mammal ang matatagpuan sa Australia,
katulad ng kangaroo, koala, echidna, platypus, at wombat.
Bago nasakop ang Australia ng mga Briton, mga 250 na
iba't ibang grupo ng katutubo ang nanirahan sa Australia.
Sa kasulukuyan, may mahigit 24 milyon na tao na ang
nakatira sa Australia, at mga 2.4 porsiyento nito ay mga
katutubo.
Antartika
Ang Antartika ang pinakamalamig na
lugar sa buong daigdig. Ito rin ang
may pinakamalaking disyerto sa
daigdig.
Ang Antartika ay nakararanas din ng
napakalakas na hangin.
Dahil sa klima ng Antartika, walang
permanenting populasyon ang
kontinente. Ang mga naninirahan
lamang dito ay ang mga siyentipiko
mula sa iba't ibang bansa.
Kahit na malamig ang klima ng
Antartika, maraming uri ng hayop ang
matatagpuan dito, katulad ng isda,
penguin, seal, sea lion, at mga
balyena.
Klima ng Daigdig
Ang klima ay
pangmatagalang kondisyon
ng panahon sa isang lugar.
Ang panahon naman ay ang
pabago-bagong kondisyon ng
atmosphere sa loob ng
maikling panahon. Ang iba’t
ibang bahagi ng daigdig ay
nakararanas ng
magkakaibang klima.
Klima ng Daigdig
Ang pinaka-ginagamit na
sistema ng pag-uuri ng
klima ay ginawa ni
Wladimir Koppen, isang
heograpo at meteorologist.
Ayon kay Koppen, ang uri
ng halaman na
matatagpuan sa isang
lugar ay batay sa klima
nito. Sa sistema ni
Koppen, may limang uri ng
klima: tropikal, tuyo,
katamtaman,
kontinental, at polar.
Tropikal (Tropical Climate)
Ang mga tropikal na klima ay
nakikita sa kahabaan ng bahaging
ekwador. Mainit at madalas
nakararanas ng ulan ang bahaging
ito. Ang temperatura ay
sumasaklaw ng mula 18oC
hanggang 23oC at maaaring umabot
ng mahigit 30oC hanggang 33oC.
May tatlong uri ng tropikal na
klima: tropical wet o rainforest,
tropical monsoon, tropical wet
and dry o tropical savanna. Ilang
halimbawa ng mga bansa na may
tropikal na klima ay Pilipinas at
Ecuador.
Katamtaman (Mild or Temperate Marine)
Ang mga rehiyong may klimang katamtaman ay hindi
nakakaranas ng napakainit at napakalamig na temperatura.
Katamtaman din ang nararanasan nilang presipitasyon.
Mayroong tatlong uri ng katamtamang klima: Mediterranean,
humid subtropical, at marine.
Ang temperatura sa mga bahaging ito ay maaaring sumaklaw
mula -3oC hanggang 18oC sa mga malalamig na buwanat mula
10oC pataas sa maiinit na buwan.
Halimbawa sa mga bansang may ganitong uri ng klima ay
Italya.
Polar
Ang polar na klima ay
matatagpuan sa loob ng
Kabilugang Arktiko sa hilagang
bahagi ng mundo at sa
Kabilugang Antartiko sa timog na
bahagi ng mundo. Ang polar na
klima ay ang pinakamalamig sa
lahat, at kabilang dito ang ice cap
at tundra.
Ang karaniwang temperatura ng
polar na klima ay 10oC pababa.
Halimbawa ng bansa na may
polar na klima ay ilang bahagi ng
timog Kyrgysztan at Russia.

You might also like