You are on page 1of 55

HTS PRAYER

Almighty Father, we praise and glorify you,


You are the Christ, the son of the living God.
You are our Creator and our Counselor,
Guide us every day to make our wise decisions.
We pray to you to give us strength to live for this day,
May you give us wisdom and knowledge
To know the meaning and purpose of our life.
Forgive us from our sins and help us get rid of our sins.
Help us form ourselves and open our hearts to hear your call.
Transform us and make our hearts and fill it with compassion and faith,
Knowledge: Maipapaliwanag ang iba’t ibang
katangiang pisikal ng daigdig;
Skills: Makagagawa ng graphic organizer ukol
sa mga teoryang may kinalaman sa mga
kontinente ng daigdig;
Attitude: Mauunawaan ang kahalagahan ng
pag-aaral sa mga mga katangiang pisikal ng
daigdig.
Mahalagang Tanong:

Paano mapakikinabangan ng tao ang


iba’t ibang anyong lupa sa mundo?
Mahalagang Konsepto:
Mga Pisikal na Katangian ng Mundo

Mga Anyong Lupa


Kontinente - Ang malaking bahagi ng lupa sa
mundo ay tinatawag na kontinente. May pitong
kontinente sa mundo. Ito ay ang mga Asia,
Africa, North America, South America, Antarctica,
Europe, Australia o Oceania
Pulo o isla - mga lupa na mas maliit
kaysa kontinente, napaliligiran ito ng
tubig. Matatagpuan sa daigdig ang libo-
libong pulo.Karamihan sa mga ito ay
nasa may kanang bahagi ng Pasipiko.
Peninsula - isang malaking bahagi ng
lupa na napaliligiran ng tubig.
Tinatawag din itong tangway, dahil ang
isang bahagi nito ay nakarugtong sa
isang kontinente o sa isang malaking
masang lupa.
Isthmus - isang maliit na bahagi ng
lupa na nagdurugtong sa dalawang
malaking masa ng lupa.
Bundok – ang pinakamataas na anyong
lupa. Karaniwang nagtataglay ito ng taas na
2,000 talampakan o 600 metro mula sa
ibabaw ng dagat. Ang Mt. Everest na bahagi
ng bulubundukin ng Himalayas sa Asya ang
pinakamataas sa buong mundo at may taas
na 29,020 talampakan.
Bulkan – Ang Pilipinas ay bahagi ng Pacific Ring of Fire.
Tinatayang 22 sa mahigit na 200 bulkan sa bansa ang
aktibo. Humigit-kumulang 850 ang akitibong bulkan sa
daigdig at 75% nito ay matatagpuan sa Ring of Fire.
Ang Pacific Ring of Fire ay isang sonang nagmumula
sa kanlurang baybayin ng America (mula Chile
hanggang Alaska) patungo sa silangang baybayin ng
Asya (mula Siberia hanggang New Zealand). Ang 20%
ng bulkan na matatagpuan sa Pacific Ring of Fire ay
nasa Indonesia. Ang iba naman ay matatagpuan sa
Japan, Aleutian Island, at Gitnang America.
Burol - maliit kumpara sa bundok. Ito ay
mga umbok ng lupa na karaniwang
matatagpuan sa mababang bahagi ng
kabundukan.
Kapatagan - malawak at patag na anyong
lupa.
Lambak - ang patag na lupain sa
pagitan ng dalawa o higit pang
bundok.
T
. alampas - mataas na lupa na patag
ang ibabaw
Disyerto - isang malawak na tuyo at
mabuhanging lupa.
 
Pagsasanay:
Sagutin ang mga sumusunod:

1. Isang malawak na tuyo at


mabuhanging lupa.
 
 

2. Malawak at patag na anyong lupa.


3. Ang pinakamataas na
anyong lupa.
4. Mataas na lupa na patag ang ibabaw
5. Ang malaking bahagi ng
lupa sa mundo
Sa mga nabanggit na anyong
lupa maliban sa kontinente,
saan mo pipiliin manirahan?
Bakit?
Salamat sa
Pakikinig!
Knowledge: Maipapaliwanag ang iba’t
ibang katangiang pisikal ng daigdig;
Skills: Makagagawa ng talahanayan
ukol sa mga anyong tubig sa daigdig;
Attitude: Mauunawaan ang
kahalagahan ng pag-aaral sa mga mga
katangiang pisikal ng daigdig.
Anyong Tubig: Mahalaga ang papel na
ginagampanan ng tubig sa buhay ng tao.
May mga tao na dito kumukuha ng
ikinabubuhay tulad ng pangingisda.
Mahalaga rin ang tubig sa
transportasyon kaya naman
instrumento ito sa pakikipag-ugnayan
ng mga bansa sa isa’t isa.
Mga Anyong Tubig
Karagatan – pinakamalawak ang saklaw sa
lahat ng anyong tubig.
Lawa – ay malawak na anyong tubig na
nakukulong ng lupa. Ito ay nabubuo kung ang
lebel ng tubig ay mas mababa sa nakapaligid
na lupa. Mainam itong pangisdaan at
napagkukunan ng iba pang yamang dagat.
Dinadaluyan ito ng tubig na nagmumula sa
ilog o sapa.
Uri ng Lawa:
Lawang Alat (hal. Caspian Sea at Dead Sea)
Lawang Tabang
Look – ito ang anyong tubig na nasa
baybayin ng isang kalupaan na
karugtong ng karagatan o dagat.
Mga hal. Look ng Maynila, look sa
Subic.
Golpo – higit na mas malaki ang golpo
kaysa look kahit na mas napaliligiran ang
golpo ng lupain. Maganda rin itong
pagkuhanan ng kabuhayan dahil maraming
isda ang matatagpuan ditto. Samantala sa
Albay Gulf ay makikita naman ang
naglalakihang butanding sa katubigan ng
Donsol, Sorsogon. Dahil sa Butanding na
ito naging kilala ng mga turista ang lugar.
Ilog – isang bahagi ng tubig na dumadaloy
mula sa mataas tungo sa higit na
mababang lebel tulad ng lawa. Ang ilan sa
malalaking ilog sa daigdig ay nagsisimula
sa malalaking hanay ng kabundukan at
nagwawakas sa mga karagatan at dagat.
Naging makasaysayan ang ilang mga ilog
sapagkat dito nagsimula ang sibilisasyon.
GAWAIN: Kumpletuhin ang tsart.
Anyong Tubig Mga Halimbawa
Karagatan  

Lawa  

Look  

Golpo  

Ilog  
Klima at Panahon
 Klima ay ang pangkalahatang kalagayan ng
panahon sa isang lugar sa loob ng maraming taon.
Panahon ay kalagayan ng hangin, ulan, at
temperatura sa atmospera sa anumang oras at
lugar.
Ang klima ay mahalagang elemento sa buhay ng
tao, hayop, at halaman. Ang bawat isa ay
nabubuhay batay sa temperatura na naangkop sa
kanila.
Ang lokasyon ng lugar o bansa batay sa latitud at
ang layo nito sa ekwador ang dahilan ng pag-iiba-iba
ng klima. Ang lugar na malapit sa ekwador ay
nakatatanggap ng higit na sinag ng araw kaya mainit
ang klima rito. Ang mga lupain na nasa mataas na
latitud o rehiyong polar ay karaniwang malamig ang
klima. Ang mga lugar naman na nasa gitnang latitud,
sa pagitan ng rehiyong tropiko at polar ay
nagtataglay ng katamtamang klima.Ang temperatura
ng hangin at ang presipitasyon ang dalawang
pinakamahalagang salik na nagtatakda sa klima.
Limang Klasipikasyon ng Klima
1.Tropikal
2.Tuyo
3.Katamtaman at Mahalumigmig
4.Snowy Forest
5.Polar
 Likas na Yaman
Ang Likas na Yaman ay hinubog ng kalikasan at ginagamit ng
mga tao. Ito ay bahagi ng kapaligiran .
 2 Uri ng Likas na Yaman
Biotic – nakukuha sa biosphere tulad ng gubat, hayop,
at mga bagay na maaaring makuha sa kanila: fossil na
panggatong, uling, at petroleum ay kabilang din
Abiotic – nagmula sa mga walang buhay na material
tulad na materyal tulad ng lupa, tubig, hangin, at
mabibigat na metal gaya ng ginto, pilak, at tanso
 

Para sa ibang heograpo, maaaring uriin ito na:


Renewable – likas na yaman na organiko na
maaaring mapalitan sa pagdaan ng panahon tulad ng
mga punongkahoy.
Nonrenewable – mga likas na yaman mula sa lupa at
may limitadong suplay. Hindi rin ito maaaring
mapalitan. Hal. mga mineral tulad ng ginto.
Mga Likas na Yaman at Gamit:
Hangin – kailangan ng lahat ng may buhay para sa paghinga. Sa hangin din
nakukuha ang enerhiya (wind energy)
Mga Halaman at Hayop – ginagamit ang mga ito bilang tagatustos ng
pagkain, pananamit, silungan, at gamot. Ang mga hayop tulad ng kabayo ay
nagsisilbing transportasyon. Sa mga halaman nagmumula ang mga
panggatong. Ang mga tuyong dahon at dumi ng mga hayop ay ginagamit
bilang pataba.
Lupa – pangunahing pinagmumulan ng nutrisyon ng mga halaman. Tahanan
din ito ng maraming organismo.
Solar – ang enerhiyang solar ay malaki ang naitutulong sa mga paaralan,
sa mga ospital, sa agrikultura, sa mga tahanan, at maging sa negosyo.
Punongkahoy – gamit bilang material sa konstruksiyon. Gamit sa paggawa
ng mga kasangkapan, muwebles, at mga kagamitang pang-sports.
Tubig – gamit sa tahanan, agrikultura, transportasyon, at industriya.
Exploration:
Bigyan kahulugan o mensahe ang mga sumusunod na larawan:

____________________ _________________ _______________ ____________________


Ang heograpiyang pantao ay isa sa mga
sangay ng heograpiya na tinutukoy ding
kultural na heograpiya. Ito ay tumutukoy sa
mga pag-aaral sa mga aspektong kultural na
matatagpuan sa daigdig; ang paraan ng
interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran;
kung paano niya ito binabago at kung paano rin
siya nababago o naaapektuhan ng kalikasan.
Ang kultura ng mga rehiyon sa daigdig ay walang
malinaw na hangganan. Sa ganitong kadahilanan,
gumagamit ang mga heograpo ng iba’t ibang pananaw
upang maipakita ang mga kultural na rehiyon at ang
mga bansang kabilang dito. Pinag-aaralan dito ang
relihiyon, wika, medisina, ekonomiya, politika, mga
lungsod, populasyon, kultura na maaaring magbigay-
liwanag kung bakit kumikilos ang mga tao sa isang
lugar tulad ng ginagawa sa kanilang buhay.
Wika – ito ang tanda ng kultura. Kapag wala ito,
hindi magkakaroon ng ugnayan ang mga tao. Hindi
nila maipapasa ang kanilang kaalaman o paniniwala sa
mga susunod na henerasyon. Lahat ng kultura ay may
wika, bagama’t hindi lahat ng kultura ay may sistema
ng panulat.
Sinasalamin ng wika ang pagkakakilanlan sa kultura.
Kadalasan ang mga taong magkapareho ng wika ay
may pareho ring kaasalan at paniniwala. Ang ilan sa
mga wika na ginagamit sa kasalukuyang panahon ay
ang Chinese, English, Hindi, Russian, Spanish,
Arabic, at German.
 

Sining at Panitikan – nagbibigay-aliw ang mga


produkto ng imahinasyon ng tao tulad ng
sining, musika, at panitikan. Ipinapakita rin
nito ang kultura at mga pagpapahalaga ng mga
tao. Ang mga kuwentong-bayan o folk tales ay
bahagi ng kultura ng mga tao. Isinasalin ito sa
iba’tibang henerasyon.
Relihiyon – ito ay isang organisadong paraan ng
pagsamba sa isang bagay na ispiritwal o kaisipan
nasa buhay. Ilan sa mga pangunahing relihiyon sa
mundo ay: Hudaismo, Kristiyanismo, Islam,
Hinduismo, Budismo, at Confucianismo.
Iba-iba ang paniniwalang pangrelihiyon ng mga tao---
ang paniniwala sa iisang Diyos ay tinatawag na
monoteismo at ang pananampalataya sa maraming
diyos ay tinatawag na politeismo. Ang mga dasal at
ritwal sa relihiyon ay iba-iba rin.
Estrukturang Panlipunan –ito ay nakatutulong
upang matugunan ng mga tao ang kanilang
pangunahing pangangailangan.
Family Pattern – ang pamilya ang
pinakamahalagang yunit ng lipunan. May
dalawang karaniwan na uri ng pamilya: nukleyar
at extended
Antas ng mga Tao – ito ay batay sa estado ng
pamumuhay sa lipunan. Ang ranggo ay maaaring
batay sa taglay na salapi, trabaho, edukasyon,
lahing pinagmulan, at iba pang salik na
pinahahalagahan ng isang kultura.
Gobyerno – ang anyo ng gobyerno sa isang
lipunan ay sumasalamin sa uri at pagpapahalaga
sa kultura ng isang lugar.

You might also like