You are on page 1of 18

8

Department of Education
National Capital Region
SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Kasaysayan ng Daigdig
Unang Markahan – Modyul 2
Natatanging Kultura ng mga Rehiyon, Bansa at
Mamamayan sa Daigdig kabilang ang iba’t ibang
Lahi, Pangkat-etnolinggwistiko at Relihiyon sa
Daigdig

Manunulat: Hazel H. Carpio

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin Natatanging Kultura ng mga Rehiyon,
Bansa at Mamamayan sa Daigdig
1

Alamin

Sa modyul na ito ay ipagpapatuloy ang pagtalakay tungkol sa heograpiyang


pisikal ng daigdig at gayundin ay susuriin ang heograpiyang pantao (human geography)
at ang mga saklaw nito gaya ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig.

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ikaw ay:


napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at
mamamayan sa daigdig kabilang ang iba’t ibang lahi, pangkat
etnolinggwistiko at relihiyon sa daigdig.
1. nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig;
2. nalalaman ang mga kilalang anyong-lupa, anyong tubig at klima
sa mundo;

Subukin
Gawain1. Pagpapangkat ng mga salita!
Suriin ang mga salita sa loob ng kahon. Ilagay sa unang hanay ang salitang kaugnay sa
Heograpiyang Pisikal at sa ikalawang hanay naman ang may kaugnayan sa
Heograpiyang Pantao.

Mt. Everest Kristiyanismo Austronesian Tropikal

Islam Sahara Desert Filipino

Pacific Ocean Mandarin Amazon


Rainforest

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Heograpiyang Pisikal Heograpiyang Pantao

Balikan

Sa unang modyul ay tinalakay ang dalawang paraan sa pagtukoy ng lokasyon ng


isang lugar, ang Lokasyong Absolute at Relatibong Lokasyon. Ang paggamit ng mga
imahinasyong guhit tulad ng latitude line at longitude line na bumubuo sa grid at ang
pagkukrus ng dalawang guhit na ito ang tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan o
Absolute na lokasyon ng isang lugar sa daigdig. Ano nga ba ang mga terminong ito na
ginagamit sa mapa o globo? Susubukin ang iyong kaalaman sa mga nakahandang
gawain sa ibaba.

Gawain 2. Mga Termino sa Globo, Alam ko!


Basahin mo ang mga konsepto sa bawat bilang at lagyan mo ng kung ito ay
lubos mo na nauunawaan at kung kailangan pang malinang o madagdagan ang
iyong kaalaman tungkol dito.
_______1. Ang Equator ang humahati sa globo sa hilaga at timog hemisphere o
hemispero. Ito rin ay itinatakdang zero degree latitude.
_______2. Ang Prime Meridian na nasa Greenwich sa England ay itinatalaga bilang zero
degree longitude. Ito rin ang humahati sa globo sa silangan at kanlurang hemispero.
_______3. Tinatawag na latitude ang distansyang angular sa pagitan ng dalawang
parallel patungo sa hilaga o timog ng equator.
_______4. Longitude ang tawag sa distansiyang angular na nasa pagitan ng dalawang
meridian patungo sa kanluran ng Prime Meridian.
_______5. Ang 180 degrees longitude mula sa Prime Meridian, ay tinatawag naman na
International Date Line na matatagpuan sa kalagitnaan ng Pacific Ocean. Nagbabago
ang pagtatakda ng petsa alinsunod sa pagtawid sa linyang ito, pasilangan o
pakanluran.

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Upang mas maliwanagan ka ay suriin mo ang mga imahe sa ibaba.

Lines of latitude and Lines of Longitude Image: Djexplo


– Wikimedia Commons

Tanong:
1. Ano-ano pa ang mga espesyal na guhit na nakikita mo sa globo?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, ano ang gamit ng mga espesyal na guhit na ito?
______________________________________________________________________

Tuklasin
Malaki ang bahaging ginagampanan ng klima, mga anyong-lupa, anyong tubig at
likas na yaman sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao mula noon hanggang ngayon. Ang
mga susunod mong babasahin at sasagutang gawain ay magpapakilala sa iyo sa mga
katangiang ito ng ating daigdig.

Ang Klima
Malaking bahagi ng ating planeta ay may kaayaayang atmospera at sapat na
sinag ng araw, init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman
at hayop sa balat ng lupa.
Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang
rehiyon o lugar sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga
klima sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude
at gayon din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa sea level.
Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na sinag
ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming habitat o likas
na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at hayop ang matatagpuan

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest, coral reef, at mangrove
swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa isang pook,
tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga halaman at hayop dito.
Ganito rin ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon.

Gawain 3. Klima ng ilang lugar, tuklasin!


Magsaliksik ng mga impormasyon tungkol sa klima at yamang-likas (hayop o
halaman) ng mga lugar na nakatala sa ibaba. Magbibigay ng ilang mga impormasyon
tungkol sa lokasyon ng mga lugar at maaari ding kumuha ng ideya mula sa mga
nabasang teksto sa modyul at sa mapa ng daigdig o kaya ay magtanong sa mga may
alam sa lugar na nasa ibaba.
1. Indonesia (malapit sa Equator at Pilipinas)
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
2. Saudi Arabia (isang peninsula at malayo sa mga karagatan)
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
3. Greenland (nasa mataas na latitude sa hilagang hemispero malapit sa Arctic Ocean)
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
4. New Zealand (nasa timog-silangan ng Australia gitnang latitude sa timog hemispero)
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Ang mga Kontinente


Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng
daigdig. May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan
ng katubigan.
Continental Drift Theory ni Alfred Wegener isang German researcher.
240 milyong taon – Mayroon lamang isang super continent na tinawag na
Pangaea na pinaliligiran ng karagatang tinawag na Panthalassa Ocean.
200 milyong taon – Nagsimulang maghiwalay ang kalupaan ng Pangaea
hanggang sa mahati sa dalawa: Laurasia sa Northern Hemisphere at
Gondwana sa Southern Hemisphere.
65 milyong taon – Nagpatuloy ang paghihiwalay ng mga kalupaan. Mapapansin
ang India na unti-unting dumidikit sa Asya.
Sa kasalukuyan – Unti-unti ang paggalaw ng mga kontinente.Tinatayang 2.5
sentimetro ang galaw ng North America at Europe bawat taon.

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
May pitong kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Europe, North
America, South America at Australia. Sa mga estadistika, karaniwang isinasama sa
Australia ang Oceania na tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at
Polynesia.

Asya - Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya. Sinasabing ang sukat nito ay
mas malaki pa sa pinagsamang lupain ng North at South America, o sa kabuuang
sukat ng Asya ay tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng
daigdig. Nasa Asya rin ang China na may pinakamalaking populasyon sa daigdig at ang
Mt. Everest na pinakamataas na bundok sa pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal at
Tibet sa China.

Africa – Nagmumula sa Africa ang malaking suplay ng ginto at diyamante. Naroon din
ang Nile River na pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang Sahara Desert, na
pinakamalaking disyerto. Ang Africa ang nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung
ihahambing sa ibang mga kontinente.

North America - Ang North America ay may hugis na malaking tatsulok subalit
mistulang pinilasan sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dalawang
mahabang kabundukan ang matatagpuan sa kontinenteng ito – ang Appalachian
Mountains sa silangan at Rocky Mountains sa kanluran.

South America - Gayundin, ang South America ay hugis tatsulok na unti-unting


nagiging patulis mula sa bahaging equator hanggang sa Cape Horn sa katimugan. Ang
Andes Mountains na may habang 7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop sa kabuuang
baybayin ng South America.

Antarctica – Samantala, ang Antarctica ang tanging kontinenteng natatakpan ng yelo


na ang kapal ay umaabot ng halos 2 km. (1.2 milya). Dahil dito, walang taong
naninirahan sa Antarctica maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral dito.
Gayunpaman, sagana sa mga isda at mammal ang karagatang nakapalibot dito.

Europe - Samantala, ang laki ng Europe ay sangkapat (1/4) na bahagi lamang ng


kalupaan ng Asya. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak
na halos 6.8% ng kabuuang lupa ng daigdig.

Australia - Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit


sa daigdig. Napalilibutan ito ng Indian Ocean at Pacific Ocean, at inihihiwalay ng
Arafura Sea at Timor Sea. Dahil sa mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalay ng
Australia bilang isang kontinente, may mga bukod tanging species ng hayop at halaman
na sa Australia lamang matatagpuan. Kabilang dito ang kangaroo, wombat, koala,
Tasmanian devil, platypus, at iba pa.

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Talahanayan 1.1 Ilang Datos tungkol sa Pitong Kontinente
Continent Population (2020) Area (Km²) No. of Countries

Asia 4,637,747,800 44,579,000 48

Africa 1,337,887,000 30,370,000 54

Europe 747,598,300 10,180,000 44

North America 591,693,100 24,709,000 23

South America 430,463,100 17,840,000 12

Australia at Oceania 42,632,000 8,600,000 14

Antarctica No permanent 14,000,000 0


population

Kung titingnan ay may bilang na 195 ang lahat ng bansa sa mundo ngayon ngunit
maari ring sabihin na ang kabuuang bilang ng mga itinuturing na independent na
estado ay 197, kasama ang 193 na opisyal na kinikilalang miyembro ng United Nations,
ang Vatican City at Palestine na may status na permanenteng observers sa UN, at ang
dalawang estado, ang Kosovo na kinikilala ng 98 UN members at ang Taiwan na
kinikilala ng 15 bansa miyembro ng UN.
Ang malawakang hangganan ng Asya, North America, at South America ay
matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. Tinatawag itong Ring of Fire dahil matindi ang
pagputok ng bulkan at paglindol sa rehiyong ito bunga ng pag-uumpugan ng mga
tectonic plate o tipak ng crust ng daigdig kung saan nakapatong ang mga naturang
kontinente.

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sa kasaysayan, tinatayang may 540 bulkan na ang pumutok at 75% sa mga ito
ay nasa Pacific Ring of Fire Samantala, ilan sa mga bansang labis na napinsala ng
malalakas na lindol ang China noong 1556 (830,000 ang namatay) at 1976 (242,000
ang namatay); Japan noong 1923 (143,000 ang namatay); Sumatra noong 2004
(227,898 ang namatay); at Haiti noong 2010 (222,570 ang namatay).

Gawain 4. Kontinente Challenge!


Sagutin ang mga tanong tungkol sa mga kontinente.
1. Ano ang pinakamalaking kontinente batay sa lawak at populasyon? _________________
2. Anong kontinente ang may pinakamaraming bansa? ___________________
3. Anong kontinente ang pinakamaliit at may bukod tanging mga species ng hayop at
halaman na doon lamang makikita? _____________________
4. Anong kontinente ang hindi maaaring gawing permanenteng tirahan ng tao dahil ang
pagkasira nito ay delikado para sa buong mundo? ___________________
5. Anong kontinente matatagpuan ang dalawang malalaking bansa na Canada at
Estados Unidos? _____________________
6. Anong kontinente ang pang-apat sa pinakamalaki pagdating sa sukat at may hugis
na tatsulok at nagiging patulis patungo ng timog hemispero? ____________________
7. Anong kontinente ang ikalawa sa pinakamaliit batay sa lawak ngunit narito rin ang
maraming mayayamang bansa sa mundo? __________________
8. Sa Africa makikita ang pinakamalaking disyerto sa mundo. Ano ito?_______________
9. Ang Asya, North America at South America ay nakapalibot sa rehiyong madalas na
nararanasan ang malakas na paglindol at pagputok ng mga aktibong bulkan. Ano ang
tawag dito? _________________________
10. Nasa Europe ang pinakamaliit na estado sa mundo. Nandito ang Pope, ang
pinakamataas na pinuno ng Roman Catholic Church. Ano ang estadong ito?
___________________

Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig


Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. Sa
pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa kanilang kapaligiran.
Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng
daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga lambak ng
Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa.
Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit na
populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig ay
matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29,028 talampakan o 8,848 metro). Sa Africa,
pinakamataas ang Kilimanjaro (19,340 talampakan o 5,895 metro) at sa Europe, ang
Elbrus sa Russia (18,510 talampakan o 5,642 metro).
Matagal ding panahong apat na karagatan lamang ang kinilala sa daigdig:
Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic. Noong 2000 lamang itinakda ng International
Hydrographic Organization ang isang panibagong karagatan na pumapalibot sa
Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot hanggang 60° S latitude.

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Talahanayan 1.2: Mga Karagatan sa Daigdig

Karagatan Lawak Average na lalim Pinakamalalim na bahagi


(Kilometro (Kilometro (sa talampakan)
kwadrado) kwadrado)

Pacific Ocean 155,557,000 12,926 Mariana Trench, 35,840


talampakang lalim

Atlantic Ocean 76,762,000 11,730 Puerto Rico Trench, 28,232


talampakang lalim

Indian Ocean 68,556,000 12,596 Java Trench, 23,376


talampakang lalim

Southern Ocean 20,327,000 13,100 South Sandwich Trench


16,400 talampakang lalim

Arctic Ocean 14,056,000 3,407 Eurasia Basin, 17,881


talampakang lalim

Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim na bahagi ng daigdig,


pangunahin sa talaan ang Challenger Deep sa Mariana Trench na nasa kanlurang
bahagi ng Pacific Ocean. Iba pang malalim na trench Puerto Rico Trench sa Atlantic
Ocean, Java Trench sa Indian Ocean, at Eurasia Basin sa Arctic Ocean.
Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang napaliligiran
ng mga lupain. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South China Sea, Caribbean
Sea, at Mediterranean Sea.

Suriin

Heograpiyang Pantao
Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng wika,
relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa ibat-ibang bahagi ng daigdig.

Wika
Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng
pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. Nakapaloob ang
mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may
iisang pinag-ugatan. (Blando, et al p.31)
8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ayon sa Ethnologue dahil ang wika ay buhay at pabago-bago, sa kasalukuyan ay
mayroong 7,117 buhay na wika na nakapaloob sa 142 malalaking pamilya ng wika.
Buhay ang wika kung patuloy itong ginagamit ng mga pangkat ng tao.Suriin mo ang
susunod na talahanayan ng anim na pinakamalaking pamilya ng wika batay sa dami ng
nagsasalita at dami ng nakapaloob na lengguwahe.
Talahanayan 1.3 Language families by speaker population and language count, 2020
Language Family Number of Speakers Language Count

1. Indo-European 3.26 Billion 444

2. Sino-Tibetan 1.4 Billion 455

3. Niger-Congo 550 Million 1526

4. Afro-Asiatic 499 Million 366

5. Austronesian 326 Million 1227

6. Trans-New Guinea 4 Million 477

7. Others 1.04 Billion 2622


Pinagkunan: https://www.ethnologue.com Languages of the World, 2020

Gawain 5: Pamprosesong Tanong


1. Kung pagsasamahin ang bilang ng nagsasalita ng wikang Indo-European at Sino-
Tibetan, ilang bilyon ito aabutin? ____________________________________________________

2. Mandarin Chinese ang language na pinakamaraming native speakers at pangalawa


ang English. Saang pamilya ng wika kabilang ang Mandarin Chinese? Ang English?
_____________________________________________________________________________________

3. Ayon pa rin sa Ethnologue, 40% ng kabuuang bilang ng wika ngayon ay endangered


o nanganganib na mawala na. Bakit kaya ito nangyayari sa iyong palagay?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Gawain 6: Pabigkas na pagsasanay: Kumusta sa Pilipinas, Ano kaya sa iba?


Wika ang isa sa mabisang paraan ng pagkakaunawaan ngunit kung
napakaraming wika paano kaya? Ang simpleng greeting o pagbati ay daan sa mabuting
pakikipag-ugnayan. Tayong mga Pilipino ay kilala sa pagbati ng kumusta o kamusta.
Makikita mo sa tsart sa ibaba ang ilang halimbawa ng greetings mula sa ibang bansa o
lugar. Sanayin mo na bigkasin ito ng malakas.

KUMUSTA FILIPINO
ALOHA HAWAIIAN
ANYEONGHAESEYO KOREAN

9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
BONJOUR FRENCH
HOLA SPANISH
KONNICHIWA JAPANESE
NAMASTE HINDI/INDIA
CIAO ITALIAN
ASSALAM ALAIKUM ARABIC
NI HAO CHINESE

Isaisip
May iba-iba ring paraan o gesture ng pagbati ang mga tao. Marami ay nasanay
na sa pagbati ng Hello na gaya sa mga Amerikano kasabay ang pakikipagkamay o
handshake. Bumabati ang mga taga India ng Namaste na nakalagay ang kanilang
magkadaop palad na kamay sa harapan ng kanilang dibdib. Ang mga Hapon at Korean
ay yumuyukod habang sila ay bumabati samantalang ang mga Italian at Spanish
naman ay may kasamang paghalik sa pisngi ang paraan ng pagbati. Sa panahon
ngayon ng Covid-19 pandemic, isinusulong ng dating mayor Bayani Fernando at ngayon
ay kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina ang kanyang panukalang batas na
naglalayong gawing opisyal na “Bating Filipino” ang paglalagay ng kanang kamay sa
dibdib at dahan-dahang tutungo, ipipikit ang mga mata, at dahan-dahang itataas ang
ulo nang nakangiti. Alinsunod daw ito sa ating kultura.(https://news.abs-cbn.com-
news)

Pagnilayan
Gawain 7: Sumulat ng isang maikling sanaysay (short essay) hinggil sa “Bating Filipino”
na Panukalang Batas ni Rep. Bayani Fernando. Ibigay ang iyong opinyon kung
nararapat ba ito at kung naaayon ito sa kasalukuyang sitwasyon natin ngayon. Ilagay
ang iyong sagot sa papel.

Relihiyon
Mabibigyang-kahulugan ang relihiyon bilang kalipunan ng mga paniniwala at
ritwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang
nilalang o Diyos. Nagmula ito sa salitang religare na nangangahulugang “buuin ang
mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” Dahil sa mga paniniwalang
nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, ay nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa
kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.
Kahit ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala na
nagsisilbing-gabay sa kanilang pamumuhay. Ngunit hindi ito katulad ng mga relihiyon
sa kasalukuyan na may organisado at sistematikong mga doktrina. Sa kasaysayan ng
daigdig, naging malaki ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa buhay ng tao, bilang
indibidwal at kasapi ng isang lipunan. Naging malaking salik ito sa pagtatag at

10
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
pagbagsak ng mga kaharian, at pagkasawi ng maraming buhay. Dahilan din ito ng
pag-unlad at pag-iral ng mga kultura. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling
malaking bahagi ng buhay ng tao ang relihiyon.
Makikita sa graph ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang bahagdan ng dami
ng tagasunod ng mga ito.

Major Religious Groups, 2015

Religion Percent
Christianity 31.2%
Islam 24.1%
Hinduism 15.1%
Unaffiliated 14.1%
Buddhism 6.9%
Folk Religion 5.7%
Other religions, Jews 1.0%
Pinagkunan: https://www.pewresearch.org/fact-tank/2017/04/05

Lahi/Pangkat-etniko
Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging
paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang race o lahi
na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat. Maraming eksperto ang bumuo ng
ibat ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig, ngunit marami rin ang nagsabing
nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita rin ito ng maraming
diskriminasyon.
Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos
na nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay
pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kaya naman
sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilan.

Pagyamanin
Sa dalawang magkasunod na modyul ay lubusan mong naunawaan ang
heograpiyang pisikal at heograpiyang pantao ng daigdig batay na rin sa limang tema ng
heograpiya. Bilang isang mamamayan ng Marikina ay mainam na mas makilala mo ang
ating sariling lungsod.

11
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Gawain 8: Marikina ating hirang, kilalanin ng lubusan!

Basahin mo ang teksto at tukuyin ang heograpiyang pisikal at heograpiyang


pantao ng Marikina. Magbigay rin ng iyong repleksyon sa binasa. Isulat ang sagot sa
isang buong papel.

Ang Lungsod ng Marikina ay isang 1st class at highly urbanized na lungsod na


kabilang sa Metropolitan Manila. Ayon sa 2015 census ito ay mayroong kabuuang
450,741 o halos kalahating milyon na laki ng populasyon. Ang eksaktong lokasyon
ng Marikina ay nakalatag sa 14°39´N 121°06´E. Matatagpuan sa Eastern border ng
Metro Manila, pangunahin itong daanan patungo sa probinsya ng Rizal at Quezon.
Ang mga hangganan ng Marikina ay ang Quezon City sa Kanluran, Pasig at Cainta sa
Timog, Bayan ng San Mateo sa Hilaga, at Antipolo City sa Silangan. Matatanaw sa
Silangan nito ang magandang kabundukan ng Sierra Madre at dumadaloy sa
gitnang-kanlurang bahagi ng lungsod ang makasaysayang Marikina River. Ang
kabuuang lawak nito ay halos 21.5 kilometro kwadrado (km²) o 2,150 ektarya (ha).
Tropikal Monsoon ang klima sa lungsod at bagamat hindi rin nakakaligtas sa
natural na kalamidad gaya ng pagbaha dulot ng pag-apaw ng ilog ng Marikina
tuwing may malakas na pag-ulan at ang banta ng lindol bunga ng presensya ng West
Valley fault System sa Marikina ay hindi ito hadlang sa patuloy na pag-unlad ng
lungsod mula pa noon. Makulay ang kasaysayan ng Marikina simula nang itinatag
ng mga Jesuits sa matabang lupa/lambak ng Marikina noong 1630. Dating kasama
sa probinsya ng Rizal, humiwalay at naging bahagi ng Metro Manila at naging ganap
na lungsod noong Disyembre 8,1996. Sa kasalukuyan ito ay binubuo ng 16 na
baranggay na nahahati sa dalawang distrito.
Tagalog ang pangunahing lengguwahe sa Marikina at ginagamit din ang
English sa komersyo at edukasyon. Karamihan ng mamamayan ay Roman Catholic
bagamat meron din iba pang Faith o pananampalataya. Patuloy din ang migrasyon
ng iba pang ethnic groups mula sa ibang bahagi ng bansa. Ang Marikina ang
pinakamalaking manufacturer ng kalidad na sapatos sa bansa na ini export din kaya
naman tinagurian itong “Shoe Capital of the Philippines”. Sa ngayon ay nakakalat
ang pinagkukunan ng kita ng lungsod sa patuloy na pagdami ng mga Industrial at
Commercial Centers sa ibat-ibang barangay.

Bukod sa masasarap na lutuin o cuisine at makulay na mga festivities gaya ng


Rehiyon –Rehiyon festival, ay maipagmamalaki din ang taglay na disiplina ng mga
Marikeño, ang katatagan sa harap ng mga pagsubok, gayundin ang mahusay na
pamamalakad ng mga lokal na pinuno ng Marikina na patuloy na nagpapakilala sa
atin bilang World-Class na siyudad sa Pilipinas.
(pinagkunan: www.marikina.gov.ph)

12
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Gawain 9: Panalangin ko para sa ating mundo!

Gawain 9: Sumulat ng maikling panalangin ng pasasalamat sa Panginoon sa binigay


niyang kahanga-hangang daigdig. Isaalang-alang mo ang biyayang mayroon ka sa
kasalukuyan.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Isagawa
Sa iyong pag-aaral ng heograpiyang pantao ay mahalaga na naunawaan mo ang
ating pagkakaiba-iba (diversity) ng kultura, wika, lahi/pangkat-etniko at maging sa
ating relihiyon o pananampalataya. Nararapat lamang na matuto kang tanggapin at
ipagdiwang ang pagkakaiba-iba na mayroon tayo para sa pagsulong ng higit na
pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayan sa mundo. Upang mapagtibay ito,
gagawin mo ang proyekto sa ibaba.

Gawain10: Multicultural Paper Doll!

Gamit ang cardboard o anumang lumang kahon, mga pangkulay, at iba pang
materyales gaya ng tela ay maaari kang gumawa ng isang paperdoll na maaaring
magpakita ng heograpiyang pantao ng isang bansa na iyong napili .Iguhit mo ang iyong
paperdoll na may suot na kasuotan na nagpapakilala ng kanyang kultura at may
nakasulat na salita o simbolo/bagay na tumutukoy sa kanyang lahi, wika at relihiyon.
Maari mong maging gabay ang halimbawa sa ibaba.
Maging handa ka na magbigay ng paliwanag tungkol sa nabuo mong proyekto.

Rubrik sa pagmamarka ng Multicultural paperdoll

Pamantayan Deskripsyon Puntos


Nilalaman Ang mga nakasulat na konsepto o simbolo sa kasuotan ay 10
angkop sa heograpiyang pantao ng napiling bansa
gayundin ang paliwanag sa nabuong proyekto.

Disenyo Ang kabuuang disenyo ng paperdoll ay angkop at maganda 10


ang presentasyon.

Pagkamalikhain Gumamit ng malikhain at makukulay na materyales sa 5


paggawa ng paper doll.

25

13
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin

Piliin ang letra na hindi kasama sa pangkat.


1. a. Amazon b. Atlantic c. Indian d. Pacific
2. a. Baikal b. Bering c. Caribbean d. Mediterranean
3. a. Elbrus b. Everest c. Kilimanjaro d. Sahara
4. a. Huang Ho b. Indus c. K-2 d. Nile
5. a. Africa b. Antarctica c. Europe d. Greenland
6. a. Kangaroo b. Koala c. Platypus d. Tarsier
7. a. Andes b. Appalachian c. Himalayas d. Yangtze
8. a. Austronesian b. Hinduismo c. Islam d. Kristiyanismo
9. a. Budismo b. Indo-European c. Niger-Congo d. Sino-Tibetan
10. a. Anyeonghaeseyo b. Gracias c. Hola d. Konnichiwa

Sanggunian
Kasaysayan ng Daigdig ni Rosemarie C. Blando etal pp. 18-34
Araling Panlipunan – Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2014, ISBN: 978-971-9601-67-8

Website
Wikimedia Commons, “Lines of Latitude and Lines of Longitude djexplo”
books.lardbucket.org, 2012 “regional- geography-of-the-world”
countries-ofthe-world.com
ethnologue.com, 2020 “Languages of the World”
pewresearch.org, 2017, Religion
Marikina.gov.ph, “Marikina”
news.abs-cbn.com-news, 2020,”Bating Filipino”

14
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
City of Good Character
15
Subukin. Gawain1
HeograpiyangPisikal Heograpiyang Pantao
Mt. Everest Kristiyanismo
Tropikal Austronesian
Sahara Desert Islam
Pacific Ocean Filipino
Amazon Rainforest Mandarin
Balikan:Gawain 2
Mga termino sa globo, alam ko!
Answer may vary- depende sa mga konseptong alam na at hindi pa gaanong alam ng mga mag-aaral. Dito maaaring
matukoy ng guro ang paksang kanyang pagtutuunan ng pansin.
Tanong:
1.Ano pa ang mga espesyal na guhit na nakikita ninyo sa globo?
Arctic Circle, Tropic of Cancer, Tropic of Capricorn, Antarctic Circle
2. Sa iyong palagay, ano ang gamit ng mga espesyal na guhit na ito?
Ang mga imahinasyong guhit na ito ay makatutulong sa pagtukoy ng klima ng ibat-ibang
lugar sa mundo.
Tuklasin: Gawain 3
Klima ng ilang lugar, tuklasin!
1.Indonesia - Tropikal ang klima ng Indonesia gaya ng Pilipinas dahil sa lokasyon nito nakalatag malapit sa Equator,
may natatanggap ding sapat na sikat ng araw at ulan.
2. Saudi Arabia - mataas ang temperatura at mainit ang kadalasang klima ng Saudi Arabia dahil napapalibutan ito ng
disyerto (desert climate) malayo sa mga karagatan at halos walang ulan.
3. Greenland - Arctic ang klima ng Greenland. Ang average na temperatura ay hindi tataas sa 10 digri celsius kahit na
sa summer ito'y dahilsa posisyon nito sa mataas na latitud malapit sa Arctic.
(visitgreenland.com)
4.NewZealand - Sa kabuuan, ang New Zealand ay may temperate o katamtamang klima na mayroong apat na panahon
(four season pattern) dahil sa lokasyon nito sa gitnang latitud. (www.discovernewzealand.com)
Gawain 4: Kontinente Challenge
1.Asya
2. Africa
3.Australia
4. Antarctica
5. North America
6. South America
7. Europe
8. Sahara Desert
9. Pacific Ring of Fire
10. Vatican City
Suriin: Gawain 5: Pamprosesong tanong
1. 3.26B(IndoEuropean) + 1.4B(SinoTibetan) = 4.66 Billion speakers
2. Mandarin Chinese kabilang sa SinoTibetan at English kabilang sa IndoEuropean na pamilya ng wika
3. Maaring mawala ang isang wika kung ito ay hindi na patuloy na nagagamit ng mga tao
Susi ng Pagwawasto
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
City of Good Character
16
Gawain 6: Pabigkas na Pagsasanay (Oral Drill)
Hihikayatin ng guro ang mga mag-aaral na bigkasin ng tama ang mga sumusunod na greetings o pagbati sa ibat-ibang
wika. Makakatulong kung ang guro muna ang unang bumigkas nito.
Gawain 7: Maikling Sanaysay hinggil sa “Bating Filipino” na panukalang batas ni. Rep. Bayani Fernando.Maaring
bigyan ng 10 puntos ng guro ang maayos at magandang paliwanag/essay
Pamprosesong tanong sa Relihiyonat Pangkat-etniko:
1. Nagiging batayan ng pagkilos ng tao sa pang-araw-araw ang mga paniniwala at tradisyon na kaugnay ng kanyang
kinikilalang relihiyon (Hal. ang hindi pagkain ng mga kapatid nating muslim ng karne ng baboy ay dahil sa kanilang
paniniwalang panrelihiyon.)
2. Ang ilang malalaking pangkat-etniko sa Pilipinas ay Tagalog,ilokano, Pangasinense, Kapampangan,Cebuano,
Waray, Ilonggo,Bicolano,Maranao,Tausug, Aeta,Mangyan atbp.
Pagyamanin: Gawain 8 Marikina ating hirang,kilalanin ng lubusan
Heograpiyang Pisikal ng Marikina
sa parteng ito isusulat ng mag-aaral mula sa binasa ang mga datos tungkol sa:
eksaktong lokasyon ng Marikina, mga border o hangganan, anyong lupa at tubig, lawak, klima gayundin ang uri ng
topograpiya at faultline system.
Heograpiyang Pantao Ng Marikina
dapat na maisulat ng mga mag-aaral dito ang datos tungko lsa:
populasyon ,katangian ng lungsod ( economic at political) wika o lengguwahe, relihiyon, ethnic groups, hanap-buhay
at pang-araw-araw na gawain at pagkakakilanlan ng mga taga Marikina.
Ang Repleksyon ng mga mag-aaral sa binasa ay maaaring magbigay focus sa kanilang paghanga at pagmamalaki sa
natatanging lungsod ng Marikina.
Isaisip: Gawain 1 Panalangin ko para sa ating mundo!
Maaring magbigay ang guro ng 10 puntos para sa maayos at magandang panalangin.
Isagawa: Gawain 10 Multicultural Paper Doll
gawing gabay ang Rubric sa pagmamarka ng proyekto
Tayahin: odd-man out (hindi kasali sa pangkat)
1. a
2. a
3. d
4. c
5. d
6. d
7. d
8. a
9. a
10. b
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Hazel H. Carpio (Guro, MHS)


Mga Tagasuri: Gemma P. Soneja (Guro, PHS)
Mita A. Abergos (Principal, CISSL)
Aaron S. Enano ( Superbisor, AP)
Tagaguhit: Ma. Gwendelene J. Corañez (Guro, PES)
Tagalapat: Ma. Gwendelene J. Corañez (Guro, PES)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

17
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like