You are on page 1of 62

Division of City Schools

MARGARITA ROXAS DE AYALA ELEMENTARY SCHOOL


Sta. Ana, Manila

WELCOME
to

AP CLASS
Ms.Angeli Christie F. Fajilan
Subject Teacher
Prayer
Panginoon, maraming Salamat po sa araw na ito, sa
mga biyayang aming natatanggap at sa buhay na
pinahihiram mo sa amin. Ipinapanalangin po namin
na kami po ay lagi Ninyong gabayan.Nawa’y ang
aming mapag-aaralan ngayon ay aming maunawaan
at maisaisip.
Amen!
Magandang
araw mga
bata!
Panunumpa sa
Watawat ng
Pilipinas
Panatang
Makabayan
Bilang Filipino
kami ay ______.
Attendance
Check
Class Rules

Magtaas ng Kamay
Maupo ng tuwid
Magkaroon ng
Makinig sa guro
RESPETO sa bawat isa
Aralin 1

Ang Kinalalagyan
ng Aking Bansa
LAYUNIN :
Naibibigay ang kahulugan ng Prime Meridian,
International Dateline, Ekwador, Polong Hilaga
at Polong Timog, Tropiko ng Cancer at
Capricorn , Kabilugan Artiko at Antartiko.
Nailalarawan ang lokasyon ng Pilipinas sa
mapa.
Naiguguhit ang mapa ng Pilipinas sa lokasyon
sa mapa/globo.
Ano-ano ang mga nasa larawan?
Saan natin ito makikita?
Ano-ano ang mga nasa larawan?
Saan natin ito makikita?
Dapat ba nating ipagmalaki
ang mga magagandang
tanawin an ito?Bakit?
Ano ang nasa larawan?
Kaya niyo bang hanapin ang ating
bansa sa mapa/globo?

Binubuo ito ng:


BATAYANG
HEOGRAPIYA
- mainam na simulan ang
pag-aaral ng lokasyon ng
Pilipinas sa pag-aaral ng
mapa ng daigdig.
Dalawang uri ng representasyon
ang maaring gamitin:
1. Mapa- isang patag ( flat) na
representasyon ng paglalarawan ng
anyo ng daigdig o iba pang mga lugar
na kakikitaan ng mga hangganan,
sukat o dibisyon ng kalupaan.
2. Globo- ito naman ang bilog
( Round) na representasyon ng
paglalarawan ng anyo ng daigdig na
kakikitaan din ng mga lokasyong
nakikita sa mapa. Maituturing na ang
globo ay replica ng planetang daigdig.
ANG MGA URI NG MAPA
Mapang Politikal
- nagpapakita ng
pagkakahati-hati ng mga
hangganan, kabisera,
lalawigan, lungsod at mga
kabayanan na kadalasang
ginagamit ng mga mag-aaral
upang lubos na maunawaan
ang kanilang mga aralin.
Mapang Pisikal
- ipinapakita ditto ang
mga lokasyon at uri ng
mga anyong lupa at
anyong tubig.
- 29 na bahagdan
( 29%) ang kalupaan
- 71% o tatlong kapat
( ¾) ang katubigan
Mapang Pang-ekonomiya
- nagpapakita ng mga
pinagkukunang yaman
at mga natatanging
produkto ng bawat
bansa sa mundo.
Mapa ng Daan
 nagpapakita ng
pangalan ng mga daan
o kalsada.
 Karaniwang ginagamit
ng mga taong gustong
matunton ang
eksaktong lugar na
kanilang pupuntahan.
Mapang Pangklima
- nagpapakita
kung anong uri ng
klima mayroon ang
isang lugar.
Mapang
Demograpiko
- Ipinapakita dito ang
bilang ng populasyon
o dami ng tao na
naninirahan sa isang
lugar.
ANG MGA GRID AT GUHIT
LATITUD AT LONGHITUD
Guhit Latitud
- ito ang mga pahalang na
guhit na nagpapatuloy
pabilog. Magkakapareho ang
sukat ng agwat o distansya.
Guhit Longhitud
- naman ang mga linyang
lumiliit ang distansya sa
hilaga at sa timog.
Grid
-nabubuo sa pagsasalubong ng
latitude at longhitud.
Nagpapadali sa tao na makita
ang eksaktong lokasyon ng
isang lugar.
Pangkatang
Gawain
 Hatiin ang klase sa apat na pangkat.
 Bigyan ng mapa/globo ang bawat
pangkat.
 Meron akong ipapakitang mga salita sa
“ screen” ang gagawin ninyo ay
hanapin ninyo ang bahaging ito sa
globo
 Ang pangkat na unang makahanap ay
Prime Meridian
Ang guhit na patayo na may
bilang na zero digri ay
tinatawag na Prime
Meridian.Ito ay naghahati sa
globo sa Silangan at kanlurang
hatingglobo.
International Date Line
Ang International Date Line ay
matatagpuan sa kabilang bahagi
ng globo, katapat ng Prime
Meridian. Ang international Date
Line ay batayan ng pagkakaiba
ng araw o petsa sa magkabilang
panig ng mundo.
Ekwador
Ang Ekwador ay ang pabilog na
guhit sa pinakagitnang bahagi ng
globo. Hinahati nito ang globo sa
dalawang hatingglobo-Hilagang
hatingglobo at timog hatingglobo. Ito
ay nakakatulong sa pagsabi kung
ang mga lugar sa mundo ay nasa
hilaga o nasa timog.
Polong Hilaga

Ang Polong Hilaga


( North Pole ) ang
pinakamlayong lugar
sa hilaga ng Ekwador.
Polong Timog
Ang Polong Timog
( South Pole) ay ang
pianakamalayong lugar
sa timog ng ekwador
Tropiko ng Cancer at Capricorn
Ang tropiko ng cancer at capricorn ay
ang putol-putol na guhit na kaagapay ng
ekwador. Ang espesyal na guhit sa 23 ½
digri hilaga ng ekwador ay tinatawag na
tropiko ng cancer. Ang guhit na nasa 23 ½
digri timog ng ekwador ay tinatawag na
tropic of capricorn
Kabilugang Antartiko at Artiko

Ang espesyal na guhit sa 66 1/2 digri


hilaga ng ekwador ay tinatawag na
arctic circle o kbilugang arktiko. Anga
espesyal na guhit 66 ½ digri timog ng
ekwador ay tinatawag na Antartic
Circle o Kabilugang Antartiko.
Relatibong Lokasyon ng Pilipinas
- Ang Pilipinas ay kabilang sa Asya. Ang bahaging
kinalalagyan nito ay ang Timog- Silangang Asya.
7 Kontinente
1. Hilagang Amerika
2. Timog Amerika
3. Europa
4. Africa
5. Australia
6. Antarktika
7. Asya
Dalawang Magkahiwalay na Rehiyon ng Timog
Silangang Asya
1. Peninsular ( Indo Tsina)- karugtong ng Timog
Tsina at hilagang silangan ng India. Ang mga bansang
matatagpuan dito ay ang:
a. Myanmar
b. Thailand
c. Malaysia
d. Cambodia
e. Laos
f. Vietnam
g. Singapore
2. Insular- ( Malay Arkipelago)
matatagpuan sa katimugan na binubuo ng
maraming kapuluan. Ang mga bansang
bumubuo nito ay:
a. Indonesia
b. Brunei
c. Pilipinas
d. East Timor
Taiwan- nasa hilagang bahagi ng
Pilipinas
Rehiyong Peninsular- nasa kanlurang
bahagi ng Pilipinas.
Indonesia- nasa timog na bahagi ng
Pilipinas
Karagatang Pasipiko- nasa silangang
bahagi ng Pilipinas.
“ Punan Natin’’
Ang Pilipinas ay nasa itaas ng ekwador.
Ito ay matatagpuan sa tropiko ng cancer.

Ang Pilipinas ay nasa bahaging


hilagang hating globo.
Ang Pilipinas ay nasa bahaging timog
silangan ng Asya.
TANDAAN
• Ang globo ay representasyon ng mundo.
• Ekwador ang tawag sa pabilog na guhit sa
pinakagitnang bahagi ng globo.Hinahati nito ang
globo sa dalawang hatingglobo,ang hilagang
hatingglobo at timog hatingglobo.
• Ang guhit na patayo na may bilang 0 digri ay
tinatawag na prime meridian
• Ang International date Line ay ang batayan ng
pagkakaiba ng araw at petsa sa magkabilang panig
ng mundo.
• Ang North Pole ang pinakamalayong lugar sa
hilaga.
• Ang South Pole ang pinakamalayong lugar sa
Timog.
• Tropic of cancer ang tawag sa espesyal na guhit
sa 23 ½ digri hilaga ng ekwador.
• Tropic of Capricorn ang tawag sa espesyal na
guhit sa 23 ½ digri Timog ng ekwador.
• Arctic Circle ang tawag sa espesyal na guhit sa 66
½ digri hilaga ng ekwador.
• Antartic Circle ang tawag sa espesyal na guhit sa
66 ½ digri Timog ng ekwador.
• Ang Pilipinas ay matatagpuan sa itaas ng ekwador,
Tropiko ng cancer , hilagang hatingglobo at sa
timog silangang asya.
PAGTATAYA
A. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:

1. Prime Meridian
2. Ekwador
3. International Date Line

B. Ilarawan ang kinalalagyan ng Pilipinas sa


globo . Punan ang Patlang.
Ang Pilipinas any natatagpuan sa itaas ng
(4)__________. Ito ay nasa
(5)______________ ng Asya.
Takdang-Aralin

Magdala ng mapang
pandaigdig.
“Yesterday was a History, Tomorrow is Thank you
a Mystery, and Today is a Gift that’s and God Bless
why it’s called Present.”
Everyone!
Gawain 2: “ Iguhit Mo ’’
 Hatiin ang klase sa apat na pangkat.
 Ipagawa ang nasa task card.
Task Kard:
1. Hanapin ang ating bansa sa globo.
2. Iguhit ang bahaging kinalalagyan ng Pilipinas.
3. Gawin ito sa loob lamang ng limang minuto
4. Gawing gabay ang rubriks.
5. Pumili ng tagapag-ulat na siyang maglalarawan
sa kinalalagyan ng Pilipinas sa globo
RUBRIKS
Batayan Mahusay na Mahusay Mahusay Hindi Mahusay
(5 puntos) (4-3 puntos) (2-1 puntos)

Pagkamalikhain Nakagawa ng isang Nakagawa ng isang Hindi naipakita ang


likhang sining sa likhang – sining sa pagkamalikhain sa
pinakamalikhaing malikhaing paraan. paggawa ng likhang-
paraan sining

Kalinisan at Kaayusan Malinis at maayos ang Malinis ngunit hindi Hindi malinis at
ginawang likhang- gaanong maayos ang walang kaayusan ang
sining pagkagawa ng ginawang likhang-
likhang-sining. sining.

Interpretasyon Naipaliwanag sa Naipaliwanag sa Hindi naipaliwanag


pinakamalinaw at maayos na paraan ang nang malinaw at
pinakamaayos na ginawang likhang- maayos
paraan ang ginawang sining.
likhang-sining

You might also like