You are on page 1of 13

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 6

Unang Markahan
(Explicit) Unang Linggo
June 04, 2019
( Day 1)

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman:
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas
sa globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang
pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sapag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino.
B. Pamantayan sa Pagganap:
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyung
pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo
C. Pamantayan sa Pagkatuto:
Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo sa globo at mapa batay sa
“absolute location” nito (longhitud at latitude) APGPMK- Ia-1

II. NILALAMAN:
Absolute/Tiyak na Lokasyon ng Pilipinas

III KAGAMITANG PANTURO :


A. Sanggunian:
MISOSA 4 Lesson 2, 5 and 7, CG APGPMK- Ia-1, BOW 2017
(MISOSA 6 Lesson 11-14) Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6 pahina 2-21
B. Mga Kagamitan: TV, Laptop, mapa

Saloobin: Pagbibigayan

Integrasyon: Mathematics, Science

IV. PAMAMARAAN :
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Gamit ang globo, ipaturo sa mga bata ang kinalalagyan ng Pilipinas at
magpabigay patunay na ang Pilipinas ay isang bansang Tropikal.
2. Pagganyak:
Ipakita ang isang dalandan sa mga bata at magtanong.
 Nakakain na ba kayo nito?
 Anong hugis meron ito?
 Katulad ba ng hugis ng mundo?
Ipakita ang globo at ipasuri ang mga likhang guhit.
 Makakatulong ba ito sa paghahanap ng isang lugar?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagmomodelo:
(Gallery Walk at Video Presentation) Suriing mabuti ang mga guhit.
Ang pahalang na guhit ng globo ay tinatawag na ekwador.
Ito ang humahati sa globo sa dalawang bahagi. Hatingglobo ang tawag sa dalawang
magkasinglaking bahagi ng mundo.
Hilagang hatingglobo ang bahagi mula sa ekwador patungong Polong Hilaga at
Timog Hatingglobo patungong Timog. Guhit Latitud ang kahanay na guhit ng ekwador.
Mga guhit nagmumula sa Pulong Hilaga patungong Timog ay guhit longhitud .
Digri ( “ ) ay ginagamit sa pagsukat ng layo ng isang lugar sa ekwador. Ang longhitud
na may (Ι) ay tinatawag na Prime Meridian. Dumaraan sa Greenwich, malapit sa
lungsod ng London, England.
Ang katapat na guhit ng Prime Meridian ay 180 longhitud na tinatawag na
International Date Line. Grid ay nabubuo kung pagsama-samahin ang mga guhit
latitude at guhit longhitud sa mapa o globo.

2. Pangkatang Gawain:
Suriin ng mabuti ang larawan tungkol sa globo at sagutin ang mga tanong.

(Task Card)
Pangkat – I

1. Anong bansa ang nasa 30:S Latitud at 30:H Longhitud?

Pangkat – II

2. Makikita ang bansang R sa pagitan ng __________ at __________ Hilagang Latitud.

Pangkat - III

1. Anong bansa ang nasa pagitan ng 45°H Latitud at 0°H Longhitud?

Pangkat - IV

2. Sa anong bansa na sa pagitan ng 15°S Latitud at 60°H Longhitud

3. Malayang Gawain
Sagutin ang mga tanong at pillin ang tamang titik.
1. Anong bansa ang nasa 50:K Latitud at 80:H Latitud at 15:H Longhitud
2. Sa anong bansa ang makikita sa pagitan ng 10: at 50:H Latitud at 15:S at
45:S Longhitud?
3. Anong bansa ang nasa pagitan ng 2:-25K Latitud at 4:-15:K Longhitud
4. Saan matatagpuan ang bansang YES?
5. Saan matatagpuan ang bansang LET?

4. Paglalahat:
Talakayin ang tungkol sa ginawang pangkatang gawain ng bawat grupo. Bakit
kinakailangang malaman natin ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo, sa globo, at
mapa batay sa absolute na lokasyon nito?
C. Pag-ugnay sa Pang-araw-araw na buhay
Alam ba ninyo ang tiyak na lokasyon ng bawat bahay ninyo?
D. Pagpasok ng Saloobin
Habang ginawa ninyo ang pangkatang gawain sa pagsuri ng tiyak na
lokasyon, ano ang mabuting asal ang ipinakita sa mga ka-grupo ninyo?

V. PAGTATAYA
Sagutin ang mga tanong at piliin ang tamang titik

1. Saan matatagpuan ang Palawan?


a. 123ᵒ at 124ᵒ H latitude at 8ᵒ at 12ᵒ S longhitud
b. 117ᵒ at 120ᵒ S longhitud at 7ᵒ at 12 ᵒ H latitud
c. 122ᵒ at 123ᵒ H latitude at 10ᵒ at 12ᵒ S longhitud
d. 118ᵒ at 121ᵒ S longhitud at 10ᵒ at 12ᵒ H latitud
2. Anong lalawigan ang nasa pagitan ng 122ᵒ at 123ᵒ S longhitud at pagitan ng 10 1/2ᵒ
at 11 3/4 ᵒ H latitud?
a. Aklan b. Capiz c. Iloilo d. Antique
3. Anong lalawigan ang nasa 122ᵒ at 122 1/3: S longhitud at 10 1/2ᵒ at 12: H latitud?
a. Aklan b. Capiz c. Iloilo d. Antique
4. Anong lalawigan ang nasa 122 3/4ᵒ at 123 1/2: S longhitud at 9ᵒ at 10 1/2ᵒ H
latitud?
a. Aklan b. Palawan c. Negros Oriental d. Negros Occidental

VI KASUNDUAN
Magdala ng mapa ng Pilipinas para sa susunod na aralin.

Puna
Pagninilay
 Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya.
 Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
 Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
 Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
 Alin sa mga istratehyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 6
JUNE 6, 2019
(Thursday)
(Explicit)
Unang Linggo
( Day 2 )

Pamantayang Nilalaman :
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas
sa globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang
pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sapag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino.
Pamantayan sa Pagganap:
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyung
pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo
Pamantayan sa Pagkatuto :
Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo sa lobo at mapa batay
sa“absolute location” nito ( longhitud at latitude)

I. LAYUNIN
1. Natutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas gamit ang mapang political
2. Napahahalagahan ang mga gamit ng mapa sa pagtukoy ng relatibong
lokasyon
3. Nagagamit ang mapa sa pagtukoy ng relatibong lokasyon ng bansa.

II. PAKSANG ARALIN:


Relatibong Lokasyon ng Pilipinas

Kagamitan : MISOSA 4 Lesson 2, 5 and 7, CG APGPMK- Ia-1, (MISOSA 6


Lesson 11-14), Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6 pahina 2-21

Saloobin: Pagkamakabansa

Integrasyon: Mathematics, Health

III. PAMAMARAAN :
A. Panimulang Gawain:
1. Balik- Aral:
Gamit ang globo, ipaturo sa mga bata ang kinalalagyan ng Pilipinas at magbigay
patunay na ang Pilipinas ay isang bansang Tropikal.
2. Pagganyak:
Ipakita ang isang dalandan sa mga bata at magtanong. Nakakain na ba kayo
nito? Anong hugis meron ito? Katulad ba ng hugis ng mundo? Ipakita ang globo at
ipasuri ang mga likhang guhit. Makakatulong ba ito sa paghahanap ng isang lugar?
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagmomodelo:
Ilahad ang aralin at ipabasa ang batayang aklat sa pahina 4-5.
Suriing mabuti ang mga guhit. Ang pahalang na guhit ng globo ay tinatawag na
ekwador. Ito ang humahati sa globo sa dalawang bahagi. Hatingglobo ang tawag sa
dalawang magkasinglaking bahagi ng mundo. Hilagang hatingglobo ang bahagi mula sa
ekwador patungong Polong Hilaga at Timog Hatingglobo patungong Timog. Guhit
Latitud ang kahanay na guhit ng ekwador. Mga guhit nagmumula sa Pulong Hilaga
patungong Timog ay guhit longhitud . Digri ( “ ) ay ginagamit sa pagsukat ng layo ng
isang lugar sa ekwador. Ang longhitud na may (Ι) ay tinatawag na Prime Meridian.
Dumaraan sa Greenwich, malapit sa lungsod ng London, England. Ang katapat na guhit
ng Prime Meridian ay 180 longhitud na tinatawag na International Date Line. Grid ay
nabubuo kung pagsama-samahin ang mga guhit latitude at guhit longhitud sa mapa o
globo. Naintindihan ba ninyo ang inyong binasa? Ano ang guhit latitud? Ano ang guhit
longhitud? Bakit mahalaga ang grid?

2. Pangkatang Gawain:
Suriin ng mabuti ang larawan tungkol sa globo at sagutin ang mga tanong.

Pangkat I - 1. Anong bansa ang nasa 30:S Latitud at 30:H Longhitud?


2. Makikita ang bansang R sa pagitan ng ___________ at ___________
Hilagang Latitud.
Pangkat II - 3. Anong bansa ang nasa pagitan ng 45:H Latitud at 0:H Longhitud?
4. Sa anong bansa na sa pagitan ng 15:S Latitud at 60:H Longhitud

Pangkat III - 1. Anong bansa ang nasa 50:K Latitud at 80:H Latitud at 15:H Longhitud
2. Sa anong bansa ang makikita sa pagitan ng 10: at 50:H Latitud at 15:S
at 45:S Longhitud?
Pangkat – IV 3. Anong bansa ang nasa pagitan ng 2:-25K Latitud at 4:-15:K Longhitud
4. Saan matatagpuan ang bansang YES?

3. Malayang Gawain:
Sagutin ang mga tanong at piliin ang tamang titik.
1. Saan matatagpuan ang Palawan?
a. 123ᵒ at 124ᵒ H latitude at 8ᵒ at 12ᵒ S longhitud
b. 117ᵒ at 120ᵒ S longhitud at 7ᵒ at 12 ᵒ H latitud
c. 122ᵒ at 123ᵒ H latitude at 10ᵒ at 12ᵒ S longhitud
d. 118ᵒ at 121ᵒ S longhitud at 10ᵒ at 12ᵒ H latitud
2. Anong lalawigan ang nasa pagitan ng 122ᵒ at 123ᵒ S longhitud at pagitan ng 10 1/2ᵒ
at 11 3/4 ᵒ H latitud?
a. Aklan b. Capiz c. Iloilo d. Antique
3. Anong lalawigan ang nasa 122ᵒ at 122 1/3: S longhitud at 10 1/2ᵒ at 12: H latitud?
a. Aklan b. Capiz c. Iloilo d. Antique
4. Anong lalawigan ang nasa 122 3/4ᵒ at 123 1/2: S longhitud at 9ᵒ at 10 1/2ᵒ H
latitud?
a. Aklan b. Palawan c. Negros Oriental d. Negros Occidental

4. Paglalahat:
Bakit kinakailangang malaman natin ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo, sa
globo, at mapa batay sa absolute na lokasyon nito?

IV. PAGTATAYA
Suriing mabuti ang mapa. Isulat sa patlang ang tinutukoy

______________1. Ang bansang makikita sa pagitan ng 31ᵒ at 45ᵒH latitud at 131ᵒ


at 145ᵒS longhitud.
______________2. Ang bansang makikita sa pagitan ng 16ᵒ at 28ᵒH latitud at 92ᵒ at
102ᵒS longhitud.
______________3. Ang bansang makikita sa pagitan ng 19ᵒ at 55ᵒH latitud at 74ᵒ at
135ᵒS longhitud.
______________4. Ang bansang makikta sa pagitan ng 23ᵒ at 26ᵒH latitud at 120ᵒ at
122ᵒS longhitud.
______________5. Ang bansang makikita sa pagitan ng 4ᵒ at 21ᵒH latitude at 116ᵒ a
at 127ᵒ S longhitud.

V. TAKDANG ARALIN:
Magdala ng mapa ng Pilipinas para sa susunod na aralin kinabukasan.

Puna
Pagninilay
 Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya.
 Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
 Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
 Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
 Alin sa mga istratehyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 6
Unang Markahan
JUNE 10, 2019
(Monday)
(4 A’s)
Unang Linggo
(Day 3)

Pamantayang Nilalaman :
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas
sa globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang
pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sapag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino.
Pamantayan sa Pagganap:
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyung
pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo
Pamantayan sa Pagkatuto :
Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo sag lobo at mapa batay
sa“absolute location” nito ( longhitud at latitude)

I. LAYUNIN
Nagagamit ang grid sa globo at mapang politikal sa pagpapaliwanag ng
pagbabago ng hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas batay sa kasaysayan.

II. PAKSANG ARALIN


Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng Pilipinas
Kagamitan : Globo at mapa ng Pilipinas,
Sanggunian : CG AP6PMK-Ia-2, LRMDS Portal (MISOSA 6 Lesson 11),
Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6, pahina 6-12

Saloobin: PAGKAMAKABANSA

Integrasyon: ESP, Filipino

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1.Balik-aral
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod
guhit latitude longhitud grid ekwador digri

2. Pagganyak
Ipabuo ang labu-labong letra
T-R-I-E-T-O-R-O-Y
Ano ang nabuo na salita at ano ang pagkakaintindi ninyo?
May hangganan ba ang ating teritoryo?

B. Panlinang na Gawain
1. Pankatang Gawain: (Task Card)
Ang teritoryo ay isa sa mga sangkap ng istado. Bilang estado ang Pilipinas ay
may sariling hangganan. Ang hangganan ng ating bansa ay itinakda sa pamamagitan
ng sumusunod na dokumento. (Atasan ang grupo na basahin ang dokumento at ipaulat
kung anong dokumento, kalian at saan ito nilagdaan.

a. Kasunduan sa Paris
Ito ay nilagdaan ng EstadosUnidos at Espanya noong Disyembre 10, 1898. Ang
pamamahala ng Pilipinas ay inilipat ng Espanya sa Estados Unidos sa halagang $
20,000 bilang kabayaran sa pagpapaunlad ng Pilipinas .Ginamit sa pagtukoy ng tiyak
na hangganan ng bansa ang longhitud at latitud nito.
b. Kasunduan sa Washington
Ito ay nilagdaan ng Estados Unidos at Espanya noong Nobyembre 7, 1900. Sa
kasunduang ito, isinama ang mga pulo ng Cagayan, Sulu at Sibutan bilang bahagi ng
teritoryo ng Pilipinas.
c. Kasunduan ng EstadosUnidos at Gran Britanya
Nilagdaan ito noong Enero 2, 1930. Nagkasundo ang dalawang bansa na ang pulong
Turtle at Kapuluan ng Mangsee sa pagitan ng Borneo at Sulu ay maging bahagi ng
Pilipinas.
d. Saligang Batas ng 1935
Ito ay tumutukoy sa mga teritoryong tiyak na nasasakupan ng pamahalaan.Sa
pamamagitan nito, ang mga pulo ng Batanes nasa l abas ng hangganan ng Pilipinas
ayon sa kasunduan sa Paris ay naging bahagi ng Pilipinas.
e. Ayon sa Saligang Batas ng 1987
Binubuo ang pambansang teritoryo ng Kapuluan ng Pilipinas ng mga pulo at
katubigang napapaloob dito, at lahat ng teritoryong nasa ilalim ng kapangyarihan ng
Pilipinas na binubuo ng kalupaan ,katubigan at himpapawirin nito, pati na rin ang dagat
teritoryal, ang lupa sa ilalim ng dagat ,at ang mga nasa ilalim ng dagat na tumutubo o
nakalagay doon, at iba pang lugar na submarina nito.
f. Doktrinang Pangkapuluan
Sa kasalukuyanang tinatangkilik natin ay ang Doktrinang Pangkapuluan na
nagsasaad na,“ Ang Pambansang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng kapuluang
Pilipinas kasamaang lahat ng mga pulo at tubig na saklaw nito at, ang mga tubig na
nakapaligid sa pagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan , maging anuman ang
lapad at laki ng mga ito. Ayon sa doktrinang ito ang buong lawak ng 48 kilometoro mula
sa baybayin ang bumubuo ng teritoryo ng Pilipinas

2. Pagsusuri:
Ipasagot ang mga pamprosesong tanong:
 Ano anong dokumento ang nagtatakda ng hangganan at lawak ng Pilipinas?
 Bakit dapat may hangganan ang isang bansa?
 Nakatutulong o nakahahadlang ba ito sa kaunlaran ng isang bansa? Bakit?

3. Paghahalaw
Ano anong hangganan at lawak ng teritoryong sakop ng Pilipinas?

4.Paglalapat
Bumuo ng Data Retrieval Chart na nagpapakita ng mga batayan sa paglawak ng
teritoryo ng Pilipino. Punan ang mga kahon ng hinihinging sagot.

ANG PAMBANSANG TERITORYO NG PILIPINAS


Kasunduan/Batas Taon ng Pagpapatibay Probisyon

IV. PAGTATAYA
Panuto: Anong kasulatan ang nagsasaad ng mga sumusunod? Piliin ang tamang titik sa
ibaba.
_______1. Idinagdag ang Mangsee at Turtle.
_______2. Ang pulo ng Batanes na nasa bahagi ng Pilipinas ayon sa Kasunduan sa
Paris.
_______3. Kabahagi ng teritoryo ang lahat ng mga pulo at mga karagatang
napapaloob
_______4. May buong lawak na 48 kilometro mula sa baybayin na bumubuo sa
teritoryo ng Pilipinas
_______5. Kasama sa teritoryo ng Pilipinas ang mga pulo ng Cagayan at Sibutu.
a. Doktrinang Pangkapuluan
b. Kasunduan sa Washington
c. Kasunduan ng Estado sUnidos at Gran Britanya
d. Kasunduan sa Paris
e. Ayon sa Saligang Batas ng 1987
f. Saligang Batas ng 1935

V. TAKDANG ARALIN
Tingnan ninyo ang layo ng Palawan sa Spratly Islands. Bakit dapat angkinin ng
Pilipinas ang Spratly Islands? Gamitin ang “Discussion Web” sa pagsagot ng tanong.
Kung ang sagot ko ay Oo isulat ang suporta ng iyong sagot sa ilalim ng Oo, kung ang
sagot mo ay hindi, isulat ang suporta ng inyong sagot sa ilalim ng Hindi.

OO HINDI

Dapat bang
angkinin ng
Pilipinas ang
Spratly Island?

Puna
Pagninilay
 Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya.
 Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
 Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
 Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
 Alin sa mga istratehyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?

You might also like