You are on page 1of 13

JUNE 03 ,2019 MONDAY

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 6


10:50-11:30 VI-RIZAL
7:30-8:10 VI-AGUINALDO
UNANG MARKAHAN
UNANG LINGGO
Unang araw:
A. Pamantayang Nilalaman (Content Standard)
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman ng Pilipinas sa globalisasyon
batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang pangheograpiya at ang
ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.
B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyung pandaigdig
batay sa lokasyon nito sa mundo.
C. Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Competencies)
Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo sa globo at mapa batay sa “absolute
location” nito.

I. Layunin:
1. Natutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas gamit ang mapang political;
2. Napahahalagahan ang mga gamit ng mapa sa pagtukoy ng relatibong
lokasyon;
3. Nagagamit ang mapa sa pagtukoy ng relatibong lokasyon ng bansa.

II. Paksang Aralin: Relatibong Lokasyon


III. Sanggunian: Curriculum Guide (AP6PMK-la-1)
Pamana 6, p. 123-124

Kagamitan: Powerpoint presentation, mapa

IV. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik-aral: Ano ang mapa?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Tingnan ang mga bagay na nasa iyong harapan.
Ano-ano ang iyong mga nakikita?Sa iyong likuran?
Sa iyong kana? Sa iyong kaliwa?

2. Paglalahad
Pagpapangkat sa mga bata.
Pagbibigay ng mapa sa bawat pangkat.
Group 1- Ano-ano ang mga bansa na makikita sa hilaga at timog ng mapa?
Group 2- ano-ano ang mga bansa na makikita sagawing silangan at kanluran ng mapa?
Group 3- Ano ang lokasyong insular?
Group 4 – Ano ang lokasyong bisinal?
Group 5 – Ano-ano ang mga anyong tubig na nakapalibot sa Pilipinas?

Pag-uulat ng bawat pangkat.

3. Pagtatalakay
1. Ano ang lokasyong insular?
2. Ano ang lokasyong bisinal?
3. Ibigay ang mga anyong tubig na nakapalibot sa bansa?
4. Anong bansa ang nasa hilaga ng Pilipinas?
5. Anong bansa ang nasa kanluran? Sa timog? Sa silangan?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ang relatibong paraan ng pagtukoy sa lokasyon ng Pilipinas ay may dalawang paraan. Una
ay ang insular na pagtukoy ng lokasyon kung saan ginagamit ang kinaroroonan ng mga
anyong tubig na nakapaligid dito. Ang ikalawa ay ang bisinal na pagtukoy sa lokasyon kung
saan ginagawang batayan ang mga bansang katabi nito.

2. Paglalapat
Pahulaan: Sabihin ang tinutukoy
1. Ito ay anyong tubig na nasa silangan ng Pilipinas?
2. Ito ay karatig-bansa sa hilaga ng Pilipinas?
3. Kapag inilalarawan ang mga karatig-bansa na nakapaligid sa Pilipinas,
anong inilalarawan nito?

3.Pagpapahalaga

Anong ibubunga ng maraming bansang nakapaligid sa atin?


Ito ba ay makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ngating bansa?
V. Pagtataya:
Isulat ang tinutukoy.

______________1. Bansa sa Hilaga ng Pilipinas.

______________2. Mga bansang nasa Timog ng Pilipinas.

______________3. Karatig-bansa ng Pilipinas sa kanluran.

______________4. Mga pulong nasa Silangan ng Pilinas.

______________5. Lokasyon kung saan ginagamit ang kinaroroonan ng


mga anyong tubig na nakapaligid dito.
VI. Repleksiyon:
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

VII. Kasunduan:
Iguhit ang lokasyong insular ng Pilipinas sa isang bond paper.

JUNE 04 ,2019 TUESDAY


LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 6
10:50-11:30 VI-RIZAL
7:30-8:10 VI-AGUINALDO

Layunin
1. Natutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas gamit ang mapa ng Asya
2. Napahahalagahan ang mga gamit ng mapa sa pagtukoy ng relatibong
lokasyon
3. Nagagamit ang mapa sa pagtukoy ng relatibong lokasyon ng bansa

II. Nilalaman
A. Paksa: Relatibong Lokasyon
B. Sanggunian: TM, TG, Curriculum Guide, AP 6 Book, BOW 2016, AP6PMK-la-1
C. Kagamitan: larawan, mapa

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik - aral
Ano ang tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas sa mapa ng Asya?

B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
Igrupo ang bata sa tatlo.
Pangkat I – Gamit ang mapa, hanapin ang mga bansang nakapaligid sa
Pilipinas.
Silangan – Kanluran –
Timog – Hilaga –
Pangkat II – Gamit ang mapa, hanapin ang mga katubigang nakapaligid
sa Pilipinas
Silangan – Kanluran –
Timog – Hilaga –
Pangkat III – Gamit ang globo, hanapin ang mga bansang nakapaligid
sa Pilipinas.
Silangan – Kanluran –
Timog – Hilaga –
Pangkat IV – Gamit ang globo, hanapin ang mga katubigang nakapaligid
sa Pilipinas
Silangan –
Kanluran -
Timog –
Hilaga –
2. Analisis
Bukod sa kalupaan at karagatan, ano pa ang napapansin ninyo sa globo/mapa?
Anong bansa/katubigan ang makikita sa gawing Hilaga ng Pilipinas?
Anong bansa/katubigan ang makikita sa gawing Silangan ng Pilipinas?
Anong bansa/katubigan ang makikita sa gawingKanluran ng Pilipinas?
Anong bansa/katubigan ang makikita sa gawingTimog ng Pilipinas?
Paano malalaman ang relatibong lokasyon ng Pilipinas at karatig lugar
nito?
3. Abstraksyon
Pangkatin sa apat ang mga bata para sa pangkatang gawain. Ganyakin
ang mga bata na mag-isip ng ngalan ng kanilang grupo
Pangkat I – Sumulat ng simpleng awit tungkol sa mga
katubigan na nakapalibot sa Pilipinas
Pangkat II – Gumawa ng tatlong taludturang tula tungkol sa mga
bansang nakapalibot sa Pilipinas
Pangkat III – Punan ang retrieval chart ng mga tamang impormasyon
Itala ang relatibong lokasyon ng mga sumusunod na
katubigan.
Karagatang Pasipiko - ____________
Bashi Channel - __________
Kanlurang Dagat ng Pilipinas - _____________
Dagat Sulu - ______________
Dagat Celebes - ______________
Pangkat IV - Punan ang retrieval chart ng mga tamang impormasyon
Itala ang relatibong lokasyon ng mga sumusunod na
katubigan.
Taiwan - _______________
Indonesia - ____________
South Korea - ___________
Thailand - _____________
Guam - _____________
Malayang talakayan batay sa iniulat ng bawat pangkat
4. Aplikasyon
Batay sa lokasyon, bakit maituturing na ang Pilipinas ay isa sa mapapalad na
bansa?
5. Paglalahat
Ano ang sinasabi nating relatibong lokasyon?
IV.Pagtataya
Tukuyin ang relatibong lokasyon ng mga sumusunod na bansa/katubigan gamit
ang mapa.
1. Malaysia
2. Myanmar
3. Guam
4.Japan
5. Dagat Mindanao

V. Takda

Magsaliksik sa internet ng mga sumusunod na larawan at ipaliwanag ang


bawat isa.
1. Treaty of Paris 1898
2. The Cession Treaty/Kasunduan sa Washington 1900
3. Boundaries Treaty 1930
JUNE 04 ,2019 TUESDAY
LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 6
10:50-11:30 VI-RIZAL
7:30-8:10 VI-AGUINALDO
I. Layunin:
Naipaliliwanag ang mga kasunduan at kasulatan tungkol sa teritoryo ng Pilipinas ayon sa batas
pangkasaysayan;
Napahahalagahan ang pagkakaroon ng kasunduan o treaty ukol sa teritoryo ng Pilipinas ayon
sa kasaysayan;
Nakabubuo ng isang comic striptungkol sa kasunduan at kasulatan ukol sa teritoryo ng Pilipinas.

II. Nilalaman
A. Paksa:
Teritoryo ng Pilipinas ayon sa Kasaysayan
➢ Treaty of Paris 1898
➢ Cession Treaty 1900
➢ Boundaries Treaty 1930
B. Sanggunian:TG, Curriculum Guide 6, BOW 2017, AP 6 book
C. Kagamitan:larawan ng mga treaty, tsart, mapaPamamaraan:

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1.Balitaan
2.Balik – aral
Gamit ang tsart, idikit ang mga karatig bansa at katubigan na makikita
sa tiyak na lokasyon ng Pilipinas.
Bakit mahalaga na malaman natin ang kasaysayan ng pagtatalaga ng
hangganan at teritoryo ng Pilipinas?

B .Panlinang na Gawain
1.Aktibiti
Pagbasa ng teksto at pagsagot sa mga gabay na tanong
Igrupo sa tatlo ang mga bata. Bibigyan ng guro ang bawat grupo ng
larawan ng mga treaty o kasunduan.

Larawan ng Boundaries Treaty (Pangkat III) www.google.com


Pangkat I – larawan ng Treaty of Paris 1898
Pangkat II – Cession Treaty 1900/Kasunduan sa Washington 1900
Pangkat III – Boundaries Treaty/ Kasunduan tungkol sa Nasasakupang
Teritoryo, 1930
2. Analisis
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Ano-ano ang mga nakikita sa bawat larawan?
Ano ang masasabi mo sa mga larawang nakita mo?
Anong mahalagang pangyayari ang naganap sa mga larawang ito?
3. Abstraksyon
Pangkatang Gawain
Pangkatin sa tatlo ang mga bata. Magbigay ng mga babasahin /
impormasyon tungkol sa iba’t ibang kasunduan sa bawat pangkat.
Maghanda ng simpleng presentasyon.
Pangkat 1 – Treaty of Paris 1898 (newscasting)
Pangkat 2 – Cession Treaty 1900 (panel Discussion)
Pangkat 3 – Boundaries Treaty 1930 (talk Show)

Rubrik sa Pagmamarka ng Presentasyon

Pag –uulat ng bawat pangkat. Pagkakaroon ng malayang talakayan.


4. Aplikasyon
Mahalaga ba ang pagkakaroon ng kasunduan o Treaty ukol sa teritoryo ng
Pilipinas ayon sa kasaysayan? Bakit?
5. Paglalahat
Ano ang mga batayan sa pagtukoy ng teritoryo at mga hangganan ng
Pilipinas?
Gaano kalawak ang hangganan at teritoryo ng Pilipinas ayon sa kasaysayan
IV. Pagtataya
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kasunduan at kasulatan tungkol sa teritoryo ng
Pilipinas. Ipaliwanag ang sagot.
Rubrik sa Pagmamarka ng Sanaysay

V. Takda
Sagutan.
Ano ang Saligang Batas ng 1987 at ang pumapaloob ditto?
ARALING PANLIPUNAN VI

UNANG MARKAHAN
UNANG LINGGO
Ika-apat na araw:

I. Layunin:
1. Naipaliliwanag ang teritoryo ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas 1987;
2. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng Saligang Batas ng pagtatakda ng
teritoryo ng Pilipinas.
3. Nakagagawa ng talahanayan ng mga kaisipan gamit ang mapa hinggil sa
teritoryo ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas ng 1987.

II. Paksang Aralin: Teritoryo ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas ng 1987

III. Sanggunian: Curriculum Guide (AP6PMK-la-1)


Pamana 6 Lahing Malaya, p. 106-107

Kagamitan: Powerpoint presentation

IV. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Pagtatama ng takdang-aralin
3. Balik-aral
Sabihin kung ano ang tinutukoy ng bawat larawan.
(pagpapakita ng mga larawan sa hangganan at teritoryo ng Pilipinas
ayon sa Kasaysayan)

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Pagpapakita ng hangganan ng teritoryo ng Pilipinas

Itanong:
Ano ang mga napansin ninyo sa larawan?
Malawak bang maituturing angating teritoryo? Bakit?

2. Paglalahad
Pangkatang Gawain
Ano kaya ang bumubuo sa teritoryo ng Pilipinas?
Ano ang hangganan at lawak ng sakop nito?

Pangkat I-Ayon sa kasanayan


Pangkat 2- Ayon sa Saligang Batas
Pangkat 3- Ayon sa Doktrinang Pangkapuluan
Pangkat 4- Ayon sa mga Atas ng Pangulo

3. Pagtatalakay
a. Ano ang mga batayan sa hangganan ng teritoryo ng bansa?
b. Alin ang pinakamatibay at mabisang batayan n gating teritoryo?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ang pagtatakda ng batas ukol sa nasasakop na teritoryo ng bansa
ay nakatutulong sa seguridad at kaligtasan ng bansa.

2. Paglalapat
Ano sa palagay ninyo ang mangyayari kung hindi natin alam ang
hangganan ng bansang Pilipinas?

V. Pagtataya
Isulat ang salitang tama kung wasto ang pangungusap; mali kung di-wasto.

____1. Malawak ang bahaging tubig na nasasakupan ng Pilipinas.

____2.Ang Pilipinas ay kinikilalang pinakamalaking kapuluan sa buong


mundo.
____3. Ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ay nakasaad sa Artikulo I,
seksiyon 1 ng 1987 konstitusyon.
____4. Ang Philippine Navy ang tagapagtanggol ng bansa sa katubigang
bahagi.
____5. Ang Sabah ay napunta sa Pilipinas bilang gantimpala sa Sultan ng
Sulu.

VI. Repleksiyon:
____________________________________________________________
____________________________________________________________
VII. Kasunduan:
Gumawa ng isang sanaysay ukol sa kagandahan ng pagkakaroon ng
hangganan sa teritoryo ng Pilipinas.

ARALING PANLIPUNAN VI
UNANG MARKAHAN
UNANG LINGGO
Ika-limang araw:

I. Layunin:
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya at
politika ng Asya ng mundo.
2. Napahahalagahan ang estratihikong lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya at
politika ng Asya at mundo.
3. Nakabubuo ng isang graphic organizer tungkol sa kahalagahan ng
lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya at politika ng Asya at mundo

II. Paksang Aralin: Kahalagahan ng Lokasyon ng Pilipinas sa Ekonomiya at


Politika ng Asya at Mundo

III. Sanggunian: Curriculum Guide (AP6PMK-la-1)


Yaman ng Pilipinas, p. 50
Dangal ng Lahi, p.66-67

Kagamitan: Powerpoint Presentation

IV. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Pagtatama ng Takdang Aralin
3. Balik-Aral
Ano ang isinasaad ng Saligang Batas ng 1987?
Bakit mahalagang malaman natin ang hangganan ng Pilipinas?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Pag-awit: Kay Liit ng Mundo

2. Paglalahad
Ano ang kahalagahan ng pagiging kaibigan natin sa ibang bansa?

3. Pagtatalakay
Pangkatang Gawain
Ano-ano ang mga magagandang bagay na naidulot ng lokasyon ng
Pilipinas sa ekonomiya, sa politika ng asya at sa mundo?

Pangkat 1 – role playing


Pangkat 2 – tula
Pangkat 3 - awit

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang mabuting naidulot sa Pilipinas ng lokasyon nito sa ekonomiya,
sa politika ng asya at sa mundo?

2. Paglalapat
Sa inyong palagay, maganda ba ang lokasyon nito sa mundo?
Paano ninyo mapapangalagaan ang lokasyon at teritoryo ng Pilipinas?

V. Pagtataya

Isulat sa patlang ang W kung tama ang isinasaad at HW kung hindi.

____1. Ang lokasyon ng Pilipinas ay mailalarawan batay bsa mga karatig


bansa at katubigan nito.
____2.Ang Pilipinas ay sentro ng sasakyang panghimpapawid.
____3. Ang MIA ay ang terminal ng mga sasakyang panghimpapawid na
nagmumula sa Timog-Silangang Asya.
____4. Dahil sa napakagandang lokasyon ng ating bansa, maraming dayuhan
ang naakit at sumakop dito.
____5.Dapat nating ipagmalaki ang bansang Pilinas.

VI. Repleksiyon
____________________________________________________________
____________________________________________________________

VII. Kasunduan:
Gumawa ng isang sanaysay ukol sa kagandahan na dulot ng lokasyon ng
Pilipinas.

You might also like