You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
DIVISION OF ZAMBOANGA CITY
Baliwasan Chico, Zamboanga City

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IV


Unang Kwarter
ARALIN 2: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas
________ Araw

Pamantayan sa Pangnilalaman:
Naipapamalas ang pag-unawa sa pagkakakilanlan ng bansa ayon sa mga katangiang
heograpikal gamit ang mapa.
Pamantayan sa Pagganap:
Naipapamalas ang kasanayan sa paggamit ng mapa sa pagtukoy ng iba’t-ibang
lalawigan at rehiyon ng bansa.

I.Layunin:
Pamantayan sa Pagkatuto:
Natutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit ang
pangunahing at pangalawang direksyon.
 Nasasabi ang lokasyon ng Pilipinas sa tulong ng pangunahin at pangalawang
direksyon.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas
Kagamitan: Mapa, globo,tsarts, slide deck
Sanggunian: Learner’s Material, Aralin 2 pp.8-12
Kto12- AP4AB-Ic-4, AP4AB-Ic-5
Pagpapahalaga: pagpapakilala sa isang lugar
Integrasyon: Science, Math, ESP

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1.Balik-aralan:
-Itanong: Ano ang relatibong lokasyon o kaugnay na kinalalagyan?
B. Paglinang na Gawain
1. Pagsagawa ng Gawain (Activity)
- Magkaroon ng talakayan at tanungan gamit ang stratehiyang Clock Buddies.
Mga Hakbang:
- Pahawakan sa bawat mag-aaral ang papel ng clock buddies sa simula ng gawain.
Ilalahad ang takdang oras para magtungo ang mag-aaral sa itinala nilang
pangalan o kapareha dito.
Kapag nakaharap na nila ang kanilang kapareha, sisimulan na nila ang talakayan
at tanungan tungkol sa paksa.
Sa itinakdang sandal/panahon, papalitan ng guro ang oras upang makaharap
naman ang susunod na kapareha.

Isagawa ito ng ilang ulit ayon sa nais ng guro.

- Mga katanungan:
 Gamit ang globo. Hanapin dito ang PIlipinas. Ano anong mga bansa ang nakapaligid sa
Pilipinas?
 Gamit ang mapa ng mundo. Saang bahagi ng mundo matatagpuan ang Pilipinas?
 Ano ano ang mga pangunahing direksyon?
 Ano ano ang mga pangalawang direksyon?
2. Pagsusuri (Analysis)
1. Itanong: Saang bahagi ng mundo matatagpuan ang Pilipinas?
Ano- ano ang nakapaligid sa Pilipinas kung pagbabatayan ang mga
pangunahing direksyon?
Ano ano ang pumapalibot sa Pilipinas kung pagbabatayan ang mga
pangalawang direksyon?

3. Paghahalaw (Abstraction)
Gamit ang slide deck, bigyang diin ang Tandaan Mo, LM pahina 13.

Tandaan mo

Ang relatibong lokasyon o kaugnay na kinalalagyan ng bansa ay ang


direksyon o laksyon ng isang lugar batay sa kinalalagyan ng mga katabi o
kalapit nitong lugar.

Ang Pilipinas ay mamatagpuan sa rehiyong Timog-Silangang Asya sa


kontinente o lupalop ng Asya.

Kung gagamitin ang mga pangunahing direksyon, ang PIlipina ay


napapaligiran ng bansang Taiwan at Bashi Channel sa hilaga, Karagatang
Pasipiko sa silagan, mga abnsang Brunei at Indonesia at mga dagat Celebes
at Sulu sa timog, at ng bansang Vietnam at Dagat Kanlurang Pilipinas sa
kanluran.

Kung ang mga pangalawang direksyon ang gagamitin, napapaligiran ang


bansa ng Dagat ng Pilipinas sa hilagang-silangan, mga isla ng Palau sa
timog-silangan, mga isla ng Paracel sa hilagang-kanluran, at Borneo sa
timog-kanluran.

4. Paglalapat (Application)
Gawain: Mapa- Tao (LM p.12)
 Bumuo ng pangkat na may 10 kasapi.
 Tingnan sa mapa ng mundo ang mga lugar na pumapalibot sa PIlipinas.
 Pumili ng isang batang tatayo sa gitna at maglalagay sa alitang Pilipinas sa kanyang
dibdib.
 Ang iba naming kasapi ay isusulat sa papel ang mga nakikitang lugar na pumapalibot sa
Pilipinas at pagkatapos ay ididikit ito sa kanilang dibdib. Bibilang ang guro ng hanggang
10.
 Bago matapos ang pagbibilang, kailangang pumunta sa tamang puwesto ayon sa mga
pangunahin at pangalawang direksyon ang bawat kasapi ayon sa mga lugar na
nakasulat sa papel at nakadikit sa kanilang mga dibdib.
 Titingnan ng guro kung tama ang pagkakapuwesto ng bawat kasapi.

IV. Pagtataya:
Panuto: Tingnan ang mapa ng mundo. Isulat ang mga lugar na nakapaligid sa Pilipinas sa
bawat pangunahin at pangalawang direksyon.

1. Hilagang-Silangan _______________
2. Timog- Silangan _________________
3. Hilagang- Kanluran _______________
4. Timog- Kanluran _________________
5. Hilaga __________________________
6. Timog __________________________
7. Silangan ________________________
8. Kanluran ________________________
V. Mga Puna:
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 75% na pagtataya: _______

Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation: _____

VI. Pagninilay:
Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

Pangkatang Gawain

You might also like