You are on page 1of 12

Elementarya

Baitang 4

DIVISION ARALING PANLIPUNAN TOOLS


(DAPAT)
Unang Markahan – Modyul 2

Ang Relatibong Lokasyon


ng Pilipinas

Baitang 4-Araling Panlipunan


Kompetensi: Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas1
batayBaitang
sa mga4-Araling
nakapaligid dito gamit ang pangunahin at pangalawang direksyon.
Panlipunan
(AP4AAB - Ic – 4) Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit
Kompetensi:
ang pangunahin at pangalawang direksyon.
(AP4Q1W2)
Araling Panlipunan - Baitang 4
Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT)
Ang Lokasyon ng Pilipinas
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran


ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan
ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) o anumang bahagi nito


ay inilathala upang gamitin ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na
ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon,
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na
ipinagbabawal.

Development Team of Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT)

Writer: Mary Christine L. Cuevas


Illustrators: Rogelio D. Arcelon Jr.
Filven A. Gildore
Armand Glenn S. Lapor
Layout Artists: Jonel S. Velez
Levy Soqueňa
Division Quality Assurance Team:
Lilibeth E. Larupay,
Liza A. Balogo
Armand Glenn S. Lapor
Management Team: Dr. Roel F. Bermejo,
Dr. Nordy D. Siason, Jr.
Dr. Lilibeth T. Estoque
Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque
Lilibeth E. Larupay
Liza A. Balogo

2
Baitang 4-Araling Panlipunan
Kompetensi: Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit
ang pangunahin at pangalawang direksyon.
(AP4Q1W2)
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan, Baitang 4.

Ang Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) ay


pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang
gabayan ang mga gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) na mapatnubayan


ang mag-aaral sa malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang malinang at
makamit ang panghabambuhay na mga kasanayan habang isinasaalang-alang din
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa learning facilitator:

Ang Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) ay ginawa upang


matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang
katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral
kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain sa materyal na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) ay ginawa bilang tugon sa


iyong pangangailangan. Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon ka ng
kalayaan na pag-aralan ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa materyal na
ito. Basahin at unawain upang masundan ang mga panuto.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


• gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay;
• huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul;
• basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay;
• obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan

3
Baitang 4-Araling Panlipunan
Kompetensi: Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit
ang pangunahin at pangalawang direksyon.
(AP4Q1W2)
• tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay; at
• pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

ALAMIN

Sa nakaraang aralin, ating nabatid na ang Pilipinas ay isang bansa na bahagi


ng Asya. Sa araling ito, iyong matutukoy ang lokasyon ng Pilipinas batay sa karatig
na kalupaan at katubigan nito.

Tayo na at tuklasin ang kinaroroonan ng ating bansang Pilipinas.

Pagkatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:

• nakatutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay sa


mga nakapaligid dito gamit ang pangunahin at pangalawang direksyon.
(AP4Q1W2)
• nakatutukoy sa mapa ang kinalalagyan ng Pilipinas sa Asya at daigdig;
• nakapagsasagawa ng interpretasyon tungkol sa kinalalagyan ng bansa gamit
ang mga batayang heograpiya tulad ng iskala, distansya at direksyon.

1
Baitang 4-Araling Panlipunan
Kompetensi: Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit
ang pangunahin at pangalawang direksyon.
(AP4Q1W2)
SUBUKIN

Ang compass rose ay pananda sa mapa. Ginagamit ito sa pagtukoy ng


direksyon at lokasyon ng mga lugar sa mapa.
Matutukoy mo ba kung ano-anong direksyon ang hinihingi ng pigura sa ibaba?

Panuto: Isulat ang sagot sa iyong papel.

ANG LOKASYON NG PILIPINAS


Bahagi ng timog-silangang Asya ang Pilipinas. Ito ay isang kapuluan.
Napaliligiran ito ng mga dagat at karagatan. Ang mga anyong-tubig na nakapalibot sa
Pilipinas ay makatutulong sa pagturo ng lokasyon ng Pilipinas. Alam mo ba kung ano-
ano ang mga ito?
May mga karatig bansa rin ang Pilipinas na kabilang sa bansang nasa Timog-
silangang Asya. Ang mga bansang ito ay makatutulong rin sa pagtukoy ng lokasyon
ng Pilipinas. Isa-isahin natin kung ano-ano ang mga bansang ito.

2
Baitang 4-Araling Panlipunan
Kompetensi: Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit
ang pangunahin at pangalawang direksyon.
(AP4Q1W2)
BALIKAN

Napag-aralan sa nakaraang modyul ang tungkol sa mga elemento ng


pagiging isang bansa. Maituturing na isang bansa ang isang lugar kung ito ay
nagtataglay ng mga elemento. Balikan ang mga ito.

Panuto: Tukuyin ang mga elemento ng estado gamit ang concept map. Isulat ang
sagot sa papel.

BANSA

TUKLASIN

Hanapin sa mapa ang Pilipinas. Ano ang masasabi mo sa lokasyon nito?

3
Baitang 4-Araling Panlipunan
Kompetensi: Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit
ang pangunahin at pangalawang direksyon.
(AP4Q1W2)
SURIIN

Ang lokasyon ay isang posisyon o punto sa pisikal na espasyo na sumasakop


sa ibabaw ng daigdig. Kadalasang tinalaga ang tiyak na lokasyon sa paggamit ng
partikular na mga guhit at direksyon sa mapa.

Lokasyon ng Pilipinas sa Asya

Ang kinaroroonan ng Pilipinas ay maaring tukuyin sa dalawang paraan–ang


tiyak o absolute na lokasyon at ang relatibong lokasyon.
Kung tiyak na lokasyon o absolute location ng Pilipinas ang pag-uusapan,
ito ay matatagpuan sa pagitan ng Tropiko ng Kanser at Ekwador sa Hilagang Hating-
globo. Ang eksaktong lokasyon nito ay nasa pagitan ng 4° at 21° hilagang latitud at
ng 116° at 127° silangang longhitud. Kabilang ang Pilipinas sa Timog-Silangang
bahagi ng Asya.
Ang relatibong lokasyon o relative location ng Pilipinas ay matutukoy sa
pamamagitan ng paggamit na basehan ng mga lupain o mga katubigan na nakapaligid
dito.
May dalawang pamamaraan sa pagtukoy ng relatibong lokasyon. Ito ay ang
lokasyong bisinal na tumuturo sa posisyon ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid
ditong mga kalupaan o bansa. Samantalang ang pagtukoy naman ng kinalalagyan ng
Pilipinas batay sa mga nakapaligid na anyong tubig ay ang lokasyong insular o
maritima.

4
Baitang 4-Araling Panlipunan
Kompetensi: Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit
ang pangunahin at pangalawang direksyon.
(AP4Q1W2)
Makikita sa mapa na ang Pilipinas ay napaliligiran ng mga dagat. Kung tukuyin
ang lokasyon ng Pilipinas batay dito, ito ay nasa kanluran ng Dagat Pilipinas; nasa
hilaga ng Dagat Celebes; nasa silangan ng Kanlurang Dagat ng Pilipinas; nasa timog
ng Kipot ng Luzon; at nasa timog-silangan ng Dagat Sulu. Ito ay ang pagtukoy ng
lokasyong insular o maritima ng bansa.

Tingnan ang mapa ng Pilipinas. Alam mo ba kung ano-anong mga bansa ang
nakapalibot dito?
Batay sa mapa, matatagpuan ang Pilipinas sa silangan ng Vietnam at
Cambodia; hilaga ng Indonesia; timog ng Taiwan; at timog-silangan ng China.
Ang pagtukoy sa kinalalagyan ng Pilipinas batay sa mga karatig-bansa ay ang
pagtukoy sa kanyang lokasyon bisinal.

5
Baitang 4-Araling Panlipunan
Kompetensi: Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit
ang pangunahin at pangalawang direksyon.
(AP4Q1W2)
PAGYAMANIN

Panuto: Suriin ang mapa sa ibaba. Tukuyin ang hinihinging salita sa bawat patlang.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ________________ ng Karagatang Pasipiko.


a. silangan c. timog
b. kanluran d. hilaga

2. Ang Pilipinas ay nasa _______ ng Indonesia.


a. hilaga c. timog
b. timog-silangan d. kanluran

3. Ang Pilipinas ay makikita sa ___________ ng Asya.


a. hilaga c. timog
b. timog-silangan d. kanluran

4. Ang Pilipinas ay nasa timog ng _____________.


a. Taiwan c. Cambodia
b. Vietnam d. Indonesia

5. Ang Pilipinas ay nasa silangan ng Malaysia at _____________.


a. Japan c. China
b. Indonesia d. Taiwan

6
Baitang 4-Araling Panlipunan
Kompetensi: Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit
ang pangunahin at pangalawang direksyon.
(AP4Q1W2)
ISAISIP

• Ang Pilipinas ay bahagi ng timog-silangang Asya.


• May dalawang pamamaraan sa pagtukoy ng relatibong lokasyon. Ito ay ang
lokasyong bisinal at lokasyong insular o maritima.
• Ang lokasyong insular ay paglalarawan ng lokasyon ng bansa batay sa mga
anyong tubig na nakapaligid dito.
• Ang lokasyong bisinal ay paglalarawan ng kinalalagyan ng bansa batay sa mga
karatig-bansa nito.

ISAGAWA

Panuto: Tukuyin ang mga hinihinging datos. Kopyahin ang talahanayan sa papel at
isulat dito ang mga sagot.

Mga Katubigang Nakapaligid


Mga Karatig-Bansa ng Pilipinas
sa Pilipinas
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.

TAYAHIN

Panuto: Basahin ang mga pahayag tungkol sa lokasyon ng Pilipinas. Isulat ang T
kung ang pangungusap ay wasto at M naman kung ito ay mali. Isulat ang
sagot sa papel.

1. Kabilang sa kontinente ng Asya ang Pilipinas.


2. Nasa dakong silangan ang Pilipinas ng Kipot ng Luzon.
3. Matatagpuan ang Pilipinas sa hilagang-silangan ng China.
4. Nasa hilaga ang Pilipinas ng Indonesia.
5. Nasa gawing silangan ang Pilipinas ng Cambodia.
7
Baitang 4-Araling Panlipunan
Kompetensi: Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit
ang pangunahin at pangalawang direksyon.
(AP4Q1W2)
KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Suriin ang mapa. Tukuyin ang relatibong lokasyon ng sumusunod na lugar
batay sa lokasyon nito mula sa Pilipinas. Isulat ang sagot sa papel.

1.Taiwan 6. Guam
2. Indonesia 7. Cambodia
3. China 8. Japan
4. Vietnam 9. Dagat Pilipinas
5. Karagatang Pasipiko 10. Palau

SANGGUNIAN

1. Kagamitan ng Mag-aaral, Araling Panlipunan 4 pahina 21 – 26


2. Patnubay ng Guro, Araling Panlipunan 4 pahina 12 – 15
3. Kultura,Kasaysayan at Kabuhayan 4 pahina12-21
4. Kayamanan 4 pahina 17-35

8
Baitang 4-Araling Panlipunan
Kompetensi: Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit
ang pangunahin at pangalawang direksyon.
(AP4Q1W2)
SUSI SA PAGWAWASTO

Subukin Tayahin Isagawa


1. hilagang-kanluran 1. T Mga katubigang
2. kanluran 2. M nakapalibot sa Pilipinas:
3. hilagang-silangan 3. M • Karagatang Pasipiko
4. timog-silangan 4. T • Dagat Celebes
5. timog 5. T • Kipot ng Luzon
• Kanlurang dagat ng
Pilipinas
Balikan • Dagat ng Pilipinas
Pagyamanin • Dagat Sulu
Mga inaasahang sagot:
• soberanya 1. b Mga Karatig-Bansa
• pamahalaan 2. a • Taiwan
• mamamayan 3. b • China
• teritoryo. 4. a • Indonesia
• Malaysia
5. b
• Vietnam
• Cambodia

Karagdagang Gawain Maaring may karagdagang


kasagutan pa ang mga
bata maliban sa
1. hilaga nabanggit. Nasa guro na
2. timog
ang pagwawasto.
3. hilagang-kanluran
4. kanluran
5. silangan
6. silangan
7. kanluran
8. hilagang-silangan
9. silangan
10. timog-silangan

9
Baitang 4-Araling Panlipunan
Kompetensi: Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit
ang pangunahin at pangalawang direksyon.
(AP4Q1W2)

You might also like