You are on page 1of 10

JUNIOR HIGH SCHOOL

Baitang 9

Ikalawang Kwarter

SANAYAN SA FILIPINO
Ikalimang Linggo – Aralin 4

Mga Akdang Pampanitikan


ng Silangang Asya
Mga Pahayag sa Pagsisimula,
Pagpapatuloy ng mga Pangyayari
at Pagtatapos ng Isang Kuwento

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa napanood na
bahagi ng teleserye o pelikula (F9PD-IIe-f-48); Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa
kulturang nabanggit sa nabasang kuwento (F9PS-IIe-f-50); Naisusulat ang isang paglalarawan ng sariling
kultura na maaaring gamitin sa isang pagsasalaysay (F9PU-IIef-50); at Nagagamit ang mga pahayag sa
pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento (F9WG-IIe-f-50).
Filipino - Baitang 9
Sanayan sa Filipino
Mga Pahayag sa Pagsisimula, Pagpapatuloy ng mga Pangyayari
at Pagtatapos ng Isang Kuwento
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang Sanayan sa Filipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng


mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng
mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Sanayan sa Filipino

Writers: Rodelyn G. Delfin, Rona S. Delgado, Leryvie Shyn R. Soltones


Frances Valerie C. Pacete, Mariejohn A. Noble, Fe B. Martin
Rosa F. Agundo, Jessie S. Comprendio, Donah C. Lim

Illustrators: Mary Joy J. Yanson, Mel June G. Flores


Althea C. Montebon, Mary Clarence G. Madero

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor, Rodelyn G. Delfin

Division Quality Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan


Assurance Team: Armand Glenn S. Lapor, Dr. Jesus C. Insilada
Rodelyn G. Delfin, Nelson A. Cabaluna

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.


Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa napanood na
bahagi ng teleserye o pelikula (F9PD-IIe-f-48); Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa
kulturang nabanggit sa nabasang kuwento (F9PS-IIe-f-50); Naisusulat ang isang paglalarawan ng sariling
kultura na maaaring gamitin sa isang pagsasalaysay (F9PU-IIef-50); at Nagagamit ang mga pahayag sa
pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento (F9WG-IIe-f-50).
Paunang Salita

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino, Baitang 9.

Ang Sanayan sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri


ng mga dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral at ang mga gurong tagapagdaloy
na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to 12.

Layunin ng Sanayan sa Filipino na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan sila upang malinang at makamit ang
panghabambuhay ng mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang


pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking
maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan
ang mga gawain sa kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Sa paraang ito, magkakaroon ka ng kalayaan na pag-aralan ang
nakaaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitang ito. Basahin at unawain upang
masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay na papel.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa napanood na
bahagi ng teleserye o pelikula (F9PD-IIe-f-48); Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa
kulturang nabanggit sa nabasang kuwento (F9PS-IIe-f-50); Naisusulat ang isang paglalarawan ng sariling
kultura na maaaring gamitin sa isang pagsasalaysay (F9PU-IIef-50); at Nagagamit ang mga pahayag sa
pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento (F9WG-IIe-f-50).
Mga Pahayag sa Pagsisimula, Pagpapatuloy
Aralin 4
ng mga Pangyayari at Pagtatapos ng isang Kuwento

Kumusta ka na? Ilan na ring paksa ang nabasa mo at natitiyak ko na marami


ka na ring natutuhan sa mga sanayan na inilaan para sa iyo.

Matutuhan mo sa araling ito ang: napaghahambing ang kultura ng ilang bansa


sa Silangang Asya batay sa napanood na bahagi ng teleserye o pelikula (F9PD-IIe-f-
48); naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang
nabanggit sa nabasang kuwento (F9PS-IIe-f-50); naisusulat ang isang paglalarawan
ng sariling kultura na maaaring gamitin sa isang pagsasalaysay (F9PU-IIef-50); at
nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at
pagtatapos ng isang kuwento (F9WG-IIe-f-50).

Ang kaalaman mo sa pagsusuri ay lalawak at gaya nang nauna may


pagsusuring panglingguwistika, pangnilalaman at pampanitikan. May kaugnayan ito
sa dati mo ng alam. Madali lamang ang pagsasanay nito. Makakaya mo ito at
magugustuhan mong sagutin. Handa ka na ba? Kung gayon ay simulan mo na.

A. Panuto: Gamit ang dati mong kaalaman, (prior knowledge), nabasa, narinig
at napanood, magsalaysay ng mahahalagang pangyayaring naganap
sa mga nabanggit na lugar. Ano ano ang mga lugar na ito?
Isulat sa kahon ang iyong kasagutan.

Sa iyong palagay, bakit ang pook na iyong nabanggit ay madalas gawing


tagpuan ng mga maikling kuwentong isinulat ng mga manunulat na Tsino?
Ipaliwanag.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa
napanood na bahagi ng teleserye o pelikula (F9PD-IIe-f-48); Naisasalaysay ang
1
sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang kuwento
(F9PS-IIe-f-50); Naisusulat ang isang paglalarawan ng sariling kultura na maaaring
gamitin sa isang pagsasalaysay (F9PU-IIef-50); at Nagagamit ang mga pahayag sa
pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento
(F9WG-IIe-f-50).
Ang lugar naman na ating lalakbayin ay hindi na bago sa iyo. Malaki ang
naging impluwensiya ng bansang ito sa ating kultura at tradisyon. Marami sa
nagugustuhang pagkain ng mga Pilipino ay nagmula sa kanila tulad ng pancit, mami,
siomai, siopao, lumpia, at lechon. Mula sa pagkain, damit at mga kagamitan sa
bahay, naging bahagi sila ng ating pang-araw-araw na buhay.Iyong lakbayin ang
kultura ng bansang Tsina sa susunod na mga gawain.

B. Panuto: Pag-aralang mabuti ang mga ilustrasyon. Ilarawan ang lugar na


kinabilangan ni Huiquan. Ilarawan din ang kaniyang kilos/gawi
at paniniwala. May kaugnayan ba sa kultura na kinabibilangan
ni Huiquan ang kanyang kinikilos, gawi at paniniwala?

lugar na kilos/gawi at
kinabilangan paniniwala
ni Huiquan

May kaugnayan ba sa kultura na Isalaysay ang sariling karanasan na


kinabibilangan ni Huiquan ang kanyang may kaugnayan sa kulturang nabanggit
kinikilos, gawi at paniniwala? sa nabasang kuwento.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa
napanood na bahagi ng teleserye o pelikula (F9PD-IIe-f-48); Naisasalaysay ang
2
sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang kuwento
(F9PS-IIe-f-50); Naisusulat ang isang paglalarawan ng sariling kultura na maaaring
gamitin sa isang pagsasalaysay (F9PU-IIef-50); at Nagagamit ang mga pahayag sa
pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento
(F9WG-IIe-f-50).
Nasagutan ba lahat ng katanungan?Magaling! Iyo ngayong alamin ang
magiging aralin sa araw na ito. Ito ay may kinalaman sa ginawang pagsusuri at
pagsagot sa katatapos na gawain.

Basahin at unawain ang bagong aralin sa araw na ito.

Pagsasalaysay

Ito ay pagpapahayag ng mga kawil-kawil na pangyayari. Kapag tayo’y


nagpapahayag ng mga karanasan o nagbibigay ng impormasyong may tiyak na
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, tayo ay nagsasalaysay.

Ang pagsasalaysay ay maaaring pasulat o pasalita. Sa mga sangay ng


salaysay, nabibilang ang mga sumusunod:salaysay na pangkasaysayan, salaysay
ng mga karaniwang pangyayari, salaysay ng pakikipagsapalaran, paglalakbay,
patalambuhay na pagsasalaysay maaaring bungang-isip lamang.

Ang maikling kuwento, maging ito ay totoo o likhang-isip lamang, ay


isinusulat nang pasalaysay. Sa pagsasalaysay opagkukuwento, mahihikayat ng
nagsasalita ang kanyag tagapakinig sa mahusay na simula. Kapag nailahad ang
layunin nang epektibo ay napupukaw ang kaisipan ng mambabasa o tagapakinig na
patuloy na alamin ang kawing-kawing na pangyayari sa papataas at kasukdulan sa
gitna ng kwento. Hihintayin din nila ang wakas kung nakamit ang layuning inilahad
sa panimula. Narito ang tatlong bahagi:

 Ang mahusay na simula ay mabuti para


makuha ang interes ng tagapakinig o ng
mamababasa. Dito nabubuo ang larawan
at nakitkita ang aksyong magaganap sa
1. Simula isinasalaysay.
 Maaaring simulan ito sa: Noong unang ,
sa simula pa lamang, at iba pang
pananda sa pagsisimula.

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa
napanood na bahagi ng teleserye o pelikula (F9PD-IIe-f-48); Naisasalaysay ang
3
sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang kuwento
(F9PS-IIe-f-50); Naisusulat ang isang paglalarawan ng sariling kultura na maaaring
gamitin sa isang pagsasalaysay (F9PU-IIef-50); at Nagagamit ang mga pahayag sa
pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento
(F9WG-IIe-f-50).
 Sa bahaging ito, mabuting mapanatili ang
kawing-kawing na pangyayari at
paglalarawang nasimulan. Aabangan
kung paano magtatagumpay o
magwawagi ang pangunahing tauhan,
maiwawasto ang mali o matututo ang
katunggaling tauhan habang tumataas
ang pangyayari.
2. Gitna  Maaaring gamitin ang : kasunod,
pagkatapos, walang ano-ano’y at iba pa
na maghuhudyat ng kasunod na
pangyayari.
 Patuloy na gumagamit ng mga
panlarawang salita upang mapanatili ang
interes ng mag-aaral sa larawan at
aksyong isinalaysay.

 Napakahalaga rin ng huling pangyayaring


maiiwan sa isipan ng tagapakinig o ng
mambabasa.
 Dito nakapaloob ang mensaheng
3. Wakas magpapabuti o magpapabago sa
kalooban at isipan ng lahat – na ang
kabutihan ang nagwawai at may
kaparusahan ang gumagawa nang
masama.
 Maaaring gumamit ng: sa huli, sa wakas,
o iba pang panandang maghuhudyat ng
makahulugang pagtatapos.

Sinipi mula sa https://www.youtube.com/watch?v=28yMrlzj-No

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa
napanood na bahagi ng teleserye o pelikula (F9PD-IIe-f-48); Naisasalaysay ang
4
sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang kuwento
(F9PS-IIe-f-50); Naisusulat ang isang paglalarawan ng sariling kultura na maaaring
gamitin sa isang pagsasalaysay (F9PU-IIef-50); at Nagagamit ang mga pahayag sa
pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento
(F9WG-IIe-f-50).
Panuto: Balikang muli ang binasang akda na “Niyebeng Itim”. Pagkatapos, sagutin
ang mga sumusunod na tanong:

1. Paano sinimulan ang talata?

2. Ano ang nilalaman ng gitnang bahagi ng kwento?

3. Paano ito winakasan?

Nasagutan ba lahat ng katanungan?Magaling! Pagyamanin mo ngayon ang


iyong kaalaman higgil sa kultura ng isang lugar sa susunod na gawain.

Panuto: Manood ng isang teleserye na naglalarawan sa kultura ng ilang bansa


sa Silangang Asya. Suriin at itala ang mga piling impormasyon tungkol
sa tradisyon, paniniwala, at kaugalian ng bansang napili. Pumili ng isa
sa mga bansa sa Silangang Asya.

Japan China Mongolia

Taiwan North Korea South Korea

Baitang 9- Filipino
Kompetensi: Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa
napanood na bahagi ng teleserye o pelikula (F9PD-IIe-f-48); Naisasalaysay ang
5
sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang kuwento
(F9PS-IIe-f-50); Naisusulat ang isang paglalarawan ng sariling kultura na maaaring
gamitin sa isang pagsasalaysay (F9PU-IIef-50); at Nagagamit ang mga pahayag sa
pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento
(F9WG-IIe-f-50).
Panuto: Sumulat ng isang paglalarawan ng sariling kultura ng inyong bayan.
Gumamit ng mga pahayag sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga
pangyayari at pagtatapos sa pagsasalaysay. Tandaang ang pagganap
ay batay sa GRASPS.

Gole- Paglalarawan ng sariling kultura(paniniwala,


tradisyon, paraan ng pamumuhay) ng bayan.
Role-
Tourist Guide
Audience- Mga Turista
Situation- Ikaw ay maglalarawan ng sariling kultura ng iyong
bayan sa mga turista na naglalakbay sa iyong
lugar.
Performance- Paglalarawan
Standards- Malikhaing Paglalarawan .……..50 puntos
Naipahayag nang malinaw
ang kultura . . .....30 puntos
Hikayat sa Madla ……..20 puntos
Kabuuan …..…………………... 100 puntos

1. Paniniwala

2. Tradisyon

3. Paraan ng Pamumuhay

Binabati kita sa iyong kasipagan sa pagsagot ng sanayang ito. Alam kong


marami kang natutuhan sa araling ito.

Sanggunian:

Ambat, Vilma C. et al. Panitikang Pandaigdig 10 (Kagamitan ng mga mag-aaral sa


Filipino). Pasig City: Department of Education-Instructional Materials Council
Secretariat (DepEd-IMCS) Vibal Group Inc. 2015.
Baitang 9- Filipino
Kompetensi: Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa
napanood na bahagi ng teleserye o pelikula (F9PD-IIe-f-48); Naisasalaysay ang
6
sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang kuwento
(F9PS-IIe-f-50); Naisusulat ang isang paglalarawan ng sariling kultura na maaaring
gamitin sa isang pagsasalaysay (F9PU-IIef-50); at Nagagamit ang mga pahayag sa
pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento
(F9WG-IIe-f-50).
Susi sa Pagwawasto
Maikling Kwento

You might also like