You are on page 1of 18

Senior High School

Baitang 11

Filipino – Unang Semestre

MODYUL SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK


SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Unang Kwarter - Ikaanim na Linggo (Aralin 6 at 7)

Kasaysayan ng
Wikang Pambansa

Baitang
Baitang 11-Komunikasyon
11-Komunikasyon at Pananaliksik
at Pananaliksik sa sa
WikaWika at Kulturang
at Kulturang Pilipino
Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/
Kompetensi: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo kaganapan tungo
sa sa
pagkabuo
pagkabuo at pag-unlad
at pag-unlad ngng Wikang
Wikang Pambansa
Pambansa (F11PS-lg-88);
(F11PS-lg-88); Nasusuri
Nasusuri ang
ang mga
mga
pananaw
pananaw ngng iba’t
iba’t ibang
ibang awtor
awtor sasa isinulat
isinulat nana kasaysayan
kasaysayan ngng wika
wika (F11PB-If-95);
(F11PB-If-95); at at
Nakapagbibigay
Nakapagbibigay ngng opinyon
opinyon o pananaw
o pananaw ngng
ibatibat ibang
ibang kaugnay
kaugnay sa sa
mga mga
napakinggang
napakinggang pagtalakay
pagtalakay sa sa bansa
bansa (F11PN-lf-95)
(F11PN-lf-95)
Filipino - Baitang 11
Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng mga paaralan ng
Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino
Writers: Ma. Tita E. Cadavos, Rhyne Mae S. Gales, Kattie C. Tagud
Ma. Lulubel C. Claro, Ruel B. Casipe Jr., Joseph P. Cagcon
Illustrators: Roel S. Palmaira, Precious E. Garcia
[

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor, Rhyne Mae S. Gales

Division Quality Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan


Armand Glenn S. Lapor, Gilanes June C. Cagbay

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.


Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Kompetensi: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo at
pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11PS-lg-88); Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor
sa isinulat na kasaysayan ng wika (F11PB-If-95); at Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw ng
ibat ibang kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa bansa (F11PN-lf-95)
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino, Baitang 11.

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga dalubhasa
mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito
upang gabayan ng mga mag-aaral at ang mga gurong tagapagdaloy na matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng modyul na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din
itong matulungan sila upang malinang at makamit ang panghabambuhay ng mga
kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga
mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw sa mga
bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain sa
kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Pangunahing layunin nito
na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Sa
paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan ang nakakaaliw na mga
gawaing napapaloob sa kagamitang ito. Basahin at unawain upang masundan ang
mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay


na papel.

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Kompetensi: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo at
pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11PS-lg-88); Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor
sa isinulat na kasaysayan ng wika (F11PB-If-95); at Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw ng
ibat ibang kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa bansa (F11PN-lf-95)
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Binabati kita sa mga kaalamang natutunan mo sa nakaraaang aralin.

Sa aralin namang ito, magkakaroon ka ng kaalaman at sapat na impormasyon kung paano


tayo nagkaroon ng Wikang Pambansa na bumubuklod sa ating mga Pilipino.
Tutulungan ka rin ng araling ito na himay-himayin ang mga pangyayaring pinagdaan ng ating
wika bago pa man ito italaga na Wikang Pambansa.
Tatalakayin din dito ang mga itinadhana ng Saligang Batas upang mapagtibay ang gamit ng
wikang Pambansa.
Inaasahan din na malilinang mo ang iyong kakayahan sa pagsusuri ng mga pananaw ng
bawat awtor sa isinusulat na kasaysayan ng wika. Gagabayan ka rin ng talakayang ito upang
huhubugin din ang iyong kaisipan nang maging mapanuring kritikal sa mga kaganapan na nay
kinalaman sa wikang pambansa.
Handa ka na ba?

Subukan natin kung gaano kalawak ang iyong kaalaman. Halina at bigyang- tuon ang mga
gawaing inihanda sa ibaba.

Basahin at unawain ang diyalogo.Tungkol saan kaya ang pinag-usapan ng dalawa?

Oo nga, Fevi! Naalala ko Naku! Nerry, anong


tuloy ang ipinahayag ni Dr. hirap para sa isang
Jose P. Rizal sa awiting bansa na walang isang
“Ako’y Isang Pinoy”… “Ang wikang pangkalahatan
hindi marunong magmahal na nagsisillbing
sa sariling wika ay higit pa instrumento sa
ang amoy sa malansang pagkakaunawaan at
isda.” pagbigkis ng puso’t
isipan ng isang lahi.

1
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo
at pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11PS-lg-88); Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang
awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika (F11PB-If-9 aat5); at Nakapagbibigay ng opinyon o
pananaw ng ibat ibang kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa bansa (F11PN-lf-95)
Naunawaan mo na ba ang pinag-usapan sa diyalogo? Alam ko na handa mo nang
tunghayan ang mga tanong sa ibaba.

Mga Tanong:
Sagutin ang mga tanong at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Tungkol saan ang pinag-uusapan sa diyalogo?


2. Sa palagay mo mahalaga ba na dapat magkaroon ng iisang wika sa bansa?
3. Sa tingin mo, ano kaya ang mangyayari kung ang isang bansa ay walang sariling wika?
4. Sa iyong sariling pang-unawa, paano kaya tayo nagkaroon ng pambansang wika?

Magaling! mabuti naman at naipamalas mo ang iyong ideya, kaalaman at mga pananaw
tungkol sa unang gawain.Sa pagpapatuloy ng ating aralin ,kailangang mong malinang ito.

Halina at linangin ito!

A. Basahin at Unawain
Basahin mo ang teksto at pagtuunan ng pansin ang mga nilalaman nito.
“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda”.
Ang wikang ito ng ating pambansang bayani ay isa lamang sa kanyang mga makabayang pamana
tungkol sa pagmamahal sa ating sariling wika- ang Wikang Filipino. Ang paalalang ito ng ating bayani
ay hindi dapat kalimutan sapagkat ang ating wika’y tulad din sa iba at dapat ipagmalaki.
Dapat natin itong gamitin at nang ito’y hindi maglaho sa susunod na henerasyon. Ang
panghihiram ng mga salita sa ibang wika ay hindi dapat natin itakwil, bagkus atin itong tanggapin ng
buong puso sapagkat bahagi ito ng ating nakaraan-na tayo ay naging sakop ng ibang mga bansa gaya
ng Espanya at ng Amerika. Ang mga wikang hiram natin sa mga bansang ito ay dapat nating
ipagmalaki sapagkat isa lamang ito sa mga magagandang pamana ng mga bansang sumakop sa atin
noong una.
Kaya mga kababayan kong Pilipino, huwag tayong mahiya sa ating wika. Ipagmalaki,
pagyamanin, at gamitin natin ito kagaya ng ginawa ng ating pambansang bayani na si Rizal na kahit
saan man siya pumunta. Isa lamang halimbawa nito ang kanyang pagsalin ng mga obra ng dayuhang
manunulat sa ating wika.

Matapos mong matunghayan ang teksto, sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

Mga Tanong:

1. Tungkol saan ang binasang akda?


2. Sa iyong palagay,bakit kailangang magkaroon tayo ng wikang pambansa?
3. Bigyang interpretasyon ang pahayag ni Dr.Jose Rizal na “Ang hindi marunong magmahal sa
sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda?”

4. Sa kasalukuyan, makikita bang malaya ang mga Pilipino sa paggamit ng wikang pambansa?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

5. Paano kaya tayo nagkaroon ng Wikang Pambansa?


2
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo
at pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11PS-lg-88); Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang
awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika (F11PB-If-9 aat5); at Nakapagbibigay ng opinyon o
pananaw ng ibat ibang kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa bansa (F11PN-lf-95)
B. Alamin Natin

Batay sa Saligang Batas ng 1987 na nakasaad sa Artikulo XIV, Sek. 6, ang Wikang Filipino
ay ang opisyal na wikang pambansa ng Pilipinas. Alam mo rin ba na naging masalimuot ang
pinagdaanan ng ating wika bago italaga na wikang pambansa?
Sa larangang ito mahalagang malaman mo ang kasaysayan ng ating wikang pambansa
tungkol sa pinagdaanan nito bago naisabatas hanggang sa naging Wikang Pambansa. Mahalagang
malalaman mo rin ang mga pangyayaring naganap mula noong panahon ng katutubo, panahon ng
Espanyol, panahon ng Hapones, panahon ng Amerikano, panahon ng Rebolusyong Pilipino
hanggang sa kasalukuyan. Ito ay magbibigay sa iyo ng tamang impormasyon kung paano tayo
nagkaroon ng wikang pambansa.

Ngayon basahin mo ang kasaysayan ng ating wikang pambansa. Kailangan mong magkaroon
ng kabatiran kung ano-ano ang mga pinagdaanan nito.

Panahon ng Katutubo

Mayaman na sa sining at panitikan ang mga katutubo noon bago pa man dumating ang mga
Kastila. Sila rin ay may sariling pamahalaan at batas na pinairal. Mayroon din silang wika na
ginagamit sa pakikipagtalastasan at pakikipagkalakan. Marunong din silang bumasa at sumulat. May
sinusunod sila na pamamaraan ng pagsulat. Ginamit nila bilang papel ang mga biyas ng kawayan,
dahon ng palaspas at balat ng punong kahoy at ginamit din nila ang dulo ng matutulis na bakal bilang
panulat. Ang mga ebedensiyang ito ng kanilang sining at panitikan ay matatagpuan sa Museo ng
Aklatang Pambansa at ng Unibersidad ng Santo Tomas. Pinatunayan ito ni Padre Chirino sa
kaniyang Relacion de las Islas Filipinas (1604) na may sariling sistema ng pagsulat ang mga katutubo
noon na tinatawag na baybayin. Ang malaking bahagi ng kanilang gawa noon ay hindi na matagpuan
sapagkat sinunog na ito ng mga dayuhang Espanyol dahil raw ito ay kagagawan ng diyablo at ito raw
ay magiging sagabal sa pagpalaganap ng pananampalatayang Katoliko. Ang baybayin ay binubuo ng
labimpitong titik – tatlong patinig at labing-apat na katinig. Ang katinig ay binibigkas na may kasamang
tunog na patinig na /a/. Ang patinig naman ay binibigkas na may kasamang patinig na /e/o/i/ na
nilalagyan ang titik ng tuldok sa itaas, samantalang tuldok sa ibaba naman kung ang nais isama ay
/o/at/u/.

Ang baybayin ay gumagamit ng dalawang guhit na pahilis (//) sa hulihan ng pangungusap.

Halimbawa ng Baybayin na ginamit ng mga katutubo noon:

3
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo
at pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11PS-lg-88); Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang
awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika (F11PB-If-9 aat5); at Nakapagbibigay ng opinyon o
pananaw ng ibat ibang kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa bansa (F11PN-lf-95)
Panahon ng Espanyol
Noong panahon ng Espanyol may sariling wikang ginagamit na sa pakikipagtalastasan at
pakikipagkalakalan sa ibang lugar ang mga katutubo ngunit ipinagkait nila ang kalayaan sa paggamit
ng wikang katutubo. Noong panahon ding iyon, pinag-isipan ng mabuti ng mga Espanyol ang tungkol
sa estratehiyang gagamitin sa kanilang pananakop. Sa kalagayang ito, ginamit nila ang
pananampalatayang Kristiyanismo upang maisakatuparan ang kanilang adhikain. Ang mga
misyoneryong Espanyol mismo ang nag-aral ng wikang katutubo dahil nabatid nila na magiging
mabisa at kapani-kapaniwala ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ginamit nila ang relihiyong ito
upang makuha ang loob ng mga katutubo. Sumulat ang mga prayle ng diksyunaryo at aklat
panggramatika, katesismo at mga kumpesyonal para mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong
wika. Itinuro rin ng mga prayle ang Doctrina Christiana, gamit ang wikang katutubo kaya napalapit
ang mga katutubo sa kanila samantalang napalayo naman ang loob ng mga ito sa pamahalaan dahil
sa wikang Espanyol. Sa sitwasyong ito, inutos ni Haring Felipe II, ang tungkol sa pagtuturo ng wikang
Espanyol sa lahat ng katutubo ngunit nabigo siya. Alinsunod nito, nilagdaan ni Carlos IV ang isang
pang dekrito na nag-uutos na gamitin ang wikang Espanyol sa lahat ng paaralang itatatag sa
pamayanan ng mga Indiyo. Sa panahon ding iyon, nanganib ang wikang katutubo na naging sanhi ng
kanilang pagkawatak-watak. Sa katunayan, hindi binigyang-diin ng mga Espanyol ang kahalagahan
ng wikang katutubo na magbibigkis ng damdamin ng mga Pilipino. Sa larangang ito, naging
matagumpay ang pananakop ng mga Espanyol.

Panahon ng Rebolusyong Pilipino

Sa pananakop ng mga Kastila, namulat sa katotohanan ang mga Pilipino. Natuto silang
lumaban ng kanilang karapatan na siniil ng mga dayuhan sa loob ng higit na tatlong daang taon. Sa
panahon namang ito ng Rebolusyong Pilipino, nagkaroon sila ng matinding damdaming
nasyonalismo. Nag-aral ang mga Pilipino sa ibang bansa upang tumuklas ng karunungan. Itinatag
nina Andress Bonifacio at ng kanyang mga kasamahan ang Katipunan. Ginamit nila ang wikang
Tagalog sa kanilang kautusan at mga pahayagan bilang unang hakbang sa pagtataguyod ng wikang
Tagalog. Noon 1872, nagkaroon ng kilusan ng propagandadista na naging simula ng paghihimagsik.
Sumibol ang kaisipang “isang bansa, isang diwa” laban sa mga Espanyol. Noong 1899, pinagtibay
ang Konstitusyon ng “Biak na Bato” bilang unang sama-samang pagkilos ng mga Pilipino. Ginamit na
ospisyal na wika ang wikang Tagalog ngunit naging opisyal lamang ang paggamit nito batay sa
isinasaad na konstitusyon nang itinatag ang unang Republika sa pamumuno ni Aguinaldo dahil sa
pamamayani ng mga ilustrado sa Asembleyang Konstitusyonal.

Ginamit din nila ang wikang Tagalog sa pagsulat ng sanaysay, tula, kwento at iba pa na kung
saan dito nakapaloob ang kanilang masidhing damdamin laban sa Espanyol. Sa panahong ito, ang
Wikang Tagalog ay naging biktima ng politika dahil sa nag-uumpisa pa lamang lumago ang nasabing
wika ay napasailalim naman ito sa dayuhang wika.

Panahon ng Amerikano

Pagkaraan ng pananakop ng Espanyol, dumating na naman sa bansa ang mga Amerikano sa


pamumuno ni Almirante Dewey. Ginamit ang wikang Ingles bilang wikang pantalastasan at wikang
panturo sa antas primarya hanggang kolehiyo. Batay sa Komisyon ng Batas Blg. 74 noong ika-21 ng
Marso, ang wikang Ingles ay ginamit na wikang panturo sa paaaralang pambayan. Nagsilbing guro
ang mga sundalo at mga Thomasites sa pagturo ng Ingles. Hindi naging madali ang pagturo ng
tatlong R (reading, writing, arithmetic) kaya ipinagamit ang bernakular bilang wikang pantulong.

4
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo
at pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11PS-lg-88); Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang
awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika (F11PB-If-9 aat5); at Nakapagbibigay ng opinyon o
pananaw ng ibat ibang kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa bansa (F11PN-lf-95)
Ang paggamit ng bernakular at wikang Ingles ay hindi naging magandang pakinggan at ang
paggamit ng bernakular ay maaaring magresulta sa suliraning administratibo at magdulot ng
rehiyonalismo ayon sa kawanihan ng paaralang pambayan. Sa sitwasyong ito, nalaman na ang
tanging paggamit ng wikang Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang
pagkakaisa. Kailangan hasain ang mga Pilipino sa paggamit ng wikang ito. Ang pagtuturo ng wikang
Ingles ay nasasayang dahil walumpung porsyento lamang ng mag-aaral ang nakaabot ng hanggang
ikalimang grado at ito ay walang kinalaman sa kanilang sosyal at praktikal na pamumuhay samantala
ang paggamit sana ng bernakular ay magiging epektibo sa pagtuturo sa primarya. Hindi nila
magagamit ang Ingles maliban kung sila ay magpapatuloy sa pamantasan o pupunta sa ibang bansa.
Alinsunod sa layuning maitataguyod ang wikang Ingles, nagsasagawa ang kawanihan ng
Pambansang pagtuturo ng mga alitutuning dapat sundin. Binigyang-diin ang pagtuturo ng
asignaturang Ingles sa kurikulum sa lahat ng antas ng edukasyon.

Sa pagbibigay diin ng mga Amerikano sa pagtuturo na gamit ang Ingles, natuklasan na ang
kakayahang makaunawa ang mga kabataang Pilipino ay napakahirap tayahin kung ito ba ay hindi
makakalimutan paglabas nila ng paaralan ayon sa sarbey na ginawa nina Najeeb Mitri Saleeby ng
Educational Survey Commission sa pamumuno ni Dr. Paul Monroe. Ayon din kay Saleeby mas
makabubuti kung magkaroon ng pambansang wikang hango sa katutubong wika nang naging malaya
at mas epektibo ang paraan ng edukasyon sa buong bansa.

Iminungkahi ni Lope K. Santos na ang isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na maging
wikang Pambansa. Sinusugan ito ni Manuel L. Quezon, pangulo ng Komonwelt ng Pilipinbas. Ang
panukalang ito ay nakasaad sa Probisyong Pangwika sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas
ng 1935. Nalikha ang Komonwelt Blg. 184 na nagsasaad ng opisyal na paglikha sa Surian ng Wikang
Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre, 1936. Ang batas na ito ang magsagawa ng pananaliksik,
gabay at alituntunin na maging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas. Tagalog ang
napiling wikang pambansa. Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ang nag-aatas na Tagalog
ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng Wikang Pambansa. Ito ay ipinalabas
noong 1937 ni Pangulong Quezon.

Panahon ng Hapones
Noong pananakop ng Hapones nakaramdam ng kaluwagan ang wikang Tagalog. Ipinagamit
nila ang wikang Tagalog sa pagsulat ng akdang pampanitikan sa panahon ding ito, ipinatupad ang
Ordinansa Militar Blg. 3 na nag-utos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at wikang Hapones
(Nihonggo). Itinuro ni Jose Villa Panganiban ang wikang Tagalog sa mga Hapones at sa mga di-
Tagalog. Binuhay ang Surian ng Wikang Pambansa. Sa panahon ding ito, nagkaroon ng masiglang
talakayan tungkol sa wika, marahil ay ipinagbabawal ng Hapones na tangkilikin ang wikang Ingles.
Kaugnay nito, napilitan ang mga bihasa sa Ingles na matuto ng wikang Tagalog at sumulat gamit ang
wikang ito.

Panahon ng Pagsasarili hanggang sa Kasalukuyan

Noong panahon ito, ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas
Komonwelt Blg. 570 noong Hulyo 4, 1946. Pinalitan ang tawag sa Wikang Pambansa, mula Tagalog
ay naging Pilipino sa bisang Kautusang Pangkagawaran Blg.7 na ipinalabas ni Jose B. Romero
dating kalihim ng Edukasyon, noong Agosto 13, 1959. Noong taong-panuruan 1963-1964, ang mga
sertipiko at diploma sa pagtatapos ay ipinalimbag sa wikang Pilipino. Noong 1963, ipinag-utos na
awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 s.
1963 na nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal.

5
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo
at pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11PS-lg-88); Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang
awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika (F11PB-If-9 aat5); at Nakapagbibigay ng opinyon o
pananaw ng ibat ibang kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa bansa (F11PN-lf-95)
Noong 1967, nang umupo si Ferdinand Marcos bilang pangulo ng Pilipinas, inutos niya, sa
bisa ng kautusang tagapagpaganap Blg. 96, s. 1967 na ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ay
pangalanan sa Pilipino. Nilagdaan din ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas ang Memorandum
Sirkular Blg. 172 (1968) na nag- uutos na ang mga ulong-liham ng mga tanggapan ng pamahalaan ay
isulat sa Pilipino. Ang mga pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng
pamahalaan ng isinalin din sa Pilipino. Ang Memorandum Sirkular Blg. 199 (1968) naman ay may
kinalaman sa pagbibigay ng tagubilin sa lahat ng mga kawani ng pamahalaan na dumalo sa mga
seminar sa Pilipino na pinangungunahan ng Surian ng Wikang Pambansa sa iba’t ibang purok
linggwistika ng kapuluan. Ang lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng
pamahalaan ay gagamit ng wikang Pilipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at sa lahat
na opisyal na komunikasyon at transaksyon ay nakapaloob sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187
na nilagdaan ni Pangulong Marcos. Noong Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura
sa pamumuno ni Kalihim Juan L. Manuel ay nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s.
1974 ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal. Nang umupo si
Corazon Aquino bilang unang babaeng pangulo ng Pilipinas ay bumuo ng bagong batas ang
Constitutional Commission. Sa Saligang Batas 1987 ay nilinaw ang mga kailangang gawin upang
maitaguyod ang wikang Pilipino. Sinasabing sa termino ni Pangulong Aquino isinulong ang paggamit
ng wikang Filipino.

Alinsunod sa Seksyon 6 ng Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987 ay nagsasaad ng sumusunod:


Wika

SEK. 6. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng mga batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang- edukasyon.

SEK. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at, hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay
pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo
doon. Dapat itaguyod nang kusa at opisyal ang Kastila at Arabic.

SEK. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.

SEK. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng Wikang Pambansa na binuo ng mga
kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod
ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad,
pagpapalaganap, at pagpapanatili. Tinupad ito ng Pangulong Corazon C. Aquino sa pamamagitan ng
Executive Order No. 335 ay “Nag- aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya
para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at
korespondensiya.” Isang atas na matabang na ituloy ng ibang administrasyon at hindi pinansin ng
Kongreso. Nang umupo naman si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay naglabas siya ng Executive
Order No. 210 noong Mayo 2003 na nag-aatas ng pagbalik sa isang monolingguwal na wikang
panturo ang Ingles, sa halip na ang Filipino. Nalungkot ang maraming tagapagtaguyod ng wikang
Filipino sa atas na ito. Noong ika-5 Agosto 2013, sa pamamagitan ng Kapasiyahan Blg. 13-39 ay
nagkasundo ang Kalipunan ng KWF sa sumusunod na depinisyon ng Filipino: “Ang Filipino ay ang
katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon, sa pabigkas at sa
pasulat na paraan, ng mga pangkating katutubo sa buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buhay,
mabilis itong pinauunlad ng araw- araw at iba’t ibang uri ng paggamit sa iba’t ibang uri ng paggamit sa
6
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo
at pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11PS-lg-88); Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang
awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika (F11PB-If-9 aat5); at Nakapagbibigay ng opinyon o
pananaw ng ibat ibang kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa bansa (F11PN-lf-95)
iba’t ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko
ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng mga malikhaing
katangian at kailangang karunungan mula sa mga katutubong wika ng bansa.”(http://kwf.gov.ph/wp-
content/uploads/FAQ_2.4.15.pdf)

Sinasabi na ang wikang Filipino ay patuloy na yayaman, yayabong sa pamamagitan ng araw-


araw na paggamit nang may pagpapahalaga at pagmamahal. Sama-sama nating abutin ang wagas
na hangaring maging wika ng karunungan ang wikang Pambansa ayon sa Komisyon ng Wikang
Filipino.

Basahin mo rin at pag-aralan ang ilang mga Batas, Kautusan, Proklamasyong pinairal sa
pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/Filipino.

Mga Ilang Batas, Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa


Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/Filipino

1. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940) – Isinaad ang pagpapalimbag ng “A Tagalog
English Vocabulary” at “Ang Balarila ng Wikang Pambansa.” Inihayag din ng pagtuturo ng wikang
pambansa (Tagalog) sa mga paaralang pampubliko at pribado simula Hunyo 19,1940.

2. Batas ng Komonwelt Blg. 570 – Ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang wikang pambansa
(Tagalog) simula Hulyo 4, 1946.

3. Proklamasyon Blg. 12 – Ipinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pang. Ramon Magsaysay ang
pagkakaroon ng Pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29 – Abril 4 (kapanganakan ni
Francisco Balagtas).

4. Proklamasyon Blg. 186 (1955) – Inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa
Agosto 13-19 (kapanganakan ni Manuel L. Quezon).

5. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 --- Ipinalabas noong Agosto 13, 1959 ng noo’y kalihim ng
Kagawaran ng Edukasyon na si Jose E. Romero na nag-aatas na tawagin ang wikang pambansa
na Pilipino.

6. Saligang-batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 --- Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas.
7. CHED (Commission on Higher Education) Memorandum Blg. 59 (1996) --- Nagtadhana ng 9 na
yunit na pangangailangan ng Filipino sa kolehiyo o pamantasan.

8. Proklasmasyon Blg. 1041 (1997) --- nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos na
nagtatakda na ng buwan ng Agosto, ang buwan ng Wikang Filipino.

Jocson, Magdalena O. “Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino”

Natunghayan mo na ang bawat kawing-kawing na pangyayari at maging ang mga batas na pinaiiral
kung paano tayo nagkaroon ng wikang pambansa. Hindi naging madali ang pinagdaanan nito.
Ngayon na nalaman mo na ang buong kaganapan, alam ko na handa mo nang sagutin ang mga
tanong at gawin ang mga gawain sa ibaba.

7
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo
at pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11PS-lg-88); Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang
awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika (F11PB-If-9 aat5); at Nakapagbibigay ng opinyon o
pananaw ng ibat ibang kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa bansa (F11PN-lf-95)
C. Sanayin Natin
I. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng ilang salita na kaugnay ng wikang pambansa sa pamamagitan
ng Word Association. Tunghayan mo ang isang halimbawa bilang gabay mo sa pagsagot
sa iba pang salita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
rehiyon
komunidad diyalekto

etniko Wikain Ibanag

pangkat ng tao Tagalog


heograpiko

1. 2.

Saligang-batas Tagalog

3. 4.

Rehiyonalismo Katutubong Wika

Mahusay ang ginawa mong pagsagot sa Word Association. Ngayon susuriin natin ang
nilalaman ng binasang teksto. Bigyan mo ng tuon ang bawat aytem sa ibaba.

II. Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat sa sagutang papel:

1. Sa paanong paraan napatunayang marunong makipagtalastasan ang mga katutubong Pilipino?

2. Bakit biglang nawala ang naiambag ng mga katutubo sa kasaysayan ng wikang pambansa sa
pagdating ng sumunod na nandayuhan?
3. Sa iyong palagay, bakit sumibol ang kaisipang “isang bansa , isang diwa” sa mga manghihimagsik
noong panahon ng Rebolusyong Pilipino?
4. Ano ang naging epekto ng pagpapatuloy ng Konstitusyon ng Biak-na-Bato sa kasaysayan ng
wika?
5. Bakit sinasabing naging biktima ng pulitika ang wikang Tagalog noong panahon ng Rebolusyong
Pilipino?
6. Masasabi mo bang nanganib ang wikang Tagalog sa panahon ng Amerikano? Bakit?

7. Naging mabilis ba ang pagsulong ng ating wika pagkatapos nating makalaya sa mga nandayuhan
sa ating bansa. Ipaliwanag ang iyong sagot.

8. Bilang isang kabataang Pilipino sa paanong paraan ka makatutulong sa papapaunlad ng ating


wikang pambansa?

8
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo
at pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11PS-lg-88); Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang
awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika (F11PB-If-9 aat5); at Nakapagbibigay ng opinyon o
pananaw ng ibat ibang kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa bansa (F11PN-lf-95)
III: A. Panuto: Pumili lang ng dalawa sa ibaba at ipaliwanag ang nilalaman ng batas, kautusang
tagapagpaganap, mga proklamasyon at mga kautusang pangkagawaran.
Kopyahin ang pormat sa ibaba at sa loob ng kahon isulat mo ang iyong sagot.

Kautusang Tagapagpaganap Batas ng Komonwelt Proklamasyon Blg. 12


Blg. 263 (Abril 1, 1940) Blg. 570 (1946) (1954)

Proklamasyon Blg. 186 Kautusang Artikulo XIV Sek. 6 ng


(1955) Pangkagawaran Blg. 7 Saligang-batas ng 1987

CHED Memorandum Blg. 59 Proklamasyon Blg. 1041


(1996) (1997)

IV. Panuto: Sa pamamagitan ng Step Ladder ilahad mo ang mga mahahalagang pangyayari
tungkol sa kasaysayan ng wikang pambansa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Paglalahad ng Pangyayari sa Pamamagitan ng Step Ladder

Magaling naisagawa mo nang maayos ang mga gawain!

Pagkatapos na matunghayan mo ang araling ito ,inaasahan na ikaw ay makapaglalahad ng


mga kaalaman at aral na napulot mo sa talakayan. Patunay nito, gagawin mo ang Gawain sa ibaba.

V. Panuto: Isulat mo ang mga natutuhan sa aralin gamit ang Concept Cluster sa ibaba.
Pagkatapos, isulat nang patalata ang mga isinulat sa concept cluster.

Kasaysayan ng
Wikang Pambansa

9
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo
at pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11PS-lg-88); Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang
awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika (F11PB-If-9 aat5); at Nakapagbibigay ng opinyon o
pananaw ng ibat ibang kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa bansa (F11PN-lf-95)
Lagom ng Natutuhan sa Aralin Mula sa Concept Cluster

Binabati kita sa maganda mong pagganap. Maayos na naisagawa mo ang iyong gawain
ng may tamang pagpapahalaga.

A. Panuto: Kung isa ka sa nagsusulong ng batas na magkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas
noong Panahon ng Espanyol, Panahon ng Rebolusyong Pilipino at Panahon ng
Amerikano, ano ang iyong mararamdaman sa maraming balakid na naranasan nito? Ano
naman ang iyong naramdaman bilang mamamayang Pilipino na may wikang pambansa na
itinadhana ng Saligang-batas? Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

Naramdaman ko na maraming balakid kaugnay ng wikang pambansa noong Panahon ng


Espanyol______________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Naramdaman ko na maraming balakid kaugnay ng wikang pambansa noong Panahon ng


Rebolusyon Pilipino______________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Naramdaman ko na maraming balakid kaugnay ng wikang pambansa noong Panahon ng


Amerikano_____________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

10
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo
at pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11PS-lg-88); Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang
awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika (F11PB-If-9 aat5); at Nakapagbibigay ng opinyon o
pananaw ng ibat ibang kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa bansa (F11PN-lf-95)
B. Panuto: Pinaiiral pa ba sa kasalukuyan ang mga batas, dating batas, kautusang
tagapagpaganap, proklamasyon, kautusang pangkagawaran, memorandum sirkular
at iba pa ay may implementasyon pa rin ba sa kasalukuyan? Kung Oo, isulat ang isa
sa mga ito. Kung Hindi naman ang sagot, ipaliwanag kung bakit mahalaga ang mga
ito sa pagpapaunlad ng wikang pambansa. Gawing patalahanayan ang sagot kagaya
ng kasunod na pormat.Isulat sa sagutang papel.

Oo Hindi

Ngayon na may marami ka ng nakukuhang impormasyon at mga kaalaman sa natunghayan


na mga gawain, tiyak na ikaw ay magagabayan ng husto sa mga susunod pang mga aktibidades.

C. Panuto: Ngayon isulat mo ang iyong pangalan sa kahon gamit ang baybayin. Gawin ito
sa sagutang papel.

Magaling! Nakuha mong isulat ang iyong buong pangalan sa baybayin.

Pagkatapos na malinang mo ang iyong kakayahan,kaalaman at kasanayan,dadako naman

tayo ngayon sa susunod namang gawain kung saan ito ay susubok sa iyong pag-unawa tungkol sa

pinagdaanang pangyayari o kaganapan sa pagbuo ng wikang pambansa gamit ang step ladder.
Mahalagang malaman mo ang naging puno’t dulo ng mga pangyayari, pinagdaanan ng ating
wikang pambansa.
Ano ang ibig sabihin ng step ladder?
Ang Step Ladder ay isang uri ng diyagram o graphic organizer na ginagamit sa paglalahad
ng mga magkasunod-sunod na mga mahahalagang pangyayari.
Matapos mong matunghayan ang mga gawain sa itaas ikaw ay inaasahan naman na
magpatuloy sa iyong mga gawain - ang pagbigay-diin sa pananaw na napakinggan tungkol sa
kasaysayan ng wikang pambansa.

11
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo
at pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11PS-lg-88); Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang
awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika (F11PB-If-9 aat5); at Nakapagbibigay ng opinyon o
pananaw ng ibat ibang kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa bansa (F11PN-lf-95)
Bumasa at Tumugon

Alam ko na nagkaroon ka na nang kabatiran tungkol sa pangyayari/ kaganapan tungo sa


pagbuo at pag-unlad ng wikang pambansa. Ngayon naman ikaw ay magbibigay ng iyong sariling
pananaw sa napakinggang kasaysayan ng wikang pambansa.
Alam mo ba kung gaano kahalaga ang pagbigay ng sariling pananaw?
Mahalaga ang pagpapahayag ng sariling pananaw, isyu, suliranin, kalagayan at mga kaganapan sa
kapaligiran.Ito ay nagangahulugan ng paraan ng pagsasaalang alang o pagsusuri sa isang bagay,
suliranin o pangyayari. Ito ay isang kuro o hakang- personal. Tumutukoy din ito sa sariling paniniwala
ng tao tungkol sa isang bagay, sitwasyon o pangyayari. Sinasabing walang maling pananaw sapagkat
ibinatay ito sa isang katotohanan o karanasan ng nagpapahayag nito.
Maaaring ang pananaw ay sumang-ayon, may pagtanggap, pagpapatotoo at pagsalungat. Sa
pagsusuri naman ng pananaw na nakapaloob sa isang akda, may batayan ba ang ibinigay na
pananaw tulad ng katotohanan o karanasan, may kaisahan ba ang mga pananaw na ipinahayag; may
kaugnayan ba sa paksa ang ibinigay na pananaw; angkop ba ang mga salitang ginamit na
nagpapahayag ng pananaw; at higit sa lahat, madali bang maunawaan ang pananaw na ibinigay?

Gawain A. Pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika.


Panuto: Basahin at ilahad ang inyong sariling pananaw tungkol sa pahayag sa ibaba at isulat mo ang
iyong sagot sa sagutang papel.

Basa:
1. Ayon kay Gleason (1961), ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili
at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga taong kabilang
sa isang kultura.

Tugon:___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Basa:

2. Ayon kay Jean Jacques Rousseau, “Ang pagkalikha ng wika ay hindi nagmula sa
pangangailangan nito ngunit nanggaling sa silakbo ng damdamin. Ang pangangailangan ay
maaring makapaghati-hati sa mga tao at magtulak sa kanila mag kanya-kanya, ngunit ang
silakbo ng damdamin ang nagtutulak na mamutawi sa bibig nga mga tao ang iyak, halakhak,
sigaw, galit na maaring pinagmulan ng sinaunang wika.”

Tugon:___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Basa:
3. Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay Sistema ng tunog o sagisag na ginagamit ng tao sa
komunikasyon.

Tugon:___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

12
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo
at pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11PS-lg-88); Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang
awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika (F11PB-If-9 aat5); at Nakapagbibigay ng opinyon o
pananaw ng ibat ibang kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa bansa (F11PN-lf-95)
Mabuti naman at nasuri mo ang mga pananaw ng ibat ibang awtor sa isinulat na kasaysayan
ng Wikang Pambansa. Sa pagpapatuloy ng ating talakayan hindi lang ang pananaw ng mga ibat ibang
awtor ang bigyan mo ng pansin bagkus ikaw ay susubukin din na maging mapanuri sa pamamagitan
ng pagbigay ng opinion o pananaw hinggil sa napakinggang pagtalakay sa wikang pambansa.Binabati
kita dahil naisakatuparan mo ang unang bahagi ng ating gawain.
Sa ikalawang bahagi naman, ikaw ay inaasahan na magbigay ng iyong pananaw tungkol sa
napakinggang pagtalakay sa wikang pambansa. Alam ko na handa mo nang tunghayan ang sunod na
Gawain.

Gawain B. Pananaw o opinyon sa napakinggang pagtalakay sa wikang Pambansa

Basa:
1. Batay sa kasaysayan ng wikang pambansa noong panahon ng Espanyol, ang malaking bahagi ng
ginawa nga mga katutubo noon ay hindi na matagpuan sapagkat sinunog ito ng mga Espanyol
dahil ito raw ay kagagawan ng diyablo. Maliban sa dahilang iyon, nabuo sa kanilang sarili na
magiging sagabal iyon sa pagpapalaganap nila ng pananalampatayang Katoliko.

Tugon:___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Basa:
2. Naging malaking usapin ang wikang gagamitin sa pagpapalawak ng Kristiyanismo. Mabisa ang
paggamit ng katutubong wika sa pagpapatahimik ng mamamayan kaysa libong sundalong
Espanyol noong panahon ng mga Kastila.

Tugon:___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Basa:
3. Naging matagumpay ng pananakop ng mga Espanyol sa mga katutubo.Hindi nila itinanim ang
kahalagahan ng wika bilang instrumentong magbibigkis ng kanilang damdamin.

Tugon:___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Gawain C

Maaaring malaki ang naitulong sa iyo ng mga gawain upang malinang ang iyong kakayahan,
kaalaman ,talino at talento,ngayon ikaw ay inaasahan sa paggawa ng poster na nagpapakita ng
pagpapahalaga at pagmamahal sa wikang pambansa. Huwag kang mabahala, ikaw ay gagabayan ng
pamantayan sa susunod na pahina. Gagawin mo ito sa isang pirasong short bond paper.

13
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo
at pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11PS-lg-88); Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang
awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika (F11PB-If-9 aat5); at Nakapagbibigay ng opinyon o
pananaw ng ibat ibang kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa bansa (F11PN-lf-95)
Pamantayan sa Pagmamarka – Paggawa ng Poster

Puntos Natamong
Pamantayan Indikador
(5 puntos) Puntos

Naipakita at naipaliwanag ng
Nilalaman maayos ang ugnayan ng lahat ng
konsept sa paggawa ng poster
Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang mensahe
konsepto sa paglalarawan ng konsepto
Orihinal ang ideya sa paggawa ng
Pagkamapanlikha
Poster
(originality)

Kabuuang Malinis at maayos ang kabuuang


Presentasyon presentasyon
Gumamit ng tamang
kombinasyon ng kulay upang
Pagkamalikhain maipahayag ang
(creativity) nilalaman,konsepto at
maensahe
Kabuuan:

Magaling! napakaganda ng nagawa mong poster. Tunay ngang kahanga- hanga. May
tinatago ka palang talento. Kailangan mo pang linangin iyang mabuti.
Handa ka na ba? Kailangan mo nang sagutin ang mga tanong sa Tayahin Natin.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat mo
sa iyong sagutang papel.

1. Ang baybayin ay binubuo ng:


A. 15 titik C. 17 titik
B. 20 titik D. 13 titik

2. Ang pangunahing layunin ng mga Espanyol nang sakupin ang Pilipinas .


A. Pagpapalaganap ng kristiyanismo
B. Pagtuturo ng pangkabuhayan
C. Pagbibigay ng tamang edukasyon
D. Pagpapayaman ng kayamanang taglay

3. Kautusang ipinalabas ni Pangulong Quezon na naging batayan ng wikang gagamitin sa


pagbuo ng Wikang Pambansa.
A. Kautusang Tagapagganap blg.134
B. Batas Komonwelt blg.184
C. Saligang Batas ng 1935
D. Batas Blg. 74

14
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo
at pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11PS-lg-88); Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang
awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika (F11PB-If-9 aat5); at Nakapagbibigay ng opinyon o
pananaw ng ibat ibang kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa bansa (F11PN-lf-95)
4. Sa panahon ng katutubo,nabatid natin na ang ating mga ninuno ay nagmula sa tatlong
malalaking pangkat na nandarayuhan sa ating bansa. Ano ang ibinunga nito sa pag-unlad ng
ating wika?
A. Walang isang wika na nanaig sa bansa.
B. Hindi nag-uusap ang ating ninuno.
C. Nahirapang makipakalakalan ang ating mga ninuno.
D. Hindi nagkakaisa ang ating mga ninuno.

5. Ano ang naging sanhi ng pagsunog ng mga Espanyol sa mga natuklasang paraan ng pagsulat at
pagbasa ng baybayin?
A. Gustong buwagin ng mga Espanyol ang pagkakaisa ng ating mga ninuno
B. Hindi nila mauunawaan kung ito ang gagamitin
C. Ayon sa kanila ito raw ay gawa ng diyablo
D. Hadlang ito sa pagpapalaganap ng Kritiyanismo

6. Ang ibinunga ng pagsibol ng kaisipang “isang bansa,isang diwa” ?


A. Gumawa ng batas ang Espanyol nag awing wikang pambansa ang tagalog
B. Pinilit ng mga manghihimagsik na pag-aralan ang wikang Espanyol
C. Nabatid ng mga manghihimagsik na ang wika ay malaking bahagi upang mapagbuklod
ang mga kababayan nila.
D. Lumaban sila sa nga dayuhang mang -aalipin

7. Paano nagkaroon ng matinding nasyonalismo ang mga Pilipino?


A. dahil sila ay nagkakaisa laban sa mga mananakop
B. dahil sila ay namulat sa pang aalipin ng mga dayuhan
C. dahil may iisang wika na ginamit upang mapagbigkis-bigkis ang isip at damdamin ng
mga Pilipino
D. Dahil sila ay nakatuklas ng karunungan na naging instrument sa pagkalaya

8. Bakit itinuro ng banyagang mananakop sa mga katutubo ang kani-kanilang sariling wika?
A. Gusto ng mga dayuhan na tangkilikin ang kanilang wika
B. Madali nilang masakop ang bansa at mapaniwala ang mga Pilipino
C. Mapayaman ang kanilang kultura at tradisyon
D. Maisakatuparan ang mga plano nila

9. Bakit mahalagang isulong ang wikang Filipino?


A. Ito ay susi sa kaunlaran ng bansa
B. Ito ang makapagbuklod sa bawat mamamayang Pilipino
C. Ito ay minana natin sa ating mga ninuno
D. Ito ang ginagamit sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng bawat mamamayan

10. Nailipat sa buwan ng Agosto ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika ayon sa Proklamasyon Blg. 186
noong 1995 dahil sa:
A. buwan ito nang kapanganakan ni Francisco Balagtas
B. buwan ito nang kamatayan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos
C. buwan ito nang kapanganakan ni Manuel L. Quezon
D. buwan ito nang naitalagang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon si Jose E. Romero

Ang galing mo! Binabati kita sa mga kaalamang natutunan mo tungkol sa pinagdaanan ng
kasaysayan ng ating wikang pambansa. Sana mas napalalim at napalawak mo ang iyong isipan nang
mapahalagahan mo at magamit ang wikang pambansa nang taos-puso at may pagmamalaki bilang
isang kabataang Pilipino.

15
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo
at pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11PS-lg-88); Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang
awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika (F11PB-If-9 aat5); at Nakapagbibigay ng opinyon o
pananaw ng ibat ibang kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa bansa (F11PN-lf-95)

You might also like