You are on page 1of 11

FS8

Integrated Lesson Exemplar


sa Filipino
Kuwarter 3- Linggo 3
Paghahayag ng Sariling Pananaw Tungkol sa
Kalidad ng Ani na Napapanood sa Video Clip

REGION VI – WESTERN VISAYAS

RO6-FSFilipino8-K3L3
Filipino 8
Integrated Lesson Exemplar sa Filipino Kuwarter 3, Linggo 3
Naiuugnay ang sariling karanasan sa katrabaho at mamimili
sa positibo at propesyunal na pamamaraan
Unang Edisyon, 2022

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon VI – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Filipino 8 Integrated Lesson Exemplar (ILEs) na ito ay inilimbag upang magamit ng
mga Paaralan sa Rehiyon 6-Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma nang
walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.
Bumuo sa Pagsusulat ng Integrated Lesson Exemplar – Filipino 8

Taga sulat: Joesery P. Tuma-ob


Mga Tagaguhit: Roel S. Palmaira, Mel June G. Flores, Althea C. Montebon
Mary Clarence G. Madero
Mga Tagaanyo: Jemma P. Palaguayan, Armand Glenn S. Lapor Lilibeth E. Larupay,
Eladio J. Jovero, Jonathan C. Gustilo
Division Quality Assurance Team: Abraham Edgar T. Vargas, Nelson S. Cabaluna, Rene B. Cordon,
Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor
Farm School Development Team: Rudylen S. Faelmarin, Sheena Mae L. Laceňa

Division of Iloilo Management Team: Roel F. Bermejo, Ferdinand S. Sy, Adonis


Mosquera, Arlene Yap, Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay, Marites C.
Capilitan
Enhanced Integrated Learning Activity Sheets Development Team:

Mga Manunulat: Evelyn G. Espago, Rudelyn S. Faelmarin, Gerald S. Francisco,


Ma. Corazon T. Macahilig, Marilyn E. Labrague, Gerald S. Francisco
Mga Tagasuri: Aurelio D. Odiong, Schubert Anthony C. Sialongo

Regional Management Team: Ramir B. Uytico Donald T. Genine


Pedro T. Escobarte Elena P. Gonzaga
Celestino S. Dalumpines IV

Department of Education – Region VI-WesternVisayas


Office Address:Duran Street, Iloilo City
Telefax:(033) 336-2816, (033) 5097653
E-mail Address:region6@deped.gov.ph

RO6-FSFilipino8-K3L3
Integrated Lesson Exemplar in Filipino , Kuwarter 3, Linggo 3
Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa kalidad ng ani na napapanuod sa
video clip

Tanggapang Baitang: 8
Pansangay:
Guro: Asignatura: Filipino
Peysa at Oras Kuwarter: 3 (1 oras )
ng Pagtuturo:

I. Layunin
A. Pamantayang Naipamalas ng mga mag-aaral ng pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular
Pangnilalaman sa kulturang Pilipino
B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang
Paggnap kamalayan sa pamagitan ng multimedia

C. Layunin 1. Naihayag ang sariling papanaw tungkol sa mahahalagang isyung


mahihinuha sa napanood na pelikula (F8PD-IIIg-h-32)
2. Check quality of harvest based on indications of fully decomposed fertilizer
(FSTLE_OA -OF-Id-h-2)
Paghahayag ng sariling pananaw tungkol sa kalidad ng ani na napapanuod sa
D. Enhanced
video clip
Competency

II. Paksa/Nilalaman Paghahayag ng sariling pananaw tungkol sa kalidad ng ani na napapanuod sa


video clip
III. Learning
Resources
A. Sanggunian ● Pinagyamang Pluma 8
● Panitikang Pilipino 8 Modyul Para sa Mag-aaral (Deped
Textbook);pahina 176
● Pinagyamang Pluma 8 (K-12); pahina 418-422;Almaa M. Dayag
● https://www.youtube.com/watch?v=UMdETQwaOmc
● https://youtu.be/v9E9cjs6Ai8

Learning Activity Sheet sa Filipino 8

Kuwarter 3, Linggo3 , MELC


1. Learner’s
Materials pages

IV. Mga Pamamaraan Gawain ng Guro

Panimulang Gawain ✔ Panalangin


✔ Checking of Attendance
✔ Pagbabalik-aral

RO6-FSFilipino8-K3L3
A. Pagtuklas Gawain 1

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit. Piliin ang
tamang sagot mula sa parihaba at titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

Mga Pagpipiliang sagot: kinaya lalong


napasama pagtatalo manggawa sa
ibang bansa pinakamatanda sa
magkakapatid bunso

1. Maraming mga bata ang nalulong sa masasamang bisyo.


2. Si Josie Agbisit ay isang domestic helper sa Hong Kong.
3. Maraming paghihirap ang tiniis ng mga mangagawa sa ibang bansa para
sa kapakanan ng kanilang pamilya sa Pilipinas.
4. Nagkaroon ng komprontasyon ang mag-ina bago bumalik sa Hong Kong.
5. Hindi agad tinanggap ng panganay na anak ang pagbabalik ni Josie sa
kanilang tahanan.

B. Paghahabi sa Gawain 2
Layunin ng Aralin
Panuto: Basahin at suirin kung sinong artista ang nagsabi ng mga sumusunod na
1. Pagganyak pahayag na hango sa mga pelikulang Pilipino. Piliin sa loob ng kahon ang tamang
kasagutan.

Mga Pagpipiliang Sagot: Anne Curtis


Liza Soberano Fernando Poe Jr.
Kathryrn Benardo Vilma Santos Vice Ganda

2. Paglalahad ng Ipakilala ng guro sa mga mag-aaral ang layunin.


Layunin
Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa kalidad ng ani na napapanuod sa
video clip

RO6-FSFilipino8-K3L3
C. Paglinang ng Alam mo ba na…
Aralin
Ang pelikula, kilala din bilang sine at pinilakang tabing,ay isang larangan na
sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang
bahagi ng industriya ng libangan.Nililikha ang pelikula sa paamamagitan ng
pagrekord ng “totoong” tao at bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga
peke) sa kamera,at/o sa pamamagitan ng kartun. Ang pagrerebyu o pagsusuri ng
pelikula ay isang paraan ng pagpapahalaga sa sining ng pelikula kung saan ang
manunuri ay maingat na nagtitimbang at nagpapasya sa katangian nito. Ang
pagsusuri ay tumutukoy hindi lamang sa kahinaan aat kakulangan kundi gayundin
sa mabubuting bagay na dapat isaalangalang sa pagpapaganda ng pelikula. Mga
elemento na dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng Pelikula

• Kuwento – tumutukoy ito sa istorya o sa mga pangyayari kung saan umiikot ang
pelikula. Bago o luma ba ang istorya? Ito ba ay ordinary o gasgas na at nauli- ulit
na rin sa ibang pelikula? Malinaw ba ang pagkakalahad ng istorya?
Naakapupukaaw ba ito ng interes?

• Tema – ito ang paksa ng pelikula.Ito ang diwa,kaisipan, at pinakapuso ng


pelikula.Napapanahon ba ang paksa? Malakas ba ang dating o impact sa
manonood kung saan ito ay nakatitimo sa isip? Akma ba ang tema sa panahon
kung kalian ito nagawa o akma sa lahat ng panahon?

• Pamagat – ang pamagat ng pelikula ay naghahatid ng pinakamensahe nito. Ito


ang nagsisilbi ring panghatak ng pelikula. Ito ba ay angkop sa pelikula?
Nakatatawag ba ito ng pansin? Mayroon ba itong simblol o pahiwatig?

• Tauhan- ang mga karakter na gumaganap at nagbibigay- buhay sa kuwento ng


pelikula. Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga taauhan? Makatotohanan ba
ang mga ito? Angkop ba ang pagganap ng artista sa pelikula?

• Diyalogo – ito ang mga linyang binanggit ng mga tauhaan sa kuwento.


Naisaalang-alang ba ang mga uri ng lengguwaheng ginamit ng mga tauhan sa
kuwento? Matino ba ,bulgar, o naaangkop ang mga ginamit na salita sa kabuoan
ng pelikula? Angkop ba sa edad ng target na manonood ng pelikula ang
diyalogong ginamit?

• Sinematograpiya- ito ay ang matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula.


Mahusay ba ang mga anggulong kinunan? Naipakita ba ng camera shots ang mga
bagay o kaisipaan na nais palutangin? Ang lente ba ng camera ay na- adjust para
sumunod sa galaw ng artista?

• Iba pang Aspektong Teknikal –

kabilang dito ang paglalapat ng tunog sa pelikula,pagpapalit- palit ng


eksena,special effects,pag- eedit. Tunog Naisalin ba ng buhay na buhay ang
diyalogo at musika? Epektibo ba ang tunog at katahimikan?

RO6-FSFilipino8-K3L3
Musika

Pinalilitaw ba ang kahulugan ng tagpo at damdamin? Inaayunan ba ang ritmo at


daloy ng pelikula?

Direksyon

Nagtagumpay ba ang director sa pagbibigay – buhay sa dulang pampelikula


Nagawa ba niyang ipabatid ang kanyang pagkaunawa sa materyal sa
pamamagitan ng malikhaing pagsasanib ng iba’t ibang elemento ng pelikula?

Editing

Malikhain ba nitong pinakikitid o pinapalawak ang oras,kalawakan at galaw?

Disenyong

Pamproduksyon Naisasakatuparan ba sa malikhaing paraan ang


pook,tagpuan,make-up,kasuotan at kagamitan.

Pinagyamang Pluma 8

Buod ng Pelikula :

Ang pelikula ay umiikot sa buhay ng isang naging domestic – helper, si


Josie Agsibit.Iniwan niya ang kaniyang pamilya sa Pilipinas sa hangaring mabigyan
ng magandang buhay ang kaniyang tatlong anak. Matagal na panahon siyang
nagtrabaho at hindi nakauwi mula sa Hong Kong kahit nang mamatay ang
kaniyang asawang si Rudy. Kinulong siya ng kaniyang mga amo sa Hong Kong at
hindi pinayagang makabalik sa Maynila. Pagkalipas ng ilan pang taon ay bumalik
siya sa bansa at nagdesisyong magnegosyo na lamang at hindi na muling umalis
pa ng bansa. Ngunit hindi naging madali ang kaniyang pagbabalik. Hinarap
niya ang galit, hinanakit at pagkukulang niya sa kaniyang mga anak.Gayunpaman
ay sinikap niyang bumawi sa mga ito sa pamamagitan ng pag-aasikaso at
pagbibigay ng oras na makasama ang mga ito.

Tinanggap siya ng kaniyang pangalawa at bunsong anak na sina Michael


at Daday subalit hindi ni Carla na naging madamot sa pag-unawa sa mga naging
pagkukulang ng kanilang ina. Lalo pa siyang nagrebelde sa buhay nang bumalik
ang kanilang ina sa kanilang tahanan.Lumayas siya sa kanila at sinadyang gumamit
ng droga, uminom ng alak at magpapalit – palit ng nobyo. Dalawang ulit na
nabuntis si Carla kung saan niya ipinalaglag ang unang sanggol sa kanyang
sinapupunan at nalaglag naman nang kusa ang pangalawa.

Nadagdagan pa ang problema ni Josie nang matanggalan ng iskorlarsyip


ang anak na si Michael at umurong sa negosyo ang kanyang mga kaibigang sina
Mercy at Lyn na katulad din niyang OFW sa HongKong.Mabilis na naubos ang

RO6-FSFilipino8-K3L3
kanyang naipong pera kaya’t napagpasyahan na lamang niyang bumalik sa Hong
Kong na siya rin namang gusto ng kanyang anak na si Carla. Subalit bago siya
tuluyang bumalik ay nagkaroon ng matinding komprontasyon sa pagitan nila ni
Carla. Sa unang pagkakataon ay nasaktan niya nang todo ang anak at doon niya
sinabi at lahat ng hirap na kaniyang tiniis para lamang mabigyan ng magandang
buhay ang mga anak.Dito naunawaan ni Carla ang kanyang ina at ang kaniyang
pagkakamali kaya’t humingi siya ng tawad sa ina.

Sa pagbabalik ni Josie sa HongKong ay mas naging maayos ang relasyon


niya sa kaniyang mga anak, higit na mauunawaan nang marami ang kalagayan ng
mga manggagawang Pilipinong nagtatrabaho sa abroad para sa kapakanan ng
pamilya.
a) Gawain 3
b) Panuto: Matapos mong mabasa ang buod ng pelikula, sikaping sagutin ang mga
sumusunod na katanungan. Ibigay ang iyong sariling pananaw na may kaugnayan
sa paksang tinalakay. Isaalang -alang ang pamantayan/ rubik sa pagmamarka.
1. Ano ang trabaho ng ina (Josie) sa Hong Kong?
2. Ilarawan ang katangian ng mga tauhan sa binasang buod ng pelikula.

ina carla pangalawang anak

3. Bilang anak, paano ka makatutulong sa iyong mga magulang nasa


ibang bansa?
4. Sino ang dapat sisihin sa pagkaligaw ng landas ng mga anak? Ipaliwanag.
5. Bilang anak, paano mo maipakita ang iyong pagmamahal sa iyong mga
magulang?

RUBRIK SA PAGMAMARKA
PAMANTAYAN Marka
May kaugnayan sa paksa 5
Kalinawan ng mga ideya 5
Wastong gamit ng mga salita 5
Pagkakaayos ng mga pangungusap 5
KABUOAN 20

RO6-FSFilipino8-K3L3
Gawain 4:Tala-KulaPanuto:
D. Pagpapalalim Batay sa iyong napanood na “100 Tula Para Kay Stella”, ihayag ang sariling
pananaw tungkol sa mahahalagang isyung mahihinuha dito.Sundan ang pormat
at gawin ito sa hiwalay napapel.
https://youtu.be/v9E9cjs6Ai8
Pamagat ng Pelikula

Isyung mahihinuha
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________

Sariling pananaw
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________

Gawain 5
E. Paglinang sa
Panuto: A. Lagyan ng tsek ( ) ang mga pangungusap na naagsasaad ng
Kabihasaan ng
Aralin opinion/sariling pananaw at ekis ( x ) ang hindi. ( 5 puntos )
___ 1. Ayon sa surbey na isinagawa ng National Statistics Office, may 2.2
milyong Pilipino ang nagtungo sa ibang bansa noong taong 2011 sa mga buwan
ng Abril hanggang Disyembre upang magtrabaho.
____ 2. Naninindigan akong ang ugali ng isang bata ay hindi lamang
nakukuha sa kanyang magulang kundi sa iba’t ibang salik na nakaaapekto sa
kanyang lipunang ginagalawan.
_____ 3. Sa tingin ko, hindi naman lahat ng anak na may magulang na
nagtratrabaho sa abroad ay naliligaw ng landas kaya’t wala akong nakiktang
problema kung magtrabaho man ang aking magulang sa ibang bansa.
______4. Kung ako ang tatanungin, mas gusto kong manatili sa bahay ang mga
ina kaysa magtrabaho upang mas maalagaan kaming mga anak nila.
______5. Sa ganang sarili, hindi ko alintana kung dapat ba o di-dapat
magtrabaho ang aking nanay basta’t ang mahalaga’y natutugunan nila ang lahat
ng aking pangangailangan.

RO6-FSFilipino8-K3L3
GAWAIN 6
F. Paglalapat
Panuto: Magbigay ng sariling pananaw/ opinyon tungkol sa video clips. Magtala
ng mga katangian o paraan upang matukoy ang kalidad ng pagaani. Simulan ang
iyong sagot sa I believe…..
https://www.youtube.com/watch?v=3FszBL_HNj8

i
believe

i kalidad i
believe ng ani believe

i
believe

G. Paglalahat Dugtungan ang mga pahayag na nagsasaad sa iyong natutuhan sa araling ito.

1. Sa araling ito, natutuhan ko_________________________.


2. Masasabi ko na __________________________________.

3. Para sa akin, mahalaga ito __________________________

PAGTATAYA Panuto: Ibigay ang iyong sariling pananaw at suhestiyon hinggil sa mga
napapanahong isyung may kinalaman sa akdang tinalakay. Itala ang iyong sagot
sa graphic organizer na Read and React chart.

Read: Laganap sa bansa ngayon ang problema tungkol sa teenage


pregnancy sanhi ng iba’t ibang salik na nakaapekto sa buhay ng kabataang
Pilipino

React:

Read: Maraming Pelikula sa kasalukuyan ang may temang tungkol sa


karahasan at sex at halos walang hatid na Mabuting aral sa manonood

React:

RO6-FSFilipino8-K3L3
Read: Laganap sa bansa ngayon ang mga cybercrime o mga krimeng
naganap dahil sa maling paggamit ng media tulad ng illegal access, child
pornography, cybersex, libel, identity theft , data interference, at marami
pang iba.

React:

Read: Laganap ang bentahan ng mga pinirating CD at DVD sa bansa sa


kasalukuyan.

React:

I. Karagdagang Panuto: Manood ng isang pelikula.Ihayag ang sariling pananaw sa


Gawain mahahalagang isyung mahihinuha at gumamit ng kahusayang gramatikal sa
pagsulat ng pagsusuring pampelikula.Gayahinang pormat sagutin sa hiwalay
na papel.(Paalala: Hinihikayat na ang guro na ang bahalang gumawa ng paraan
upang mapanood ng mga mag-aaral ang pelikulang susuriin.)
I.Pamagat
II.Buod ng Pelikula
III.Mga TauhanIV.Direksiyon/Direktor
V.Mga Aspektong Teknikal
a.Sinematograpiya
b.Musika
VI.Isyung mahihinuha sa pelikula na may kaugnayan sa kasalukuyan

RUBRIK SA PAGSUSURI NG PELIKULA


PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Di -gaanong Kailangan pang
4 3 Mahusay magsanay
2 1
Panimulang Tawag pansin agad Maganda Simple lamang Hindi
pangungusap ang panimulang ang ang panimulang nakapagbibigay
pangunngusap panimulang pangungusap ng panimulang
pangungusa pangungusap
p

Mga Tala

RO6-FSFilipino8-K3L3
Pagnilay

sanggunian: Panitikang Pilipino 8 Modyul Para sa Mag-aaral (Deped Textbook);pahina 176


Pinagyamang Pluma 8 (K-12); pahina 418-422;Almaa M. Dayag

RO6-FSFilipino8-K3L3

You might also like