You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 6

Taga-pagsulat: JENNY O. BANTOLINAO


Lumbo Integrated School
Contact No. 09061873017

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa
globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang
pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sap ag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino.

Pamantayan sa Pagganap:
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyung pandaigdig
batay sa lokasyon nito sa mundo.

Pamantayan sa Pagkatuto:
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya at politika ng
Asya at mundo (AP6PMK-Ia-3)

Markahan: Una Linggo: Una Araw: Ika-apat

I. Layunin:
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya at
politika ng Asya at mundo

II. Nilalaman
Paksa: Kahalagahan ng Lokasyon sa Pilipinas
Kagamitan: Mapa ng mundo
Sanggunian: Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino

III. Pamamaraan:

A. PAGTAMO

Gawain ng Guro Gawain ng mga Bata

(Ipakita ang mapa ng mundo) Ang mga mag-aaral ay sasagot sa mga


katanungan.
1. Ano ang napansin ninyo sa mapa?
2. May sarili ba tayong lupang
sinasakop na hindi maaring
angkinin ng ibang bansa?
3. Ano-ano ang kalapit na bansa ng
Pilipinas?

B. PAG-UUGNAY

Gawain ng Guro Gawain ng mga Bata

Pagpapanood ni video ukol sa lokasyon ng Manonood ng video


Pilipinas sa mapa.
Maaring gamitin ang link sa ibaba:
https://www.youtube.com/watch?v=
JB66zgu18pQ

C. PAG-GALUGAD

Gawain ng Guro Gawain ng mga Bata

Punan ang krokis ng tamang Sumasagot sa Gawain.


impormasyon.

Lokasyong Bisinal

Lokasyong Insular
D. PAGPALIWANAG

Gawain ng Guro Gawain ng mga Bata

Hatiin ang klase sa limang pangkat at Pupunta sa kanya-kanyang pangkat.


ipagawa ang sumunod:
Pagpepresenta sa output.
Pumili ng isang taga-ulat pagkatapos ng
Gawain.

Gamit ang Semantic Web,


ipaliwanag ang mga kahalagahan
ng Lokasyon ng Pilipinas sa
mundo.

E. PAGLALAPAT
Gawain ng Guro Gawain ng mga Bata

A. A. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung tama


ang isinasaad sa pangungusap at ekis (x) Sumasagot sa pagtataya
kung hindi.
____ 1. Lokasyong bisinal ang
tawag sa pagtukoy sa
kinalalagyan ng bansa sa
pamamagitan ng mga karatig
bansa nito.
____ 2. Ang Australia, Marianas,
Guam at Hawaii ay nasa
gawing Silangan ng
Pilipinas.
____ 3. Nagsilbing daanan ito ng
mga kalakal na iniluluhan sa
mga barko at
eroplano.
____ 4. Ang Pilipinas ay hindi
angkop para sa tanggulang
lakas panghimpapawid
at pandagat
____ 5. Maraming mga dayuhan ang
nais makarating sa Pilipinas.
B. B. Isulat ang S kung sang-ayon ka sa
ipinapahayag ng pangungusap at DS kung
di-sangayon.
____ 6. Ipagmalaki natin ang
pagkakaroon ng magandang
loaksyon
____ 7. Mabuti ang lokasyon ng
Pilipinas kaya’t sentro ito ng
kalakalan at kultura sa Asya.
____ 8. Marami ring kalakalan an
gating mailuluwas patungo
sa iba pang bahagi ng
mundo.
____ 9. Ang ating
pinakamahalagang rutang
pangkalakalan ay ang
daungan ng mga barko para
sa ating kalakalan sa
Pasipiko patungo sa mga
bansa sa Timog Silangan.
____ 10. Tungkulin ng mamamayan
na alamin ang eksaktong
lokasyon ng Pilipinas
C.

F. PAGPALAWIG

Gawain ng Guro Gawain ng mga Bata

Upang maipakita mo nang Gumagawa ng poster.


maliwanag ang kahalagahan ng
lokasyon ng Pilipinas hindi lamang
sa Asya kundi maging sa Mundo,
bumuo ng isang poster hinggil dito.
Kailangang maipakita ang pagiging
estratehiko ng lokasyon ng bansa at
ang naitutulong nito sa aspektong
ekonomiya at politika ng Asya at
Mundo.

Gawin mo sa isang bond paper.

G. PAGNINILAY

A. Bilang ng nakakuha ng 80% sa pagtataya:____


B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation:_____
C. Nakatulong baa ng remedial?_____Bilang ng mag-aaral na nakakaunawa sa aralin:____
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation:______
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?___
_____________________________________________________________________
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong ng aking punong-guro at
superbisor?____________________________________________________________

You might also like