You are on page 1of 4

Aralin: 2.

1 Hangganan at Lawak ng
Teritoryo ng Pilipinas batay sa Mapang Politikal

I. Layunin
Natutukoy ang hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas batay sa
mapang politikal.

II. PaksangAralin
A. Paksa: Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng Pilipinas batay sa Mapang
Politikal
B. Sanggunian: AP6PMK-IA-2.1
Pilipinas: Bansang Papaunlad 6 ph. 59-67,
https://en.wikipedia.org/wiki/Flag_of_the_Philippines,
http://galeria.dibujos.net/cuentos-y-leyendas/piratas/mapa-
del-tesoro-pintado-por-luciaandre-9864730.html,
https://twitter.com/ipinoyofficial,
http://www.slideshare.net/mariavictoriaobar/ang-
hangganan-at-lawak-ng-teritoryo-ng-pilipinas,
https://www.youtube.com/watch?v=ifoXZfGCg_8
https://www.youtube.com/watch?v=zjF9W47jQkE
C. Kagamitan: video, puzzle, larawan, aklat, task kard
D. Pagpapahalaga:
Naipagmamalaki ang katangi-tanging
kinalalagyan ng Pilipinas

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan

Ipapanood ang balita sa klase.

“Mga lumang mapa ng Scarborough Shoal”


https://www.youtube.com/watch?v=ifoXZfGCg_8

Itanong:
 Tungkol saan ang balita?
 Ano ang ipinakikita ng mga lupang mapa ng Scarborough
Shoal?
 Ayon sa balita, saang bansa kabilang ang Scarborough Shoal?
2. Balik-aral :

Gawain: Crossword Puzzle

Panuto: Hanapin sa crossword puzzle ang pangalan ng mga karatig


bansa ng Pilipinas.

B T C F F G Y J A P A N S W R D

K H L M N A A E U I O Z L C D T

F A G C V T A I W A N J A U Y A

D I N D O N E S I A B H O R N B

F L W D S A Z X Q E R P S I O H

C A M B O D I A J D U X H C V B

Z N A B N M K H A O N C I U E W

H D R V I E T N A M E T Y I P S

G F V C X M N J U O I v G U A M

Itanong:

 Ano-ano ang mga bansa na matatagpuan sa Hilaga ng


Pilipinas? Silangan? Timog? At Kanluran?

3. Pagganyak:
Gawain: 4 pics 1 word

Panuto: Hulaan ang parirala gamit ang mga larawan.

Ampa gn
lipisanpi
Itanong:
 Ano ang inyong nabuo?
 Saan natin maaarig gamitin ang mapa ng Pilipinas?
 Sa inyong palagay, mahalaga ba na magkaroon ng sariling
mapa ang bawat bansa? Bakit?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
a. Video Presentation / Suring Video
Ipapanood ang video.

Why Philippines have the rightful claim of Spratly Islands?


https://www.youtube.com/watch?v=zjF9W47jQkE

Itanong:
 Ano ang pulo na pinag-aagawan?
 Sa inyong opinyon, sa anong bansa kabilang ang Spratly
Islands?

b. Pagbasa ng teksto

Isang kapuluan ang teritoryo ng Pilipinas. Ang kapuluan ay


binubuo ng mga pangkat ng mga pulo na naliligiran ng tubig.
May 7,107 malalaki at maliliit na pulo ag ating bansa. Sa bilang
na ito, mga 3, 144 pulo ang may pangalan na.
Binubuo ng tatlong malalaking pangkat ng mga pulo ang
Pilipinas: Luzon, Visayas at Mindanao. Pinakamalaking pulo
ang Luzon na may sukat na 141, 395 kilometro kuwadrado. Ang
pangalawang pinakamalaking pulo ay Mindanao na ang lawak
ng lupa ay 101, 999 kilometro kuwadrado. Ang ilan sa
malalaking pulo sa Visayas ay Negros, Panay, Samar, Leyte,
Bohol at Cebu. Ang mga pulong ito ay nakabahagi sa mahigit
na 1, 295, 000 kilometro kwadrado ng karagatan na
sumasaklaw sa 95 bahagdan ng kabuuang sukat ng bansa.
Ang pilipinas ay may kabuuang sukat na 300,000 kilometro
kuwadrado. Umaabot naman ito ng 300,000,000 ektarya.
Ang bahaging dagat naman nito ay may sukat na 438, 957
milya kwadrado.
Ang mga katubigang nakapalibot sa Pilipinas ay ang Pacific
ocean (Silangan), South China Sea (Hilaga at Kanluran), at
Celebes Sea (Timog).
Ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ay ang kapuluang
Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at karagatang
nakapalibot dito.
2. Pagsusuri
 Ilan ang pulo sa Pilipinas?
 Ano ang mga katubigang nakapalibot sa Pilipinas?
 Ano-ano ang mga malalaking pangkat ng mga pulo ang
bumubuo sa Pilipinas?

3. Paghahalaw

Ano ang hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas batay sa


mapang politikal?

Ang kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at


karagatang nakapalibot dito.

4. Aplikasyon / Paglalapat :

Bakit dapat nating malaman ang hangganan at lawak ng teritoryo ng


Pilipinas?

IV. Pagtataya

Panuto : Punan ang mga patlang ng mga salita na bubuo sa mga


pangungusap na tumutukoy sa hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas
batay sa mapang politikal

1. Ang Luzon ay may sukat na _____________ kilometro kwadrado.


2. Ang bahaging dagat naman ay may sukat na ___________ milyang
kwadrado.
3-4. Ang _________ at __________ ay mga pulo na kabilang sa teritoryo ng
Pilipinas.
5. Ang kabuuang sukat ng Pilipinas ay umaabot sa __________ kilometro
kwadrado.

V. Takdang Aralin:
Ilarawan ang hangganan at lawak ng sakop ng teritoryo ng Pilipinas
batay sa kasaysayan. Isulat sa kwaderno ang mga impormasyong nasaliksik.

Inihanda ni:

LEE ANN A. FRANCISCO


Guro I – QSJES
Teresa District

You might also like