4
Araling Panlipunan
Kwarter 1 - Modyul 3: Linggo 3
Ang Teritoryo ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Kwarter 1 – Modyul 3: Ang Teritoryo ng Pilipinas
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Maritess T. Delos Santos
Editor: Dave Terence Pelingon
Tagasuri: Eleanore M. Dagala, PhD
Tagaguhit: Conrad Ladislee B. Tua III
Tagalapat: Paul Genesis H. Diana
Tagapamahala: Felisa B. Beriong, CESO VI
Corazon C. Tingson, CESE
Gaudencio C. Riego, PhD
Schubert Anthony C. Sialongo
Eleanore M. Dagala, PhD
Phoenix Alianah Zandria Q. Salcedo- Tordesillas
Marian B. Sarmiento
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region VI (Division of Antique)
Office Address: Binirayan Hills, San Jose de Buenavista, Antique
Telefax: (036) 540-9837
E-mail Address: antique@[Link]
Alamin
Ang modyul na ito ay tungkol sa pag-aaral ng teritoryo ng
Pilipinas. Sikaping suriin at unawain ang mga kaugnay na konsepto at
mga gawaing nakapaloob dito upang lubos mong maunawaan ang
mga mahahalagang kaisipan patungkol sa teritoryo ng Pilipinas at
iyong masagot ng wasto ang mga pagsusulit na inihanda.
Ang mga paksang napapaloob dito ay ang mga sumusunod:
Konsepto ng teritoryo
Lawak, hangganan ng teritoryo
Mga Kasulatan (Ayon sa kasaysayan, Saligang Batas,
Doktrinang Pangkapuluan, Atas ng pangulo)
Pinakamahagang kasanayang pampagkatuto:
Matutukoy ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas
gamit ang mapa. (MELC 3 )
Pagkatapos ng modyul na ito inaasahan na iyong:
Maunawaan ang konsepto ng teritoryo
Matutukoy ang mga lawak, hangganan ng teritoryo
Matutukoy rin ang mga kasulatan na napaloob dito
1
Aralin Ang Teritoryo ng
3 Pilipinas
Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na mahalaga sa
pagtugon ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga tao at
pagpapanatili ng kalayaan ng bansa.
Bilang isang Pilipino mahalagang matukoy ang hangganan at
lawak ng teritoryo ng Pilipinas nang sa ganun ay maipakita ang
pagpapahalaga dito sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga
dayuhang gustong umangkin dito.
Upang lubos mo itong mauunawaan, hinihikayat ko ang iyong
seryosong pag-ukol ng iyong panahon sa mga babasahin at mga
Gawain na nakalaan para sa modyul na ito.
2
Balikan
Tukuyin ang konsepto na ipinapahayag sa ibaba. Pagtambalin
ang mga salita na makikita sa Hanay A at sa mga salita sa Hanay B.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Bansang nasa gawing hilaga ng Pilipinas. A. Timog Silangang Asya
2. Anyong tubig na makikita sa silangang bahagi
ng Pilipinas. B. Relatibong Lokasyon
3. Bahagi ng Asya matatagpuan ang bansang
Pilipinas. C. Indonesia
4. Tumutukoy sa lokasyon o kinalalagyan ng
Pilipinas ayon sa lapit nito sa mga anyong lupa D. Thailand
at anyong tubig na nakapaligid dito.
5. Anyong tubig na makikita sa timog na bahagi E. Celebes Sea
ng Pilipinas.
6. Bansang nasa gawing timog ng Pilipinas. F. Lokasyong Bisinal
7. Tumutukoy sa lokasyon ng Pilipinas ayon sa
mga bansang nakapaligid dito. G. Dagat Timog China
8. Anyong tubig na makikita sa hilagang
Kanlurang bahagi ng Pilipinas. H. Taiwan
9. Bansang na nasa gawing kanlurang bahagi ng
Pilipinas. I. Lokayong Insular
10. Tumutukoy sa lokasyon ng Pilipinas ayon sa
mga tubig na nakapalibot dito. J. Karagatang Pisipiko
3
Suriin
Buuin ang mga labu-labong letra na nakasulat sa loob ng kahon
at pagkatapos sagutin ang mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa
sagutang papel.
Maaaring matukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas batay sa
kaugnay na kinalalagyan nito. Ang relatibong lokasyon o kaugnay na
kinalalagyan ng bansa ay ang lokasyon ng isang lugar ayon sa
kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong lugar.
T – R – I – E – T – O – R – O – Y
1. Ano ang nabuo na salita?
______________________________
________________________
Pagmasdan ang mapa. Ano ang
makikita mo?
Gaano kalawak ang ating teritoryo?
May hanganan ba ang ating teritoryo?
[Link]
4
A. LAKI, LAWAK at HANGGANAN NG TERITORYO NG PILIPINAS
Ang teritoryo ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan
kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito. Ito ay isa sa
mga sangkap ng estado. Bilang Estado, ang Pilipinas ay may sariling
hangganan at ito ay makikita sa mapa ng Pilipinas.
Isang kapuluan ang teritoryo ng Pilipinas. Ang kapuluan ay
binubuo ng mga pangkat ng mga pulo na napapaligiran ng tubig. Ito
ay may lawak na 300,000 kilometro kwadrado o parisukat(115,831
sq mi).May 7,641 na pulo ang ating bansa. Sa bilang na ito, mga
3,144 pulo ang may pangalan na. Binubuo ng tatlong pangkat ng mga
pulo ang Pilipinas; LUZON, VISAYAS at MINDANAO.
Pinakamalaking pulo ang Luzon na may sukat na 141,395 (km 2)
kilomentro kwadrado. Ang pangalawang pinakamalaking pulo ay
Mindanao na may lawak na 101,999 (km 2) kilomentro kwadrado. Ang
ilan sa malalaking pulo sa Visayas ay Negros, Panay, Samar,
Leyte, Bohol at Cebu. Ang pulong ito ay nakabahagi sa mahigit na
1,295,000 (km2) kilomentro kwadrado ng karagatan na sumasaklaw
sa 95% o bahagdan ng kabuuang sukat ng bansa.
Nasasaad sa iba’t-ibang kasulatan ang laki, lawak at mga
hangganan ng Pilipinas. Ang mga kasulatang ito ang nagbibigay
linaw sa mga palagay tungkol sa teritoryo ng bansa.
Iba’t-ibang kasulatan o dokumento na nagtatakda ng
Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng Bansa.
1. Kasunduan sa Paris
Ito ay nilagdaan ng Estados Unidos at
Espanya noong Disyembre 10, 1898. Ang
pamamahala ng Pilipinas ay inilipat ng
Espanya sa Estados Unidos sa halagang
20,000 bilang kabayaran sa pagpapaunlad ng
Pilipinas. Ginamit sa pagtukoy ng tiyak na
hangganan ng bansa ang longhitud at latitude
nito. Ang Pilipinas ay matatag-puan sa pagitan
ng 40 at 210 hilagang latitude o sa 1160 at 1270
[Link]
silangang longhitud. 3uBbrdZUq9YW7
5
2. Kasunduan sa Washington
Ito ay nilagdaan ng Estados Unidos at
Espanya noong Nobyembre 7, 1900. Sa
kasunduang ito, isinama ang mga pulo ng
Cagayan, Sulu at Sibutu bilang bahagi ng
teritoryo ng Pilipinas.
[Link]
1YFK4g55Q9hY8
3. Kasunduan ng Estados Unidos
at Gran Britanya
Nilagdaan ito noong Enero 2, 1930.
Nagkasundo ang dalawang bansa na ang
pulong Turtle at Kapuluan ng Mangsee sa
pagitan ng Borneo at Sulu ay maging
bahagi ng Pilipinas.
[Link]
q=Flag+Gran+Britanya&US
B. MGA TERITORYO NG PILIPINAS AYON SA SALIGANG BATAS
1. Ayon sa Saligang Batas ng 1935
Ito ay tumutukoy sa mga teritoryong
tiyak na nasasakupan ng pamahalaan. Sa
pamamagitan nito, ang mga pulo ng Batanes
nasa labas ng hangganan ng Pilipinas ayon
sa kasunduan sa Paris ay naging bahagi ng [Link]
Pilipinas. WYmdNP8FRiq6A
2. Ayon sa Saligang Batas ng 1987
Binubuo ng pambansang teritoryo ng
kapuluan ng Pilipinas ng mga pulo at
katubigang napapaloob dito at lahat ng
teritoryong nasa katubigan at himpapawirin
nito, pati na rin ang dagat teritoryal, ang lupa
sa ilalim ng dagat at ang mga nasa ilalim ng
dagat na tumutubo o nakalagay doon at iba
pang lugar na submarina nito.
[Link]
BHpXTDR1x8h6
6
C. MGA TERITORYO NG PILIPINAS AYON SA DOKTRINANG
PANGKAPULUAN
Doktrinang Pangkapuluan
Sa kasalukuyan ang tinatangkilik natin ay ang Doktrinang
Pangkapuluan na nagsasaad na “Ang Pambansang teritoryo ng
Pilipinas ay binubuo ng kapuluang Pilipinas kasama ang lahat ng
mga pulo at tubig na saklaw nito at ang mga tubig na nakapaligid sa
pagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging anuman
ang lapad at laki ng mga ito.
Ayun sa doktrinang ito ang buong lawak ng 48 kilometro mula
sa baybayin ay ang bumubuo ng teritoryo ng Pilipinas.
D. MGA TERITORYO AYON SA ATAS NG PANGULO
1. Atas ng Pangulo Blg. 1596
Ito ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand
Marcos noong Hunyo 11, 1978, nakapaloob
dito ang pag-aangkin sa mga pulo ng
kalayaan. Ito ay kinabibilangan ng Parola,
Kota, Panata, Lawak, Binago at Purok na
bahagi ng Spratly Islands.
[Link]
2. Atas ng Pangulo Blg. 1599 ( dgqs25zGbnyf7FA
Pagtatakda ng natatanging Sonang Pangkabuhayan o
Exclusive Economic Zone (EEZ). Anumang yaman ng 200 milya mula
sa baybayin at tanging ang Pilipinas lamang ang may karapatan nito.
3. Atas ng Pangulo Blg. 9522
Ito ay nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong
Marso 11, 2009. Ito ay nagtakda sa pag-angkin ng karagdagang 93
milyang ektarya ng mayamang karagatan na mapapabilang sa
Maritime Jurisdiction ng bansa. Nakatakda din sa batas na ito ang
baseline katubigan ayon sa itinakda ng UNCLOS.
7
Isaisip
Magaling ikaw ay nakarating na sa halos dulo ng modyul na ito.
Upang patunayan mo na iyong nauunawaan ang konsepto ng
teritoryo ng Pilipinas at natukoy mo na rin ang hangganan at lawak
nito, sikaping sagutin at gawin ang nakalaang gawain.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Ano ang kahulugan ng Teritoryo?
___________________________________________.
2. Ano-ano ang mga kasulatan na nagsasaad ng teritoryo ng
Pilipinas?
a. ____________________
b. ____________________
c. ____________________
d. ____________________
3. Gaano kalawak ang teritoryo ng Pilipinas?
a. ________________________ kilometro parisukat
4. Ano ang Atas ng Pangulo ang pag-angkin sa mga pulo ng
kalayaan?
Atas ng Pangulo Blg.__________________
5. Anong kasunduan isinama ang mga pulo ng Cagayan, Sulu at
Sibutu bilang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas?
Kasunduan sa _______________________________.
6. Ayon sa Kasunduan ng US at Gran Britanya, ano-anong mga
pulo ang napasama sa teritoryo ng Pilipinas?
a. ___________________
b. ___________________
8
Pagyamanin
Ngayon nalaman mo na ang laki, lawak at hangganan ng
teritoryo ng Pilipinas. Handa ka nang linangin ang iyong natutunan sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga Gawain sa ibaba.
Gawain 1
Panuto: Tukuyin kung anong kasulatan ang nagsasaad ng mga
sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot na nasa loob
ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
A. DOKTRINANG PANGKAPULUAN
B. KASUNDUAN SA WASHINGTON
C. KASUNDUAN NG ESTADOS AT GRAN BRITANYA
D. KASUNDUAN SA PARIS
E. AYON SA SALIGANG BATAS NG 1987
F. SALIGANG BATAS NG 1935
_______1. Idinagdag ng Mangsee at Turtle
_______2. Ang pamamahala ng Pilipinas ay inilipat ng Espanya sa
Estados Unidos sa halagang 20,000.
_______3. Kabahagi ng teritoryo ng lahat ng mga pulo at mga
karagatang napapaloob.
_______4. May buong lawak na 48 kilometro mula sa baybayin na
bumubuo sa teritoryo ng Pilipinas.
_______5. Kasama sa teritoryo ng Pilipinas ang mga pulo ng
Cagayan, Sulu at Sibutu.
9
Tayahin
Panuto: Tukuyin ang mga konseptong pinapahayag sa ibaba tungkol
sa teritoryo ng Pilipinas. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
_______1. Ang kabuuang bilang ng pangkat ng pulo ng Pilipinas.
A.700 B. 7, 641 C. 3, 144 D. 5,000
_______2. Bilang ng mga pulong may pangalan na.
A. 7, 641 B. 105 C. 3, 144 D. 575
_______3. Tumutukoy sa buong kalupaang sakop ng isang bansa
kasama na ang katubigang nasa loob at nakapaligid ang
mga papawiring saklaw at maging ang kalaliman ang
kalipaang nasasakop.
A. teritoryo C. soberanya
B. pamahalaan D. tao
_______4. Nagtatakda ng hangganan at lawak ng teritoryo ng
Pilipinas.
[Link] Batas ng 1935 C. Saligang Batas 1973
[Link] Batas 1971 D. Saligang Batas 1987
_______5. Kasunduang nagsasaad ng pagsalin ng pamamahala ng
Pilipinas mula sa Espanyol patungo sa mga Amerikano
sa halagang 20 milyong dolyar.
A. Kasunduan ng US at Espanya
B. Kasunduan sa Paris
C. Kasunduan sa Washington
D. Kasunduan ng US at Gran Britanya
10
_______6. Nagsasaad na ang mga pulo ng Kalayaan na
matatagpuan sa gawing kanluran ng Palawan ay bahagi
ng teritoryo ng Pilipinas.
A. Atas ng Pangulo Blg. 1596 at 1599
B. Saligang Batas ng 1935
C. Doktrinang Pangkapuluan
D. Kasunduan sa Paris
_______7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga
batayan ng pagtatakda ng pambansang teritoryo ng
Pilipinas?
A. Doktrinang Pangkapuluan
B. Sonang Ekonomiya
C. Pook Submarina
D. Sonang Pang-industriya
_______8. Itinadhana sa Atas ng Pangulo Blg. 1599 na ang
pagtataguyod ng sonang ekonomiko na may lawak na
_____.
A. 300 nautical mile C. 200 nautical mile
B. 100 nautical mile D. 500 nautical mile
_______9. Pangulo ng Pilipinas na naglagda ng batas bilang 1596 at
1599 na nagsasaad na ang mga pulo ng Kalayaan na
matatagpuan sa bahaging kanluran ng Palawan ay
teritoryo ng Pilipinas.
A. Gloria Macapagal Arroyo
B. Ferdinand Marcos
C. Corazon Aquino
D. Fidel Ramos
_______10. Anong mga pulo ang napasama sa teritoryo ng Pilipinas
ayon sa Kasunduan ng Estados Unidos at Gran
Britanya.
A. Turtle at Mangsee C. Sulu
B. Sabah D. Cagayan at Sibutu
11
Karagdagang Gawain
Pagmasdan ang mapa. Suriin at tukuyin ang layo ng Palawan sa
Spratly Islands.
SOURCE: [Link]
Gamitin ang Discussion Web sa pagsagot ng tanong.
TANONG: Bakit dapat angkinin ng Pilipinas ang Spratly Islands?
Kung ang sagot mo ay Oo isulat ang suporta ng iyong sagot sa ilalim
ng Oo, kung ang sagot mo ay hindi, isulat mo ang suporta ng iyong
sagot sa ilalim ng Hindi.
Oo Hindi
Dapat bang
angkinin ng
Pilipinas ang
Spartly Islands
12
Susi sa Pagwawasto
B. Mangsee
10. I 5. E 6. A. Turtle Islands
9. D 4. B
8. G 3. A 5. Kasunduan sa Washington
7. F 2. J 5. B
4. Atas ng Pangulo Blg. 1596
4. A
6. C 1. H
Balikan 3. E
A. 300,000 kilometro parisukat
2. D
3.
1. C
10. A B 5. D. Ayon sa Atas ng Pangulo
Gawain 1
9. B D 4. C. Doktrinang Pangkapuluan
Pagyamanin
B. Ayon sa Saligang Batas
8. C A 3.
7. D C 2. 2. A. Kasulatan ayon sa Kasaysayan
6. A B 1.
kalalaliman ng kalupaang nasasakop.
Tayahin ang mga papawiring saklaw at maging ang
na ang katubigang nasa loob at nakapaligid
kalupaang sakop ng isang bansa kasama
1. Teritoryo ay tumutukoy sa buong
Isaisip
Sanggunian
Curriculum Guide (MELC) AP4 AAB 1 d-7
Araling Panlipunan 4 LM pp 15-20
Araling Panlipunan 4 Teachers Guide pp 9-11
Pilipinas: Bansang Papaunlad 6 pp 64-67 (Batayang Aklat)
Yaman ng Pilipinas 6 pp 43-46 (Batayang Aklat)
[Link]
[Link]
[Link]
[Link]
[Link]
[Link]
[Link]
[Link]
[Link]
NAMRIA ( National Mapping and Resource Information Authority
[Link]
13