You are on page 1of 24

ARALIN 1

ANG
KINALALAGYAN
NG AKING BANSA
Tuklasin Natin:

Mayroon nga bang pinagmulan


ang Pilipinas, o ang Pilipinas ay
naririto na sa simula pa lang ng
daigdig?
BATAYANG HEOGRAPIYA
- mainam na simulan ang pag-
aaral ng lokasyon ng Pilipinas sa
pag-aaral ng mapa ng daigdig.
Dalawang uri ng representasyon ang maaring gamitin:

1. Mapa- isang patag ( flat) na representasyon ng


paglalarawan ng anyo ng daigdig o iba pang mga
lugar na kakikitaan ng mga hangganan, sukat o
dibisyon ng kalupaan.
2. Globo- ito naman ang bilog ( Round) na
representasyon ng paglalarawan ng anyo ng daigdig
na kakikitaan din ng mga lokasyong nakikita sa
mapa. Maituturing na ang globo ay replica ng
planetang daigdig.
ANG MGA URI NG MAPA
Mapang Politikal
- nagpapakita ng
pagkakahati-hati ng mga
hangganan, kabisera,
lalawigan, lungsod at mga
kabayanan na kadalasang
ginagamit ng mga mag-aaral
upang lubos na maunawaan
ang kanilang mga aralin.
Mapang Pisikal
- ipinapakita ditto ang mga
lokasyon at uri ng mga anyong
lupa at anyong tubig.
- 29 na bahagdan( 29%) ang
kalupaan
- 71% o tatlong kapat( ¾) ang
katubigan
Mapang Pang-ekonomiya
- nagpapakita ng mga
pinagkukunang yaman at
mga natatanging produkto ng
bawat bansa sa mundo.
Mapa ng Daan
- nagpapakita ng pangalan
ng mga daan o kalsada.
- Karaniwang ginagamit ng
mga taong gustong
matunton ang eksaktong
lugar na kanilang
pupuntahan.
Mapang Pangklima
- nagpapakita kung anong uri
ng klima mayroon ang isang
lugar.
Mapang Demograpiko
- Ipinapakita dito ang
bilang ng populasyon o
dami ng tao na
naninirahan sa isang
lugar.
ANG MGA GRID AT GUHIT
LATITUD AT LONGHITUD
Guhit Latitud- ito ang mga pahalang na guhit na
nagpapatuloy pabilog. Magkakapareho ang sukat ng
agwat o distansya.

Guhit Longitud- naman ang mga linyang lumiliit ang


distansya sa hilaga at sa timog.

Grid- nabubuo sa pagsasalubong ng latitude at


longhitud. Nagpapadali sa tao na makita ang
eksaktong lokasyon ng isang lugar.
KILALANG PARILYA NG LATITUD O
PARALLEL OF LATITUDE SA
GLOBO AT MAPA
1. Ekwador- pinakamalaking pabilog sa latitude na
matatagpuan sa kalagitnaan ng globo. Ito ay kathang
guhit na humahati sa hilagang hemispero
( Northern Hemisphere) at Timog Hemispero
( Southern Hemisphere) ng globo.
- Ito ay nasa panuntunang 0degrees.
2. Arctic Circle- matatagpuan sa hilagang bahagi ng
globo( Northern Hemisphere).
- Nasa sukat na 66 degrees 33’ 44 sa hilaga ng
ekwador.
3. Tropic of Cancer- ito ang
hilagang latitude na hindi
direktang tinatamaan ng sikat ng
araw kaya’t madalas na
naakaranas ng tag –yelo sa
kabilugang ito.
4. Antarctic Circle- nasa 66
degrees 33’ 44 sa katimugang
bahagi ng ekwador na kilala rin
bilang Antarktiko.
ANG PUNONG MERIDYANO AT
PANDAIGDIGANG GUHIT NA
PETSA
Punong Meridyano (Prime Meridian)- ay
isang imahinasyong linyang pangunahin
sa mga meridian o meridian of
longhitude na nagmula sa North Pole
patungong South Pole.
- Dumaraan sa Greenwich England,
kaya’t tinatawag ding Greenwich
Meridian o 0 degrees meridian.
- Hinahati nito ang dalawang direksyon
ng daigdig, ang Kanlurang Hemispero
at Silangang Hemispero.
Absolute o Tiyak na Lokasyon ng Pilipinas
- ang Pilipinas ay nasa katimugang bahagi ng
Hilagang Hemispero sa pagitan ng tropiko ng
kanser ( Tropic of Cancer) at Ekwador.
- nasa lokasyong 4 degress 23’ at 25’ sa hilagang
latitude at 116 degrees at 127 degrees sa
Silagang longhitud.
Relatibong Lokasyon ng Pilipinas
- Ang Pilipinas ay kabilang sa Asya. Ang bahaging
kinalalagyan nito ay ang Timog- Silangang Asya.
7 Kontinente
1. Hilagang Amerika
2. Timog Amerika
3. Europa
4. Africa
5. Australia
6. Antarktika
7. Asya
Dalawang Magkahiwalay na Rehiyon ng Timog
Silangang Asya
1. Peninsular ( Indo Tsina)- karugtong ng Timog Tsina at
hilagang silangan ng India. Ang mga bansang
matatagpuan dito ay ang:
a. Myanmar
b. Thailand
c. Malaysia
d. Cambodia
e. Laos
f. Vietnam
g. Singapore
2. Insular- ( Malay Arkipelago) matatagpuan sa
katimugan na binubuo ng maraming kapuluan. Ang
mga bansang bumubuo nito ay:
a. Indonesia
b. Brunei
c. Pilipinas
d. East Timor
Taiwan- nasa hilagang bahagi ng Pilipinas
Rehiyong Peninsular- nasa kanlurang
bahagi ng Pilipinas.
Indonesia- nasa timog na bahagi ng
Pilipinas
Karagatang Pasipiko- nasa silangang bahagi
ng Pilipinas.

You might also like