You are on page 1of 30

Kinalalagyan ng

Pilipinas
Bb. Darlene C. Guevarra
Sa nakaraang aralin ay nalaman mong ang Pilipinas ay isang bansa. Ano-ano
pang bagay ang nalalaman mo tungkol sa ating bansa? Sagutin ang Tri-
Question Approach Chart sa ibaba.

Tanong Bilang 1: Ano ang mga bansa ang alam


mong malapit sa Pilipinas?
________________________________________________________________

Tanong Bilang 2: Ano anyo tubig ang alam mong


nasa paligid ng bansa?
________________________________________

Tanong Bilang 3: Anoang mahalagang bagay ang


kailangan mo upang matiyak mong tama ang
iyong kasagutan sa dalawang tanong sa taas?
________________________________________
Kumuha ng isang malinis na papel. Obserbahan
ang mga bagay o lugar na nasa iyong paligid.
Isulat ang mga bagay o lugar na iyong nakikita sa
iyong:
Harapan:
Likod:
Kaliwa:
Kanan:
Ang globo ay modelo ng mundo. Bilog
ito na halos kawangis ng mundo.
Makikita rito ang iba’t ibang bahagi ng
panlabas na itsura ng mundo, tulad ng
mga kontinente, mga karagatan at
dagat, at mga bansa.
Ang isa pang gamit sa pag-aaral ng
heograpiya ay ang mapa. Ito naman ay
ang patag na representasyon ng buo o
bahagi ng mundo. Ipinakikita ng mapa
ang katulad na impormasyong makikita
sa globo ngunit sa isang partikular na
lugar lamang. Sa gayon, mas
espesipiko ang impormasyong
ibinibigay nito kaysa sa globo.
Pagtukoy sa
lokasyon
Ang lokasyon ay tumutukoy sa
kinalalagyan ng isang bagay o
pook. Sa pagtukoy ng posisyon o
lokasyon, mahalaga ang
kaalaman sa mga direksiyon.
Pangunahin at Pangalawang Direksyon

Pangunahing Direksyon- Hilaga, Silangan,


Timog at Kanluran.
Pangalawang Direksyon- Makikita ito sa
pagitan ng mga Pangunahing Direksyon
Hilaga
Hilagang-Kanluran Hilagang-Silangan

Kanluran Silangan

Timog-Silangan
Timog-Kanluran
Timog
Ang compass rose ay pigurang
bilog na makikita sa mga mapa o
globo na nagpapakita ng mga
pangunahin at sekundaryang
direksiyon.
Relatibong
Lokasyon
Ang relatibong lokasyon ng pook ay
tinutukoy sa pamamagitan ng
paglalarawan sa kinalalagyan ng pook
batay sa mga karatig na anyong-lupa
at anyong-tubig nito.
Kapag ang batayan ay mga kalapit na
anyong-tubig, insular ang
paglalarawan. Kapag ang batayan
naman ay mga katabing anyong-lupa o
kalupaan, bisinal ang paglalarawan
Kung tutukuyin ang relatibong lokasyon ng
Pilipinas sa insular na paglalarawan,
masasabing ito ay napaliligiran ng Tsanel
ng Bashi sa hilaga, Dagat Celebes sa timog,
Dagat Kanlurang Pilipinas sa kanluran, at
Karagatang Pasipiko sa silangan
Sa bisinal na paglalarawan, matutukoy na
ang mga bansang nakapaligid sa Pilipinas
ay ang Taiwan sa hilaga, Indonesia at
Malaysia sa timog, Vietnam at Cambodia
sa kanluran, at Guam sa silangan
Ang Eskala ng Mapa
Eskala ay ginawa upang maipakita ang
sukat o layo ng isang lugar kumpara sa
aktuwal na sukat at distansya nito.
Espesyal na
Guhit
Grid o Parilya

Ang grid o parilya ay


ang lugar sa globo o
mapa kung saan
nagtatagpo ang mga
guhit latitud at guhit
longhitud.
Guhit Latitud
Ito ay mga linyang pahiga o
mga linyang tumatakbo
pasilangang-kanlurang
direksyon paikot sa mundo.
Tinutukoy nito ang distansya
ng mga lugar sa mundo mula
ekwador.
Guhit longhitud

Mga linyang patayo o


mga linyang tumatakbo
mula sa polong hilaga
patungong polong
timog.
Prime Meridian

Ang Prime meridian ang kumakatawan sa simula


ng mga guhit longhitud. Ito ay nasa zero digri
longhitud at may kabuoang sukat na 180 digri.
Hinahati nito ang mundo mula Kanlurang
Hemisphere at Silangang Hemisphere.
Ekwador

Ito ay isang malaking guhit latitud o parallel na


may sukat na 360 digri. Matatagpuan ito sa zero
digri latitud. Hinahati nito ang mundo sa Hilaga
at Timog

You might also like