You are on page 1of 25

Gumawa

Magandangng araw
tig-aapat
kaibigan!
na
Bago ang lahat, nais ko
Handa ka
na mabuti
Tingnang
meyembro ba
na kayo?
bangang
bawat Simulan
grupo.
munang sagutin ninyo ang
na natin.
larawan.
Kumuha
malaman ng
ang
papel
atingataralin
aking mga katanungan.
panulat.
ngayon?

Ano ang ipinapakita sa larawan?


Ano ang Ano ang
ibig sabihin ibig sabihin
ng mapa? ng globo?
Ano-ano ang
makikita sa
mapa at globo?

Ang tawag sa mga


guhit na nasa mapa
at globo?
Huwag mag-alala sa iyong
mga sagot. Makinig ng
mabuti at alamin kung
tama o mali ang inyong
mga sagot habang tayo ay
nag-aaral. 
AngAng mapa
globo ayay
modelo
ang ngpaglalarawan
mundo. Sa ng kalawakan
globo makikita ang kabuuang larawan
gamit ang mga simbulo at pinapahiwatig ang
kung saan nakalagay o nakapuwesto
kaugnayan ng bawat bagay, rehiyon at tema ng
ang bawat bansa, mga karagatan, at
nasasaad na
mga kontinente.
kalawakan. Kadalasan ang mapa ay
isang dalawang-dimensiyong modelo ng isang
tatlong-dimensiyong kalawakan.
Ang mapa ay ginagamit sa paglalahad ng anumang lokal
na pag-aari ng buong mundo o parte nito. Puwede rin
siyang gamitin upang ilahad ang anumang pamamagitan,
tulad ng utak o kalawakan sa labas ng mundo. Ang mapa
rin ay larawan ng isang lugar na nagpapakita ng
direksiyon.
Kung titingnan ang globo at ang mapa, mapapansin na may mga
guhit ito.Sadyang inilagay ang mga guhit na ito upang higit na
maunawaan ang mundo na siyang kinakatawan nito.Ang mga guhit na
ito ay pawing mga kathang-isip lamang. Hindi makikita ang mga guhit
na ito sa mundo.
Grid o Parilya
Ang guhit ng Latitud at Longhitud na nagtatagpo na
tila mga krus sa Globo o mapa ay tinatawag na Grid o
Parilya.
Ang isang lokasyon ay maaaring ma-mapa o matatagpuan sa isang
sistema ng grid sa pamamagitan lamang ng pagbibigay ng dalawang
numero na ang mga pahalang at patayong mga coordinate ng lokasyon;
o, upang sabihin ito ng isa pang paraan, ang "intersection" kung saan
matatagpuan ang lugar.
May mga guhit na pahalang na makikita sa
globo at sa mapa. Ito ang tinatawag na guhit
latitude. Ang guhit latitud ay tinatawag ding
parallels. Ang mga guhit latitud ay mga guhit
na pumapalibot nang pahalang sag globo.
Mapupunang ang pinakamalaking bilog ay
nasa gitna ng globo at lumiliit ang bilog habang
papalayo sa gitna. Nasa Polong Hilaga at
Polong Timog ang pinakamaliliit na bilog.
Ang mga guhit pahalang ay
tinatawag na Latitud.
Huwag kalimutan. 
Nakikita mo ba ang guhit na tila humahati
sa globo? Ito ang Ekwador. Pabilog na
guhit ito sa pinakagitnang bahagi ng globo.
Hinahati nito ang globo sa dalawang
hatingglobo. Ang Hilagang Hating
globo at Timog Hating globo.

hilaga

timog
Ang mga guhit latitud na nasa
hilaga ng Ekwador ay tinatawag na
UD hilagang latitud. Timog latitud
T IT naman ang guhit latitude na nasa
L A
N G
G A timog ng Ekwador.
H ILA

TU D
AT I
G L
M O
TI
Ang latitud ay ang sukat ng layo
ng isang lugar o pook mula sa
UD Ekwador. Ang layong ito ay
T IT sinusukat sa digri (°). Digri ang
L A
N G
G A ginagamit na panukat dahil
H ILA pabilog ang globo.

TU D
AT I
G L
M O
TI
May mga pababang linya sa mapa o globo.
Ito ay ang guhit longhitud. Ito ang nagbibigay
direksyon sa silangan o kanluran. Ang Linyang
ito ang gamit upang matukoy ang oras sa
bawat bahagi ng mundo.
Ang guhit na patayo na may bilang na zero digri (°) ay
tinatawag na Prime Meridian. Ito ang nag-uugnay sa
dalawang polo (Hilaga at Timog) at naglalagos sa
Greenwich, England.
Sa Prime Meridian ay naghahati sag lobo sa Silangan at
Kanlurang Hatingglobo. Ang nagsasaklaw sa gawing
kanan ng Prime Meridian hanggang sa International
Dateline ay ang Silangang Hatingglobo. Sa kabilang
panig naman, sa kaliwa ng Prime Meridian hanggang
sa International Date Line, ang Kanlurang Hatingglobo.
Matatagpuan ang International
Date Line o IDL sa kabilang bahagi
ng globo, katapat ng Prime
Meridian. Tulad ng Prime
Meridian, ito rin ay nag-uugnay sa
dalawang polo. Ang International
Date Line ay batayan sa
pagkakaiba ng araw o petsa sa
magkabilang panig ng mundo.
Dapat tandaan na ang Ekwador, Prime
Meridian, International Date Line at iba
pang mga guhit na nasa globo at mapa
ay hindi mga tunay na guhit. Ang mga ito
ay likhang-isip lamang. Inilagay ang mga
ito upang maayos na magamit ang mapa
at globo.
TROPIC OF CANCER o TROPIKO NG KANSER ang guhit
sa 23 ½ °hilaga ng Ekwador.
Ang guhit sa 23 ½˚ timog ng Ekwador ay tinatawag na
TROPIC OF CAPRICORN o TROPIKO NG KAPRIKORNYO.
Ang nagsasaklaw sa pagitan ng dalawang espesyal na
mga guhit na ito ay tinatawag na MABABANG LATITUD o
REHIYONG TROPICAL.
Ang espesyal na guhit sa 66 ½ ° hilaga ng Ekwador ay
tinatawag na Arctic Circle o Kabilugang Arktiko. Ang rehiyon sa
pagitan ng Tropiko ng Kanser at Kabilugang Arktiko ay
tinatawag na gitnang latitud o rehiyong katamtaman ang lamig
sa hilaga.
Ang espesyal na guhit sa 66 ½ timog ng ekwador ay
tinatawag na Antarctic Circle o Kabilugang Antarktiko at
Tropiko ng Kaprikornyo ay ang gitnang latitud o rehiyong
katamtaman ang lamig sa timog.
Ang pook na nasasakop mula sa Kabilugang Arktiko
hanggang polong hilaga at mula sa Kabilugang Antarktiko
hanggag timog polo ay tinatawag na rehiyong polar o mataas na
latitud. Malamig ang klima rito. Ang paligid ay nababalot ng yelo
sa buong taon.

You might also like