You are on page 1of 1

Hanna Mariel G.

Del Mundo
G7 – Benevolence

A. MERIDIAN
Ang meridian ay ang patayong imahinasyong guhit sa globo.Ito ay nakguhit mula hilaga patimog ng globo.Hilagang
Polo (North Pole) at Timog Polo (South Pole) ang tawag sa magkabilang dulo ng globo sa hilaga
at timog.May dalawang espesyal na meridian - Prime Meridian at ang International Date Line

B. PRIME MERIDIAN
Ang prime meridian ang pinakagitnang guhit na humahati sa silangan at kanluran ng globo

C. LONGHITUD
Ang longhitud ay mga pababang linya sa mapa o globo. Ito ang nagbibigay direksyon sa silangan o kanluran.
Ang Linyang ito ang gamit upang matukoy ang oras sa bawat bahagi ng mundo. Ang bawat 1 digri ang layo na
longhitud ay may distansiyang 111.32 km. Sa mga polo nagtatagpo ang mga meridian. Bawat digri ng longhitud
ay nahahati sa 60 minuto.

D. LATITUD
Ang LATITUD ay mga pahalang na linya sa mapa o globo. Ang latitud ang nagbibigay ng lokasyong hilaga o timog
ng ekwador. Ito rin ang mga linyang ginagamit upang tukuyin ang klima sa isang bahagi ng mundo.

E. EKWADOR
Ang Ekwador ay isang kathang-isip na bilog na ginuguhit sa palibot ng planeta. Isa sa mga bahagi ng globo na
humahati sa nasabing bagay sa dalawang magkasinlaking bahagi - ang hilaga at timog hatingglobo. Hinahati ng
Ekwador ang planeta sa Hilagang Hemispero at Katimugang Hemispero.

You might also like