You are on page 1of 26

Ang Heograpiya at Katangiang

Pisikal ng Daigdig
Layunin:
1. Naipaliliwanag ang estruktura ng
daigdig.
2. Natatalakay ang ilang mahahalagang
kaalaman ukol sa Daigdig.
3. Natutukoy ang pisikal na katangian ng
daigdig bilang panahanan ng tao.
 Isa ang Daigdig sa walong planetang
umiinog at umiikot sa isang malaking bituin,
ang Araw.
 Ang lahat ng buhay sa Daigdig- halaman,

buhay at tao- ay kumukuha ng enerhiya


mula sa hangin, alon, ulan, klima at
panahon- ay naaapektuhan ng Araw.
Ang Estruktura ng Daigdig
 Ang Daigdig ay binubuo
ng crust, ang matigas at
mabatong bahagi ng
planetang ito. Umaabot
ang kapal nito mula 30-
65 km palalim mula sa
kontinente.
 Ang mantle ay isang patong ng mga batong
napakainit kaya malambot at natutunaw
ang ilang bahagi nito.

 Tinatawag na core ang kaloob-loobang


bahagi ng Daigdig na binubuo ng mga
metal tulad ng iron at nickel.
 Ang Daigdig ay may plate o
malaking masa ng solidong
bato na hindi nananatili sa
posisyon. Sa halip, ang mga
ito ay gumagalaw na tila
mga balsang inaanod sa
mantle.
Paano  Napakabagal ng paggalaw ng mga
nakaaapekt plate na sa katunayan, umaabot
o ang mga
plate sa lamang sa 5 sentimetro o 2 pulgada
pagbabago bawat taon. Ito rin ang
ng hitsura
ng ibabaw makapagpapaliwanag kung bakit a
ng loob ng maraming taon, ang
Daigdig?
posisyon ng mga kontinenete ay
nagbabago.
 Ang Daigdig ay may apat
na hating-globo: Ang
Northern at Southern
Hemisphere na hinahati ng
equator, at ang Eastern at
Western Hemisphere na
hinahati ng Prime Meridian.
 Sa Northern Hemisphere, tinatayang
61% ng bahaging ito ay tubig
samantalang 39% naman ay lupa.
Dahil dito, ito ay tinawag ding land
hemisphere.
 Sa Southern Hemisphere naman,
81% ay tubig samantalang 19%
lamang ang lupa kung kaya’t
tinawag itong water hemisphere.
Longitude at Latitude
 Sa pamamagitan ng pagbibigay ng
longitude at latitude ng isang lugar,
maaaring matukoy ang lokasyon nito
sa globo o mapa sa paraang
absolute, astronomical, o tiyak.
Longitude
 Tinatawag na longitude
ang distansyang angular
na nasa pagitan ng
dalawang meridian
patungo sa kanluran ng
Prime Meridian.
 Ang Prime Meridian na nasa Greenwich sa
England ay itinalaga bilang zero degree
longitude.
 Ang 180 degrees longitude mula sa Prime

Meridian, pakanluran man o pasilangan,


ang International date line na matatagpuan
sa kalagitnaan ng Pacific Ocean.
Latitude
 Tinatawag na latitude ang

distansyang angular sa
pagitan ng dalawang
parallel patungo sa hilaga
o timog ng equator.
 Ang equator ang
humahati sa globo
sa hilaga at tiomg
hemisphere. Ito rin
ay itinakdang zero
degree latitude.
 Ang Tropic af Cancer  Ang Tropic of
ang pinakadulong ba Capricorn ay ang
hagi ng Northern pinakadulong bahagi
ng Southern
Hemisphere na
Hemisphere na direkta
direktang sinisikatan
ring sinisikatan ng
ng araw. Makikita ito araw. Matatagpuan ito
sa 23.5 degree hilaga sa 23.5 degree timog
ng equator. ng equator.
Pag-inog ng Daigdig
 Patuloy ang daigdig sa pag-inog sa
kanyang axis habang umiikot ito sa
araw.
 Nakagagawa ito ng kumpletong pag-

inog sa kanyang aksis sa loob ng 24


oras.
 Ang bilis ng paggalaw ng mga puntos sa
ekwador habang umiinog ito ay 1,609
kilometro bawat oras.
 Inaabot naman ng 365 1/2 araw, sa bilis

na 107,016 kilometro bawat oras, ang pag-


ikot ng daigdig sa araw.
Pisikal na Katangian ng Daigdig
 Binubuo ang pisikal na katangian ng
daigdig ng kalawakan, kalupaan, klima,
katubigan, buhay-halaman, buhay-hayop,
at mga mineral.
 Nakaiimpluwensiya ang bawat katangian

sa isa't isa.
Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig
 Bumubuo lamang ang kalupaan ng 29.2
bahagdan ng kabuuang daigdig at nahahati-
hati ito sa apat na malalaking rehiyon:
EurAsya-Aprica - tripleng kontinente ng Europa,
Asya, at Aprica; Amerika - dobleng kontinente
ng Timog at Silangang Amerika; Antarctica; at
Australia kasama ang Oceania.
 Bunga ng distribusyon ng mga
nabanggit na masa ng lupa, nahiwa-
hiwalay nila ang katubigan sa tatlong
pangunahing rehiyong katubigan:
Pacific Ocean; Atlantic Ocean at maliit
na karagatang Arctic; at Indian Ocean.
 Ang Pacific Ocean ang pinakamalawak
at sumasakop sa halos ikatlong bahagi
(1/3) ng daigdig.
Ang Klima
 Ang klima ay ang
kalagayan o kondisyon
ng atmospera na
karaniwan sa mga
malaking rehiyon o lugar
sa matagal na panahon.
 Mahalaga ang papel ng klima, ang
kalagayan o kondisyon ng atmospera
sa isang rehiyon o lugar sa matagal
na panahon.
 Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng
mga klima sa daigdig ang natatanggap
na sinag ng araw ng isang lugar
depende sa latitude at gayon din sa
panahon, distansiya mula sa karagatan,
at taas mula sa sea level.

You might also like