You are on page 1of 19

ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 2 – HEOGRAPIYANG PANTAO

Modyul 2: Heograpiyang Pantao

I. Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa
kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang
humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon

II. Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa
pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa
susunod na henerasyon

III. Kasanayang Pampagkatuto:


1. Natutukoy ang mga bumubuo sa heograpiyang pantao
2. Napag-uugnay ang heograpiyang pisikal at heograpiyang pantao
3. Napapahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat,
etnolinggwistiko, at relihiyon)
4. Nakapagmumungkahi ng mga paraan kung paano mapangangalagaan at maprepreserba ang mga natatanging
kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan sa daigdig
IV. Gradual Release of Responsibility (GRR)
Araw Day 9 Day 10 Day 11 Day 12
Elemento Pag-alam at Pagsuri Ebalwasyon at Pagtugon
 Napahahalagahan ang mga natatanging kultura ng mga rehiyon,
 Natutukoy ang mga bumubuo bansa at mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat, etnolinggwistiko
sa heograpiyang pantao (FK) at relihiyon) (MK)
 Napag-uugnay ang  Nakapagmumungkahi ng mga paraan kung paano
Layunin heograpiyang pisikal at mapangangalagaan at maprepreserba ang mga natatanging
heograpiyang pantao (CK) kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan sa daigdig (MK)

SMS-ARDC 1
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 2 – HEOGRAPIYANG PANTAO

V. Scriptural Message and Fr. Al’s Message


Ang modyul na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang maunawaan at mapagnilayan ang mga mensahe mula sa
Bibliya na naging basehan rin ng mga turo ni Venerable Al.

SCRIPTURAL MESSAGE
“Mula sa isa’y nilikha niya ang lahat ng lahi sa balat ng lupa. Itinakda niya ang kanya-kanyang panahon at hangganan. Ginawa niya ito
upang hanapin nila ang Diyos, baka sakaing sa kanilang pag-aapuhap ay matagpuan siya. Ang totoo, hindi naman siya malayo sa bawat isa
sa atin; sapagkat “Hawak niya ang ating buhay, pagkilos, at pagkatao. Tulad ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata, “Tayo nga’y mga
anak niya.’” (Acts 17:26-28)

FR. AL’S MESSAGE


“Kung nais natin ang Panginoon, dapat tayong maging mapagkumbaba, maging aba at hamak katulad ng sabsaban sa Bethlehem. Sa
pamamagitan ng pagdarasal, nagiging mapagkumbaba tayo sa Panginoon, sa pamamagitan ng pagpapakasakit, ginagawa nating aba at
mapagkumbaba ang ating mga puso.” (Homily November 30, 1988)

SMS-ARDC 2
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 2 – HEOGRAPIYANG PANTAO

VI. Daily Learning Log (Ang mga mag-aaral ay…)

Elemento Day 9 Day 10 Day 11 Day 12


Paksa Heograpiyang Pantao
 Napahahalagahan ang mga natatanging kultura ng mga rehiyon,
Mga Kasanayan sa  Natutukoy ang mga bumubuo sa bansa at mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat, etnolinggwistiko
Pagkatuto at relihiyon)
heograpiyang pantao
 Napag-uugnay ang heograpiyang  Nakapagmumungkahi ng mga paraan kung paano
pisikal at heograpiyang pantao mapangangalagaan at maprepreserba ang mga natatanging
kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan sa daigdig

A1. Pagsusuri ng Video A4. Malayang Talakayan (Pangklaseng Gawain) – 70 minutes


Panimula (Pangklaseng Gawain) – 25 minutes
Pampagkatuto
Mga Gawaing

Pang- A2. Malayang Talakayan A5. Sabayang Pagtula (Pangkatang Gawain) – 50 minutes
kasaluku (Pangklaseng Gawain) – 20 minutes
yan

Panapos A3. Aha! at Huh! (Pangklaseng A6. Ikalawang Lagumang Pagsusulit (Indibidwal na Gawain)– 30
Gawain) – 5 minutes minutes

Pagtataya Aha! at Huh! (FA) Ikalawang Lagumang Pagsusulit (WW 2)


Sabayang Pagtula (PT 2)

Note

SMS-ARDC 3
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 2 – HEOGRAPIYANG PANTAO

 Natatalakay ang mga bumubuo sa heograpiyang pantao


Day 9  Napag-uugnay ang heograpiyang pisikal at heograpiyang pantao

A1. Pagsusuri ng Video (Pangklaseng Gawain) – 25 minutes

Note: Ipanood ang video at pagkatapos ay itanong ang mga pamprosesong tanong
sa ibaba.

Video: How to Study Cultures - "How Geography Defines a Culture" (17:52 minutes)
Video link: https://www.youtube.com/watch?v=KA1FWbmLcYA

Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saaan ang video?
2. Sa kabuuan, paano mo bibigyang kahulugan ang kultura?
3. Paano naaapektuhan ng heograpiyang pisikal ng isang lugar o rehiyon ang
kultura ng mga taong nakatira dito? Magbigay ng halimbawa.
4. Kung naaapektuhan o nababago ng heograpiyang pisikal ang kultura ng isang
lugar o rehiyon, naaapektuhan o nababago rin ba ng mga tao sa isang lugar o
rehiyon ang kanilang kapaligirang ginagalawan? Sa papaanong paraan?
5. Ano ang tawag sa sangay ng heograpiya na nag-aaral sa paraan ng interaksiyon
ng tao sa kanyang kapaligiran; kung paano niya ito binabago at kung paano rin
siya nababago o naaapektuhan nito?

A2. Malayang Talakayan (Pangklaseng Gawain) – 20 minutes

Gabay na Tanong para sa Malayang Talakayan


1. Anu-ano ang mga saklaw ng pag-aaral ng heograpiyang pantao?
2. Ano ang wika? Anu-ano ang mga pangunahing wika na ginagamit sa mundo?
3. Ano ang relihiyon? Paano ito nakakaapekto sa buhay ng mga tao sa isang lugar
o rehiyon?
4. Ano ang lahi o race? Anu-ano ang mga pangunahing lahi o race sa daigdig?
5. Ano ang pangkat-etniko? Anu-ano ang mga batayan na ginagamit upang
makilala ang mga pangkat-etniko?
6. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao?

Gabay na impormasyon sa pagsagot ng mga pamprosesong tanong:

Heograpiyang Pantao
Ang heograpiyang pantao ay isa sa mga sangay ng heograpiya na tinawag din
na kultural na heograpiya. Ang sangay na ito ay tumutukoy sa mga pag-aaral sa
mga aspektong kultural na matatagpuan sa daigdig; ang paraan ng interaksiyon ng
tao sa kanyang kapaligiran; kung paano niya ito binabago at kung paano rin siya
nababago o naaapektuhan ng kalikasan. Ang kultura ng mga rehiyon ay walang
malinaw na hangganan. At sa ganitong kadahilanan gumagamit ang mga heograpo

SMS-ARDC 4
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 2 – HEOGRAPIYANG PANTAO

ng iba’t ibang pananaw upang maipakita ang mga kultural na rehiyon at ang mga
bansang kabilang dito. Pinag-aaralan dito ang relihiyon, wika, medisina, ekonomiya,
politika, mga lungsod, populasyon, kultura, at iba pang aspektong kultural na
maaaring magbigay-liwanag kung bakit kumikilos ang mga tao sa isang lugar tulad
ng ginagawa nila sa kanilang buhay.
Sa modyul na ito bibigyang pansin ang mga aspektong kultural tulad ng
relihiyon, wika, lahi at pangkat-etniko sa iba’t ibang rehiyon sa daigdig.

A. Wika
Ang magandang indikasyon ng pagkabuhay ng kultura ay ang patuloy na
paggamit ng tradisyonal na wika at diyalekto. Sinasabing may higit na 7,000 wika
ang daigdig.
Narito ang talaang nagpapakita ng distribusyon ng mga pangunahing wika sa
mundo batay sa dami ng populasyong gumagamit nito.

Wika Dami ng Nagsasalita


1. Mandarin Chinese 909 000 000
2. Spanish 442 000 000
3. English 378 000 000
4. Arabic 315 000 000
5. Hindi 260 000 000
6. Bengali 243 000 000
7. Portuguese 223 000 000
8. Russian 154 000 000
9. Japanese 129 000 000
10. Lahnda 119 000 000

Ang wika ay ang abilidad na makuha at magamit ang komunikasyon upang


maihatid ang impormasyon sa kapuwa. Ito ay bahagi ng kultura at nabuo mula sa
mga karanasan ng tao. Mabisa itong kasangkapan sa pagbibigay ng saloobin,
nasaisip, at nakikita sa lipunang ginagalawan.

Ang wika ay nanggaling sa tinatawag na language family. Ito ay grupo ng


mga wika na nanggaling sa iisang wika na tinatawag na proto language. Kadalasang
hindi alam kung saan nagmula ang punong wika. Ginagamitan ito ng comparative
method upang malaman ang pinagmulan. Ayon sa Ethnologue, may 147 family
languages sa daigdig. Ang pagiging linguistically diverse ng ibang lugar tulad ng
Africa ay maaaring magpabago sa dami ng family language. Patuloy itong
nagbabago dahil sa mga pag-aaral ng wika.

Pamilya ng Bilang Lugar Kung Saan Ginagamit ang Wika


Wika ng
Wika
Angola, Benin, Botswana, Burkina Faso, Burundi,
Niger-Congo 1 532 Cameroon, Central African Republic, Chad,
Comoros, Congo, Cote d’Ivoire, Democratic
SMS-ARDC 5
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 2 – HEOGRAPIYANG PANTAO

Republic of the Congo, Equatorial Guinea, Gabon,


Gambia, Ghana, Guinea, Guinea-Bissau, Kenya,
Lesotho, Liberia, Malawi, Mali, Mozambique,
Namibia, Niger, Nigeria, Rwanda, Senegal, Sierra
Leone, Somalia, South Africa, Sudan, Swaziland,
Tanzania, Togo, Uganda, Zambia, Zimbabwe
Brunei, Cambodia, China, Cook Islands, East
Timor, Fiji, French Polynesia, Guam, Indonesia,
Kiribati, Madagascar, Malaysia, Marshall Islands,
Mayotte, Micronesia, Myanmar, Nauru, New
Austronesian 1 257 Caledonia, New Zealand, Niue, Northern Mariana
Islands, Palau, Papua New Guinea, Philippines,
Samoa, Solomon Islands, Suriname, Taiwan,
Thailand, Tokelau, Tonga, Tuvalu, United States
of America, Vanuatu, Vietnam, Wallis at Futuna
Trans New 477 Australia, East Timor, Indonesia, Papua New
Guinea Guinea
Bangladesh, Bhutan, China, India, Kyrgyzstan,
Sino-Tibetan 449 Laos, Myanmar, Nepal, Pakistan, Thailand,
Vietnam
Afghanistan, Albania, Armenia, Austria,
Azerbaijan, Bangladesh, Belarus, Belgium, Bosnia
and Herzegovina, Bulgaria, Canada, China,
Croatia, Czech Republic, Denmark, Fiji, Finland,
France, Georgia, Germany, Greece, Iceland, India,
Iran, Iraq, Israel, Italy, Latvia, Lithuania,
Indo- 439 Luxembourg, Macedonia, Maldives, Nepal,
European Netherlands, Norway, Oman, Pakistan, Peru,
Poland, Portugal, Romania, Russia, Serbia and
Montenegro, Slovakia, Slovenia, South Africa,
Spain, Sri Lanka, Suriname, Sweden, Switzerland,
Tajikistan, Turkey, United States of America,
Ukraine, United Kingdom, Venezuela
Afghanistan, Algeia, Bahrain, Cameroon, Chad,
Cyprus, Egypt, Eritrea, Ethiopia, Georgia, Iran,
Iraq, Israel, Jordan, Kenya, Libya, Mali, Malta,
Afro-Asiatic 374 Mauritania, Morocco, Niger, Nigeria, Oman, Saudi
Arabia, Somalia, Sudan, Syria, Tanzania, Tunisia,
Turkey, United Arab Emirates, Uzbekistan, Yemen
Australian 264 Australian
Algeria, Benin, Central African Republic, Chad,
Nilo-Saharan 205 Democratic Republic of the Congo, Egypt, Eritrea,
Ethiopia, Kenya, Mali, Niger, Nigeria, South Sudan,
Tanzania, Uganda

SMS-ARDC 6
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 2 – HEOGRAPIYANG PANTAO

B. Relihiyon
Kabilang din ang relihiyon sa pag-aaral ng kultura. Ang relihiyon ay isang
organisadong paraan ng pagsamba sa isang bagay na espiritwal o ang kaisipan sa
buhay. Ilan sa mga pangunahing relihiyon sa mundo ay Hudaismo, Kristiyanismo,
Islam, Hinduismo, Budismo, at Confucianismo. Ang Hinduismo ang
pinakamatandang relihiyon sa buong mundo. Kadalasan ang sining ay idinidikit sa
relihiyon ng mga tao. Nagpatayo ng mga templo, simbahan, mga painting, at musika
ang mga tao upang ipahayag ang kanilang pananampalataya. Sinagot ng relihiyon
ang pangunahing tanong ng mga tao ukol sa kahulugan at layunin ng buhay. Tulad
din ng ibang elemento ng kultura, sinusuportahan din ng relihiyon ang isang
mahalagang pagpapahalaga ng isang pangkat ng tao.
Iba-iba ang paniniwala ng mga tao – ang paniniwala sa iisang Diyos ay tinawag
na monoteismo at ang pananampalataya sa maraming Diyos ay tinatawag na
politeismo. Ang mga dasal at ritwal sa relihiyon ay iba-iba rin.
Mahalaga ang papel ng kasaysayan sa paghubog ng relihiyon ng isang lipunan
o rehiyon. Ang Kristiyanismo halimbawa ay nagsimula sa isang maliit na pangkatng
tao sa Gitnang Silangan. Ikinalat ito ng mga misyonaryo at mga sundalo sa iba’t
ibang panig ng mundo. Niyakap ng Kristiyanismo ang ilang ideya ng iba’t ibang
kultura.
Ang mga alitan dulot ng pagkakaiba-iba ng relihiyon sa maraming mga bansa
ay hindi nabago. Sa kasalukuyan, patuloy nating naririnig ang alitan ng mga
Protestante at mga Katoliko sa Northern Ireland at ang mag Muslim at Kristiyanismo
sa Lebanon. Bagama’t ang pagkakaiba-iba ng relihiyon ay hindi purong sanhi ng
alitan. Ang kawalan ng kapangyarihang politikal at oportunidad sa kabuhayan ay
nagpapalala sa alitan.

C. Lahi ng Tao
Ang lahi ng tao ay maaaring maipaliwanag bilang grupo ng tao na may
magkakaparehong katangian. Ito rin ang mga katangiang kakaiba sa iba pang grupo
ng tao sa ibang lugar. Lahat ng tao, ano man ang lahi ay kabilang sa iisang species
– ang Homo sapiens. Nangangahulugan ito na ang pagkakaiba ng mga tao ay hindi
ganoon kalaki maliban na lang sa kulay ng balat. Lahat ng lahi ay maaaring mag-
interbreed dahil marami itong pagkakatulad. Lahat ng lahi ay halos pareho ang
genetic makeup kaya maaari itong magsama at bumuo ng panibagong pamilya.
Walang klasipikasyon ng “lahi” o “race” ang tanggap sa buong daigdig at ang
salitang ito ay inalis na ng United Nations at ginawang ethnic group upang maging
wasto ang paggamit dito. May 5,000 pangkat etniko sa mundo ayon sa pag-aaral
ng Scientific America noong 1998.
Ayon klasipikasyon na ginawa ni Carleton S. Coon noong 1962, may apat na
lahi ng tao ngayon.
Caucasian – Aryan, Hamite, Semite
Mongolian – North Mongolian, Chinese at Indo-Chinese, Japanese at Korean,
Tibetan, Malayan, Polynesian, Maori, Micronesian, Eskimo, American Indian
Negroid – African, Hottentot, Melanesian/Papuan, Negrito, Australian Aborigine,
Dravidian, Sinhalese.
Australoid – Indonesian, Malaysian, Australian

SMS-ARDC 7
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 2 – HEOGRAPIYANG PANTAO

D. Pangkat-etniko
Ang pangkat-etniko ay ang panlipunang pagpapangkat ng mga mamamayan
ayon sa pagkakakilanlang batay sa pinagmulang ninuno, lipunan, kultura, at
pambansang karanasan. Ang pagiging kasapi ay ayon sa minanang kultura,
pinanggalingan, mito ng pinagmulan, kasaysayan, bayan, wika at diyalekto,
relihiyon, pananamit, at pisikal na anyo.
Ang pinakamalaking pangkat-etniko sa kasalukuyan ay binubuo ng daang
milyong indibidwal at ang pinakamaliit ay binubuo ng iilang indibidwal na lamang.
Ang malalaking pang-etniko ay maaaring hatiin pa sa maliliit na grupo tulad ng tribo.
Minsan, ang pagkakahiwalay nito sa iba pang kapangkat ang nagiging dahilan para
maging panibagong uri ng grupo.
Ang mga uri ng pangkat-etniko ay makikilala sa pamamagitan ng:
a. Lahi – Ito ay pagkakilala ayon sa pinagkapareho ng pisikal na kaanyuan.
b. Relihiyon – Ito ay pagkakilala ayon sa kinabibilangang relihiyon,
denominasyon, at sekta.
c. Lingguwistika – Ito ay pagkakilala ayon sa wika, diyalekto, at eskripto.
d. Pagkamakabayan – Ito ay pagkilala ayon sa pambansang pagkakakilanlan.
e. Rehiyon – Ito ay pagkilala ayons a lugar na pinanggalingan

A3. Aha! at Huh! (Pangklaseng Gawain) – 5 minutes

Note: Pasulatin ang mga mag-aaral ng isa o dalawang bagay na kanilang natutunan
sa paksang tinalakay at isa o dalawang bagay tungkol sa paksa na gusto pa nilang
malaman o mayroon pa silang katanungan. Tumawag ng mga mag-aaral na
magbabahagi ng kanilang mga kasagutan.

 Napapahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at


mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat, etnolinggwistiko, at relihiyon)
Day 10 -12  Nakapagmumungkahi ng mga paraan kung paano mapangangalagaan
at maprepreserba ang mga natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa
at mamamayan sa daigdig

A4. Malayang Talakayan (Pangklaseng Gawain) – 70 minutes

Gabay na Tanong para sa Malayang Talakayan


1. Anu-anong mga bansa ang bumubuo sa bawat rehiyon?
2. Anu-ano ang mga natatanging kultura sa iba’t ibang rehiyon sa daigdig batay sa
Wika?
Relihiyon?
3. Bakit mahalaga ang wika sa pagtukoy ng kultura ng tao?
4. Ano ang kahalagahan ng relihiyon sa tao?
5. Paano nakaapekto ang pagkakahiwalay ng lahi sa pagbabago ng wika?
6. Ano ang kahalagahan ng mga natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at
mamamayan sa daigdig?
SMS-ARDC 8
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 2 – HEOGRAPIYANG PANTAO

Mga Kultura ng Iba’t Ibang Rehiyon sa Daigdig

A. Latin Amerika at Caribbean


Ang kultura ng Latin Amerika at Caribbean ay nag-ugat sa pakikisalamuha sa
mga tao na naninirahan sa rehiyon. Sa panahong kolonyal ang wika, relihiyon at
sining ng mga Kastila at Portuges ay
naikalat sa rehiyon. Ang
impluwensiya ng mga Ingles,
Pranses, Indian, at Aprikan ay
nadama rin sa maraming mga pook
sa rehiyon.

Wika
Ang wikang Espanyol ang opisyal na wika
ng mahigit sa kalahati ng mga bansa sa Latin
Amerika at Caribbean. Ngunit sa pagpasok ng
mga salitang Indian, nabago ang wikang
Kastila; kaya tinawag ang wika sa Mexico na
Mexican Spanish.
Portuges ang opisyal na wika sa Brasil na
nagtataglay ng salitang Indian at Aprikan
Ang iba pang bansa sa rehiyon ay gumamit ng wika ng bansang sumakop sa
kanila. Halimbawa: Pranses sa Haiti at Martinique, at Ingles sa Jamaica at
Guyana.
May dalawang opisyal na wika ang Peru; ang Quechua, isang wikang Indian at
Espanyol

Relihiyon
May malakas na impluwensiya ang relihiyong Romano Katoliko sa mga tao sa
Latin Amerika at sa Caribbean. (Mahigit sa 90% ng mga tao sa rehiyon ay mga
Romano Katoliko.)
Ang Romano Katoliko ang relihiyon ng pitong bansa bagama’t ang bawat isa ay
may Kalayaan sa pananampalataya.
Kinikilala ng mga taong may lahing Indian at Aprikan ang Romano Katoliko
ngunit patuloy pa rin nilang sinusunod ang kaugalian sa pananampalataya ng
kanilang mga ninuno. (Halimbawa may mga pangkat ng Indian na nagsasagawa
pa rin ng mga ritwal para sa kanilang mga diyos.)
Naging mahalaga ang Katoliko sa pagbibigkis ng iba’t ibang pang-etniko sa
rehiyon

SMS-ARDC 9
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 2 – HEOGRAPIYANG PANTAO

B. Kanlurang
Europa
Ang mga taong
nanirahan sa
Kanlurang Europa ay
mula sa iba’t ibang
pangkat na may
pagkakaugnay. Sa
kanyang kasaysayan,
palaging may paglikas
ang mga tao dulot ng
kalakalan at digmaan.
Dahil sa pagkilos na ito
nagkaroon ng
ugnayan ang mga tao
mula sa iba’t ibang
pangkat sa rehiyon.
Sa
pangkalahatan may
iisang tradisyong pangrelihiyon ang Kanlurang Europa bagama’t sari-sari ang
kanilang wika at tradisyon sa sining.

Wika
May mahigit na 20 na wika ang gamit sa Kanlurang Europa. Sinasalamin ng mga
wika ang pagkilos ng mga pangkat sa rehiyon
Karamihan sa mga taga-Kanlurang Europa ay nagsasalita ng wika na nagmula
sa Indo-European.fg
Sa hilagang bahagi ng rehiyon karamihan sa mga tao ay nagsasalita ng Ingles,
Danish, at Swedish.
Ang wikang Romano ay wika sa Pransiya, Portugal, Espanya, at Italya – ito ay
French, Portuguese, Spanish, at Italian. Tinawag na Romano ang mga wikang
ito sapagkat hango ito sa wikang Latin, ang wika ng mga sinaunang Romano.

Relihiyon
Karamihan sa mga taga-Kanlurang Europa ay Kristiyano, sa hilaga at hilagang
kanluran ng rehiyon ay mga Protestante.
Karamihan sa mga taong naninirahan sa ma bansang malapit sa Dagat
Meditteranean at sa Ireland ay mga Romano Katoliko.
Karamihan sa gma taga-Gresya ay sumusunod sa anyo ng Kristiyanismo na
tinawag na Greek Orthodox.
Bagama’t may sariling relihiyon ang bawat estado sa rehiyon, nananaig ang
kalayaan sa pananampalataya. Sa ibang lugar tulad ng Hilagang Ireland, ay may
paminsan-minsan pagsiklab ng alitan sa pagitan ng mga Romano Katoliko at
mga Protestante.

SMS-ARDC 10
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 2 – HEOGRAPIYANG PANTAO

C. Silangang Europa
Ang rehiyong ito ay
binubuo ng iba’t ibang
nasyonalidad. Ang
pagkakahiwalay ng Simbahang
Orthodox at ng Romano
Katoliko ay nagdulot ng
impluwensiyang kultural sa
iba’t ibang lugar sa rehiyon.
Ang impluwensiya ng
Kanlurang Europa ay nagdulot
ng pamumulaklak sa musika at
panitikang Russian, ngunit sa
ilalim ng komunistang
gobyerno, nagkaroon ng
paghihigpit sa sining.

Wika
Mahigit 100 ang wikang
ginagamit sa rehiyon.
Halos lahat ng mga wika at diyalekto ay nagmula sa dalawang pamilya ng wika
– ang Indo-European at ang Ural-Altaic.
Ang mga tao sa hilaga at timog na bahagi ng rehiyon ay nagsasalita ng wika
mula sa Ural-Altaic.
Romanian ang tanging wikang Romano na gamit sa rehiyon.
German, ang wikang nagmula sa sangay ng Germanic ay ginagamit sa iilang
lugar sa rehiyon.
Karamihan sa Indo-European na wika na ginagamit sa rehiyon ay ang Russian,
Polish, Bulgarian, Serbo-Croatian, Slovenne, at Macedonian.

Relihiyon
Ang pangunahing relihiyon ay Silangang Orthodox at ang sangay ng Romano
Katoliko.
Iba pang relihiyon sa rehiyon ay ang Protestantismo, Hudaismo, at Islam.
Ang relihiyon ng bawat lugar ay nagpapakita sa kanilang kasaysayan.
Ang karamihan sa mga Eastern Orthodox ay Christians ay naninirahan sa dating
Unyong Sobyet. Malawak din ang pagtanggap nito sa Romano at halos 1/3 na
tao sa Albania ay kabilang sa ganitong pananampalataya.
Malakas ang Romano Katoliko sa Poland, Czechoslovakia, at Hungary.
May halos 2.5 na milyong Hudyo sa dating Unyong Sobyet at 150,000 sa
Silangang Europa.
Karamihan sa mga Muslim ay nasa timog na bahagi ng rehiyon. Halos 70% ng
mga tao sa Albania ay mga Muslim.

SMS-ARDC 11
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 2 – HEOGRAPIYANG PANTAO

D. Hilagang Aprika at Gitnang Silangan


Islam ang
pinakamahalagang
element ng kultura
na nagbuklod sa
mga rehiyon sa
Hilagang Aprika.
Ang kultura ay lalo
pang napagyaman
sa pamamagitan
ng pakikipag-
ugnayan sa mga
tao sa tatlong
kontinente na kung
saan ang lugar na
ito ang tinawag na
sangandaan.

Wika
Hindi laging isinalin ang Koran kung kaya’t ang mga hindi Arabong yumakap sa
Islam ay natuto ng wikang Islam upang mabasa ang Koran.
Ang Arabic ay nagmula sa pamilya ng Afro-Asiatic.
Hebrew ang wika sa Israel na nagmula din sa pamilyang Afro-Asiatic.
Berber ang wika sa Timog Morocco at Algeria.
Turkish ang ginamit na salita sa Turkey at Cyprus.
Iba pang pangunahing wika sa rehiyon ay nagmula sa sangay ng wikang Indo-
European tulad ng Pashto, na ginamit sa Afghanistan, Persian na wika sa
bansang Iran.
Sa ibang mga bansa, ang wika ng kanilang mga mananakop ang ginagamit sa
transaksiyon sa gobyerno at negosyo tulad ng Pranses at Espanyol na gamit sa
Morocco.

Relihiyon
Islam ang sinunod ng halos lahat ng mga tao sa rehiyon maliban sa Israel at
Cyprus.
Impluwensiya ng relihiyon ang wika, sining, gobyerno, at ang pamumuhay ng
mga tao.
Bagama’t ang Hudaismo at Kristiyanismo ay nagsimula sa rehiyon, iilang bahagi
lamang ang yumakap dito. Karamihan sa mga Hudyo ay matatagpuan sa Israel.
Malaki ang populasyon ng mga Kristiyano sa Lebanon at Cyprus. Karamihan sa
mga Kristiyanong Lebanese ay mga Moronites. Ang Moronites ay isang sangay
ng Katolisismo, samantalang karamihan sa mga taga-Cyprus ay tagasunod ng
Greek Orthodox.

SMS-ARDC 12
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 2 – HEOGRAPIYANG PANTAO

E. Sub-Saharan Aprika
Sa pakikiayon ng mga tao sa
kanilang kapaligiran, nakahubog
sila ng mayamang kultura at
pamumuhay.
Ang mga tao sa rehiyon ay
bahagi ng daang-daang pangkat-
etniko. Ang bawat pangkat-etniko
ay nagtataglay ng sariling
tradisyon, relihiyon, at
kasaysayan.

Makikita sa lupain ang iba’t ibang


impluwensiya ng kolonyalismo
ngunit ang kakaibang tradisyon sa
kultura ang Aprika ay nananatiling
matatag.

Wika
May tatlong pamilya ng mga wika sa rehiyon – Aprikan, Afro-Asiatic at Indo-
European.
Ang pinakamaraming tao ay nagsasalita ng wikang Aprikan. Ang pinakamalaking
pangkat ay ang wikang Bantu na ginagamit sa sentral, silangan at timog na
bahagi ng rehiyon.
Ang pinakamalawak na gamit na wikang Bantu ang wikang Swahili na gamit sa
sentral at silangan ng Aprika.
Ang pangunahing Afro-Asiatic na wikang gamit sa rehiyon ay ang Arabic at
Berber. Ito ang mga wikang ginagamit sa hilagang-kanluran ng Sub-Sahara.
Sa Timog Aprika, malawakan ang paggamit ng wikang Indo-European tulad ng
Ingles at Aprikan. Ang Aprikan ay nahubog mula sa mga mananakop na mga
Olandes

Relihiyon
Ang pangunahing relihiyon ng rehiyon ay tradisyonal na relihiyong Aprikan,
Islam, at Kristiyanismo.
May paniniwala sa iisang tagalikha ang mga tao.
Ang kaluluwa ng mga ninuno ay pinaniniwalaaang buhay sa kalikasan. Tinawag
itong animism.
May malawak na tagasunod ng Islam na matatagpuan sa Ethiopia, Nigeria, at
Tanzania.
Lumawak din ang naging tagasunod ng Kristiyanismo na ipinakilala ng mga
mananakop. Ang malaking bahagi ng mga Kristiyano ay matatagpuan sa Timog
Aprika.

SMS-ARDC 13
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 2 – HEOGRAPIYANG PANTAO

F. India at Timog Asya


Karamihan sa mga wika
sa Timog Asya ay Indo-
European o Dravidian. Ang
wika at iba pang anyo ng
kultura ay sumasalamin sa
kasaysayan at relihiyon ng
rehiyon.

Wika
Ibat-ibang wika ang
ginagamit sa Timog Asya.
Dulot ito marahil ng
pagpasok ng iba’t ibang
pangkat ng tao na
nanirahan sa rehiyon sa iba’t ibang panahon. Kabilang sa mga wika ay ang
sumusunod: Hindi, Urdu, at Bengali.
Ang opisyal na wika ng Nepal at Sri Lanka ay Nepali at Sinahalese. Nagmula ito
sa wikang Indo-European.
Halos kalahati ng populasyon ng India lalo na ang mga taga-hilaga at sentral ay
nagsasalita ng wikang Hindi bilang una o ikalawang wika nila.
Popular din ang wikang English sa India na naging impluwensiya ng pananakop
ng Britanya sa bansa.
Urdu ang opisyal na wika ng Pakistan.
Mga 1/5 ng tao sa Timog India at sa hilagang bahagi ng Sri Lanka ay nagsasalita
sa wikang nagmula sa Dravidian. Nanatili ang wikang ito sa lugar dahil lumikas
dito ang mga Dravidian mga 3,000 libong taon na ang nakararaan upang
makaiwas sa pananakop.

Relihiyon
Ang mga pangunahing relihiyon ay binubuo ng Hinduismo, Islam at Budismo.
May ilan ding tao ang yumakap sa Kristiyanismo
Karamihan sa mga tao sa India at Nepal ay sumunod sa Hinduismo. May mga
Hindu rin sa Bhutan, Sri Lanka, Pakistan, at Bangladesh.
Islam ang sinunod ng karamihan sa mga tao sa Pakistan at Bangladesh at may
mga nakakalat din na Muslim sa hilagang India, ang lugar na nasakop ng mga
mananalakay na Muslim.
Malakas ang Budismo sa Sri Lanka at Bhutan at may ilan din sa Nepal at Sentral
India.
May mga tagasunod ang ibang relihiyon tulad ng Kristiyanismo sa Timog India
at Sikh sa Punjab. Ang Sikh ay kombinasyon ng Islam at Hindu.

SMS-ARDC 14
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 2 – HEOGRAPIYANG PANTAO

G. Tsina at Silangang Asya


Ang mga taga-Silangang
Asya ay may mayamang kultura.
Ang mga ideya ng Confucianismo,
Budismo, at Shintoismo ay ang
may malaking impluwensiya sa
pananampalataya. Kamakailan,
ang komunismo ang may
malaking impluwensiya sa Tsina,
North Korea at Mongolia.

Wika
Ang mga tao ay nagsasalita ng
iba’t ibang wika dulot ng
paninirahan ng iba’t ibang
pangkat ng tao sa rehiyon.
Ang wika sa rehiyon ay nagmula sa tatlong sangay: ang Sino-Tibetan, ang
pangalawang pinakamalaking sangay sa mundo, ang Tibet o Burman, na gamit
ng mga tao sa talampas ng Tibet at ang Chinese.
Ang Chinese ay nahahati sa iba’t ibang sangay gaya ng Mandarin na gamit sa
Hilagang Tsina, Wu, at Cantonese sa timog ng Tsina.
Sa kasalukuyan, karamihan sa mga Tsino ay gumagamit ng Mandarin na siyang
opisyal na wika ng Tsina.
Gamit din ng Taiwan ang Mandarin na kabilang sa diyalekto na Taiwanese at
Hakka.
Ang Hapon at Korea ay may wikang nagmula sa sangay ng Japanese at Korean.
Mongol ang salita sa Mongolia.
Manchu ang gamit na wika sa Manchuria na nagmula sa sangay ng Ural-Altaic.
Ang sangay ng wikang ito ay kadalasang siyang gamit ng mga taong naninirahan
sa hilaga at kanlurang bahagi ng rehiyon.

Relihiyon
Pinahina ng gobyernong komunista ng Tsina, Mongolia, at Hilagang Korea ang
pagkakaroon ng relihiyon. Sa Komunistang Tsina sinubukan ng gobyerno na
palitan ang mga prinsipyo ng Confucianismo, kung kaya’t ngayon karamihan sa
mga tao na naninirahan sa Silagang Asya ay walang sinusunod na relihiyon.
Bagama’t may ilang mga tao sa lugar ang sumusunod pa rin sa mga aral ng
Budismo, Confucianismo, at Taoismo.
Karamihan sa mga naninirahan sa mga hindi komunistang bansa ng Silangang
Asya ay yumakap sa Confucianismo o Taoismo. Minsan sumusunod ang mga tao
na mahigit sa iisang relihiyon.
Ang maraming tagasunod ng Shintoismo ay matatagpuan sa Japan.
May maliit na bilang ng Muslim ang naninirahan sa rehiyon dulot ng kalakalan
na sumunod sa relihiyong Islam
Sa Timog Korea, may ilang tao din ang yumakap sa Kristiyanismo.

SMS-ARDC 15
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 2 – HEOGRAPIYANG PANTAO

H. Timog-silangang Asya
Ang kultura ng rehiyon ay
sumasalamim sa paglipat ng mga tao
mula sa ibang rehiyon. Malaki ang
impluwensiya ng mga pangunahing
relihiyon sa mundo sa rehiyon.
Sa larangan ng sining, malaki
ang bahagi ng sinaunang sibilisasyon
ng India at sa bandang huli patuloy
ang impluwensiya ng mga estilong
dayuhan sa sining ng Timog-
silangang Asya.

Wika
Daan-dang wika at diyalekto ang
ginagamit sa rehiyon. Ang mga wikang ito ay nagmula sa tatlong sangay – ang
Malayo-Polynesian, ang Sino-Tibetan, at ang Mon-Khmer.
Karamihan sa mga diyalekto ay resulta ng migrasyon at kolonyalismo sa rehiyon
tulad ng sumusunod:
- Ingles at Pilipino ay sa Pilipinas at ilang Spanish
- Chinese, Malay, Tami, at English sa Singapore
- Ingles ang ginagamit sa negosyo sa Malaysia. May hakbang na isinagawa
upan gamitin sa pangkalahatan ang salitang Malay.
- Sa mga lungsod sa Vietnam, karamihan ng tao ay nagsasalita ng Ingles,
Pranses, Chinese, at Ruso bilang karagdagan sa kanilang wikang Vietnamese

Relihiyon
Kumalat ang Budismo sa rehiyon mga 400 BCE. Ang mga tagasunod ay
karamihan ay mula sa Indo-Tsina.
Sa Malay Peninsula naman matatagpuan ang karamihan sa mga yumakap sa
Islam. Dalai to ng gma mangangalakal na Muslim.
Karamihan sa mga tao sa Pilipinas ay mga Romano Katoliko na napasailalim sa
Espanya sa loob ng mahigit tatlong daang taon.
Malaking bahagi ng populasyon sa rehiyon ay mula sa Tsino- kaya sumunod sila
sa Confucianismo o Taoismo.
Sa ilang bulubunduking lugar, sinusunod nila ang tradisyunal na relihiyon batay
sa animismo

I. Antartika, Australya, at Ocenia


Ang kultura ng mga lupain sa Timog Pasipiko ay resulta ng iba’t ibang puwersa
tulad ng klima, likas na yaman, at anyong lupa.
Ang paggalaw ng mga tao sa rehiyon ang humubog din sa anyo ng kanilang
pamumuhay. Ang mga sinaunang tao halimbawa ng mga aborigine ng Australya ay
may kakaibang tradisyong kultural. Ang kanilang pamumuhay ay nahubog sa
pakikiayon sa kanilang likas na kapaligiran, sa halip na baguhin ang kapaligiran,
iniakma ng mga aborigine ang kanilang sarili sa kapaligiran.

SMS-ARDC 16
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 2 – HEOGRAPIYANG PANTAO

Maging ang mga tao


ng Melanesia ay
humubog ng kultura at
pamumuhay na
kaakibat ng kalikasan.
Ang dagat ay
nagbibigay sa kanila ng
karamihan sa kanilang
pangangailangan,
kung kaya’t nanirahan
sila sa maliit na nayon
sa gilid ng mga
katubigan. Ang
kanilang panlipunang
organisasyon ay batay
sa pamumuhay ng
pangingisda at
karamihan sa kanilang mga alamat ay umiinog sa dagat.
Sa ngayon, karamihan sa mga bansa sa Timog Pasipiko ay yumakap na sa
Kanluraning pamumuhay at kultura, ngunit napanatili ng malaking bahagi ng
rehiyon ang kanilang katutubong kultura.

Wika
Ang malaking bahagi ng rehiyon ay nagsasalita ng wikang nagmula sa sangay
ng Indo-European.
Ang wikang Ingles ang gamit sa buong Australya at New Zealand at
pangkaraniwang gamit din sa maraming bahagi ng Oceania.
Ang wikang Pranses ang gamit sa French Polynesia at sa iba pang bahagi ng
Oceania na nanatiling nasa ilalim ng political na kontrol ng Pransiya.
May iba pang katutubong wika ang gamit sa Oceania na kabilang sa sangay ng
Malayo-Polynesia.
Sa Papua New Guinea, may halos 700 na lokal na diyalekto ang ginagamit.
Dulot ng pangangailangan sa kalakalan, nabuo ang isang wika na may halong
katutubo at European na tinawag na Pidgin ng English.

Relihiyon
Sumusunod sa iba’t ibang relihiyon ang mga katutubo sa rehiyon bago pumasok
ang mga Europeo. Pagpasok ng mga misyonaryo mula sa Europa at nanirahan
sa pook dala-dala nila ang mga ideya at pagpapahalaga ng Kristiyanismo.
Nagpatuloy ang tradisyonal na paniniwala sa maraming bahagi ng rehiyon.
Sa ngayon ang Kristiyanismo ang may malawak na tagasunod.
Iilan lamang ang sumunod sa prinsipyo ng Islam at Hudaismo.

SMS-ARDC 17
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 2 – HEOGRAPIYANG PANTAO

A5. Sabayang Pagtula (Pangkatang Gawain) – 50 minutes

Note
1. Hatiin ang klase sa siyam (9) na pangkat.
2. Ang bawat pangkat ay bubunot ng isang rehiyon na gagawan nila ng tula na
may tatlong saknong at apat na taludtod. (30 minutes)
3. Ang tula ay dapat maglaman ng mga sumusunod na impormasyon:
Natatanging kultura ng rehiyon
Kahalagahan ng mga natatanging kultura sa buhay ng mga tao sa rehiyon
Mga Hakbangin o Pamamaraan upang mapangalagaan at mapreserba ang
mga natatanging kultura ng mga rehiyon
4. Bibigkasin ng bawat pangkat ang nabuong tula sa harap ng buong klase.
5. Bibigyan lamang ng dalawang (2) minuto ang bawat pangkat upang bigkasin
ang tulang nabuo.
6. Maaaring may kopya ang mga mag-aaral habang binibigkas ang tula dahil
limitado lamang ang oras para sa gawain.
7. Bago ang pagtatanghal, bibigyan ng bawat pangkat ang guro ng kopya ng
kanilang nabuong tula.
8. Gamitin ang rubrik sa ibaba sa pagmamarka ng gawain (PT 2)

RUBRIK SA PAGTATAYA NG SABAYANG PAGTULA


KRAYTIRYA NAPAKAHUSAY MAHUSAY MEDYO HINDI
MAHUSAY MAHUSAY

 May kaugnayan sa
paksa ang
nilalaman ng tula
 Kumpleto ang
nilalaman ng tula Nagpakita ng 3 Nagpakita ng 2 Nagpakita ng
(Natatanging sa 4 na sa 4 na 1 sa 4 na
Nilalaman Kultura, kahusayan kahusayan kahusayan
/Mensahe Kahalagahan, at
(40 %) Pamamaraan)
 Tama ang lahat ng
impormasyong
nabanggit sa tula
 Realistiko at
kayang kayang
gawin ang mga
hakbangin o mga
pamamaraang
nabanggit sa tula

SMS-ARDC 18
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 2 – HEOGRAPIYANG PANTAO

Wastong Walang mali sa Mayroong isa Mayroong apat Mayroong


Paggamit ispeling, paggamit ng hanggang hanggang limang higit pa sa
ng Ispelling, bantas, at balarila. tatlong (1-3) (4-5) mali sa limang mali
mga Bantas mali sa ispeling, sa ispeling,
at Baralila ispeling, paggamit ng paggamit ng
(20 %) paggamit ng tamang bantas at tamang
tamang bantas balarila. bantas, at
at balarila. balarila.
Napakahusay ng Gumamit ng Gumamit ng istilo Hindi
ginamit na istilo sa istilo sa sa ilang bahagi gumamit ng
pagsulat ng tula. pagsulat ng lamang ng tula. istilo at hindi
Gamit ang napiling tula. Gamit ang Hindi masyado rin naging
Istilo at istilo mahusay at napiling istilo naging malinaw malinaw ang
Mensahe malinaw na naipabatid naipabatid at ang mensahe ng mensahe ng
(20%) sa mga mambabasa naintindihan ng tula. tula.
ang mensahe ng tula. mga
mambabasa
ang mensahe
ng tula.
Mayroong kaisahan sa Mayroong Mayroong Walang
pagbigkas ng tula sa kaisahan sa kaisahan sa kaisahan sa
Kaisahan ng buong bahagi ng pagbigkas ng pagbigkas ng pagbigkas ng
Tinig pagtatanghal tula sa tula sa ilang tula buong
(20%) maraming bahagi ng bahagi ng
bahagi ng pagtatanghal pagtatanghal
pagtatanghal

A6. Ikalawang Lagumang Pagsusulit (Indibidwal na Gawain) – 30 minutes

Note: Ang mga guro sa Araling Panlipunan ng baitang 8 ang gagawa ng Talaan
ng espesipikasyon at mga Katanungan para sa Ikalawang Lagumang Pagsusulit.

SMS-ARDC 19

You might also like