Professional Documents
Culture Documents
I. Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa
kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang
humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon
II. Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa
pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa
susunod na henerasyon
SMS-ARDC 1
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
SCRIPTURAL MESSAGE
“Ang nag-aalaga sa punong igos ay makakakain ng bunga niyon; ang nagmamalasakit ay pararangalan naman ng kaniyang
panginoon.” (Proverbs 27:18)
SMS-ARDC 2
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
A1. Pagsusuri ng Teksto A4. Pagsusuri ng Teksto (Think- A7. Picture Analysis (Pangklaseng
Panimula (Think-Pair-Share) – 20 Pair-Share) – 20 minutes Gawain) – 10 minutes
minutes
Pampagkatuto
Mga Gawaing
Note
SMS-ARDC 3
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
Sanggunian
1. Bustamante, E. (2014). Sulyap sa Kasaysayan ng Daigdig. Quezon City: St. Bernadette Publishing House Corporation
2. Cruz, M., Fietas, M., Mercado, M. (2014). Kasaysayan ng Daigdig. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc.
3. Jimenez, E. (2014). Araling Panlipunan sa Makabagong Siglo: Kasaysayan ng Daigdig 8. Makati City: Don Bosco Press,
Inc.
4. Manaay, E. & Taguinod, P. (2017). Kasaysayan ng Daigdig. Valenzuela City: JO-ES Publishing House, Inc.
5. Luna, G. (2016). SINAG: Kasaysayan ng Daigdig.Quezon City: Sunshine Interlinks Publishing House, Inc.
6. Soriano, C., Antonio, E., Dallo, E., Imperial, C., Samson, M. (2015). Kayamanan: Kasaysayan ng Daigdig. Manila: Rex
Bookstore, Inc.
Internet Sources:
1. National Museum of Natural History. Retrieved at http://humanorigins.si.edu
2. https://phys.org/news/2014-11-neanderthals-sub-species-modern-humans.html
3. http://www.columbia.edu/itc/anthropology/v1007/2002projects/web/paranth/paranth.html
SMS-ARDC 4
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
SMS-ARDC 6
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
Gabay na Tanong
1. Ano ang kaibahan ng argumento ng Teorya ng Paglikha at Teorya ng
Ebolusyon tungkol sa pinagmulan ng tao?
2. Anu-ano ang mga kalakasan at kahinaan sa argumento ng dalawang teoryang
ito tungkol sa pinagmulan ng tao?
3. Ayon sa teksto, maaari bang magkaroon ng positibong ugnayan ang teorya ng
paglikha at ebolusyon sa pagpapaliwanag ng pinagmulan ng tao? Pangatwiran.
4. Ano ang tawag sa bagong teorya na ito?
5. Sang-ayon ka ba sa pagtutulungan ng siyensiya at simbahan sa pag-alam ng
pinagmulan ng tao? Pangatwiran.
6. Nararapat bang ipagpatuloy ng mga arkeologo ang pagsasaliksik tungkol sa
posibleng pinagmulan ng tao? Pangatwiran.
7. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng pinagmulan ng tao sa kasalukuyang
panahon?
Note: Pagkatapos maisagawa ng mga mag-aaral ang gawain, tatawag ang guro ng
mga mag-aaral ng magbabahagi ng kanilang mga kasagutan. Gamitin ang mga
kasagutan ng mga mag-aaral sa pagtatalakay ng mga nilalaman ng teksto.
Kalakasan ng
Teorya
SMS-ARDC 7
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
Hominids
Mayroong taglay na katangian ang mga hominid na tinatawag na
bipedalism o ang kakayahang maglakad at tumayo gamit ang dalawang paa.
Mayroon din silang opposable thumb. Ito ay nangangahulugan na nagagawa ng
dulo ng hinlalaki na maabot ang palad. Ang opposable thumb ay mahalaga sa
pagpulot ng mga bagay.
Australopithecine
Kabilang ang australopithecine sa mga hominid. Nabuhay ang mga
australopithecine o australopith sa Africa may 6 na milyong taon na ang
nakararaan. Sila ay mayroong dalawang katangian upang mapabilang sa hominid
– ang maliit na pangil sa ngipin at pagiging bipedal. Ang mga unang
australopithecine ay kabilang sa mga sumusunod na genera – Sahelanthropus,
Orrorin, Ardipithecus. Ang iba pang species naman ay kabilang sa
Australopithecus at ilan ay sa Paranthropus. Ang pangalang australopithecine ay
nangangahulugang “southern ape”, na tumutukoy sa South Africa, kung saan
natagpuan ang labi ng tao na nabuhay may 7 hanggang 2.5 milyong taon na
nakalilipas at pagkaraan ay tuluyan nang naglaho.
May 2.5 milyong taon na ang nakalilipas nang isang hindi pa natutukoy na
pangkat ng australopithecine ang nagbigay-daan sa pagsibol ng ating genus, ang
Homo. May pagkakatulad ang mga Homo sa mga australopith at nabuhay ito
kasabay nila sa loob ng milyong taon, subalit ang Homo ay mayroong mas
malaking utak. Itinuturing ang australopithecine bilang ninuno ng genus na Homo
kung saan nagmula kabilang ang modernong tao. Ang salitang homo ay hango sa
SMS-ARDC 9
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
SMS-ARDC 10
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
SMS-ARDC 11
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
SMS-ARDC 12
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
Homo heidelbergensis
Ito ang pangalan ng species na nabuhay 700,000
hanggang 200,00 taon na ang nakalilipas. Ang pangalan ay
orihinal na ibinigay sa labi ng panga na natagpuan sa Mauer,
isang bayan sa Heildelberg, Germany. Ang halos kumpletong
panga ay matibay ngunit kulang sa baba nang makita.
Mayroon itong napakalaking “browridge”, mas malaking
bungo, at mas “flat” na mukha kumpara sa mga naunang
species ng tao. Mayroon din itong mababa at malapad na pangangatawan na
pinaniniwalaang naging adaptasyon nila sa malamig na klima ng kanilang
kapaligiran. Sinasabing nakagawian rin ng pangkat na ito na manghuli ng mga
malalaking hayop sa kagubatan. Ito din ang pangkat na pinaniniwalaang unang
nagtayo ng mga silungan na yari sa kahoy at bato.
Homo neanderthalensis
Ang pagkakadiskubre ng bumbunan o skullcap at
bahagi ng kalansay sa isang kuweba sa talampas ng
Neander na malapit sa Dusseldorf, Germany ang unang
kinilalang labi ng tao. Noong 1864, isang bagong species
ang kinilala, ang Homo neanderthalensis. Ang species na
ito ay namuhay sa Europa at Silangang Asya. Sa huling
bahagi ng Pleistocene, ang klima sa mga rehiyong iyon ay
mas malamig kumpara sa kasalukuyan. Ang paninirahan ng Neanderthal ay
matatagpuan mula sa Spain at Uzbekistan. May ilang mahahalagang lugar sa
kuweba ng Qafzeh, Israel ang magsasabi na dumating ang mga Neanderthal
pagkatapos ng modernong Homo sapiens. Nagkaroon ng pagkakataon o panahon
na sabay nabuhay o nanirahan sa nasabing rehiyon ang dalawang species.
Makikita ang Neanderthal mula sa Europa hanggang Kanlurang Asya may 230,000
hanggang 30,000 taon ang nakalilipas. Ngunit nawala sila sa fossil record at
napalitan sa Europa ng mas modernong uri ng tao.
Isang pangunahing gawain ng mga Neanderthal ay ang paglilibing ng mga
patay. May mga libingan sila na nagpapakita na nilalagyan ng alay tulad ng
bulaklak ang mga patay. Nangangahulugan lamang ito na naniniwala sila sa buhay
at kamatayan.
Ayon sa mga bagong pag-aaral ang homo neanderthalensis ay hindi na
kabilang sa species ng mga modernong tao (Homo sapiens) bagkos ito ay
itinuturing na isa pang species na kabilang sa genus na Homo.
Homo sapiens
SMS-ARDC 13
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
SMS-ARDC 14
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
Pamprosesong Tanong:
1. Sa kabuuan, paano mo ilalarawan ang mga pagbabagong pisikal na naranasan
ng mga sinaunang tao? Anu-ano ang mga karaniwang katangiang pisikal na
nagbabago sa kanila?
2. Anu-ano kaya ang mga salik na maaaring dahilan ng mga pagbabago sa pisikal
na katangian ng mga sinaunang tao?
3. Paano nakaapekto ang mga pagbabagong pisikal ng mga sinaunang tao sa
kanilang uri ng pamumuhay? Magbigay ng halimbawa.
4. Sa kasalukuyan, nakararanas pa rin ba ang mga tao ng pagbabago sa kanilang
pisikal na katangian sanhi ng pakiki-angkop nila sa kanilang kapaligiran?
Komento:
Habang nagbabago ang pisikal na katangian ng tao ay umuunlad din ang
paraan ng kaniyang pamumuhay mula sa pinakapayak na anyo nito hanggang sa
ito ay maging masalimuot o komplikado.
Sa pang araw-araw na pakikipagsapalaran ng tao, naharap siya sa iba’t ibang
hamon ng kalikasan. Malaki ang impluwensiya ng pisikal na kalagayan ng kapaligiran
sa paghubog ng sibilisasyon ng tao. Ang pagsisikap ng tao na makaangkop sa
kaniyang masalimuot na kapaligiran ang nagbigay-daan upang mapaunlad niya ang
kaniyang sistema ng pamumuhay. Sa pagdaan ng panahon, mula sa maliit na grupo
o pamilya, unti-unting lumaki ang populasyon ng pangkat at nabuo ang angkan,
tribo, at komunidad na siyang bumuo sa mga sinaunang pamayanan at lungsod-
estado. Ang masalimuot na pamumuhay sa lungsod-estado ay tinawag na
sibilisasyon kung saan naging sistematiko at organisado ang paraan ng pamumuhay.
Note: Ipasuri sa mga mag-aaral ang dayagram at pagkatapos ay itanong ang mga
pamprosesong tanong sa ibaba.
SMS-ARDC 15
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
Pamprosesong Tanong:
1. Sa iyong palagay, ano ang mga bagay na nakalarawan?
2. Saan marahil gawa ang mga kasangkapang ito?
3. Ano kaya ang kaugnayan ng mga kasangkapan na nasa larawan sa ating mga
sinaunang ninuno? Saan kaya nila ito ginamit?
4. Ano kaya ang ipinapahiwatig ng “arrow” ( ) sa dayagram?
5. Ano kaya ang pangunahing dahilan kung bakit nagkaroon ng pag-unlad sa mga
kasangkapang ito?
6. Ano kaya ang maaaring maging bunga ng pag-unlad ng mga kasangkapang ito
sa kanilang pamumuhay?
7. Ano ang tawag sa prosesong ito ng pag-unlad sa pamumuhay ng mga unang
tao dulot ng pakikiayon sa mga pagbabagong nagaganap sa kanilang
kapaligiran?
SMS-ARDC 16
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
Note:
1. Hatiin ang klase sa anim (6) na pangkat.
2. Ang bawat pangkat ay aatasan ng isang yugto ng pag-unlad ng kultura na
kanilang gagawan ng anthropological chart. (Tignan ang halimbawa sa ibaba).
Yugto ng Ebolusyong Panahong
Pangkat Kultural Kinabibilangan
Una Panahong Paleolitiko
Ikalawa Panahong Mesolitiko PANAHON NG BATO
Ikatlo Panahong Neolitiko
Ikaapat Panahon ng Tanso
Ikalima Panahon ng Bronse PANAHON NG METAL
Ikaanim Panahon ng Bakal
SMS-ARDC 17
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
Panahong Paleolitiko
(2,500,000 BCE – 10,000 BCE)
Nagmula ang salitang paleolitiko sa pinagsamang salitang Greek na palaois,
na nangangahulugang “luma“ at lithos na nangangahulugang “bato”. Sa
panahong ito nabuhay ang mga Proconsul, Australophitecus, Homo Habilis, Homo
Erectus tulad ng Taong Java, Taong Peking, at Homo Sapiens tulad ng Taong
Neanderthal at Taong Cro-Magnon.
Alam mo ba?
Itinuturing na isa sa
pinakamahalagang tuklas ng unang tao ang
apoy. Ayon sa isang teorya, natuklasan ng
unang tao ang apoy sa pagtama ng kidlat sa
isang punong kahoy. Nagliyab ito at
nabuwal sa isang mabangis na hayop. Nang
matikman ng mga sinaunang tao ang lasa
ng lutong karne ay nagustuhan nila ito at
nagsimulang gumawa ng apoy sa
pamamagitan ng pagkiskis ng kahoy.
Paraan ng pamumuhay
Lubusang umaasa sa kanilang
kapaligiran ang mga unang tao noong
Panahong Paleolitiko. Nakuha nila mula sa
kapaligiran ang lahat ng kanilang
pangangailangan. Pangangaso at
pangangalap ang mga pangunahing
gawaing pangkabuhayan ng mga tao noong
panahong iyon. Ang pangkat ng kalalakihan
ang karaniwang nangangaso samantalang
ang kababaihan ang nangangalap ng
pagkain at kumakalinga sa kanilang anak.
Bumuo ng mga tribo ang mga unang tao. Karaniwang may 50 hanggang 100
kasapi ang bawat tribo. Nagkaroon ng paghahati ng tungkulin ang mga kasapi
nito. Lalaki ang kalimitang pinuno ng tribo. Ang pinakamalakas at pinakamahusay
na mangangaso ang itinuturing na pinuno. Mahalaga ang bahaging
ginagampanan ng mga kababaihan sa tribo. Katuwang sila ng kalalakihan sa
pangangalap ng pagkain at sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa tribo.
Malaki ang bahaging ginagampanan ng pinuno sa tribo. Siya ang
nagpapasiya kung paano haharapin ng tribo ang mga pagsubok mula sa ibang
tribo at panganib mula sa kapaligiran tulad ng mga kalamidad. Siya rin ang
nagpanatili ng kaayusan sa lipunan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng
SMS-ARDC 18
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
Mga Kasangkapan
Gumagamit ng mga kagamitang bato ang
mga unang tao. Inilarawan ito bilang “magaspang
na bato” sapagkat hindi pulido o makinis ang
pagkakagawa ng kagamitan. Ginawa ang mga
kagamitang ito sa pamamagitan ng pagtapyas ng
bahagi ng malaking bato.
Tingnan sa larawan ang mga halimbawa ng kagamitang bato noong
Kulturang Paleolitiko.
Panahon ng Yelo
Sa huling bahagi ng Panahon ng Bato (10,000 BCE) nakaranas ang mundo
ng Panahon ng Yelo (Ice Age). Sa panahong ito, mga malahiganteng masa ng
yelo ang bumalot sa Hilagang Hemispero at ang mga polar ice cap ay unti-unting
lumawak palapit sa ekwador, natunaw at umagos patungo sa polo. Nabalutan ng
makakapal na yelo ang halos buong Hilagang Europa, Gitnang Europa, Hilagang
Asya, at Timog Amerika. Kaalinsabay sa pag-agos ng mga yelo patimog, naanod
ang mga bato at milyong tonelada ng graba. Dahil dito, ang malalaking tipak ng
yelo patimog, naanod ang mga bato at milyong tonelada ng graba. Dahil dito, ang
malalaking tipak ng yelo ay naging Great Lakes sa Hilagang Amerika. Ang tubig
na mula sa natunaw na yelo ay naging Great Lakes sa Hilagang Amerika. Ang
tubig na mula sa natunaw na yelo ay naging mga Ilog Ohio at Missouri.
Ang pana-panahong pagkatunaw ng yelo ay nakaapekto sa pamumuhay ng
mga tao. Nagdulot ito ng pagkamatay ng maraming tao at hayop dahil sa
matinding lamig at kagutuman. Maraming hayop ang lumipat sa maiinit na lugar
ngunit ang iba naman ay nakaangkop sa lamig. Tinubuan sila ng makakapal na
balat o makakapal na balahibo tulad ng mga mabalahibog elepante (mammoth)
at rhinoceros
Ang mga sinaunang tao ay natutong makiangkop sa malamig na kapaligiran.
Tumira sila sa mga kweba at natutong gumamit ng balat ng hayop bilang
pananggalang sa lamig. Nakaimbento sila ng mga bagong batong kasangkapan
tulad ng kutsilyong bato upang makagawa ng kanilang mga damit o di kaya ay
ginamit nila na pambalat ng hayop. Nang maglaon, nakagawa sila ng mga sibat
at pana na ginamit ng mga mangangaso at mandirigma.
Panahong Mesolitiko
(10,000 BCE – 6,000 BCE)
Nagmula ang salitang mesoliiko sa pinagsamang salitang Greek na “mesos”,
na nangangahulugang “luma“ at “lithos” na nangangahulugang “bato”.
SMS-ARDC 19
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
Tinatayang nagsimula noong 10,000 BCE hanggang 6,000 BCE ang Panahong
Mesolitiko nang magsimulang matunaw ang yelo sa Hilagang Europa, at tumaas
ang lebel ng tubig-dagat sa paglitaw ng kagubatan sa mga steppe at tundra. Ang
panahong ito ang tinatayang panahon ng transisyon mula sa Panahon ng Lumang
Bato (Paleolitiko) at Bagong Bato (Neolitiko). Ito rin ang itinuturing na transisyon
sa paglinang ng kaalaman ng tao lalo na sa paggawa ng mga kagamitan.
Paraan ng Pamumuhay
Pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng
mga sinaunang tao sa Panahong Mesolitiko dahil sila
ay kadalasang nakatira sa mga baybayin ng mga ilog,
lawa, at dagat. Sa panahong ito, nagsimula na ang
pagkakaroon ng mala-permanenteng komunidad.
Nakaimbento ang mga sinaunang tao ng kawil ng
bingwit at iba’t ibang uri ng mga lambat o silo.
Natutuhan din nilang umukit ng mga torso sa Microliths
paggawa ng mga bangka. Napaunlad ng mga sinaunang tao ang paggawa ng
microliths o maliliit at patusok na mga kasangkapang batong kutsilyo at talim ng
mga pana at sibat. Ang ilan sa ma microliths noong Panahong Mesolitiko ay
natagpuan ng mga arkeologo sa Spain. Dagdag pa rito, ang mga sinaunang tao
ay nag-alaga ng mababangis na aso. Naging mahalaga ang mga aso para sa
kanilang pangangaso at pagbabantay ng kanilang ari-arian
Panahong Neolitiko
(6,000 BCE – 3,000 BCE)
SMS-ARDC 20
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
Pagsisimula ng Agrikultura
Sa pag-init ng temperatura ng daigdig, natunaw ang yelo na bumabalot sa
daigdig, nailantad ang lupang dating nababalutan ng yelo, at nabuo ang mga ilog
at batis. Naging angkop din ang temperatura ng daigdig para sa pagtatanim.
Isa pang pagbabago noong panahong iyon ang paglaki ng populasyon ng
tao. Dahil sa pagdami ng tao, umigting ang kompetisyon para sa limitadong
pagkain. Bunsod nito, kinailangan ng unang tao na humanap ng iba pang
mapagkukunan ng pagkain. Ang dalawang pagbabagong ito sa kalagayan ng mga
unang tao ang naging salik sa pagsisimula ng agrikultura.
Paraan ng Pamumuhay
Karaniwang nagsaka ang mga unang tao sa pamamagitan ng pagkakaingin.
Natutuhan din nilang magpaamo ng hayop tulad ng tupa, kambing, kamelyo,
baka, manok, at baboy. Ito ang napagkunan nila ng iba pang produkto tulad ng
gatas, itlog, at karne.
Bunsod ng pag-usbong at pag-unlad ng
agrikultura, nagkaroon ng seguridad sa pagkain ang
mga unang tao. Hindi na nila kinailangang magpalipat-
lipat ng tirahan upang mangaso at mangalap ng
pagkain. Bagamat nagsimula ang pagkakaroon ng
permanenteng tirahan noong Panahong Mesolitiko,
higit pa itong nalinang noong Panahong Neolitiko. Dahil
ito sa pag-unlad ng pagsasaka, at pag-imbento ng
asarol at iba pang gamit sa bukid. Kailangang tumira
ang tao sa isang lugar habang hinihintay niyang tumubo
at maani ang kanyang pananim. Habang wala pa ang
tag-ani, gumagawa naman siya ng mga palayok at iba
pang gamit na yari sa putik. Natuto siyang maghabi ng
banig, basket at tela dahil mahirap umasa sa mga balat ng hayop upang gawing
damit. Noong una, para lamang sa pansariling konsumo at sa mga kaanak ang
produksyon. Hindi nagtagal, nakapag-iimbak ng maraming bagay ang tao sa
sariling gamit. Dito nagsimula ang pagpapalitan ng produkto o ang sistemang
barter. Dinadala ang sobrang produkto sa lugar ng palitan. Kung may kailangan
ang tao, pumupunta lamang siya rito upang makipagpalit ng produkto. Nagsimula
rito ang konsepto ng palengke. Hindi nagtagal, naging mahirap na ang
pakikipagpalitan ng produkto kaya umisip ng paraan ang tao upang maging
maayos ang sistema ng palitan. Dito naimbento ang sistema ng palitan gaya ng
sa Mesopotamia kung saan buto ng cacao ang unang ginamit na papalit produkto
Ang unang pormal na sistema ng pamahalaan at sibilisasyon ay nagsimula
noong Panahong Neolitiko at nagsimula itong nakita sa Egypt, Mesopotamia,
SMS-ARDC 21
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
Panahon ng Metal
(4,500 - 586 BCE)
Natuklasan ng mga artesano na may batong nagtataglay ng metal na
maaaring initin upang makuha ang purong metal. Ang pagkakatuklas na ito ay
hudyat ng panibagong pag-unlad sa pamumuhay ng mga tao. Tinawag ang
bagong yugtong ito na Panahon ng Metal. Nahahati ang Panahon ng Metal sa
tatlong bahagi; (1) Panahon ng Tanso (4,500 – 3,500 BCE); (2) Panahon ng
Bronse (3,500 – 1,200 BCE); at Panahon ng Bakal (1,200 – 586 BCE)
Ginto ang kauna-unahang natuklasang uri ng metal. Nakukuha lamang ito sa
gilid ng ilog Tigris at sinasala dahil nakahalo sa buhangin. Subalit hindi nagkaroon
ng panahon ng ginto dahil hindi naman kapakipakinabang ito sa tao. Malambot
ang ginto at hindi maaaring gawing kasangkapan o armas. Tanso (copper) ang
sumunod na natuklasan ng tao. Matigas ito kaysa ginto at nahuhulma ito sa iba’t
ibang hugis na nais ng tao.
SMS-ARDC 22
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
Panahon ng Tanso.
(4, 500 BCE – 3,500 BCE)
Ang panahon ng Tanso (Copper Age), kilala rin
bilang panahong Chalcolithic, ay bahagi pa ng panahon
ng neolitiko na umiral mula 4,500 hanggang 3,500 BCE.
Sa panahong ito, nagsimula na ang mga taong mag-
eksperimento sa paggamit ng tanso, bagama’t hindi pa
ganap na napalitan ng tanso ang mga kagamitang bato.
Ayon sa mga antropologo, ang panahong ito ay
maaaring ebidensya ng mas maunlad na lipunan dahil
sa paggawa ng mga kagamitang yari sa tanso, kaya
tinawag ang panahon na ito na panahon ng Tanso.
Tinatayang ang tanso ay
itinuturing na pinakaunang metal na
ginamit ng mga tao. Natuklasan ng mga
tao na mas matigas ang tanso kaysa
ginto at maaaring ihulma sa iba’t –ibang
anyo o hugis. Ginamit ng mga
sinaunang tao ang tanso sa paggawa ng
mga alahas at palamuti. Ilan sa mga
halimbawa ng lipunang gumawa ng kagamitan o palamuting yari sa tanso ay ang
Mesopotamia, Ehipto, Tsina, Gitnang Amerika, at Kanlurang Africa.
Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso. Subalit patuloy pa rin
ang paggamit sa kagamitang yari sa bato. Nagsimulang gamitin ang tanso noong
4000 BCE sa mga lugar sa Asia at 2000 BCE sa Europe at 1500 BEC naman sa
Egypt. Tinawag na Panahon ng Tanso ang mga nabanggit na taon. Nalinang nang
mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa tanso.
Panahon ng Bronse
(3500 BCE – 1,200 BCE)
Ang panahon ng Bronse (Bronse Age) ay tinatayang umiral noong 3,500 –
hanggang 1,200 BCE. Sa panahon ng Bronse, natutuhan ng mga taong paghaluin
ang tanso at lata(tin) upang makagawa ng higit na matigas na bagay a bronse o
pulang tanso. Ginamit ito sa paggawa ng mga armas tulad ng espada, palakol,
SMS-ARDC 23
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
SMS-ARDC 24
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
SMS-ARDC 25
ARALING PANLIPUNAN 8: MODYUL 3 – MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
SMS-ARDC 26