You are on page 1of 4

DAILY Paaralan: Malitbog National Baitang/Antas: 8

LESSON PLAN High School


(DLP) Guro: Lodelyn B. Caguillo Asignatura: ARALING
PANLIPUNAN
Petsa: November 25, 2023 Markahan: IKALAWANG
MARKAHAN

I. LAYUNIN Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nailarawan ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa


daigdig.
2. Nakagawa ng isang presentasyon kung saan maipakita ang uri
ng pamumuhay ng mga unang tao sa panahong Paleolitiko,
Neolitiko at Metal.
3. Napahalagahan ang uri ng pamumuhay at ang mga nagging
ambag ng mga unang tao sa daigdig.

A. Pamantayang Naipamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kanyang


Pangnilalaman kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang
kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay
ng kasalukuyang henerasyon.
B . Pamantayan sa Nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at
Pagganap preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.
C. Mga Kasanayan sa Naipaliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig.
Pagkatuto
(AP8HSK-Ie-5)
II. NILALAMAN Pamumuhay ng mga Unang Tao sa Daigdig.

III. MGA Mga Larawan, Manila paper, Pentelpen at Powerpoint Presentation


KAGAMITANG
PANTURO

A. Sanggunian
1.Mga Pahina sa Batayang Aklat: Kasaysayan ng Daigdig. Pahina 20-26.
Gabay ng Guro
2.Mga Pahina sa Learning Module Araling Panlipunan Ika-8 Baitang
Kagamitan ng mga , Akda ni Teofista I.
mag-aaral
3. Mga Pahina sa Pahina 20-26
Teksbuk
4. Karagdagang Mga larawan at video presentation ,(kuha sa pagdownload mula sa
Kagamitan mula sa google chrome).
portal ng Learning
Resource
IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa Panimulang Gawain:


nakaraang
 Pagbati
aralin
 Panalangin
 Pag-aayos ng silid
 Pagkuha ng attendance
 Pagbalik-aral
Balik-aral tungkol sa dalawang teorya ng pinagmulan ng tao.
Itanong sa mag-aaral:
 Ano ang dalawang teorya ng pinagmulan ng tao?
(Ang dalawang teorya ay “teoryang makaagham at teorya ng
paglalalang).

 Ano ang tawag sa mga unang taong nabuhay sa daigdig ayon sa


mga siyentista?
(Ang mga unang taong nabuhay sa daigdig ay Australopithecine,
Chimpanzee, Homo Habilis, Homo Erectus, Homo Sapiens at Homo
Sapiens Sapiens).

B. Pagganyak
Papangkatin ang klase sa tatlong grupo at ang bawat grupo ay pipili ng
bawat lider na siyang bubunot ng mga litrato at pipili ng isang
representante upang ilarawan ang nabunot.

C. Paglalahad Ang aralin ay tungkol sa “Pamumuhay ng mga Unang tao sa Daigdig.”

D. Pagtatalakay
 Ang mga unang tao ay nabuhay sa Panahong Paleolitiko,
Neolitiko at Metal milyong taon na ang nakalipas at ito ang
pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan.
Nakuha ang mga impormasyon tungkol sa pamumuhay ng mga
unang tao sa pamamagitan ng kanilang mga labi tulad ng
bungo, buto at mga kasangkapang kanilang naiwan.
1. Paleolitiko – Nanggaling sa salitang griyego na “paleos” o
matanda at “lithos” o bato. Ang kanilang uri ng pamumuhay ay
pangangaso, nakatira sa kweba, gumagamit ng apoy at bato ang
kanilang ginagawang kasangkapan.
 Lower Paleolithic Period
 Middle Paleolithic Period
 Upper Paleolithic Period
2. Neolitiko – Nanggaling sa salitang griyego na “neos” o bago at
“lithos” o bato. Sa panahong ito unti-unting umunlad ang uri ng
kanilang pamumuhay dahil sa kanilang natuklasan at nagawa na
nakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
3. Metal – Ang mga tao ay nakagawa ng mas matibay na
kasangkapan. Natutuhang pakinisin ang mga matutulis na bato
upang makagawa ng mga kasangkapan tulad ng armas, espada,
palakol, kutsilyo at marami pang iba.
 Tanso
 Bronse
 Bakal
E. Paglalapat Bawat grupo ay mag-uulat tungkol sa uri ng pamumuhay ng mga tao sa
daigdig batay sa Tatlong panahon.

F. Panuto: Punan ng tamang sago tang mga sumusunod gamit ang isang
Pagpapahalaga graphic organizer na kung saan maipakita ang kahalagahan ng
pamumuhay ng mga unang tao.

PAMUMUHAY NG MGA UNANG TAO SA DAIGDIG


PANAHON MGA NAGAWA AT PAKINABANG SA
NATUKLASAN BUHAY NATIN

G. Paglalahat Itanong sa mga mag-aaral:


 Anu-ano ang tatlong panahon na kung saan nabuhay ang mga
unang tao sa daigdig?
 Anong uri ng pamumuhay mayroon ang bawat panahon?
 Sa kabuuan, naging mahalaga ba ang mga nagawa ng mga
unang tao sa kasalukuyang henerasyon?

H. Pagtataya ng Panuto: Ibigay ang tamang sagot ng mga sumusunod at isulat ito sa
Aralin isang pirasong papel.

1. Anu-ano ang mga kagamitang ginawa ng mga unang tao na


naging kapaki-pakinabang ngayon?
2. Anong klaseng kagamitan ang ginagamit ng mga sinaunang tao
sa panahon ng Paleolitioko?
3. Ano ang pinagkaiba ng pamumuhay ng mga tao sa tatlong
panahon?
4. Sa panahong ito, ang mga tao ay walang permanenteng tirahan.
5. Sa panahong ito, nagsimula magtanim ang mga tao.
6. Anong panahon ng pagsulong ang higit na nakatulong sa pag-
unlad ng kaabihasnan?
7. Anong panahon nabuhay ang Australopithecine, Homo Habilis at
Homo Erectus?
8. Tawag sa panahong hindi pa nasusulat ang kasaysayan?
9. Panahon kung saan ang mga tao ay wala pang matibay na
kagamitan?
10. Panahon na naghatid mula sa simula, gitna at modernong
panahon.
J. Takdang Panuto: Isulat ang sagot sa isang pirasong papel.
Aralin
 Ano ang kabihasnang Mesopotamia at paano ito umusbong?
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral
na nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa


remediation
E. Alin sa estratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan


sa tulong ng aking punong-guro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking na dibuho na
nais kung ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like