You are on page 1of 3

I.

Layunin

Sa pagtatapos ng 60-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay makatatamo nang


75 o higit pang bahagdang pagkatuto sa mga sumusunod:

a. naipaliliwanag ang ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig;


b. nabibigyang-halaga ang mga ambag at diskubre ng mga unang tao sa ating
pamumuhay ngayon; at
c. nakagagawa ng isang slogan patungkol sa kahalagahan ng mga nagawa ng
mga unang tao noon

II. Nilalaman
A. Paksa:
Ang Pagsisimula ng mga
Kabihasnan sa Daigdig

B. Pamantayan sa Pagkatuto:

Nasusuri ang kondisyong heograpiko sa


panahon ng mga unang tao sa daigdig
AP8HSK-Ie-4
C. Sanggunian:
Kasaysayan ng Daigdig pp.39-53

D. Kagamitan:
pisara at marker
laptop
tv

E. Pagpapahalaga:

Pagkamakakalikasan
Pagkamalikhain
III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pambungad na Panalangin.
2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase.
3. Balik-aral
 Ano ang kahulugan ng heograpiya?
 Ilarawan ang heograpiya ng ating bansa.
4. Pagganyak
Pipili ang guro ng limang mag-aaral upang hanapin ang
limang salita sa puzzle na may kaugnayan sa mga unang
tao at sa kanilang pamumuhay.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ilalahad ng guro na ang mga salitang ginamit sa laro ay may
kinalaman sa paksang tatalakayin. Aalamin ng guro mula sa mga mag-
aaral kung anong ideya ang kanilang nabuo sa kanilang isipan.
2. Pagtatalakay
Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. Aatasan ang bawat grupo ng
paksang pag-aaralan. Tatalakayin ng unang grupo ang Panahon ng
Paleolitiko. Ang ikalawang grupo naman ang magtatalakay ng Panahon ng
Mesolitiko, at ang huling pangkat ang magpapaliwanag ng Panahon ng
Neolitiko.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang pagkakaiba ng Paeolitiko, Mesolitiko at Neolitiko?
2. Paano namuhay ang mga unang tao noon?
3. Paano nakaaapekto ang heograpiya sa panahon ng mga unang tao?
4. Bakit sinabing ang Homo sapiens ang may mataas na antas ng pag-
iisip?

1. Paglalahat
Tukuyin ang katangian ng sumusunod:

1. Panahon ng Bato ___________________________________


2. Panahon ng Metal ___________________________________
3. Prehistoriko ___________________________________
4. Panahong Paleolitiko ___________________________________
5. Panahong Neolitiko ___________________________________

2. Paglalapat
Mananatili ang klase sa kani-kanilang grupo. Ang bawat grupo ay
gagawa ng isang slogan patungkol sa kahalagahan ng mga nagging ambag
ng mga sinaunang tao sa buhay natin ngayon.

Rubrik:
10--------- Nilalaman
7----------- Pagkamalikhain (orihinalidad)
3----------- Pagkakaisa
20 puntos
IV. Pagtataya
Panuto: Suriing mabuti ang inilalarawan sa bawat pahayag. Isulat ang sagot sa
patlang.

_____________1. Sa panahong ito unang lumitaw ang unang tao.


_____________2. Sa epokang ito natutong mangaso at magpaamo ng mga hayop ang
tao.
_____________3. Ito ay ang kalinangan, paniniwala, at pag-uugali ng isang pangkat
ng mga tao.
_____________4. Sa panahong ito nagkaroon ng makabagong tao.
_____________5. Ito ang unang metal na natuklasan ng mga sinaunang tao.

V. Takdang Aralin
Sagutan ang pahina 48 at isulat ito sa isang malinis na papel.

Mala-Masusing
Banghay-Aralin
Sa Araling Panlipunan (Ang
Pagsisimula ng mga Kabihasnan
sa Daigdig)

Inihanda ni:
JANE LOUISSE C. CORTEZ

You might also like