You are on page 1of 3

Banghay Aralin

sa
Araling Panlipunan 8

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa:
Naipapamalas ang pang-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran nagbigay daan sa
pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa
pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay:
Nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga
sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Ang mga mag-aaral ay:
Naipaliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga Unang Tao sa Daigdig.(AP8HSK-If-6).

I. MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

a. Natatalakay ang pagkakaiba ng mga pamumuhay ng mga unang tao sa iba’t-ibang


panahon.
b. Nakakagawa ng malikhaing gawain kung ano ang pagkakaiba-iba ng pamumuhay ng
mga unang tao.
c. Nakapagpapahalaga ng kagandahan sa pag-alam ng mga pamumuhay noong unang
panahon.
II. NILALAMAN
a. Paksa: Pamumuhay ng mga Unang Tao sa Daigdig
b. Sanggunian: Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan 8, Pahina 42-
48, Maria Carmelita B. Samson.
c. Kagamitan: Laptop, Projector at iba pa.
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Paghahanda
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng Liban
 Paalala
Pagsasanay/Ehersisyo
b. Balik-Aral
1. Ano ang Kondisyong Heograpiko sa Panahon ng mga Unang Tao sa
Daigdig?
c. Pagganyak
“Pagpapakita ng Larawan”

B. Paglalahad ng Aralin:
 Presentasyon ng Layunin
C. Talakayan
D. Panlinang na Gawain
a. Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod ng may buong husay.

b. Pagsusuri
1. Anong klaseng kagamitan ang ginagamit ng mga sinaunang tao noong
panahong paleolitiko?
2. Anong klaseng kagamitan ang ginagamit ng mga sinaunang tao noong
panahong neolitiko?
3. Anong klaseng kagamitan ang ginagamit ng mga sinaunang tao noong
panahong mesolitiko?
c. Paglalahat sa Aralin
1. Paano namuhay ang mga sinaunang tao sa daigdig?
2. Bakit kailangan nating alamin ang iba’t-ibang uri ng pamumuhay
noong unang panahon?
3. Bilang isang mag-aaral, batay sa iyong satiling saloobin paano mo
pahalagahan ang uri ng pamumuhay noon at ngayon?
d. Paglalapat/Pagsasabuhay
Gawain 2
Panuto: Bumuo ng isang graphic organizer patungkol sa pagkakaiba-iba
ng pamumuhay sa Panahong Paleolitiko at Neolitiko. Ikumpara ang
dalawang panahon gamit ang sumusunod: paraan ng pagkuha ng
pagkain, anyo ng tirahan, at mga teknolohiyang gamit. Isama sa
organizer ang katumbas ng maikling paliwanag.
Rubric sa Gawain

Interpretasyon 15 Puntos

Estilo 5 Puntos

Pagkamasining 5 Puntos

Pagkagawa 10 Puntos

Kawastuhan 15 Puntos

Kabuuan 50 Puntos

IV. PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang titik T kung ang pangungusap ay Tama at isulat naman ang titik M kung
ang pangungusap ay Mali.

________1. Nagtagpuan ni Dr. Louis S.B. Leakey noong 1856 sa Oldwin, George,
Tanzania sa silangang Africa ang labi ng Homo Habilis.
________2. Hinati sa dalawang panahon ang yugto ng pagbabago ng kultura noong
panahong prehistoriko o panahon ng wala pang nakasulat na kasaysayan. Ito ay tinatawag
na Panahong Bato at Panahon ng Metal.
________3. Sa panahon ng Neolitiko sila ay gumagamit ng microlith at geometric ng
bato sa nakalagay sa mga kahoy o buto.
________4. Sumulpot ang Panahong Bakal noong 5620 BCE.
________5. Sa panahon ng Gitnang Bato o Mesolitiko sila ay nakatira sa yungib at
walang permanenteng tahanan.

Tamang Sagot:
1. Mali
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Tama

V. Takdang Aralin
Panuto: Napag-alaman mo na may kaalaman na sa sining ang mga sinaunang tao at iyan ay
kanilang ipinakita sa mga iginuhit/ipininta nila. Mangalap ng mga larawan sa internet na
nagpapakita sa iba pang ipininta ng mga sinaunang tao at bigyan ito ng sariling interpretasiyon
hinggil sa mensaheng ipapabatid

Camile S. Sardañas
Nagapapakitang Turo

Checked by:

Bb. Jessabel P. Bongcalason


Guro

You might also like