You are on page 1of 5

Daraga National High School

Daraga, Albay
SY 2023-2024
JUNIOR HIGH SCHOOL

Malamasusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 7

I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig;
b. napaghahambig ang iba’t-ibang yugto ng pag-unlad ng kultura sa
panahong prehistoriko partikular sa panahon ng bato; at
c. nakagagawa ng isang masusing pagsusuri ng artifact sa tulong ng
sekundaryang sanggunian sa pamamagitan ng pangkatang gawain.

Pamantayan sa Pagkatuto:
a. Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig.
Code: AP8HSK-Ie-5
b. Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko.
Code: AP8HSK-If-6

II. Paksang Aralin:


Paksa: Mga Yugto sa Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko.
Sanggunian:
Mga Kagamitan: LCD Projector, Laptop, dice, white board, at marker.

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagganyak
 Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng gawain na pinamagatang
“Kung Ikaw Kaya?”
 Sa gawaing ito, ipagpapalagay ng mga mag-aaral na sila ay nabuhay sa
daigdig noong sinaunang panahon. Papipiliin sila sila ng tatlong bagay
mula sa dice na sa palagay nila ay makakatulong sa kanilang pang-
araw-araw na pamumuhay at kanilang ipapaliwanag kung bakit iyon ang
kanilang mga pinili.
 Matapos ang gawain, ang mga mag-aaral ay sasagutan ang mga
sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang mga bagay na pinili mo mula sa dice?
2. Bakit ang mga ito ang iyong pinili?
3. Kaya mo bang mabuhay sa panahong iyon kung taglay mo ang mga
pinili mong bagay? Ipaliwanag ang sagot.
 Pangungunahan ng guro ang malayang talakayan sa pamamagitan ng
mga pamprosesong tanong.
 Magkakaroon ng paglalagom sa sagit ng mga mag-aaral at bibigyang
diin ang naranasan ng mga sinaunang tao na magkaroon lamang ng
mga kasangkapang binangit sa gawain.
 Itatanong ng guro sa mga mag-aaral ang na:
 Kung ito lamang ang mga kagamitan ng ating mga ninuno, paano
umunlad ang pamumuhay ng mga tao noong unang panahon?
 Ipoproseso ng guro ang sagot ng mga mag-aaral.
B. Paglinang:
 Matapos maiproseso ng guro ang gawain ay bibigyang diin nito na ang
tatalakayin sa araw na ito ay tungkol sa “Mga Yugto sa Pag-unlad ng
Kultura sa Panahong Prehistoriko”.
 Ilalahad ng guro ang paksa at layunin sa mga mag-aaral.
 Pangkatang Gawain
 Ang mga mag aaral ay hahatiin sa 3 na pangkat.
 Hayaan ang mga mag-aaral na bumuo ng apat na pangkat. Ayon sa
paksang nakatakda sa grupo, pupunan ng bawat pangkat ng mga
kailangang impormasyon ang “I-Tweet Mo! Organizer”.
 Ang panahong nakatakda sa pangkat 1 ay ang Paleolitiko samantalang
sa pangkat 2 ay ang Neolitiko at sa pangkat 3 ay ang panahon ng Metal.
Ibibigay ng bawat pangkat ang hinihinging mga impormasyon sa anyo ng
mga “tweet” o maiikling pahayag. Maaaring magbigay ang mga mag-
aaral ng maraming tweet nang ayon sa hinihinging impormasyon.
Pagkatapos ng pag-uulat, bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral
na magbigay ng kanilang mga komento o saloobin sa mga pahayag na
ipinaskil ng bawat grupo. Hayaan ang mga mag-aaral na isulat ito sa
kapirasong papel at idikit sa bahagi ng komento ng dayagram.

 Matapos ang talakayan, ang mga mga-aaral ay magkakaroon ng


pangkatang gawain.
 Hahatiin ang klase sa apat na pangkat.
 Ang bawat pangkat ay magkakaroon ng gawain na pinamagatang “Ano
Ngayon? Chart”.
 Tutukuyin ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng ilan sa mga
pangyayari na naganap sa iba’t ibang yugto ng pag-unal ng sinaunang
tao.
 Isusulat ng mga mag-aaral sa kahon ang kahalagahan o epekto sa
kasalukuyan ng mga-sumusunod na pangyayari.
 Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng 10 minuto upang tapusin ang
gawain.

Paggamit ng Apoy

Pagsasaka

Pagiimbak ng Labis na
Pagkain

Paggamit ng mg pinatulis
na bato

Paggamit ng canoe

Pagtatayo ng mga
permanenteng tirahan

Pagaalaga ng mga hayop


 Ilalahad ng guro ang gagamiting pamantayan sa pangkatang gawain.
 Sa paglalahad ng pamantayan ay isasaalang-alang ng guro ang
suhestiyon ng mga mag-aaral tungkol sa pagbibigay ng puntos.
 Ang kabuuang puntos ay dalawampo (20).
Rubric sa Pagmamarka ng Ano Ngayon? Chart
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman Mahusay na nailahad ang kaugnayan ng
mga pangyayari noong sinaunang
panahon sa kasalukuyan
Ebidensiya Napatunayan ang kaugnayang ito sa
pamamagitan ng mga konkjretong
halimbawa
Kabuuan 20
 Matapos ang gawain ay sasagutan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod na pamprosesong tanong:
1. Gaano kahalaga ang mga pag-unlad na naganap noong sinaunang
panahon?
2. Paano hinubog ng mga pagbabago ang kasalukuyang pamumuhay ng
mga tao?
3. Sa iyong palagay, alin sa mga pagbabago sa pamumuhay ng mga tao
ang may pinakamahalagang epekto sa kasalukuyan?
 Pangungunahan ng guro ang malayang talakayan sa pamamagitan ng
mga pamprosesong tanong.
C. Pangwakas na Gawain:
 Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng pangkatang gawain na
pinamagatang “Archeologist at Work!”.
 Hahatiin ang klase sa apat na pangkat.
 Sa gawaing ito, ipagpapalagay ng mga mag-aaral na sila ay miyembro
ng isang pangkat ng mga arkeologo na nakahukay ng mga artifact sa
isang lugar.
 Susuriin ng bawat miyembro ang mga nahukay na artifact gamit ang
Artifact Analysis Worksheet #1.
 Matapos ito ay paguusapan ng bawat pangkat ang ginawang pagsusuri
at magkakasama nilang sasagutan ang Artifact Analysis Worksheet #2.

Task Card
Kabilang ka sa pangkat ng mga archeologist mula sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig na kasalukuyang nagsasagawa ng paghuhukay sa Catal Huyuk.
Nakapaloob sa task card na ito ang ilang mga artifact na natagpuan ng
iyong pangkat sa nasabing lugar.
Ang Iyong Misyon:
Gamit ang Artifact Analysis Worksheet #1, suriin ang bawat artifact na
nahukay sa Catal Huyuk. Tingnan ang pisikal na katangian, gamit, at
kahalagahan ng mga artifact na ito.
Kaligirang Impormasyon:
Sa kasalukuyan, ang Catal Huyuk ay isang lugar sa Turkey. Sinasabing
umunlad ang sinaunang pamayanang ito 9,000 taon na ang nakakraan.
May lawak na 32 acres o halos 24 football field ang lugar na ityo. Malapit
ang Catal Huyuk sa pampang ng ilog Carsamba.
Artifact Analysis #2
Artifact Analysis #1 1. Ano-ano ang katangian ng Catal
1. Ano ang Artifact? Huyuk batay sa iyong ginawang
2. Ano ang mga katangian nito? imbestigasyon?
3. Sa iyong palagay, ano ang gamit 2. Ihambing ang paraan ng
nito noong mga sinaunang pamumuhay ng mga taga Catal
panahon. Huyuk sa kasalukuyang
4. Ano ang mga kahalagahan ng pamumuhay ayon sa
artifact na itri? sumusunod na aspekto:
5. Ano ang nais ipoahiwatig ng a. Pangaraw-araw na gawain
artifact na ito tungkol sa Catal b. Paraan ng paglilibang
Huyuk? c. Sining
d. Pinagkukunan ng pagkain

 Ilalahad ng guro ang gagamiting pamantayan sa pangkatang gawain.


 Sa paglalahad ng pamantayan ay isasaalang-alang ng guro ang
suhestiyon ng mga mag-aaral tungkol sa pagbibigay ng puntos.
 Ang kabuuang puntos ay dalawampu’t lima (25).
Rubric sa Pagmamarka ng Archeologist at Work!
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Artifact Analysis Mahusay na nasusuri ang katangian ng
Worksheet #1 bawat artifact.
Mahusay na natutukoy ang gamit at
kahalagahan ng mga artifact na ito.
Artifact Analysis Mahusay na nailarawan ang mga
Worksheet #2 katangian ng Catal Huyuk gamit ang mga
artifact na sinuri.
Mahusay na napaghambing ang
pamumuhay sa Catal Huyuk sa
kasalukuyang pamumuhay.
Pag-uulat Mahusay na naipaliowanag ang mga
sagot.
Mahusay na nalagom ang mga
impormasyong inilahad.
Kabuuan 25
 Matapos ang gawain ay sasagutan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod na pamprosesong tanong:
1. Batay sa pagsusuri ninyo sa mga artifact, ilaraqwan ang kultura ng
mga tao sa Catal Huyuk?
2. Ano ang mga patunay na ang Catal Huyuk ay umusbong noong
Panahong Neolitiko?
3. Ano ang konklusyong maaaring mabuo mula sa paghahambing ng
buhay sa Catal Huyuk at sa kasalukuyang pamumuhay?
 Pangungunahan ng guro ang malayang talakayan sa pamamagitan ng
mga pamprosesong tanong.
IV. Pagtataya:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap
tungkol sa Mga Yugto sa Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko. Isulat
ang salitang “Tama” kung ang ipinapahayag na ideya ng pangungusap ay
wasto. Isulat naman ang salitang “Mali” kung hindi wasto ang ipinapahayag na
ideya ng pangungusap.
1. Tinatawag ding “Panahon ng Lumang Bato” ang Panahong Paleolitiko.
2. Sa Panahong Mesolitiko unang gumagamit ng apoy ang mga sinaunang
tao.
3. Noong Panahong Paleolitiko, nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa
anyong mga campsites na kadalasang matatagpuan sa mga lambak.
4. Ang salitang “lithos” ay nangangahulugang apoy.
5. Isa sa mga ambag ng panahong mesolitiko ay ang paggawa at paggamit
ng canoe.
6. Ang Panahong Neolitiko ay kilala din bilang “Panahon ng Gitnang Bato”.
7. Higit na pulido at makinis nag batong kagamitan sa Panahong Neolitiko
kaysa sa Pahong Paleolitiko.
8. Ang pagkakaroon ng permanenteng tirahan ay nagsimula sa Panahong
Paleolitiko.
9. Ang mga tao sa Panahong Neolitiko ay natutong maghabi, gumawa ng
mga alahas, salamin, at kutsilyo.
10. Ang terminong Neolitiko ay ginagamit sa arkeolohiya at anthropolohiya
upang italaga ang isang antas ng ebolusyong pangkalinangan o
pagbabago sa pamumuhay at teknolohiya.

V. Takdang Aralin:
 Sagutan ang mga sumusunod na tanong?
1. Ano ang ibig sabihin ng salitang kabihasnan?
2. Ano ang mga pamantayan sa pagkakaroon ng kabihasnan?

Inihanda ni:
Andrea L. Pama
Tagapagpakitang-Turo

You might also like