You are on page 1of 3

DAILY Paaralan: Malitbog National Baitang/Antas: 8

LESSON PLAN High School


(DLP) Guro: LODELYN B. Asignatura: ARALING
PANLIPUNAN
CAGUILLO
Petsa: January 24, 2024 Markahan: UNANG
MARKAHAN

I. LAYUNIN Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nailarawan ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig.

2. Nakagawa ng isang presentasyon kung saan maipakita ang uri ng


pamumuhay ng mga unang tao sa panahong Paleolitiko, Neolitiko at
Metal.
3. Napahalagahan ang uri ng pamumuhay at ang mga nagging ambag ng
mga unang tao sa daigdig.

A. Pamantayang Naipamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kanyang kapaligiran na


Pangnilalaman nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng
mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.
B . Pamantayan sa Nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at
Pagganap preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa
kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.
C. Mga Kasanayan sa Naipaliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig.
Pagkatuto
(AP8HSK-Ie-5)
II. NILALAMAN Pamumuhay ng mga Unang Tao sa Daigdig.

III. MGA Mga Larawan, Manila paper, Pentelpen at Powerpoint Presentation


KAGAMITANG
PANTURO

A. Sanggunian
1.Mga Pahina sa Batayang Aklat: Kasaysayan ng Daigdig. Pahina 20-26.
Gabay ng Guro
2.Mga Pahina sa Learning Module Araling Panlipunan Ika-8 Baitang
Kagamitan ng mga , Akda ni Teofista I.
mag-aaral
3. Mga Pahina sa Pahina 20-26
Teksbuk
4. Karagdagang Mga larawan at video presentation ,(kuha sa pagdownload mula sa google
Kagamitan mula sa chrome).
portal ng Learning
Resource
IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa Panimulang Gawain:


nakaraang
 Pagbati
aralin at/o
 Panalangin
 Pag-aayos ng silid
 Pagkuha ng attendance
 Pagbalik-aral
Balik-aral tungkol sa dalawang teorya ng pinagmulan ng tao.
Itanong sa mag-aaral:
 Ano ang dalawang teorya ng pinagmulan ng tao?
(Ang dalawang teorya ay “teoryang makaagham at teorya ng paglalalang).
 Ano ang tawag sa mga unang taong nabuhay sa daigdig ayon sa mga
siyentista?
(Ang mga unang taong nabuhay sa daigdig ay Australopithecine,
Chimpanzee, Homo Habilis, Homo Erectus, Homo Sapiens at Homo Sapiens
Sapiens).

B. Pagganyak
Papangkatin ang klase sa tatlong grupo at ang bawat grupo ay pipili ng bawat
lider na siyang bubunot ng mga litrato at pipili ng isang representante upang
ilarawan ang nabunot.

C. Paglalahad Ang aralin ay tungkol sa “Pamumuhay ng mga Unang tao sa Daigdig.”

D. Pagtatalakay
 Ang mga unang tao ay nabuhay sa Panahong Paleolitiko, Neolitiko at
Metal milyong taon na ang nakalipas at ito ang pinakamahabang yugto
sa kasaysayan ng sangkatauhan. Nakuha ang mga impormasyon tungkol
sa pamumuhay ng mga unang tao sa pamamagitan ng kanilang mga
labi tulad ng bungo, buto at mga kasangkapang kanilang naiwan.
1. Paleolitiko – Nanggaling sa salitang griyego na “paleos” o matanda at
“lithos” o bato. Ang kanilang uri ng pamumuhay ay pangangaso,
nakatira sa kweba, gumagamit ng apoy at bato ang kanilang
ginagawang kasangkapan.
 Lower Paleolithic Period
 Middle Paleolithic Period
 Upper Paleolithic Period
2. Neolitiko – Nanggaling sa salitang griyego na “neos” o bago at “lithos” o
bato. Sa panahong ito unti-unting umunlad ang uri ng kanilang
pamumuhay dahil sa kanilang natuklasan at nagawa na nakatulong sa
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
3. Metal – Ang mga tao ay nakagawa ng mas matibay na kasangkapan.
Natutuhang pakinisin ang mga matutulis na bato upang makagawa ng
mga kasangkapan tulad ng armas, espada, palakol, kutsilyo at marami
pang iba.
 Tanso
 Bronse
 Bakal

E. Paglalapat Bawat grupo ay mag-uulat tungkol sa uri ng pamumuhay ng mga tao sa daigdig
batay sa Tatlong panahon.

F. Panuto: Punan ng tamang sago tang mga sumusunod gamit ang isang graphic
Pagpapahalaga organizer na kung saan maipakita ang kahalagahan ng pamumuhay ng mga
unang tao.

PAMUMUHAY NG MGA UNANG TAO SA DAIGDIG


PANAHON MGA NAGAWA AT PAKINABANG SA BUHAY
NATUKLASAN NATIN
G. Paglalahat Itanong sa mga mag-aaral:
 Anu-ano ang tatlong panahon na kung saan nabuhay ang mga unang
tao sa daigdig?
 Anong uri ng pamumuhay mayroon ang bawat panahon?
 Sa kabuuan, naging mahalaga ba ang mga nagawa ng mga unang tao
sa kasalukuyang henerasyon?

H. Pagtataya ng Panuto: Ibigay ang tamang sagot ng mga sumusunod at isulat ito sa isang
Aralin pirasong papel.

1. Anu-ano ang mga kagamitang ginawa ng mga unang tao na naging


kapaki-pakinabang ngayon?
2. Anong klaseng kagamitan ang ginagamit ng mga sinaunang tao sa
panahon ng Paleolitioko?
3. Ano ang pinagkaiba ng pamumuhay ng mga tao sa tatlong panahon?
4. Sa panahong ito, ang mga tao ay walang permanenteng tirahan.
5. Sa panahong ito, nagsimula magtanim ang mga tao.
6. Anong panahon ng pagsulong ang higit na nakatulong sa pag-unlad ng
kaabihasnan?
7. Anong panahon nabuhay ang Australopithecine, Homo Habilis at Homo
Erectus?
8. Tawag sa panahong hindi pa nasusulat ang kasaysayan?
9. Panahon kung saan ang mga tao ay wala pang matibay na kagamitan?
10. Panahon na naghatid mula sa simula, gitna at modernong panahon.
J. Takdang Panuto: Isulat ang sagot sa isang pirasong papel.
Aralin
 Ano ang kabihasnang Mesopotamia at paano ito umusbong?

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation


E. Alin sa estratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan


sa tulong ng aking punong-guro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking na dibuho na
nais kung ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like