You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

San Francisco Parish School

I. LAYUNIN

1. Nakapagbibigay ng sariling kahulugan ukol sa Kontemporaryong Isyu

2. Nakapaglabas ng saloobin sa epekto ng Kontemporaryong Isyu sa buhay at


komunidad.

3. Nakagagawa ng isang slogan sa kahalagahan ng pag-aaral ng


Kontemporaryong Isyu para sa kinabukasan ng komunidad.

II. NILALAMAN

A. Paksa: Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu

B. Konsepto: Kontemporaryong Isyu

C. Balangkas ng Aralin

1. Ano ang Kontemporaryong Isyu

2. Mga Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu

D. Proseso: Pagtukoy

E. Kagamitan: Cartolina, Pentel pen, Bluetooth Speaker, Laptop

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

 Pang Araw-araw na Gawain

A. Pagdadasal

B. Pagbati

C. Pagtaya ng liban sa klase

D. Pamamahala sa klase

E. Balik Aral

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak

Bilang pambungad na gawain, maghahagis ang guro ng tatlong tela


sabay sa saliw ng pagkanta ng bahay kubo at pagtigil ng kanta ay may tatlong
mag-aaral na may hawak ng tela ang magtatalakay ng mga tanong na
kailangan nilang sagutin ng makatotohanan. Bawat mag-aaral na sasagot ay
bibigyan ng premyo bilang partisipasyon sa klase. Ang mga katanungan ay:

A. Ano ang pinoproblema mo ngayon? Bakit?

B. Sino ang pinoproblema mo ngayon? Bakit?

C. Kailan mo reresolbahin/ sosolusyunan ang problema mo? Bakit?

2.Talakayan

Gamit ang Power Point Presentation, tatalakayin ng guro ang mga


halimabawa kung ano ang Kontemporaryong Isyu at mga halimbawa nito.

1. Ano ang Kontemporaryong Isyu?

2. Ano ang mga Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu

A. Panlipunan

B. Pangkalusugan

C. Pangkapaligiran

D. Pangkalakalan

Pagpapahalaga

Sa saliw ng musika, pagpapasa-pasahan ang isang kahon ng mga mag-aaral


sa klase, ang mag-aaral na may hawak ng kahon sa pagtigil ng tugtog ay sasagot
sa katanungan ng guro. Ang tanong:

 Ayon sa sariling interepretasyon, ano ang kahulugan ng


Kontemporaryong isyu?

Paglalahat

Sa saliw ng musika, pagpapasa-pasahan ang isang kahon ng mga mag-aaral


sa klase, ang mag-aaral na may hawak ng kahon sa pagtigil ng tugtog ay sasagot
sa katanungan ng guro. Ang tanong:

 Paano mo masasabi na mahalaga ang pag-aaral sa mga


Kontemporaryong isyu sa buhay mo ngayon?
Paglalapat

Sa saliw ng musika, pagpapasa-pasahan ang isang kahon ng mga mag-aaral


sa klase, ang mag-aaral na may hawak ng kahon sa pagtigil ng tugtog ay sasagot
sa katanungan ng guro. Ang tanong:

 May epekto ba ang mga Kontemporaryong isyu sa iyong buhay at sa


komunidad?

C. Pangwakas na Gawain

Panuto: Hahatiin ang Klase sa apat na pangkat at bibigyan ng kanya-


kanyang Gawain. Bawat grupo ay gagawa ng isang slogan na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu sa bansa.
Bibigyan lamang ng 5 minuto ang bawat pangkat upang gawin ang naka-
atang na Gawain. Ang bawat pangkat ay pipili ng kanilang lider. Ang bawat
lider ay pupunta sa unahan upang ipresenta ang kanilang nahinuhang slogan.

IV. PAGTATAYA

Panuto. Isulat kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag.

1. Ang Climate Change ay isang halimbawa ng Kontemporaryong Isyung


pangkapaligiran. Tama o Mali?

2. Rasismo ang tawag sa Kontemporaryong isyung panlipunan na kung saan


inaabuso ang taong iba ang lahi na kinabibilangan. Tama o Mali?

3. Ang Trade War ay walang epekto sa mga Pilipino dahil ito lamang ay sa
pagitan ng ibang bansa. Tama o Mali?

4. Kailangan mamulat ang bawat isipan ng mamamayan sa Kontemporaryong


Isyu. Tama o Mali?

5. Hindi nakakaapekto sa isang bansa ang mga halimbawa ng Kontemporaryong


isyu. Tama o Mali?

Mga sagot:
1. Tama

2. Tama

3. Mali

4. Tama

5. Mali

V. TAKDANG ARALIN

Ano sa palagay mo sa mga nabanggit na halimbawa ng kontemporaryong Isyu


ang dapat bigyang pansin ng ating Gobyerno?Bakit?

Inihamda ni:

Katrina D. Redulla
Teacher Applicant

You might also like