You are on page 1of 6

Learning Area ARALING PANLIPUNAN

Learning Delivery Modality Face-to-face

Paaralan Baitang Baitang 8

4 - Natatanging
Kultura ng mga
Guro Aralin Rehiyon, Bansa at
Mamamayan sa
Daigdig
BANGHAY SA
PAGTUTURO Petsa Markahan Unang Markahan

Oras Bilang ng Araw 1 araw

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:

1. Naibibigay ang kahulugan ng wika bilang bahagi ng


heograpiyang pantao;

2. Naipapaliwanag ang mga pangunahing pamilyang wika


(Language Family);

3. Napapahalagahan ang bahaging ginampanan ng wika bilang


batayan ng pag-aaral ng heograpiyang pantao sa daigdig.

4. Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang


Pangnilalaman kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang
kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa
pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

5. Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa


pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa kasalukuyan at sa
susunod na henerasyon.

6. Pinakamahalagang
Kasanayan sa Pagkatuto Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa
(MELC) at mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat- etnolingguwistiko, at
relihiyon sa daigdig).

7. Pagpapaganang Kasanayan

(Enabling Competency) wala

8. Pagpapayamang Pagpapahalaga sa mga natatanging kultura


Kasanayan

1
II. NILALAMAN Natatanging Kultura ng mga Rehiyon, Bansa, at Mamamayan sa
Daigdig

Paksa: Heograpiyang Pantao

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Mga Sanggunian • MECL AP G8 Q1 (Page 51)

1. Mga Pahina sa Gabay • PIVOT 4A Budget of Work for AP 8 (Page 182)


ng Guro
• Regional Order 10 s. 2020 (Page 215)

• AP Curriculum Guide (Page 167)

2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag- ● Kasaysayan ng Daigdig (Page 31-32)
aaral

● Kasaysayan ng Daigdig (Page 31-32)


3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagan Kagamitan ● https://lrmds.deped.gov.ph/detail/11936


mula sa Portal ng
Learning Resource

B. Listahan ng mga Kagamitan ● Activity Sheets


Panturo para sa mga Gawain
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN

A. Panimula (Introduction) MGA MAHAHALAGANG PAALALA!!!

1. Maupo nang maayos at makinig sa talakayan.

2. Sumunod sa mga panuto para sa mga gagawing aktibidad.

3. Magtaas lamang ng kamay kung may mga paglilinaw o


karagdagang detalye na nais ibahagi.

4. Laging magsalita nang may paggalang kung magtatanong o


magbabahagi sa klase.

BALITAAN TAYO

Gawin ito sa loob ng limang minuto.

GAWAIN 1 – LANGUAGE MATCH

Panuto: Hanapin sa kahon ang mga salitang katuwang kung saan ito
nagmula. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Gawin ito sa loob
ng tatlong minuto.

2
Annyeonghaseyo Bonjour
Hello Hola Kumusta?

_____________ 1. Korean

_____________ 2. Filipino

_____________ 3. English

_____________ 4. Spanish

_____________ 5. French

B. Pagpapaunlad GAWAIN 2 – PAGBASA SA TEKSTO


(Development)

Heograpiyang Pantao

Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral


ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig.

WIKA

Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito


ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang
pangkat. May 7,105 buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit
6.6 milyong katao.

Tinatayang may 136 language family sa buong mundo. Ang mga


pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang
ginagamit sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.

Ayon sa ethnologue.com, ang Niger-Congo at Austronesian ang


dalawa sa language families may pinakamaraming wika na ginagamit
ng kapwa higit sa 1,000 wika. Ito ay dahil sa maraming language
diversity sa Sub-Saharan Africa at Timog-Silangang Asya.

3
BIBLIOGRAPHY Eberhard, David M., Gary F. Simons,
and Charles D. Fennig (eds.). 2021. "Ethnologue:
Languages of the World." SIL International.
Accessed December 19, 2021.
https://www.ethnologue.com/guides/largest-

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit Niger-Congo at Austronesian ang may pinakamalaking


bahagdan sa sinasalitang wika?

2. Ano ang bahaging ginagampanan ng wika bilang batayan sa


pag-aaral ng heograpiyang pantao?

3. Bakit itinuturing na ang wika ay kaluluwa ng isang kultura?

C. Pakikipagpalihan GAWAIN 3 – TUNAY NA ATIN


(Engagement)
Panuto: Mag-isip ng mga salita na pawang sa Batangas lamang
ginagamit o madidinig. Isulat ang pagkalahatang kahulugan nito at
kung saan ito madalas ginagamit. Gawin ito sa sagutang papel sa loob
ng limang minuto.

Salitang Pawang sa Kahulugan Saan madalas


Batangas lamang ginagamit/Halimbawa
ginagamit

4
Mga Gabay na Tanong:

1. Bakit madalas mo itong gamitin sa pakikipag-usap? Saan mo ito


unang nadinig o ano ang nakaimpluwensya sa iyo upang ito ay
magamit?

2. May posibilidad ba na ito ay hindi mo na muling gamitin? Bakit?

D. Paglalapat (Assimilation) GAWAIN 4 - T-E-A Activity (Try to Engage and Apply)

Panuto: Sa ilalim ay may mga pahayag patungkol sa wika. Ipaliwanag


kung ano ang kabuluhan ng mga impormasyon na ito sa iyong buhay
at sa kasalukuyan. Gawin ito sa sagutang papel sa loob ng limang
minuto

Kaganapan Kabuluhan sa Kabuluhan sa


Kasalukuyan Buhay

Ang wika ang kaluluwa


ng kultura.

Ang Pilipinas ay kabilang


sa pamilyang wika ng
Austronesian na may
malaking bahagdan ang
gumagamit

Sa maraming Asyanong
bansa, may mga salitang
may magkakatulad ng
kahulugan.

May mga salita sa iyong


pamayanan na hindi
nauunawaan ng iba.

E. Pagninilay Panuto: Punan ang mga patlang.

Ang aking natutunan sa paksang ito ay_______________________________

5
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
__________________________________________________________.

Nais ko na ibahagi sa aking ___________________________


______________________________________________________________________
_____________________________________________________________.

Naunawaaan ko ang mga ideya o konsepto sa araling ito tulad ng


_____________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_________________________.

Kasunduan Sagutin ang tanong:


1. Ano-ano ang gamit ng wika sa kasalukuyan? Magtala ng
limang kahalagahan nito?
Sanggunian Aklat

Blando, Rosemarie C., Mercado, Michael M., Cruz, Mark Alvin M.,
Espiritu, Angelo C., De Jesus, Edna L., Pasco, Asher H., Padernal,
Rowel S., Manalo, Yorina C., Asis, Kalenna Lorene S. 2014.
Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig. Unang Edisyon.
Vibal Group, Inc.

Internet

Eberhard, David M., Gary F. Simons, and Charles D. Fennig (eds.). 2021.

"Ethnologue: Languages of the World." SIL International.

Accessed December 19, 2021. https://www.ethnologue.com/

guides/largest-families.

You might also like