You are on page 1of 23

Ang Katangiang Pisikal ng

Daigdig
BY: JONNA MEL L. SANDICO
•Isa ang daigdig sa walong planetang umiinog
sa isang malaking bituin, ang araw.
Bumubuo sa tinatawag na solar system ang
mga ito. Ang lahat ng buhay sa daigdig –
halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng
enerhiya mula sa araw. Gayon, halos lahat sa
kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin,
alon, ulan, klima, at panahon – ay
naaapektuhan ng araw.
•Mahalaga rin ang sinag ng araw
sa mga halaman upang
mabuhay at maganap ang
photosynthesis. Samantala,
ang mga halamang ito ay
nagbibigay ng oxygen na
mahalaga sa lahat ng nilalang.
• Ang pagkakaroon ng buhay
sa daigdig ay masasabing
dulot ng tiyak na posisyon
nito sa solar system, patunay
na ang pag-inog nito sa
sariling aksis at ang
paglalakbay paikot sa araw
Layers of the EARTH
Ang daigdig ay binubuo
ng crust,ang matigas at
mabatong bahagi ng
planetang ito. Umaabot
ang kapal nito mula 30-
65 kilometro (km)
palalim mula sa mga
kontinente. Subalit sa
mga karagatan, ito ay
may kapal lamang na 5-
7 km.
Ang mantle ay
isang patong ng
mga batong
napakainit kaya
malambot at
natutunaw ang
ilang bahagi
nito.
Tinatawag na
core ang
kaloob-loobang
bahagi ng
daigdig na
binubuo ng mga
metal tulad ng
iron at nickel.
Ang daigdig ay may
plate o malalaking
masa ng solidong
bato na hindi
nananatili sa
posisyon. Sa halip,
ang mga ito ay
gumagalaw na tila
balsang inaanod sa
mantle
• Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na
Sa katunayan, umaabot lamang sa 5
sentimetro (2 pulgada) bawat taon.
Gayunpaman, ang paggalaw at ang pag-
uumpugan ng mga ito ay napakalakas at
nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng
mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan
tulad ng Himalayas. Ito rin ang
makapagpapaliwanag kung bakit sa loob ng
milyon-milyong taon, ang posisyon ng mga
kontinente sa daigdig ay nagbabago-bago.
Longitude at Latitude
•Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar
sa globo o mapa, mahalagang mabatid
ang ilang termino at konseptong may
malaking kaugnayan dito.
•Sa pamamagitan ng pagbibigay ng
longitude at latitude ng isang lugar,
maaaring matukoy ang lokasyon nito sa
globo o mapa sa paraang absolute,
astronomical, o tiyak.
Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang mahahalagang
imahinasyong guhit na matatagpuan sa mapa o globo.
Tinatawag na longtitude
ang distansiyang angular
na nasa pagitan ng
dalawang meridian
patungo sa kanluran ng
Prime Meridian. Ito rin ang
mga bilog (great circles) na
tumatahak mula sa North
Pole patungong South
Pole.
Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang mahahalagang
imahinasyong guhit na matatagpuan sa mapa o globo.

Ang Prime Meridian


na nasa Greenwich sa
England ay itinatalaga
bilang zero degree
longitude.
Ang 180 degrees longitude mula sa
Prime Meridian, pakanluran man o
pasilangan, ang International Date
Line na matatagpuan sa kalagitnaan
ng Pacific Ocean. Nagbabago ang
pagtatakda ng petsa alinsunod sa
pagtawid sa linyang ito, pasilangan o
pakanluran.
The Iternational Date Line functions as a
“line of demarcation” separating two
consecutive calendar dates. When you
cross the date line, you become a time
traveler of sorts! Cross to the west and it’s
one day later; cross back and you’ve “gone
back in time."
Ang equator ang
humahati sa globo
sa hilaga at timog
hemisphere o
hemispero. Ito rin
ay itinatakdang
zero degree
latitude.
Tinatawag na
latitude ang
distansyang
angular sa pagitan
ng dalawang
parallel patungo sa
hilaga o timog ng
equator.
Ang Tropic of
Cancer ang pinaka
- dulong bahagi ng
Northern
Hemisphere na
direktang
sinisikatan ng araw.
Makikita ito sa
23.5 hilaga ng
o

equator.
Ang Tropic of
Capricorn ay ang
pinakadulong
bahagi ng Southern
Hemisphere na
direkta ring
sinisikatan ng araw.
Matatagpuan ito sa
23.5o timog ng
equator.

You might also like