You are on page 1of 6

Quarter 1 – Module 1: Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig

Araling Panlipunan – Grade 8


SY 2021-2022

Ang modyul na ito ay nakatuon akita-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Ang mga kaalaman at mga akita sa modyul na ito
ay makatutulong upang mas lalo mo pang maunawaan ang kasaysayan ng daigdig na siyang tema ng pag-aaral sa Araling Panlipunan
sa ika-walong akita.

Aralin 1
Ang Daigdig
Ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Heograpiya – Ang salitang heograpiya ay nagmula sa salitang Griyego na geo o daigdig at graphia o paglalarawan. Kaya, literal itong
nangangahulugang, “paglalarawan sa daigdig”.

Ito ay nahahati sa dalawang sangay: ang Heograpiyang Pisikal  o Physical Geography, na agham na tumatalakay sa mga
natural na proseso ng mga pagbabago sa kapaligiran gaya ng klima, heolohiya o Geology, biolohiya o Biology at iba pang sangay ng
agham-pangkalikasan.

Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig

Ang planetang Earth, na kung tawagin natin ay daigdig, ay isa akitas planetang umiinog sa isang malaking bituin, ang araw.
Bumubuo sa tinatawag na solar system ang mga ito. Ang lahat ng buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng
enerhiya mula sa araw. Gayundin halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon – ay
naaapektuhan ng araw. Mahalaga rin ang sinag ng araw sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis.
Samantala, ang mga halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig
ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa solar system, patunay na ang pag-inog nito sa sariling aksis at ang paglalakbay
paikot sa araw bawat taon.

Ang daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core. Ang crust ay ang matigas at mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot
ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim mula sa mga kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito ay may kapal lamang na 5-7
km.
ng mantle ay isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito.Tinatawag na core ang
kaloob-loobang bahagi ng daigdi na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel.

Ang daigdig ay may plate o malalaking masa ng solidong akita hindi nananatili sa posisyon. Sa halip, ang mga ito ay
gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa mantle.

Ang daigdig ay may apat na hatingglobo (hemisphere): Ang Northern Hemisphere at Southern
Hemisphere na hinahati ng equator, at ang Eastern Hemisphere at Western Hemisphere na
hinahati ng Prime Meridian.

Pisikal na Katangian ng Daigdig Bilang Panahanan ng Tao

Binubuo ang pisikal na katangian ng daigdig ng kalawakan, kalupaan, klima,


katubigan, buhay-halaman, buhay-hayop, at mga mineral. Nakaiimpluwensiya ang bawat
katangian sa isa’t isa. Ang akita ng halaman, halimbawa, ay nakasalalay sa nagbabagong
klima na dulot naman ng nagbabagong akitasgo at presipitasyon. Ang mga hayop ay
nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain ng halaman o sa pagkain ng ibang hayop at lamang-
dagat at lupa. Gayundin, ang mga halaman ay may benepisyong nakukuha buhat sa mga tao.
Llan lamang ang mga nabanggit sa mga pisikal na katangian ng nagbabagong daigdig.

Grid ng Daigdig
Kung kaharap mo ang globo, mapapansin mo na oblate spheroid ang hugis ng daigdig na
nagiging patag sa mga polo.

Upang masukat ang kinaroroonan ng isang lugar, naglagay ang tao ng mga
kathang-isip na guhit sa mundo. Nagsisimula ito sa magkabilang dulo ng mga polo na
may tawag na Timog Polo (South Pole) sa bandang itaas at Hilagang Polo (North
Pole) sa bandang ibaba. Ang guhit na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan
ng hilaga at timog ay tinatawag na ekwador (equator). Ang maliliit na mga bilog akita-
parallel sa ekwador at ng polo ay tinatawag itong parallel ng akitas dahil sa kanilang
relasyon sa ekwador.

Meridian – Ito ang mga guhit patimog at pahilaga at nagsisimula sa isang polo patungo
sa isang polo. Sa wikang Latin, tanghali ang kahulugan ng meridian, kaya lahat ng
pook na bumabaybay sa kahabaan ng isang guhit meridian ay sabay-sabay na
nakakaranas ng katanghalian. Ibig sabihin nito, nakatutok sa kanila ang sikat ng araw.
Dito rin kinuha ang salitang ante meridian na pinaikli sa A.M. na ang ibig sabihin ay
“bago sumapit ang tanghali.” Ang post meridian naman o P.M. ay nangangahulugang
“pagkalipas ng tanghali.”
Parallel – Ito ang guhit na kaagapay o parallel sa kapwa nito guhit at walang paraan
para sila magsalubong. May apat na mahalagang parallel ang naiguhit sa umiinog na
daigdig sa pamamagitan ng sinag ng araw. Ito ang Arctic Circle, Tropic of Cancer,
Tropic of Capricorn, at ang Antarctic Circle.
Latitud – ang tawag sa pagitan ng dalawang guhit ng parallel. Bawat pagitan ay may
sukat na 10° o 15°. Ito ang pagitan ng layo ng isang punto sa hilaga o timog ng
ekwador.
1
Longhitud -Ito ang tawag sa sukat o pagitan ng isang guhit sa silangang Prime Meridian at sinusukat ng digri. Sa pagbibigay ng
lokasyon ng isang pook sa daigdig, nakasanayan nang sabihin muna ang akitas, susundan ng longhitud at daragdagan ng direksyon
(kung timog, hilaga, silangan, o kanluran).

Pag-inog ng Daigdig at Batayang Oras

Patuloy ang daigdig akita-inog sa kanyang axis habang umiikot ito sa araw. Taliwas ito sa paniniwala noong sinaunang
panahon na hindi gumagalaw. Nakagagawa ito ng kumpletong pag-inog sa kanyang aksis sa loob ng 24 oras. Ang bilis ng paggalaw ng
mga puntos sa ekwador habang umiinog ito ay 1,609 kilometro bawat oras. Nababawasan ang bilis na ito habang papalapit sa
magkabilang polo.

Inaabot naman ng 365 ½ araw, sa bilis na 107,016 kilometro bawat oras, ang pag-ikot ng daigdig sa araw. Hindi natin
nararamdaman ang mga nasabing pag-ikot dahil matatag at napakalaki nito kung ihahambing sa tao at mga bagay.

Tulad ng nabanggit, umaabot ng 24 na oras ang isang pag-inog ng daigdig sa kanyang axis. Kung magsisimula ang pagtatala
ng pag-inog na ito sa hatinggabi ay aabot ito hanggang sa susunod na hatinggabi. Kaya gumagalaw ang daigdig ng 15 minuto bawat
oras o isang galaw bawat apat na akita. Unti-unting pumapailanlang sa pakiramdam natin ang araw sa ganitong pagkilos patungo sa
kanluran dahil umiinog ang daigdig patungo sa silangan.

Ang Klima

Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay. Ang malaking bahagi ng ating planeta
ay may kaaya-ayang kapaligiran o atmospera at sapat na sinag ng araw, init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga
halaman at hayop sa balat ng lupa.

Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon.
Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude
at gayon din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa sea level.

Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong
daigdig. Dahil dito, maraming habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at hayop ang matatagpuan sa
mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at
napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin
ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon.

PAGYAMANIN
Gawain 1: Guhit Ko, Tukuyin Mo
Pag-aralan ang globo na nasa ibaba. Gamitin ang mga termino na nasa kahon upang tukuyin ang mga mahahalagang guhit o
bahagi ng globo. Isulat ito sa nararapat na patlang.

Equator North
Pole
Prime Meridian
Antarctic Circle
Arctic Circle
Tropic of Cancer
Tropic of Capricorn
South Pole

https://i.infopls.com/images/04alm_globeprojection.gif

Gawain 2 :Tala – puna

Punan ang talahanayan ng mga hinihinging impormasyon ukol sa mga pangyayari o kaganapan sa loob at labas ng ating
akitas may kaugnayan sa paksang daigdig. Mga pangyayaring iyong nasaksihan o napanuod sa telebisyon o social media, narinig sa
akit o nabasa sa isang pahayagan.

1. Bagyo
2. Lindol
3. Baha
4 Pagsabog ng bulkan
5 Ipo-ipo
6. EL Niño

2
Aralin 2 Ang Mga Kontinente

BALIKAN
Gawain 3 : Complete it !

Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Tukuyin ang mga konseptong natalakay sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng
paglapat ng wastong titk sa loob ng mga kahon. Gawin ito sa activity notebbok.

1.Ang matigas at mabatong bahagi ng planetang Earth. C T


2.Isang patong ng mga batong napakainit kaya M N E
malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito.
3.Ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron C E
at nickel.
4.Binubuo ng malalaking masa ng solidong akita hindi nananatili sa P A E
posisyon.
5.Ang humahati akitas sa hilaga at timog E U R
hemisphere o hemispero.

Ang mga Kontinente

Kontinente ang tawag sa pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. May mga kontinenteng magkakaugnay
samantalang ang iba ay napapalibutan ng katubigan.

Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift Theory, dati ng magkakaugnay ang mga
kontinente sa isang super kontinente na Pangaea. Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung saan
nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo ang kasalukuyang mga kontinente.

Ang laki at sakop ng mga kontinente ay hindi magkapareho. Merong mga kontinente ng nagtataglay ng marami at kaunting
bansa. May pitong kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asia, Europe, North America, at South America at Australia. Sa mga
estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ang Oceania na tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at
Polynesia.

Nagmumula sa Africa ang malaking suplay ng ginto at diyamante. Naroon din ang Nile River na pinakamahabang ilog sa
buong daigdig, at ang Sahara Desert, na pinakamalaking disyerto. Ang Africa ang nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung
ihahambing sa ibang mga kontinente.

Samantala, ang Antarctica ang tanging kontinenteng natatakpan ng yelo na ang kapal ay umaabot ng halos 2 km. (1.2 milya).
Dahil dito, walang taong naninirahan sa Antarctica maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito. Gayunpaman,
sagana sa mga isda at mammal ang karagatang nakapalibot dito.

Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya. Sinasabing ang sukat nito ay mas akita pa sa pinagsamang lupain ng North
at South America, o sa kabuuang sukat ng Asya ay tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Nasa
Asya rin ang China na may pinakamalaking populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na pinakamataas na bundok sa pagitan ng
Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China.

Samantala, ang laki ng Europe ay sangkapat (1/4) na bahagi lamang ng kalupaan ng Asya. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na
kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8% ng kabuuang lupa ng daigdig.

Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit sa daigdig. Napalilibutan ito ng Indian Ocean at
Pacific Ocean, at inihihiwalay ng Arafura Sea at Timor Sea. Dahil sa mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalay ng Australia bilang
isang kontinente, may mga bukod tanging species ng hayop at halaman na sa Australia lamang matatagpuan. Kabilang dito ang
kangaroo, wombat, koala, Tasmanian devil, platypus, at iba pa.

Ang North America ay may hugis na malaking tatsulok subalit mistulang pinilasan sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf
of Mexico. Dalawang mahabang kabundukan ang matatagpuan sa kontinenteng ito – ang Applachian Mountains sa silangan at Rocky
Mountains sa kanluran.

Gayundin, ang South America ay hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa bahaging equator hanggang sa Cape
Horn sa katimugan. Ang Andes Mountains na may habang 7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop sa kabuuang baybayin ng South
America.

Mga Anyong Tubig

Topograpiya ang tawag sa pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. Kung gusto ng tao na mabuhay, dapat siyang
matutong makiangkop sa kanyang kapaligiran.
Kung iyong mapapansin, sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng daigdig ay umusbong
malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga lambak ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa
Africa.
Samantala, ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit na populasyon. Kapansin-pansing ang
pinakamataas na bundok sa buong daigdig ay matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29,028 talampakan o 8,848 metro). Sa Africa,
pinakamataas ang Kilimanjaro (19,340 talampakan o 5,895 metro) at sa Europe, ang Elbrus sa Russia (18,510 talampakan o 5,642
metro).
Isa lang ang pandaigdigang karagatan na may malawak na katawan ng tubig na sumasaklaw sa 71 porsyento ng mundo na
nahahati sa heograpiya sa natatanging mga rehiyon. Ang mga hangganan sa pagitan ng mga rehiyon na ito ay nagbago sa paglipas ng
panahon dahil sa iba’t ibang mga makasaysayang, kultura, heograpiya, at pang-agham na rason o dahilan.

3
Noong 2000 itinakda ng International Hydrographic Organization ang isang panibagong karagatan na pumapalibot sa
Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot hanggang 60ºS latitude. Kaya, nadagdagan nang isa ang apat na karagatan na kinilala sa
daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic.

Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim na bahagi ng daigdig, pangunahin sa talaan ang Challenger Deep sa
Mariana Trench na nasa kanlurang bahagi ng Pacific Ocean. Iba pang malalim na trench Puerto Rico Trench sa Atlantic Ocean, Java
Trench sa Indian Ocean, at Eurasia Basin sa Arctic Ocean.
Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang napaliligiran ng mga lupain. Pinakamalalaking
dagat sa daigdig ang South China Sea, Caribbean Sea, at Mediterranean Sea.

Mga Uri ng Anyong Tubig

Ating balikan ang iba’t ibang uri ng anyong tubig upang mas lalo nating maunawaan kung paano sila nakakaapekto sa
kasaysayan ng daigdig.

Karagatan – Ito ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang
karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang
Southern.)
Dagat – Ito ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat
nakadugtong ito sa karagatan. (Nabibilang sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat
Celebes, Dagat Mindanao at Dagat llapitan.)
Ilog – Ang ilog ay isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas
ng bundok o burol.
Look – Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito
sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan. (Ang  Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at
Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.) Ito ay parte ng isang golpo.
Golpo – Ito ay bahagi ito ng dagat.
Lawa – Ito ay isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
Bukal – Ito ang tawag sa tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.
Kipot – Ito ay makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang
200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging akitasgo nito.
Talon – Ito ay matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa
Batis – Ito ay ilug-ilogan o saluysoy na patuloy na umaagos.
Sapa – Ito ay anyong tubig na dumadaloy.
Mga Anyong Lupa
Bumubuo lamang ang kalupaan ng 29.2 bahagdan ng kabuuang daigdig at nahahati-hati ito sa apat na malalaking rehiyon:
Euro Asya-Aprica – akitas kontinente ng Europa, Asya, at Aprica; Amerika – dobleng kontinente ng Timog at Silangang Amerika;
Antarctica; at Australia kasama ang Oceania.
Ang mga nabanggit na apat na rehiyon ay bumubuo ng 93 bagagdan ng 53.28 milyong milya kwadrado ng kalupaan. Bunga
ng distribusyon ng mga nabanggit na masa ng lupa, nahiwa-hiwalay nila ang katubigan sa tatlong pangunahing rehiyong katubigan:
Pacific Ocean; Atlantic Ocean at maliit na karagatang Arctic; at Indian Ocean. Para sa mga oceanographer o mga siyentista na nag-
aaral tungkol sa karagatan ng daigdig, tatlo lamang ang matatawag na karagatan: ang Atlantic, Pacific, at ang Indian. Ang Pacific ang
pinakamalawak at sumasakop sa halos ikatlong bahagi (1/3) ng daigdig.

Mga Uri ng Anyong Lupa


Balikan natin ang iba’t ibang uri ng anyong lupa para mapalalim natin ang ating pang-unawaan sa kasaysayan ng daigdig.
Kapatagan — Ito ay isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman
ng mga palay, mais, at gulay.
Bundok — Ito ay isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa sa burol. Halimbawa nito
ang Bundok Banahaw at Bundok Apo.
Bulkan — Ito ay isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman
ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng  Bulkang
Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang
oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay
ang Bulkang Pinatubo.
Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas.
Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.
Lambak — Ito ay isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais,
at palay ang maaaring itanim dito.
Talampas — Ito ay patag na anyong lupa sa mataas na lugar na pwedeng gawing taniman.
Baybayin — Ito ay bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat.
Bulubundukin — Ito ay matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at magkasunud-sunod.
Pulo — Ito ay mga lupain na napalilibutan ng tubig.
Yungib — Ito ay mga likas akitas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.
Tangway — Ito ay pahaba at nakausling na anyong lupa na naliligiran ng tubig.
Tangos — Ito ay mas maliit sa tangway.
Disyerto — Ito ay mainit na anyong lupa gaya ng tanyag na Sahara Desert sa Africa.

4
PAGYAMANIN
Gawain 4 : The Map Says
Sagutin ang mga tanong batay sa mapa. Gawin ito sa gawaing kuwaderno

II. Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot:
I. Suriin ang mapa. Isulat sa patlang ang 1. Anong kontinente ang pinakamalapit sa Africa?
letra na kumakatawan sa bawat a. Europe b. Antarctica c. North America d. Australia at Oceania
karagatan. 2. Anong kontinente ang hiwalay at di nakadugtong sa anumang kontinente?
a. Asia b. Africa c. Antarctica d. North America
1. Pacific Ocean ________ 3. Anong kontinente ang matatagpuan sa silangan ng Europe?
2. Atlantic Ocean________ a. North America b. Africa c. Australia at Oceania d.
3. Indian Ocean_________ Asia
4. Arctic Ocean _________ 4. Anong karagatan ang nasa kanluran ng Africa?
5. Southern Ocean ______ a. Arctic Ocean b. Atlantic Ocean c. Indian Ocean d. Pacific Ocean
5. Anong karagatan ang nasa sa silangan ng Africa?
a. Atlantic Ocean b. Indian Ocean c. Pacific Ocean d. Arctic
Ocean

ISAGAWA

Gawain 5 : I- Guhit mo !!!

Maglahad ng karanasan o kwento tungkol sa mga lugar na iyong napuntahan. Gumuhit ng isang anyong lupa o anyong tubig
na iyong akita sa lugar na may masaya kayong ala-ala .Ilagay ito sa long bondpaper

Rubriks

Pagkaguhit – 40 %
Pagsasalaysay – 40 %
Pagpasa sa tamang oras/araw – 20 %
Kabuuan - 100 %

5
6

You might also like