Professional Documents
Culture Documents
Upang bigyan ng katugunan ang mga tanong kung paano nagsimula at nahubog ang daigdig, iba't ibang
teorya ang ipinanukala ng mga siyentista. Alin kaya sa mga sumusunod na teorya ang higit na kapani-
paniwala? Tunghayan natin ang iba't ibang teorya ukol sa pinagmulan ng daigdig at ang iba't ibang
pananaw na binibigyang-diin sa mga ito. Ang mga panukala ng mga bumuo ng mga teoryang tatalakayin
ay bunga ng pananaliksik at malalim na pag-aaral at ginamitan ng maraming ebidensya.
Teoryang Nebular
Ipinanukala ang teoryang ito ni Pierre Simon Laplace, siyentistang Pranses at isang astronomer.
Naniniwala siya sa katatagan ng sistemang solar at sa pinagmulan nito. Ayon kay Laplace, nagmula sa
nebula ang sistemang solar, kasama na ang daigdig. Mga namumuong gas at alikabok ang nebula na
nakikita sa kalangitan sa pamamagitan ng mga radyasyong ultraviolet na nagmumula sa isang mainit na
bituin.
Teoryang Dust-Cloud
Halos katulad din ito ng teoryang nebular. Ang pagkakaiba lamang, alikabok ng mga meteorite ang
nabuo sa halip na gas. Sinusugan ng ibang mga siyentistang ebolusyonista ang mga naunang teorya
tungkol sa gas o alikabok. Ayon sa kanila, nang matuklap ang mga balat ng nabuong gas o alikabok mula
sa mga meteorite sa pamamagitan ng kondensasyon, lumamig at tumigas ang masa at naging mga
planeta sa kalawakan. Kabilang dito ang ating daigdig.
Ipinanukala ang teoryang ito ni Georges Louis Leclerc Buffon, isang naturalistang siyentistang Pranses.
Ayon sa kanya, nagmula ang sistemang solar sa banggaan ng isang malaking kometa at ng araw. Ang
mga sangkap na nawala sa araw ay nabuo at naging mga planeta. Katulad din ng mga teoryang nebular
at dust-cloud ang patutunguhan nito.
Tungkol naman sa isang malaking bituin na bumangga sa araw ang teoryang ito. Ayon sa teorya,
nagtalsikan sa kalawakan ang mga tipak na nagmula sa malaking bituin na bumangga sa araw. Dahil sa
lakas ng banggaan, naging malayo ang inabot ng mga tumalsik na tipak mula sa malaking bituin. Subalit
nagpatuloy pa rin ito sa pag-inog sa araw dahil sa puwersang centrifugal. Ang mabilis at matagal na pag-
inog ng mga ito sa araw ang naging dahilan ng patuloy na pag-init at pagkakabuo ng bawat tipak.
Teoryang Planetisimal
Ayon sa teoryang ito, nagsama-sama at nagdikit-dikit ang mga kumpol-kumpol at maliliit na mga
planetoid at naging mga planeta kasama na ang daigdig. Nagmula ang mga planetoid sa mga natatanggal
na mga tipak ng mga bagay-bagay sa sansinukob tulad ng mga bituin at kometa. Dahil sa mabilis na
paggalaw ng mga bagay-bagay na ito, natutuklap ang mga ibabaw na bahagi ng mga nabanggit na mga
bituin at kometa. Mabilis ding nagpaikut-ikot ang mga natutuklap na bahagi sa kalawakan sanhi ng
puwersang centrifugal at naging mga planeta pagkatapos ng maraming panahon.
Teoryang Kolisyon
May pagkakahawig ang teoryang ito sa disrupsyong solar at dynamic encounter. Ang pagkakaiba lamang
nito, dalawang malalaking bituin ang nagbanggaan sa kalawakan sa halip na araw at bituin.
Ayon sa teoryang ito, may naganap na banggaan ng dalawang malalaking bituin sa sansinukob.
Napakalakas ng banggaan kaya't maraming tipak ang tumalsik mula sa mga ito. Ang mga naturang tipak
ang nagpaikut-ikot sa sansinukob at dumaan din sa prosesong pinagdaanan ng mga planeta ayon sa mga
naunang teorya.
Teoryang Big Bang
Sinasabi ng teoryang ito na nanatiling tahimik sa loob ng bilyun-bilyong panahon ang sansinukob. Subalit
noong 10 hanggang 15 bilyong taon na ang nakaraan may malakas na pagsabog na yumanig sa kabuuan
nito galing sa maliit na molekyul. Ang mga tipak mula sa pagsabog ay patuloy na binubuong muli nang
paulit-ulit sa pamamagitan ng elementong Hydrogen na siyang kailangan sa pagsasaayos ng mga
nasirang bagay. Ayon sa isinusog na steady state theory, walang katapusan ang paulit- ulit na pagbubuo
hanggang sa nabuo ang planeta sa kalawakan.
Ipinanukala ni Alfred Wegner noong 1912, ang teoryang ito ay nagsasabi na ang mga masa ng lupa sa
nabuong planetang daigdig ay nagkaroon ng paggalaw, naghiwalay, at napaanod sa iba't ibang bahagi ng
daigdig. Sanhi ito ng mga malalakas na paglindol at pag-uga ng mga bato sa kailaliman ng kalupaan at
karagatan ng daigdig.
Teoryang Panrelihiyon
Lahat halos ng paniniwala o relihiyon ay nagpapanukala na nilalang ang daigdig ng isang kinikilalang
Diyos. Batay sa mga sinaunang relihiyon ng mga taga- Mesopotamia, India, at maging sa Pilipinas, may
higit na makapangyarihang puwersa na naglalang sa sansinukob. Sa mga Kristiyano, nakasaad sa aklat ng
Genesis sa Bibliya ang kasaysayan ng paglalang ng Diyos sa sandaigdigan at sa mga tao sa buong
kalupaan.
Heograpiya ng Daigdig
Sa iyong pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig, malaki ang bahaging ginagampanan ng
heograpiya sa paghubog ng pamumuhay ng tao mula pa noong sinaunang panahon. Sa
pagbubukas ng bagong asignatura sa ikawalong grado, una mong pagtutuunan ng
pansin ang pag-aaral ng heograpiya ng daigdig. Tatalakayin sa araling ito kung paano
nakaaapekto ang heograpiya sa pamumuhay ng mga tao. Halina at simulang tuklasin
ang pisikal at kultural na heograpiya ng daigdig.
Lokasyong Absolute na gamit ang mga imahinasyong guhit tulad ng latitude line at
longitude line na bumubuo sa grid. Ang pagkukrus ng dalawang guhit na ito ang
tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan ng isang lugar sa daigdig.
Relatibong Lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito.
Halimbawa ang mga anyong lupa at tubig, at mga estrukturang gawa ng tao.
Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad o dami ng tao,
kultura, at mga sistemang politikal.
Paggalaw: ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar pa tungo sa ibang lugar;
kabilang din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin
at ulan.
Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift Theory,
dati ng magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na Pangaea.
Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung saan
nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo ang
kasalukuyang mga kontinente.
Kung susuriin ang isang mapa, mapapansing ang mga baybayin ng silangang bahagi
ng South America at kanlurang bahagi ng Africa ay tila lapat at akma sa isa’t isa na
parang mga piraso ng isang malaking jigsaw puzzle. Ito ay sa kadahilanang dating
magkaugnay ang dalawang lupaing ito. Habang tumatagal, patuloy pa rin ang proseso
ng paglawak ng karagatan sa pagitan nito at ang paglayo ng dalawang nasabing
kontinente. Ang paliwang na ito ay batay sa Continental Drift Theory.
CHARLES DARWIN
Ayon sa kanyang paliwanag, lahat daw ng specie sa daigdig ay nagmula sa iisang ancestor at
na dumami ito at naging ibat-ibang specie at na ang taning "matibay at malakas" ay siyang nag
evolve sa pamamagitan ng tinatawag na "natural selection". Hindi lahat ay tumanggap sa
kanyang pananaw, subalit naging batayan ito ng mga siyentipikong pag-aaral tungkol sa
pinagmulan ng tao.
MGA SIYENTIPIKO AT ARKEOLOGONG TUKLAS NA MAKAPAGBIBIGAY PALIWANAG TUNGKOL
SA PINAGMULAN NG TAO.
Batay sa maka-siyentipikong pag-aaral ng pinagmulan ng mga tao, ang mga tao daw ay
nagmula sa sinaunang mga specie ng Apes. Ito ang tinatawag nilang mga specie ng
"AUSTROLAPETHICUS" at ang pinakahuli ay ang specie ng mga "HOMO". Tinatayang nabuhay
mahigit 2.5 milyong taon na ang nakalilipas.
*APES --- Malalaking uri ng mga unggoy. Kilala din sa tawag na bakulaw ng mga Filipino.
http://archaeologyinfo.com/homo-habilis/
HOMO ERECTUS --- Nangangahulugang "upright man" o taong tuwid kung tumayo. Natatangi
sa ibang genus ng mga HOMO sapagkat siya ay tuwid kung tumayo kumpara sa ibang HOMO
na medyo kuba pa ang pangangatawan.May kakayahan na din siyang gumawa ng mga
kagamitan(tools)at nabuhay mahigit 1.9 milyong taon na ang nakakaraan.
http://www.livescience.com/41048-facts-about-homo-erectus.html
HOMO SAPIENS --- Nangangahulugang "modernong tao". Ang genus ng mga HOMO na
nabubuhay hanggang ngayon. Tayo ang tinutukoy dito, lahat ng tao na nabubuhay ngayon ay
sinasabing dito nagmula.
http://archaeologyinfo.com/homo-sapiens/
http://www.arheologija.narod.ru/d1ustanove/vrsac/Prehistoric.html
Natuklasan nila ang pagtatanim ng butil, buto ng prutas, gulay at iba pang halaman. Nagawa
nilang magpaamo ng hayop na nagsilbing malaking tulong sa kanilang mga gawain at
pagbubungkal ng lupa. Nakagawa sila ng palayok mula sa luwad na ginagamit nila para lutuan
at imbakan ng pagkain. Naging pirmihan na rin ang kanilang mga tahanan, nakapagtatag sila
ng mga pamayanan, at dumating ang panahon ay nagkaroon sila ng mga pinuno at
pamahalaan. Isang halimbawa ng neolitikong pamayanang ito ay ang "Catal Huyuk" na
matatagpuan sa Anatolia Turkey.
Ang teknolohiya ay kaakibat na ng pag-unlad ng tao. Ito actually ang ginamit ng tao para
mapadali ang kanilang pamumuhay. Nagsimula ito sa simpleng paggamit ng tao ng mga
kagamitang bato bilang premitibong kagamitan. Lumawak at naging patuluyan ang pagtuklas
ng tao sa mga bagay na makakatulong sa kanya(Teknolohiya)hanggang makamit nila ang isang
mataas na antas ng pamumuhay.