You are on page 1of 2

MGA TEORYA TUNGKOL SA PINAGMULAN NG

DAIGDIG

Maraming haka-haka at paniniwala tungkol sa pinagmulan ng daigdig. Upangmaipaliwanag ang mga


ito, nagbigay ang mga siyentista ng iba't ibang panukala gamit ang mga datos na bunga ng
pananaliksik. Tinawag na teorya ang mga panukalang ito. Kahit iba-iba ang mga panukala, halos
magkakatulad ang mga teorya ng mga siyentista tungkol sa pinagmulan ng daigdig. Bagamat iba't iba
ang naging pokus ng bawat panukala o teorya, sa pangkalahatan, mapapangkat itosa tatlong uri
lamang: gas at ulap na nabuo, banggaan ng mga bituin, at pagsabog.

Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng Daigdig

Upang bigyan ng katugunan ang mga tanong kung paano nagsimula at nahubog ang daigdig, iba’t
ibang teorya ang ipinanukala ng mga siyentista. Alin kaya sa mga sumusunod na teorya ang higit na
kapani-paniwala? Tunghayan natin ang iba’t ibang teorya ukol sa pinagmulan ng daigdig at ang iba’t
ibang pananaw na binibigyang-diin sa mga ito. Ang mga panukala ng mga bumuo ng mga teoryang
tatalakayin ay bunga ng pananaliksik at malalim na pag-aaral at ginamitan ng maraming ebidensya.

Teoryang Planetisimal

Isa pang paniniwala ang Teoryang Planetisimal nina Prop. Thomas Chamberlain at Forest Moulton na
binago ni Harold Jeffreys. Batay sa teorya, ang sistemang solar ay mula sa isang malaking bituin na
sumabog nang mapalapit ito sa isa pang bituin. Ang isang kimpal na sumabog na bituin ay naging araw,
samantalang ang ibang kimpal ay naging pamilya ng planeta ang bawat isa.

Ayon sa teoryang ito, nagsama-sama at nagdikit-dikit ang mga kumpol-kumpol at maliliit na mga
planetoid at naging mga planeta kasama na ang daigdig. Nagmula ang mga planetoid sa mga
natatanggal na mga tipak ng mga bagay-bagay sa sansinukob tulad ng mga bituin at kometa. Dahil sa
mabilis na paggalaw ng mga bagay-bagay na ito, natutuklap ang mga ibabaw na bahagi ng mga
nabanggit na mga bituin at kometa. Mabilis ding nagpaikut-ikot ang mga natutuklap na bahagi sa
kalawakan sanhi ng puwersang centrifugal at naging mga planeta pagkatapos ng maraming panahon.

Isa pang paniniwala ang Teoryang Planetisimal nina Prop. Thomas Chamberlain at Forest Moulton na
binago ni Harold Jeffreys. Batay sa teorya, ang sistemang solar ay mula sa isang malaking bituin na
sumabog nang mapalapit ito sa isa pang bituin. Ang isang kimpal na sumabog na bituin ay naging araw,
samantalang ang ibang kimpal ay naging pamilya ng planeta ang bawat isa.
Teoryang Big Bang

Sinasabi ng teoryang ito na nanatiling tahimik sa loob ng bilyun-bilyong panahon ang sansinukob.
Subalit noong 10 hanggang 15 bilyong taon na ang nakaraan may malakas na pagsabog na yumanig sa
kabuuan nito galing sa maliit na molekyul. Ang mga tipak mula sa pagsabog ay patuloy na binubuong
muli nang paulit-ulit sa pamamagitan ng elementong Hydrogen na siyang kailangan sa pagsasaayos ng
mga nasirang bagay. Ayon sa isinusulong na steady state theory, walang katapusan ang paulitulit na
pagbubuo hanggang sa nabuo ang planeta sa kalawakan.

May dalawang aspeto ang Teoryang Big Bang. Ayon sa isa, simula ng maganap ang malaking pagsabog,
patuloy na lumalayo ang mga piraso ng bolang apoy sa isa’t isa kaya’t patuloy ring lumalawak ang
nasasakupang espasyo ng sandaigdigan. Ayon naman sa ikalawa, ang patuloy na paggalaw ng mga
bituin, gas, at iba pang sangkap ng sandaigdigan ay maaaring tumigil sa paglayo sa isa’t isa at sa halip
ay puwedeng bumalik, magsalubong, at magbanggaan. Kapag nangyari ito, anila, ang simula at wakas
ng sandaigdigan ay parehong magsisimula sa isang malakas na pagsabog.

Teoryang Kondensasyon

Ang Teoryang Kondensasyon ni Robert Jostrow, ang isang araw o bituin ay nagsimula sa pamumuno ng
mga masa ng hydrogen, gas, at ng atomic dust. Sa kalawakan na tumatanda, sumasambulat at
nagsasabog ng mga pira-pirasong masa at sumasama sa mga bagong namumuong mga araw tulad ng
mga planeta at bituin. Ang pangyayari ay paulit-ulit at walang katapusan.

Teoryang Nebula/Nebular

Si Emmanuel Kant, isang pilosoper na Aleman ang nagpanukala noong hinggil sa pinagmulan ng
daigdig. Ayon kay Kant, ang daigdig, pati na ang ibang nebula, ay nagtataglay ng gas. Sa simula, ito ay
malamig, ngunit sa katagalan, ang mga partikulo sa loob ng nebula ay nag-uumpugan dahil sa puwersa
ng grabidad na siya naming nagtulak sa mga ito upang umikot. Habang umiigting ang masa, ito’y uminit
ng uminit, hanggang sa ito’y naging bolang araw na naghahasik ng mga bolang gas na natanggal, dahil
sa lakas ng “centrifugal” hanggang ang mga ito ay lumamig at naging planeta. Ito ay tinawag na
“Nebular Hypothesis”.

Ang teorya ni Kant ay sinang-ayunan ni Pierre Simon Marquis de Laplace, isang siyentipiko na Pranses
noong 1796.

You might also like