You are on page 1of 12

Ang pagiging banal ay isang katangian ng totoong

simbahan, ng simbahan Katoliko. Ang pagyabong ng


pananampalataya sa Krus, ang siyang nagpapabata ng
simbahan sa habang panahon. Buhat sa iba’t ibang lahi at
kultura ang binhi ng ebanghelyo ay umuusbong at lumalago
sa takbo ng panahon at sa iba’t ibang lugar. Ang tawag sa
pagiging banal ay pangkaraniwang bokasyon ng bawa’t
mananampalataya. Si San Lorenzo Ruiz, ang kauna-
unahang santo natin ay nagpapaalala sa atin na hanggang
ngayon buhay pa ang panawagan na tayo ay maging banal
at handang sumaksi para kay Kristo, kahit na magbuwis ng
dugo.

Si Lorenzo ay ipinanganak sa Binondo, isang munting


parian na noo’y nasa labas ng siyudad ng Maynila. Ang ama
niya ay isang Intsik at ang kanyang ina naman ay isang
Filipina. Bininyagan siya sa pagitan ng 1600-1610 at
binigyan ng pangalang Lorenzo Ruiz. Hindi alam ang tiyak
niyang kapanganakan sa dahilan ang mga dokumento ng
binyag ng simbahan ng Binondo noon ay nasunog. Kahit na,
naging kaugalian na na pangalanan ang bata sa ngalan ng
santong patron ng araw na isilang ang bata. Kaya
malamang, si Lorenzo ay ipinanganak sa kapistahan ni
Saint Lawrence, isang diyakonong martir.

Kakaunti ang kaalaman tungkol sa buhay ni Lorenzo noong


siya’y bata maliban sa siya ay namasukan sa kumbento ng
mga pareng Dominiko sa Binondo bilang houseboy at
sacristan. Dito nag-umpisang mahubog ang kanyang
pananampalataya nang siya’y naging aktibong miyembro ng
Confradia de Santisimo Rosario kung saan siya’y naging
madasalin at ang buhay naman niya’y naging maka-
kristiyano. Nabigyan si Lorenzo ng mabuting edukasyon sa
ilalim ng mga Dominikong pare at nang magtapos siya,
siya’y kinuhang “escribano” o kalihim ng kumbento. Dahil sa
kaniyang kagalingang ipinakita, ibinigay sa kanyang ang
malaking responsabilidad na magsalin ng mga dokumento
ng binyag, kumpil at kasal sa opisyal na libro ng simbahan.
At dito napanatag ang loob ng mga pare at lubos siyang
pinagkatiwalan.

Hindi naglaho, si Lorenzo ay nag-asawa. Ang napangasawa


niya ay isang Tagala, tulad ng kanyang ina. Laki rin ang
mga ninuno ng kanyang asawa sa lugar kung saan
nanirahan ang orihinal na pamilya ng mga Ruiz. Sila ay
nabiyayaan ng tatlong supling – dalawang lalaki at isang
babae. Si Lorenzo ay naging mabuting ama at asawa sa
kanyang pamilya. Patuloy pa rin siyang nagtrabaho sa
simbahan ng Binondo kung saan nahubog ang kanyang
pagiging aktibo sa mga gaawin ng simbahan, na siyang
nagpatibay ng kanyang pananampalataya sa Diyos at
patuloy na nagpalalim ng kanyang debosyon sa Mahal na
Birhen, lalo na sa pagdarasal niya ng Santo Rosaryo.

Masaya si Lorenzo sa piling ng kanyang pamilya at


matahimik ang kanilang pamumuhay. Subali’t hindi ito
nagtagal. Sa masamang palad, noong taong 1636, si
Lorenzo ay nasangkot sa isang mabigat na kasong kriminal
sa pagkamatay na isang Kastila. Si Lorenzo ay
pinaghahanap ng mga Guardia Civil para imbestigahan at
kasuhan. Sa laking takot ni Lorenzo na siya’y hindi
mabibigyan ng katarungan, lumapit siya sa mga among
Dominiko at humingi na siya’y tulungang makatakas. Dahil
sa paniwala ng mga pare na wala siyang kasalanan, si
Lorenzo ay isinama nila sa isang misyon sa labas ng
Pilipinas. Noong umpisa, ang buong akala niya’y tutungo
sila sa Taiwan o Macao kung saan, sa tulong ng kanyang
dugong Intsik, siya’y umasang makakahanap ng trabaho
bilang isang “escribano”.

Noong madaling araw ng ika-10 ng Hunyo, taon 1636, si


Lorenzo, kasama ang limang misyonerong Dominiko, ay
palihim na umalis ng Maynila sakay sa isang maliit na
bangka para tagpuin ang ekspedisyon misyonaryo ni Fray
Domingo Ibanez na tutungo sa bayan ng Nagasaki sa lupain
ng Hapon. Hindi alam ni Lorenzo na sa bansang Hapon sila
papunta at lalong hindi niya alam kung anong sasapitin niya
roon. Sa kanyang pagtakas sa kamatayan sa Maynila, di
niya inakalang sa lupain ng Hapon niya pala ito haharapin!
Kasama ni Lorenzo ang mga paring sina Antonio Gonzalez,
Miguel Aozaraza, Guillelmo Courtet, Vicente Shiwosuka de
la Cruz at si Lazaro, isang laykong may ketong na taga
Kyoto.

Pagkalipas ng isang buwan, si Lorenzo at ang kanyang mga


kasama ay dumaong sa isla ng Lequios o Okinawa Islands
na tawag dito ngayon. Dito ni Lorenzo makakaharap ang
pinakamalaking pagsubok ng kanyang pananampalataya,
ang kanyang pagiging martir! Wala siyang kaalam-alam
noon na hindi na niya makikita ang kanyang pamilya o ang
kanyang bayan.

Pagkababa ni Lorenzo at kanyang mga kasama, sila ay


agad nakilala bilang mga Kristiyano at dagliang hinuli at
ikinulong. Noong ika-21 ng Setyembre, 1637, pagkatapos
nang mahigit sa isang taong paghihintay, si Lorenzo,
kasama sina padre Antonio Gonzalez at ang laykong si
Lazaro ay naunang dumating sa Nagasaki para sa paglilitis
ng kanilang kaso. Sila ay agad tinanong tungkol sa kanilang
pananampalataya at pagpasok sa bansang Hapon.

Pagkatapos ng pagtatanong, sinimulan kaagad ng hukuman


ang pagpaparusa sa mga dayuhan. Nauna si padre Gozalez
na pinahirapan sa pamamagitan ng “Water torture” kung
saan pilit na paiinumin siya ng maraming tubig hanggang
lumobo na ang kanyang tiyan. Pagkatapos, inilagay ang
isang tabla sa ibabaw ng tiyan niya at siya naming
tinatapakan ng dalawang sundalo sa magkabila niya upang
puwersahin ang tubig na lumabas sa kanyang katawaan.
Pagkatapos nito, inutusan siyang tapak-tapakan ang
imahen ng ating Mahal na Birhen. Subali’t hindi nagpatinag
si padre Gonzalez bagkus tinanggap niya ang karagdagang
pagpaparusa dahil hindi niya magawang yurakan ang
imahen ng ating Mahal na Ina.

Ang lahat ng ito’y nasaksihan ni Lorenzo. Sa laking takot


niya na sasapitin niya ang ganoong parusa, agad-agad
niyang itinakwil ang kanyang pananampalataya sa harap ng
mga autoridad. Nguni’t nang sila’y dalhin sa kulungan at, sa
katahimikan ng kaniyang selda, siya’y nakapagnilay, agad
siyang humingi ng kapatawaran sa kasama niyang pare. Sa
sumunod na mga araw nagpatuloy ang pagpaparusa sa
dalawang kasama ni Lorenzo at siya’y tinanong ulit kung
itatakwil niya ang kanyang pananampalataya. Nagdalawang
isip si Lorenzo at humingi ng “interpreter” upang ipatanong
kung siya’y pakakawalan kung tatalikuran niya ang kanyang
pananampalataya.

Bago pa man niya matanggap ang sagot ng hukom, agad


niyang tinawag ang “interpreter” at sinabing “Ako ay isang
Kristiyano hanggang sa oras ng aking kamatayan; para sa
Diyos ibibigay ko ang aking buhay. Napunta ako dito sa
Hapon hindi upang maging martir kung hindi dahil sa
Maynila hindi ako maarign manirahan. Ako ay isang
Krisyano. Ibibigay ko ang aking buhay para sa Diyos. Gawin
na ninyo ang gusto ninyo sa akin.” Pagkatapos niya itong
sambitin, si Lorenzo ay pinarusahan ng “water torture” tulad
ng kanyang mga kasama.

Ang pagdating ni Lorenzo at kanyang mga kasama sa


lupain ng Hapon noong panahong iyon ay nabalot sa ‘di
kagandahang palad. Noong kasi, ang pamunuan ng
bansang Hapon ay nagsagawa ng matinding pagpaparusa
at pagpatay ng mga Kristiyanong mananampalataya sa
bansa, lalo na sa bayan ng Nagasaki. Mabilis kasing
lumago ang sektang Kristiyano kasama na ang mga
Katoliko kung kaya’t nabahala ang gobyerno at dagliang
naglunsad ng malawakang paglilitis at pagpatay sa mga
nanatiling Kristiyano. Sa maikling panahon mula 1637-39,
mahigit sa tatlumpong libong Kristiyano ang nagbuwis ng
buhay alang-alang sa pananampalataya kasama na si
Lorenzo at mga kasama.

Matapos ng dalawang beses niyang matunghayan ang


pagpasakit sa kanyang mga kasama, at matapos na
dalawang beses niyang itinakwil ang kanyang relihiyon at
magbalik-loob, si Lorenzo ay nahatulang maparusahan ng
water torture gaya ng kanyang mga kasama. Tinanggap na
ni Lorenzo ng bukas loob ang kanyang sinapit na paghihirap
at ito’y namalagi sa kanya hanggang sa huli.

Makaraan ang dalawang araw, si Lorenzo ay ihinarap muli


sa kanyang manlilitis kung saan siya ay tinanonng diretso
kung itatakwil ba niya ang pagiging Kristiyano. Sa diretso at
buong loob, kanyang sinabing “Iyan ay di ko magagawa
dahil ako ay isang Kristiyano at handa akong mamatay para
sa Diyos. At para sa Kanya’y ibibigay ko kahit higit pa sa
libo kong buhay. Kung kaya, gawin na ninyo ang nais ninyo
sa akin.”

Para sa mga huwes, malinaw itong kaso ng isang


Kristiyanong buong-buo ang loob na mamatay para sa
kanyang pananampalataya kung kaya siya’y nahatulang
mamatay.
Nagpatuloy ang pagpaparusa at si Padre Antonio Gonzalez,
ang namuno sa misyon, ang siyang unang binawian ng
buhay nang siya’y tinamaan ng mataas na lagnat dahil sa
water torture. Namatay siya noong ika-24 ng Setyembre,
1637. Makalipas ang tatlong araw, si Lorenzo at kanyang
mga kasama, ay kinaladkad palabas ng piitan upang bitayin.
Habang nakatali ang kamay sa likod, at may busal ang
bibig, sila’y isinakay sa kabayo at ipinarada sa lansangan ng
Nagasaki kung saan may mga karatolang nag-aanunsiyo ng
kanilang sentensiyang kamatayan. Ang kanilang
destinasyon ay ang Nichizaka Hill, na tinaguriang ‘Bundok
ng mga Martir” kung saan naghihintay ang kanilang kahuli-
hulihang parusa.

Pagdating nila sa Nichizaka Hill, sila ay ibinitin ng patiwarik


at ibinaba sa isang hukay. Noong panahong iyon, ito na ang
isa sa pinakamasakit na paraan ng kamatayan. Tinatalian
ang katawan ng bihag ng mga mabibigat na bato habang
siya’y nakabitin. Sa tindi ng pagkakaipit ng dibdib, ang bihag
ay makakaranas ng pagkaubos ng hininga hanggang
tuluyan na itong malagutan ng hininga. Pagkaraan ng
dalawang araw nitong parusa, si Lorenzo ay namatay. Ang
katawan ni Lorenzo at mga kasama ay sinunog ng mga
Hapon at ang abo nito’y isinaboy sa karagatan upang hindi
na ito magamit ng mga Kristiyano sa kanilang pagsamba sa
Diyos. Buong tapang at puso na ipinahayag ni Lorenzo ang
kanyang pag-ibig at pananampalataya sa Diyos.
Makalipas ang tatlong buwan, ang balita ng pagkamatay ni
Lorenzo at mga kasama sa lupain ng Hapon ay nakarating
sa Maynila at tinanggap ng kalugod-lugod. Dahil sa tinding
alab ng kanilang pananampalataya, nagtipon ang mga tao
sa simbahan ng Binondo upang magbigay pugay sa isa sa
mga martir, si Padre Marello Mastrilli, isa rin sa mga pinatay
sa Hapon. Ang pagdiriwang ay nagtuloy sa simbahan ng
Santo Domingo kung saan kinanta ng mga tao ang isang
mataimtim na “Te Deum” o pasasalamat sa Diyos dahil sa
tagumpay ng pananampalatayang Kristiyano sa Hapon.

Pagkaraan ng mahigit tatlong daan taon matapos ang


kamatayan ni Lorenzo, ang kanyang buhay at pagkamartir,
kasama ng kanyang mga kasama, ay dumaan sa matinding
pananaliksik ng Vatican. Sa ilalim ng Santo Papang Juan
Pablo II, kanyang binigyang diin ang pangkalahatang
panawagan sa kabanalan, o ”universal call to holiness.” Sa
loob ng kanyang panunungkulan, 1,340 na tao ang naging
beato at 483 naman ang naging santo. Ito ay mahigit pa sa
lahat ng naging beato at santo sa loob ng nakaraang limang
daan taon.

Si Lorenzo ay dinakila bilang beato ni Juan Pablo II noong


ika-18 ng Pebrero 1981 dito sa Luneta Park kasama ng
labing-anim niyang kasama. Ang proseso ng kanyang
beatification ay nagtagal lamang ng limang taon at ito’y isa
na sa pinakamabilis na proseso ng beatification sa
kasalukuyang panahon. Nguni’t mas higit pa dito, si Lorenzo
ang kauna-unahang tao ginawang beato sa labas ng
Vatican sa dalawang-libong taong kasaysayan ng
simbahang katolika. Walang iba bago kay Lorenzo ang
naging beato sa labas ng Vatican at sa kanyang sariling
bansa.

Kasama din ni Lorenzo na ginawang beato ay sampung


Hapon, apat na Kastila, isang Italyano at isang Pranses.
Siyam dito ay mga pareng Dominico, dalawa ay laykong
Dominico, dalawang madreng Dominico at apat na layko,
kasama si Lorenzo. Sa kanyang mensahe, ipinahayag ng
Santo Papa na ang beatification nitong mga martir na ito ay
pangsimbahan at pangkalahatan (ecclesial and universal)
dahil ang mga nagging beato ay nanggaling sa iba’t-ibang
bansa at bokasyon at propesyon.

Pagkatapos ng beatification ni Lorenzo noong 1981, ang


proseso naman ng kanyang canonization ay nagumpisa na.
Ito ang huling hakbang sa kanyang pagiging santo. Tulad ng
mga nauna sa kanya, kinakailangan magkaroon ng matibay
na pruweba na banal at maka-Diyos ang buhay at
kamatayan ni Lorenzo at karapat-dapat upang siya’y
tanghaling santo. Sa pananaliksik ng Simbahan, walang
naging balakid ang buhay at pagiging martir ni Lorenzo,
bagkus ay lubusang napagtibay pa ito sa kanyang pagiging
santo. Nguni’t sa proseso ng canonization, kinakailangan
may isang conpirmadong milagro na bunga ng tulong ni
Lorenzo. At ito na nga ay nangyari noong 1983 o dalawang
taon pagkatapos ng kanyang beatification.
Noong ika-4 ng Marso, 1981, may isang batang babae na
ipinanganak halos kasabay ng beatification ni Lorenzo. Siya
ay si Cecilia Alegria Policarpio na nadiskubre na may rare
brain disease, brain atrophy (hydrocephalus). Itong kanyang
sakit ay nakita kaagad pagkasilang niya at ginamot sa
Magsaysay Medical Center. Makalipas ang dalawang taong
paggagamot na tila wala ng pag-asang gagaling pa, ay
nangyari ang isang milagro sa pagdarasal ng pamilya at ng
mga deboto ni San Lorenzo. Noong Hulyo 1983, napuna ng
punong tagapaggamot na si Dra. Felicidad Soto na
nanumbalik sa normal ang utak ni Cecilia.

Agad nagpadala ng mga doctor ang Vatican, sina Dr.


Franceso De Rosa at Monsignor Joseph Geraud, upang
magsagawa ng kabuuang pagsusuri sa milagrong ito ni
Cecilia. Noong Disyembre 1986, iniharap ng dalawang
dalubhasang manggagamot ang resulta ng kanilang
pagsusuri kay Dr. Cortesini, Pangulo ng Medical
Commission. Kaniya naming tinanggap ang kanilang
pagpapaliwanag. At dito, sa pagpapatibay ng Simbahan na
totoong may milagro, ang layunin sa pagiging santo ni
Lorenzo ay naging isang katotohanan. At gayun na nga,
noong ika-22 ng Hunyo, 1987, sa pulong ng Congregation
for the Causes of Saints, hiningi ng Santo Papa Juan Pablo
II na pagbotohan ang panukalang pagpapatibay sa
milagrong ito kung saan naman ito ay nakapasa. Isa na
lamang ang hakbang na naghihiwalay kay Lorenzo upang
makabilang siya sa mga hanay ng santo ng simbahan. At ito
ay nangyari noong ika-18 ng Oktubre 1987 nang si Lorenzo
Ruiz ay pormal na ginawang santo sa canonization rites na
ginanap sa Roma.

Makalipas ang anim at kalahating taong pagpupursigi


matapos ng kanyang beatification, naganap sa Roma noong
ika-18 ng Oktubre 1987, sa ilalim ng matinding init ng araw,
ang canonization ni Lorenzo kung saan siya’y itinanghal
bilang isa nang ganap na santo ng simbahan. Nitong
especial na araw na ito, sa gitna ng animong isang
karagatan ng mga munting bandila ng Pilipinas na
winawagayway, naririnig sa labas ng Basilika ni San Pedro
and masayang sigaw ng “Viva San Lorenzo” at “Viva Il
Papa” mula sa maraming mga Pilipinong nagbuhat sa iba’t
ibang dako ng mundo nagpunta upang masaksihan ang
pagiging santo ni Lorenzo.

Si Lorenzo ang siyang kauna-unahang santo ng Pilinas at


ayon sa Santo Papa, “the most improbable of saints.”
Dugtong pa ng Santo Papa “Binibigyan tayo ng Panginoon
ng mga santo sa takdang panahon at naghintay Siya ng
350-taon bago ibinigay sa atin itong santong ito…Ang
kanyang katapangan na ipinakita niya bilang isang saksing
layko…ay siyang kailangin natin sa ngayon. Ang pagsasaksi
ni Lorenzo ang siyang simbulo ng katapangan walang
hanggang ang kinakailangan natin para ipakita na maaaring
rin nating magawa. Para kay Lorenzo, walang pinagkaiba
ang kanyang pananampalataya at buhay. Buhay na walang
pananampalataya ay walang halaga…ipinakita niya na ang
pagiging banal at kabayanihan ay kaya ng kahit sino man.”
Noong ika-29 ng Setyembre, 2007, ipinagdiwang ng
simbahang katolika ang ika-20 anibersaryo ng pagiging
santo ni Lorenzo. Sa sermon ni Archbishop Gaudencio
Rosales, kanyang sinabi “Kahit saan nandoon ang mga
Pilipino, ang katapatan sa Diyos ay dala-dala ng Pinoy
(Wherever the Filipino may go, he carries his faith in God).”

Malaking kahalagahan para sa ating lahat dito sa parokya


ang taong 1987 hindi lamang sa canonization ni Lorenzo.
Noong ika-4 ng Setyembre 1987, isang buwan bago si
Lorenzo nahirang na santo, sa isang banal na misang
pinamunuan ng Kabunyihang Jaime Cardinal Sin, ay binasa
ni Msgr. Alfonso Caparas, Vicar Forane, ang pahayag ng
Vatican na nagtatalaga sa bagong ngalan ng ating parokya
na San Lorenzo Ruiz Parish mula sa dating Church of the
Resurrection.

You might also like