You are on page 1of 1

Panginoong Diyos, Ama naming makapangyarihan

Kayo ang may likha ng sanlibutan at kalikasan


Kayo ang simula at wakas ng buhay
Sinasamba at pinupuri po namin ang Iyong banal na pangalan.

Dumadalangin po kami ngayon sa harap ng maraming pagsubok sa aming buhay.


Humihingi po kami ng kapatawaran sa lahat ng aming pagkakamali
Sa maraming pagsuway namin sa iyong utos at aral
Patawad po aming hindi paggalang sa sagrado ng buhay
Sa aming pag-abuso at pagsira ng kalikasan.

Patawad po kung kami ay nakalimot na kilalanin Kayo sa aming


mga kapatid at kapaligiran
Pakumbaba po kaming lumuluhod sa Inyong harapan ngayon sa pangyayari sa malakas na lindol.

Dasal po namin ang kaligtasan ng marami naming mga kapatid


Yakapin po Ninyo ng pagmamahal ang maraming natakot at nasaktan ng dahil sa malakas na
lindol
Bantayan po Ninyo ang aming mga kabataan, matatanda at may sakit ng mapayapang damdamin.

Ingatan po Ninyo ang Inyong bayan, lalung lalu na ang North Cotabato
Dalhin po Nyo kaming lahat sa mapagmahal na puso ni Hesus
At nawa’y tanggapin Ninyo ang mga dasal ng Iyong bayan lumuluhod sa harap ng inyong
kapangyarihan

Ang lahat ng ito ay aming hinihingi sa ngalan ni Hesuskristo aming panginoon at tagapagligtas
ang aming Emmanuel.

You might also like