You are on page 1of 27

Processional

Best man: Mr. Frederick Saguinsin

Parents of the Groom: Mr. Alberto Y. Liu Sr.


Mrs Amelia R. Liu

Groom: Mr. Alberto R. Liu Jr.

Principal Sponsors:

Mr. Jaime F. Del Rosario and Mrs. Gina A. Del Rosario


Engr. Rexfil C. David and Mrs. Gloria M. Abejar
Mr. Ferdinand Y. Aguilar and Mrs. Jennifer V. Aguilar
Mr. Gonzalo F. Dalton III and Mrs. Eulaila Zenaida R. Dalton
Mr. Dominador M. Diego and Mrs. Ofelia C. Diego
Mr. Eusebio C. Haloot Sr. and Mrs. Aurora S. Sazon
Mr. Froilan V. Jorge and Mrs. Elisa Y. Patacsil

Secondary Sponsors:

Candle Sponsors:
Mr. Bernard D. Pineda and Miss Eleanore A. Layug

Veil Sponsors:
Mr. Von Christopher Chadwik Liu and Miss Cyrille Ney D. Nuguid

Cord Sponsor:
Mr. Jio Gustav R. Cosuco and Miss Laura Maye M. Lliu

Bridesmaids and Groomsmen:


Mr. Russel P. De Guia and Miss Lorna Q. Qustodio
Mr. Jan Roland and Miss Charmie Shelley P. De Guia
Ring Bearer: Diond Sebastin S. De Guia

Coin Bearer: Rain Nazarene D. Cabual

Bible Bearer: Dino Clark B. Pineda

Flower Girls:
Francine Nicole S. De Guia
Diona Abigail D. Juanami
Althea Nicole V. Liu
Akchesca Nicole V. Liu
Aliyah Bernice D. Pineda

Parents of the Bride: Mrs. Lolita S. De Guia

Maid of Honor: Miss Evangeline M. Torres

Bride: Carlota S. De Guia


Mga Kabahagi sa Banal na Misa:

Pari: Father Jerry Bongcawil

Unang Pagbasa: Miss Lorna Q. Custodio

Salmo: Choir

Panalangin ng Bayan: Miss Cyrille Ney D. Nuguid

Mga Mag- aalay:

Vigil Candle: Alma Pineda


Flowers: Zenaida Liu
Fruits: Monina Juanani
Canned goods: Eduardo Liu
Reynaldo Liu
Cynthia Nuguid
Marian De Guia
Ostia: Rossell De Guia
Ang Pasimula

Tagahayag: Isang Magandang hapon sa inyong lahat. Tayo


ngayon ay nagkakatipon upang saksihan ang pag
iisang dibdib ng ating minahamal na sina Alberto at
Carlota. Samahan natin sila sa mahalagang araw ng
kanilang pagsasama bilang mag asawa at isama natin
sila sa ating mga panalangin. Ang ating paring
tagapagdiwang ay si Father Jerry Bongcawil.
Magsitayo po ang lahat at makiisa sa pambungad na
awitin.

( Awitin and Pambungad na Awit)

Pari: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak ang Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang


pag-ibig ng Diyos Ama at ang pakikipag kaisa ng
Espirito Santo nawa’y sumainyong lahat.

Bayan: At sumainyo rin.

Pari: Mga minamahal kong kapatid, tayo ay natitipon


upang ipagdiwang ang Banal na Eukaristiyia at
masaksihan ang Sakramento ng Pag iisang dibdib nila
Alberto at Carlota. Bilang isang Sambayanang
Kristiyano, ipinapaalala natin sa sa kanilang dalawa
ang tawag sa kabanalan at katapatan bilang mag
asawa. Magalak tayo na kasama nila at hingin sa
Diyos ang kanyang pagpapala sa kanila at sa mga
magiging anak nila
.
Pagsisisi sa Kasalanan

Pari: Mga kapatid, aminin natin an gating mga kasalanan


upang tayo’y maging marapat gumanap sa banal na
pagdiriwang. (saglit na katahimikan)

Bayan: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo mga


kapatid, na lubha akong nagkasala, sa isip sa salita at sa
gawa at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa
Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga
banal at sa inyo mga kapatid na ako’y ipanalangin sa
Panginoong ating Diyos.

Pari: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos patawarin


tayo sa ating mga kasalanan at patnubayan tayo sa
buhay na walang hanggan.

Bayan: Amen
Panginoon Maawa ka

Pari: Papuri sa Diyos sa Kaitaasan

Ang Papuri

Pari: Manalangin tayo. ( Saglit na katahimikan)


Ama naming makapangyarihan, iyong itinalaga na ang
pag iisang dibdib ay maging sagisag ng pag ibig ni Kristo
sa kanyang banal na Sambayanan. Sa pinagdurugtong
na buhay nina Alberto at Carlota na ngayo’y umaako sa
banal na tipan ng kasal nawa’y mangibabaw ang
ipinahahayag nilang pagmamahalan sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan: Amen

Tagapahayag:Magsiupo ang lahat at taimtim na pakinggan ang


pagpapahayag ng Salita ng Diyos.

Pagpapahayag ng Salita ng Diyos

Unang Pagbasa
( Sirac 26:1-14,13-16)

Lorna: Pagbasa mula sa aklat ni Sirac.

Maligaya ang asawa ng butihing may bahay, mag iibayo


ang bilang ng kanyang mga araw. Kasiyahan ng lalaki
ang matapat na asawa, kaya’t siya’y mapayapang
mabubuhay hanggang wakas. Ang isang mabuting
maybahay ang pinakamahalagang kaloob, na itinilaga ng
Panginoon sa may takot sa kanya. Sa kasaganaan o sa
kasalatan, may galak sa kanyang puso, at anuman ang
mangyari ay may ngiti sa mga labi.

Kaaliwan ng lalaki ang mabait na maybahay; sa


kakayahan ng babae sisigla ang kanyang buhay. Ang
tahimik na maybahay ay kaloob ng Panginoon;
mahinahon niyang asal ay hindi mababayaran ng salapi.
Ang mahinhing maybahay, kagandaha’y lalong
tumitingkad, kalinisan ng kalooban ay mas mainam
kaysa mamahaling hiyas. Ang mabait na maybahay ay
liwanag ng tahanan, parang araw na sumisikat doon sa
kalangitan.

Ang Salita ng Diyos

Bayan: Salamat sa Diyos

Salmong Tugunan
(Aawitin ng Choir)

Koro: Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;

Tayo'y magsaya at magalak!

(ulitin koro muli)

Magpasalamat kayo sa Panginoon,


Butihin S'ya, Kanyang gawa'y walang hanggan.
Sabihin ng sambayanan ng Isarael,
"Walang hanggan, Kanyang awa!" (Koro)

Kanang kamay ng Diyos sa 'ki'y humango.


Ang bisig N'ya sa 'kin ang tagapagtanggol.
Ako'y hindi mapapahamak kailanman.
Ipahahayag ko l'walhati N'ya (Koro)

Koro: Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;

Tayo'y magsaya at magalak!

Koda: Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;

Tayo'y magsaya at magalak!


Pagbubunyi sa Ebanghelyo

Tagahayag: Magsitayo ang lahat para sa pagpapahayag ng


Ebanghelyo

Bayan: Aleluya aleluya

Ebanghelyo:
(Juan 15:9-12)

Pari: Sumainyo ang Panginoon

Bayan: At sumainyo rin

Pari: Ang Mabuting Balita ayon kay San Juan.

Lahat: Papuri sa iyo, Panginoon.

Pari: Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayundin naman,


iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pagibig. Kung
tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa
aking pag-ibig; tulad ko, tinutupad ko ang mga utos ng
aking Ama at ako’y nanantili sa kanyang pag-ibig.

Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang


mapasainyo ang kagalakan ko at nang sa gayon,
malubos ang inyong kagalakan. Ito ang aking utos:
magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan Pinupuri ka naming, Panginoong Hesukristo.


Ang Homiliya

Ang Rito ng Kasal

Tagahayag: Manatiling nakaupo ang lahat para sa rito ng kasal.


Tinatawagan ang mga magsisindi ng kandila upang
tanglawan and mga ikakasal. Mangyaring tumayo ang
ikakasal at inaanyayahan ang mga magulang at mga
ninong na tumayo at lumapit upang saksihan ang
palitan ng pangako ng kasal.

Paghihimok sa mga ikakasal at paghingi ng panalangin

Pari: Minamahal kong Alberto at Carlota naririto kayo ngayon


upang patibayin ang inyong pagmamahalan sa harap ng
Sambayanang Kristiyano na natitipon ngayon. Umasa
kayo na kami ay inyong kapiling na maglalalkbay sa
buhay na haharapin ninyo bilang mag asawa sa
pamamagitan ng paghingi sa Diyos ng panalangin ng
kanyang biyaya at pagpapala. At kayo naman mga
kapatid na natitipon ngayon, hinihiling ko sa inyo na
tulungan ninyo sila sa pamamagitan ng panalangin at
tangapin sa ating Sambayanang Kristiyano bilang mag
asawa.

Pagsusuri

Pari: Hinihiling ko ngayon na buong katapatan ninyong


ipahayag ang inyong damdamin sa isa’t isa.
Pari: Carlota, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito
upang makaisang dibdib si Albetto na iyong
pakamamahalin at paglilingkuran habangbuhay?

Babae: Opo,Padre.

Pari: Alberto, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito


upang makaisang dibdib si Carlota na iyong
pakamamahalin at paglilingkuran habang buhay?

Lalaki: Opo, Padre.

Pari: Alberto at Carlota, nakahanda ba kayong gumanap sa


inyong pananagutan sa Simbahang at sa lahat nga
umaasang inyong aarugain ang mga supling na
ipagkakaloob sa inyo ng Poong Maykapal upang sila ay
inyong palakihin bilang mabubuting mamamayanang
kristiyano?

Babae at Lalaki: Opo, padre.

Pagtitipan

Pari: Minamahal kong Alberto at Carlota, gayong kayo ay


nagnanais na mag –isang dibdib, sa harap ng Diyos at ng
kanyang Sambayanan, pagdaupin ninyo ang inyong mga
palad at ipahayag ang inyong mithiing magtipan sa
Banal na Sakramento ng Kasal.

Magdaop palad ang magkasintahan


Pari: Carlota, sumasang ayon ka ba na maging asawa si
Alberto na naririto ngayon, alinsunod sa batas at
alituntuntin ng ating Banal na Simbahan?

Babae: Opo, Padre.

Pari: Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya ng iyong


sariil bilang kanyang maybahay?

Babae: Opo, Padre.

Pari: Nakalaan ka bang balikatin sa piling niya ang


pananagutan ng buhay mag –asawa?

Babae: Opo, Padre

Pari: Alberto, sumasang ayon ka ba na maging asawa si


Carlota na narito ngayon alinsunod sa batas at mga
alituntunin ng ating Banal na Simbahan?

Lalaki: Opo, Padre.

Pari: Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya ng iyong


sarili bilang kanyang asawa?

Lalaki: Opo, Padre.

Pari: Nakalaan ka bang balikatin sa piling niya ang


pananagutan ng buhay mag –asawa?

Lalaki: Opo, Padre.


Pari: Ngayon, ay hinihiling ko na sabay ninyong dasalin ang
panalanging ito:

Babae at lalaki: O Panginoon, kami po ay inyong loobing magka-isa


ng kalooba’t damdamin, mula ngayon, sa kaginhawaan
at kahirapan, sa karamdaman at kalusugan sa ngalan ng
Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Pagpapatibay ng Tipan ng Kasal

Pari: Sa kapangyarihan ng Simbahan at sa harap ng


sambayanang naririto nayon, pinagtitibay ko at
binabasbasan ang inyong pagtataling puso na inyong
pinagtipan sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu
Santo.

Pagbabasbas ng mga Singsing at Aras

Tagahayag: Maari ng lumapit ang may dala ng aras at singsing


upang ang mga ito ay basbasan ng pari.

Pari: Alberto at Carlota, ngayon ay hihilingin natin sa Diyos


ang kanyang pagbabasbas ng inyong mga aras at
singsing.

Manalangin tayo. Basbasan mo , O Panginoon, itong


mga singsing, at marapatin mo sila Alberto at Carlota,
na magsuot nito na maging kawangis mo sa iyong wagas
na pag –ibig at walang maliw na katapatan. Iniluluhog
naming ito sa pamamagitan ng pag ibig at walang maliw
na katapatan. Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni
Jesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggang.
Lahat: Amen.

(Basbasan ng pari ang mga singsing at aras ng agua


bendita.)

Pari: Ibigay ninyo sa isa’t isa ang mga singsing na ito bilang
tanda ng inyong wagas na pag-ibig at katapatan(ibibigay
ng pari ang singsing)

Lalaki: Carlota, kailanman ay di kita pagtataksilan. Isuot mo at


pakaingatan ang singisng na ito na siyang tanda ng aking
pag ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at
ng Espiritu Santo. Amen.

Babae: Alberto, kailanman ay di kita pagtataksilan. Isuot mo at


pakaingatan ang singisng na ito na syang tanda ng aking
pag ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at
ng Espirutu Santo.Amen.

Pari: Hawakan ninyo ang aras sa inyong mga kamay bilang


tanda na ang inyong mga biyaya ay hindi na
magkahiwalay, bagkus ay magkasama na. Alalahanin
ninyo na ang mga biyayang ipinagkaloob sa inyo ay
hindi tunay na inyo kundi sa Diyos. Bilang tagapagdala
ng mga biyaya ng Panginoon, gamitin ninyo ito ng
mabuti.

Kukunin ng lalaki ang aras at dalawang kamay na


ibibigay ito sa babae, samantalang dalawang kamay rin
itong aabutin ng babae.
Lalaki: Carlota, kailanma’y di kita pababayaan. Ilalagak ko sa
iyo itong mga aras na tanda ng aking pagpapahalaga sa
kapakanan mo at ng ating magiging mga anak: Sa
ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Babae: Tinatanggap ko ang mga ito at nangangako akong


magiging iyong katuwang sa wastong paggamit at
pangangasiwa ng ating kabuhayan.

(Ilalagay ng babae ang mga aras sa lalagyang nakalaan


para dito.)

Tagahayag: Magsitayo ang lahat sa pagpapahayag ng


pananamapalataya. Maari nang bumalik sa kanilang
upuan ang mga ninong at ninang.

Pagpapahayag ng Pananampalataya

Pari at Bayan: Sumasampalataya ako sa Diyos Amang


makapangyarian sa lahat na may gawa ng langitn at
lupa. Sumasampalataya naman ako kay Jesukristo,
iisang anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Maring Birhern. Pinagpakasakit ni
Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga mga yumao. Nang
may ikatlong araw nabuhay na mag uli. Umakyat sa
langit, naluklok sa kanan ng Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat. Doon nagmumula ang
paririto at huhkom sa nangabuhay at nangamatay na
tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu
Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan
ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa
pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay
na walang hanggang. Amen.

Panalagin ng Bayan:

Pari: Mga minamahal kong kapatid, tayo’y manalangin para


sa Simbahan at sa mga baong kasal na sa pamamagitan
ng kanlang pag –iisang dibdib ay lumarawan ang
pakikipag –isa ni Krsto at ng simbahan. Sa bawat
panalangin ay ating itutugon:
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Cyrille: Ipanalagin natin ang Simabahan upang katulad na tapat


na esposa ni Kristo ay manatili itong tagapagpahayag ng
Mabuting Balita para sa kaligtasan at pag-ibig ni Kristo
para sa ating. Manalangin tayo sa Panginoon.

Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Cyrille: Ipanalangin natin ang mga naglilingkod sa pamahalaan,


nawa’y maging daan sila ng Diyos upang
mapangalagaan ang mga pamilya at ang buhay sa lahat
ng paraan. Manalangin tayo sa Panginoon.

Bayan: Panginon, dinggin mo ang aming panalangin.

Cyrille: Ipanalangin nating ang lahat ng pangangailangan ng


ating mga kapatid, higit sa lahat iyong mga maysakit,
mga may kapansanan, mga nasa kulungan at mga
pinabaayaan ng kanilang magulang at kamag anak.
Nawa’y maliwanagan sila upang mabuksan ang ating
puso sa pagtugon sa kanilang pangangailangan.
Manalangin tayo sa Panginoon.

Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Cyrille: Ipanalangin natin sina Alberto at Carlota na ngayon ay


ipinag isa sa pag ibig ng Diyos. Nawa’y maging
masigasig sa pag aaruga at tapat na mangalaga ng
kanilang magiging mga anak. Manalangin tayo sa
Panginoon.

Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Cyrille: Ipanalangin natin ang mga kabataan na tutugon sa


tawag ng pag aasawa. Nawa’y makita nila ang
kagandahan ng buhay may asawa sa pamamagitan ng
halimbawa at karanasan ng iba na buong pusong
namumuhay bilang may –asawa. Manalangin tayo sa
Panginoon.

Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Pari: Ama naming Diyos, kalugdan mo ang inyong mga


lingkod at gawaran mo sila ng biyaya na manatiling
tapat sa iyo at sa isa’t isa. Sa paglipas nila sa buhay na
ito, nawa’y magkamit sila ng gantimpalang walang
hanggang kaligayahan sa iyong kaharian, kasama ng
kanilang mga anak at lahat na sa kanla ay nagmamahal.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming
Panginoon.
Bayan: Amen.

Tagahayag: Magsiupo ang lahat parasa sa pagsisimula ng Liturhiya


ng Eukaristiya.

Liturhiya ng Eukaristiya

Tagahayag: Ngayon ay sisindihan na ng mga nakatalagang abay ang


mga kandila at isusunod ang belo at kurdon na ilalagay
sa mga ikakasal bilang mga sagisag ng pagsukob at
pagbibigkis ng mag asawa sa buhay ng pag –iibigan.
Luluhod ang mga bagong kasal.

Paghahanda ng mga Alay

Paghahandog

Pari: Manalangin tayo mga kapatid, upang ang paghahain


natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong


mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ting
kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.

Panalagin sa mga Handog

Pari: Panginoon, tanggapin mo itong mga handog sayo


ngayon pinagpalang araw na ito. Sa iyong maka –
amang pagmamahal ay masdan mo at kupkupin sina
Alberto at Carlota na iyong pinagkisa sa kasal. Hinihiling
naming ito sa pamamagitan ni Kristong aming
Panginoon.

Bayan: Amen

Prepasyo

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Bayan: At sumainyo rin

Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

Bayan: Itinaas na namin Panginoon.

Pari: Pasalamatan nating ang Panginoong ating Diyos.

Bayan: Marapat na Siya ay pasalamatan.

Pari: Ama naming makapangyarihan , tunay ngang marapat


na ikaw ay aming pasalamatan. Pinag iisang dibdib mo
sa banal na tipan ang iyong pinagsamang di na
maghihiwalay upang sa pagdami ng mga anak ng iyong
Sambayanan ay maidangal ang pagtatalik ng mga
ikinasal. Ikaw ang Lumikha ng sansinukob at ikaw rin
ang Tagapangasiwa ng iyong buhay na kaloob upang sa
pagdami ng tao ay iyong ikalugod na dumami rin ang
mga kabilang sa iyong Sambayanang kinukupkop sa
pamamagitan ni Kristo na sa tana’y tumututubos.
Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa Iyo
nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi
sa iyong kadakilaan.

Bayan: Santo, Santo, Santo! Napupuno ang langit at lupa ng


kadakilaan mo.

Tagahayag: Magsiluhod ang lahat.

Konsakrasyon

Pari: Ama naming banal, Ikaw ang bukal ng tanang


kabanalan. Kaya’t sa pamamagitan ng Iyong Espiritu
gawin Mong banal ang mga kaloob na ito upang para sa
ami’y maging katawan at dugo ng aming Panginoong
Hesukristo.

Bago Niyang pinagtiisang kusang-loob na maging


handog, hinawakan Niyan ang Kanyang mga alagad at
sinabi: TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:
ITO ANG AKING KATAWAN NA IHAHANDOG PARA SA
INYO.

Gayundin naman, noong matapos ang hapunan,


hinawakan Niya ang kalis, muli ka niyang
pinasalamatan, iniabot Niya ang kalis sa Kanyang mga
alagad at sinabi: TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT
INUMIN: ITO ANG KALIS NG AKING DUGO NG BAGO AT
WALANG HANGGANG TIPAN, ANG AKING DUGO NA
IBUBUHOS SA INYO AT PARA SA LAHAT NG
IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN. GAWIN
NINYO ITO SA PAG-ALAALA SA AKIN.
Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Bayan; (Awitin) Si Kristo’y namatay, si Kristo’y nabuhay , si


Kristo’y babalik sa wakas ng panahon

Pari: Ama, ginagawa naming ngayon ang pag-alaala sa


pagkamatay at muling pagkabuhay ng Iyong Anak,
kaya’t iniaalay naming sa Iyo ang tinapay na nagbibigay
–buhay at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kam’y iyong minarapat na tumayo sa harap Mo para
magsalu-salo sa katawan at dugo ni Kristo ay mabuklod
sa pagkakaisa sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Ama, lingapin Mo ang Iyong Simbahang laganap sa


buong daigdig. Puspusin Mo Kami sa pag-ibig kaisa ni
Juan Benito XVI na aming Santo Papa at ni Ruperto
Santos na aming Obispo, at ng tanang kaparian.

Alalahanin Mo rin ang mga kapatid naming nahimlay


nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay gayun din
ang lahat ng mga pumanaw.

Kaawaan Mo sila at patuluyin sa Iyong kaliwanagan.


Kaawaan Mo at pagindapatin kaming lahat na makasalo
sa Iyong buhay na walang wakas. Kaisa ng Mahal na
Birheng Maria na Ina ng Diyos, San Jose na kanyang
Esposo, kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga
namuhay sa daigdig nang kalugud lugod sa Iyo,
maipagdiwang nawa naming ang pagpupuri sa
ikararangal Mo sa pamamagitan ng Iyong Anak na
aming Panginoong Hesukristo.
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Niya at sa Kanya ang
lahat ng parangal at papuri ay sa Iyo, Diyos Amang
makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo,
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen..

Ang Rito ng Pakikinabang

Pari: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni


Jesus na Panginoon natin at Diyos, ipahayag natin nang
lakas loob.

Bayan: Awitin ang Ama Namin

Ang Paggawad ng Pagpapala sa Bagong Kasal

Pari: Mga minamahal kong kapatid, hilingin natin sa Diyos


ang ptuloy na pagpapala kina Alberto at Carlota.

( Itataas ng pari ang kanyang mga kamay para


basbasan ang mga ikinasal)

Ama naming banal, Ikaw ang lumikha sa sanlibutan at sa


sangkatauhan ng Iyong ginawang maging lalaki’t
babaeng Iyong kalawaran at niloob Mong mapuspos ng
Iyong pagpapala sa pagpapakasal. Idinadalangin namin
ang babaeng ito na si Carlota na ngayon ay naging
kabiyak sa puso ni Alberto upang sa magkatuwang
nilang pamumuhay ang Iyong pinadadaloy na
pagpapala ay mag umapaw at sa pagkakaroon nila ng
mga anak ay magkamit ang sambayanan ng mga kaanib
bilang dakilang kayamanan.

Magalak nawa sila sa pagpaparangal sa Iyong ngalan.


Makadulog nawa sila sa Iyo kapag nasa pagsubok at
kahirapan. Magkamit nawa sila ng Iyong pagtuwang sa
kanilang ginagampanan. Makadama nawa sila sa Iyo
kaisa ng sambayanang nagdiriwang. Makapagindapat
nawa sila bilang mga saksing Iyong maasahan.
Makasapit nawa sila sa pagtanda nang may kasiyahan sa
piling ng mga kaibigang putong nila at karangalan sa
pagsapit nila sa Iyong kaharian sa kalangitan sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggang.

Lahat: Amen.

Ang Pagbibigayan ng Tanda ng Kapayapaan

Pari: Panginoong Hesuskristo, sinabi Mo sa Iyong mga apostol:


“ Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking
kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. “ Tunghayan mo
ang aming pananampalataya at huwag ang aming
pagkakasala. Pagkalooban mo kami kapayapaan at
pagkakaisa ayon sa iyong kalooban kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggagn.

Lahat: Amen.

Pari: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Lahat: At sumainyo rin


Pari: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

Paghahati ng Tinapay Pakikinabang

Lahat: (Aawitin ang Kordero)

Tagahayag: Magsiluhod po ang lahat.

Pari: Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga


kasalanan ng sanlibutan. Mapapalad ang mga
inanyayahan sa Kanyang piging.

Lahat: Panginoon, hindi ako karapat dapat na magpatuloy sa Iyo,


ngunit sa isang salita Mo lamang ay gagaling na ako.

Tagahayag: Magsiupo ang lahat. Samantala, ang mga nakahandang


makinabang ay maari nang lumapit sa altar.

Pananatili:

Tagahayag:Inaanyayahan ang mga abay na maari nang alisin ang


kordon at belo sa mga bagong kasal.

Panalangin Pagkatapos ng Pakikinabang

T agahayag: Magsitayo ang lahat para sa pangwakas na panalangin.

Pari: Manalangin tayo. Ama naming mapagmahal, patibayin


nawa ng paghahain na aming ginaganap at
pinagsasaluhan ang pag iisang dibdib nila Alberto at
Carlota. Ang bigkis ng pag-ibig na iyong ibinigay ay
patuloy nawang humigpit at tumibay. Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Hesuskristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggagn.

Bayan: Amen.

Ang Pagwawakas

Pagtatagubilin

Pari: Alberto at Carlota, ngayon ay tinanggap ninyo ang Banal


na Sakramento ng Kasal, ang habilin ko sa inyo, mga
bagong kasal ay mamuhay kayong lagi sa pag ibig at
katapatagan sa isa’t isa.

Carlota, pag-ibig mo’y patunayan sa pagiging mabuting


maybahay na may pananampalataya, kabanalan, at pag-
ibig sa Maykapal.

Alberto, maybahay mo’y ibigin gaya ng malasakit ni Kristo


sa Simbahan bilang tagasunod ng Diyos Ama sa
kalangitan.

Ang Marinal na Pagbabasbas

Pari: Sumainyo ang panginoon.

Bayan: At sumainyo rin.

Pari: Ang Diyos Amang nabubuhay kailanman ay magpanatili


nawa sa inyo sa inyong pagmamahalan upang ang
kapayapaan ni Kristo’y Manahan sa inyo at sa inyong
tahanan ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Pari: Ang magandang kapalaran, mga anak na marangal, at


tunay na kaibigan ay inyo nawang makamtan ngayon at
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen

Pari: Kayo nawa’y maging katibayang Diyos ay pag-ibig sa


sanlibutan upang sa pagkamatulungin ninyo sa tanan
kayo’y papasukin ng Diyos sa kanyang kaharian
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Pari: At kayong lahat na nagtipon tipon dito ay pagpalain nawa


ng makapangyarihang Diyos Ama, Anak, at Espirito Santo.

Lahat: Amen.

Paghahayo

Pari: Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang


Panginoon ay mahalin at paglingkuran.

Lahat: Salamat sa Diyos.

Pari: Mga kapatid at kaibigan, malugod kong itinatampok ang


mga bagong kasal na sina Ginoo at Ginang Alberto Liu.
Alberto, maari mo nang igawad ang halik bilang mag
asawa.

Tagahayag: Mabuhay ang bagong kasal

Paglalagda sa Kasulatan sa Kasal

Pagkuha ng Litrato

1. Ang bagong kasal kasama ang Pari


2. Ang bagong kasal
3. Ang bagong kasal kasama ang kanilang mga magulang
4. Ang bagong kasal kasma ang mga ninong at ninang
5. Ang bagong kasal kasama ang kanilang mga abay
6. Ang bagong kasal kasama ang kamag anak ng mga lalaki
7. Ang bagong kasal kasma ang kamag anak ng mga babae
8. Ang bagong kasal kasama ang kanilang mga kaibigan

You might also like