You are on page 1of 1

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na

ikatlong bahagi ng mundo. May sukat itong 49,694,700 milya kuwadrado (mi2). Ito ay
nahihiwalay sa Europa sa pamamagitan ng isang makinaryang libu-libong linya ang
dumadaan buhat sa Bundok Ural patungong Dagat Caspian, Bulubundukin ng Caucasus at
sa Dagat Itim (Black Sea). Ang hangganang naghahati sa Africa at Asya ay ang Suez
Canal at ang hangganan sa pagitan ng Hilagang Amerika At Asya ay ang Bering Strait. Sa
hilaga ng Asya ay ang Karagatang Artiko at sa timog nito, ang Karagatang Indian.
Ang Karagatang Pasipiko ang nasa silangan ng Asya at sa kanluran nito matatagpuan ang
Bundok Ural, Dagat Caspian, Dagat Itim at Dagat Egeo.
Ang kontinenteng ito ay ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang isa
sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at
paniniwala ng mga tao sa daigdig nating ito.Ilan sa mga kilalang kabihasnan na
nagmula dito sa Asya ay ang kabihasnang Tsina, India, Mesopotamia, Persia at
kabihasnang Armaiko na may dalawang sangay-ang Israel at arabo. Sa Asya rin
matatagpuan ang Karagatang Indian, Dagat Timog Tsina (ang pinakamalaking dagat sa
mundo), Karagatang Pasipiko at Karagatang Artiko. Ang Europa ang kadikit nitong
continente na pinaghiwalay lang ng mga hangganan ng kabundukan ng URAL, Dagat ng
caspian,Itim na dagat at ng kabundukan ng Cawkasus. Ang Suez Canal naman ang
siyang hangganan nito bago dumating sa bansang Ehipto ng kontinenteng Aprika. Sa
dami ng mga pangkat ng lahi ng mga tao, ang Asya pa rin ang nangunguna at patuloy
na yumayabong sa paglabas nito patungo sa iba pang mga bansa at pagdagsa din dito
ng mga ibang lahi ng tao mula sa kontinente ng Europa, Amerika at Afrika.

You might also like