You are on page 1of 30

TEMA NG

HEOGRAPIYA –
LOKASYON
Sanayin ang iyong kaalaman
1. Paano nagkakaiba ang tema ng Lugar sa tema ng
Lokasyon kung pag- uusapan ang limang tema ng
heograpiya?
A. Ang lugar ay eksaktong lokasyon samantalang ang lokasyon ay
hindi eksaktong lugar.
B. Sa lugar pinag-uuspan ang kumpletong address nito samantalang
ang lokasyon ay ang digri nito.
C. Ang lugar ay mahirap mahanap dahil walang eksaktong digri
samantalang ang lokasyon ay sadyang mabilis dahil sa digri nito.
D. Sa lugar pinag-uusapan ang pisikal na katangian ng isang lugar
samantalang ang lokasyon ay tumutukoy sa sa pisikal na lokasyon
nito.
2. Bakit mahalagang maunawaan ang mga saklaw sa
pag-aaral ng katangiang pisikal ng isang lugar?
A. Upang maunawaan ang mga bagay na nakapaligid sa
atin
B. Upang malaman kung bakit nagkakaiba ang pag-
uugali ng bawat tao sa bawat lugar.
C. Upang malaman at makilala ang isang lugar sa
pamamagitan ng mga pisikal na kaanyuan nito.
D. Lahat ng sagot ay tama
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa
pamamaraan sa pagtukoy ng lugar?
A. Wika
B. Densidad
C. Relihiyon
D. Digri Latitud
4. Ang bayan ng Paracale sa Camarines Norte
ay kilala sa buong mundo dahil sa mina o
deposito ng ginto. Alin sa mga saklaw ang
tinutukoy ng halimbawa?
A. Klima
B. Likas Yaman
C. Anyong Lupa
D. Anyong Tubig
5. Anong tema ng heograpiya ang
tumatalakay sa klima, anyong lupa, tubig
at likas yaman?
A. Lugar

B. Lokasyon

C. Relihiyon

D. Paggalaw ng tao
6. Ano ang tawag sa siyentipikong pag-
aaral ng katangiang pisikal ng daigdig?
A. Ekonomiks

B. Heograpiya

C. Kasaysayan

D. Antropolohiya
7. Anong tema ng Heograpiya ang
tumutukoy sa mga katangiang natatangi
o unique sa isang puok?
A. Lugar

B. Rehiyon

C. Paggalaw

D. Lokasyon
8. Anong Tema Heograpiya ang
tumutukoy sa kinaroroonan ng mga
lugar sa daigdig?
A. Lugar

B. Rehiyon

C. Paggalaw

D. Lokasyon
9. Anong tema ng heograpiya ang tumutukoy sa
bahagi ng daigdig na pinagbuklod ng
magkakatulad na katangian batay sa pisikal,
kultural, at politikal na katangian?
A. Lugar

B. Rehiyon

C. Paggalawa

D. Lokasyon
10. Anong tema ng heograpiya kabilang ang
paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo
sa ibang lugar; kabilang din dito ang paglipat ng
mga bagay at likas na pangyayari,tulad ng hangin
at ulan.
A. Lugar
B. Rehiyon
C. Paggalaw
D. Lokasyon
MGA IMAHINARYONG GUHIT SA MAPA O GLOBO

 Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang


lugar sa globo o mapa, mahalagang
mabatid ang ilang termino at
konseptong may malaking
kaugnayan dito.
Meridian
 Ito ang mga guhit patimog at pahilaga at nagsisimula
sa isang polo patungo sa isang polo. Dito rin kinuha
ang salitang ante meridian na pinaikli sa A.M. na ang
ibig sabihin ay "bago sumapit ang tanghali." Ang
post meridian naman o P.M. ay nangangahulugang
"pagkalipas ng tanghali."
Parallel
 -Ito ang guhit na kaagapay o parallel sa
kapwa nito guhit at walang paraan para
sila magsalubong. May apat na
mahalagang parallel ang naiguhit sa
umiinog na daigdig sa pamamagitan ng
sinag ng araw. Ito ang Arctic Circle,
Tropic of Cancer, Tropic o Capricorn, at
ang Antarctic Circle.
Latitud
 Ito ang tawag sa pagitan ng dalawang
guhit ng parallel. Bawat pagitan ay
may sukat na 10° o 15°. Ito rin ang
pagitan ng layo ng isang punto sa
hilaga o timog ng ekwador.
Longhitud
 - Ito ang tawag sa sukat o pagitan ng
isang guhit sa silangang Prime Meridian
at sinusukat ng digri. Sa pagbibigay ng
lokasyon ng isang pook sa daigdig,
nakasanayan nang sabihin muna ang
latitude, susundan ng longhitud at
daragdagan ng direksyon (kung timog,
hilaga, silangan, o kanluran).
TEMA NG HEOGRAPIYA – LOKASYON

 Ang lokasyon ay tumutukoy sa


kinaroonan ng mga lugar sa dagigdig.
Ang temang ito ng heograpiya ang
tumutugon sa mga tanong na: Ano ang
mga latitude at longitude coordinates
ng iyong lugar? Ano ang mga karatig
na lugar malapit sa iyong
kinaroroonan?
May dalawang pamamaraan sa pagtukoy nito:

 1. Lokasyong Absolute na gamit ang mga


imahinasyong guhit tulad ng latitude line at longitude
line na bumubuo sa grid. Ang pagkukrus ng dalawang
guhit na ito ang tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan
ng isang lugar sa daigdig
 Ang tiyak na lokasyon ng isang bansa ay karaniwang
itinatakda sa pagtiyak ng eksaktong lokasyon ng
kabisera nito sa pamamagitan ng longitude at latitude
(Hal. Ang Manila, Pilipinas ay nasa pagitan ng
latitude 15º Hilaga at longitude 121º Silangan).
 Samatala, ang lawak na nasasaklaw ng isang bansa
sa pamamagitan ng mga distansyang longitude at
latitude ay tinatawag na lawak na heograpikal o
(geographical extent). Halimbawa, ang Pilipinas ay
matatagpuan sa pagitan ng mga latitude 4 º 23 at 21
º 25 Hilaga sa pagitan ng longhitude 116 º 00 at
127 º 00 Silangan.
 2. Relatibong Lokasyon na ang batayan ay mga lugar
at bagay na nasa paligid nito. Halimbawa ang mga
anyong lupa at tubig, at mga estrukturang gawa ng
tao.
 Tinatawag na relatibong lokasyong bisinal ang mga
lugar na lubusang napaliligiran ng mga lupain.
Samantalang, tinatawag na relatibong lokasyong
insular ang mga lugar na lubusang napaliligiran ng
katubigan. Para sa mga lugar na parehong may
hangganang lupain at dagat.
 Ang lokasyong relatibo ay ibinibigay sa pamamagitan
ng mga lupain at anyong-tubig na pumapalibot sa
lugar na iyon. Halimabawa, ang lokasyong bisinal sa
Pilipinas ay maaari natin sabihing, sa hilaga ng bansa
ay matatagpuan ang Bashi Channel at Taiwan; sa
kanluran ay ang Dagat Timog Tsina at mga bansang
Laos, Cambodia at Vietnam; sa timog kanluran ay ang
Borneo; sa timog ay ang Dagat Celebes at pulo ng
Sulawesi; at sa silangan ay ang malawak na
Karagatang Pasipiko.
Pamprosesong mga Tanong:

1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kasanayan sa


mga imahinaryong guhit?
2. Paano nakatutulong ang mga imahinaryong guhit sa
pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar?
3. Paano tinutukoy ang lokasyon ng isang lugar gamit
ang imahinasyong guhit?
4. Paano tinutukoy ang lokasyon gamit ang relatibong
lokasyon?
5. Bakit mahalaga ang pagtukoy ng lokasyon ng isang
lugar?

You might also like