You are on page 1of 2

SOUTHERNSIDE MONTESSORI SCHOOL

Camella Homes IV, Poblacion, Muntinlupa City

Unang Markahan
Araling Panlipunan- Baitang 8
S.Y. 2019-2020

Aralin # 1 Ang Heograpiya ng Daigdig

Heograpiya- pag-aaral ng ibabaw ng mundo at ang mga proseso na humuhubog dito


- Ito pag-aaral sa pisikal na katangian ng mundo at ang interaksyon ng
tao sa kanyang kapaligiran

Sangay ng Heograpiya
1. Heograpiyang Pisikal
2. Heograpiyang Pantao/Heograpiyang Kultural

Limang Tema ng Heograpiya


1. Lugar
2. Relihiyon
3. Lokasyon
4. Pagkilos
5. Interaksyon ng Tao at Kanyang Kapaligiran

Katangiang Pisikal ng Daigdig


- binubuo ng kalupaan, klima, katubigan, wild life, lupa at mineral kung
saan ang bawat isa ay nakakaimpluwensiya sa bawat isa.
Kontinente- malaking bahagi ng lupa sa Mundo

Ang Pitong kontinente sa Daigdig


1. Asya
2. Timog Amerika
3. Aprika
4. Antarktika
5. Hilagang Amerika
6. Europa
7. Australia at Ocenia

Ang mga Siyentipiko at ang Kanilang Teorya sa Pinagmulan ng Pisikal na Heograpiya


ng Daigdig

Alexander Alfred Wegener- Isang geologist na Aleman


Continental Drift Theory- ayon sa teoryang ito, ang kontinente natin ay matagal ng
nakausad nang malayo sa ibabaw ng mundo at patuloy paring umuusad.

Alexander Von Humboldt- Isang Prussia geographer, naturalist at explorer


Plate Tectonics Theory- ayon sa teoryang ito ang mga kontinente ay nakatuntong
sa plates o malaking tipak ng lupa na may kapal 30 hanggang 60 milya na
nakalutang sa magma.

Anyong Lupa

1. Pulo o Isla- mga lupa na mas maliit kaysa kontinente na napapaligiran ng tubig.
2. Peninsula- malaking bahagi ng lupa na napapaligran ng tubig tinatawag ding
tangway
dahil sa isang bahagi nito na nakarugtong sa isang kontinente o sa isang
malaking masa ng lupain.
3. Isthmus- maliit na bahagi ng lupa na nagdurugtong sa malaking masa ng lupa
4. Bundok- pinakamataas na anyong lupa.
5. Burol- maliit kumpara sa bundok, umbok ng lupa nakaraniwang matatagpuan sa
mababang bahagi ng kabundukan.
6. Kapatagan- malawak na anyong lupa na ginagamit bilang taniman at tirahan ng
mga
tao.
7. Lambak- patag na lupain sa pagitan ng dalawa o higit pang bundok.
8. Talampas- mataas na lupa na patag ang ibabaw.
9. Disyerto- malawak tuyo at mabuhanging lupa.

Anyong Tubig

1. Lawa- malawak na anyong tubig na nakukulong ng lupa


Dalawang uri ng Lawa
1. Lawang Alat
2. Lawang Tabang
2. Look- anyong tubig na nasa baybayin ng isang kalupaan na nakarugtong sa isang
karagatan o dagat
3. Golpo- malawak kaysa sa look, napaliligiran ng lupain
4. Ilog- isang bahagi ng tubig na dumudugtong mula sa mataas tungo sa higit na
mababang lebel tulad ng lawa

Klima- pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar sa loob ng maraming


taon
Biome- isang malawak na sona kung saan kontrolado ng Klima

Limang Pangunahing Klima


1. Tropikal
2. Tuyo
3. Katamtaman at mahalumigmig
4. Snowy Forest
5. Polar

Yamang Likas- hinuhubog ng kalikasan na ginagamit ng tao at bahagi ng kapaligiran

Dalawang uri ng Likas na Yaman


1. Renewable
2. Non-Renewable

Para sa iba pang kaalaman tunghayan ang pahina 6-20 sa aklat na Kayamanan.

You might also like