You are on page 1of 3

SOUTHERNSIDE MONTESSORI SCHOOL

Camella Homes 4, Poblacion, Muntinlupa City

Unang Markahan Petsa: July 19, 22-26, 2019


Grade 8 – Filipino
SY 2019 – 2020

Aralin #5
Panitikan
Dula: Sa Pula, Sa Puti

Talasalitaan:
Kasingkahulugan
sultada – bitaw o labanan ng mga manok
tinali – manok na pansabong
tupada – tawag sa ilegal na sabong
dehado – talunan o higit na mahina kaysa kalaban
liyamado – may malaking bentahe o higit na malakas kaysa sa kalaban
pusta – taya sa magkabilang panig
tabla – walang nanalo o talo sa laban
tari – talim na ikinakabit sa paa ng manok na panabong
kristo – tawag sa tagakuha ng taya
pintakasi – iba pang tawag sa labanan ng manok o sabong
Kasalungat:
grasya – kamalasan
magkakuwarta – mawalan ng pera
dukha – mayaman
pandaraya – katapatan
natotodas – dumarami/nabubuhay

Karagdagang Kaalaman:
Mga Tanyag na Manunulat Sa Panahon ng mga Espanyol at Hapones
 Panahon ng Espanyol
A. Mga Tanyag na Manunulat sa Panahon ng Pagbabagong-isip
Dr. Jose Rizal – Siya ang kinikilalang pambansang bayani ng Pilipinas. Ang kanyang
buong pangalan ay Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo Y Realonda. Bilang repormista,
di mabilang ang kanyang mga akdang naisulat na tunay na gumising sa damdaming
makabayan ng mga Pilipino. Pinakatanyag sa mga ito ang walang kamatayang
nobelang Noli Me Tangere na hango sa Ebanghelyo ni San Juan na ang ibig sabihin ay
“Huwag Mo Akong Salingin” na siyang pinagkunan ng kanyang alyas na “Dimasalang”
at ang “El Filibusterismo” na karugtong ng una niyang nobela kung saan masasabing
isang akda niyang pampolitika sapagkat mababasa rito ang kanyang mga ideolohiya
at mga kaisipang pampolitika.

Graciano Lopez Jaena -- Siya ay isa rin sa itinuturing na pinakadakilang bayani at henyo
ng bansa. Siya ang nanguna sac pagbuo ng pahayagang “La Solidaridad” na naging
pinakamapanlaban at pinakatanyag sa lahat ng mga pahayagang Pilipino sa Espanya.

Marcelo H. Del Pilar – Bilang isang repormista ay gumamit ng mga sagisag ng Plaridel,
Pupdoh, Piping Dilat, at Dolores Manapat. Noong Taong 1882 ay binuo niya at
pinamatnugutan ang Diariong Tagalog, isang pahayagang pampolitika kung saan dito
niya isiniwalat kasama ng iba pang manunulat ang kanilang mga puna, hinaing at mga
hinihinging reporma sa pamahalaang Espanyol upang maibsan ang lumalalang pang-
aapi ng mga prayle sa mga Pilipino.

Antonio Luna – Siya ay gumamit ng sagisag na Taga-Ilog. Bilang isang masugid na


repormista, naniniwala siyang dapat lang na maging probinsya ng Espanya ang Pilipinas
kung saan ang mga mamamayan nito ay nagtataglay rin ng mga karapatang
tinatamasa ng mga Espanyol. Siya ay aktibong kaanib ng Kilusang Propaganda at nag-
ambag ng kanyang mga sinulat sa La Solidaridad.

B. Mga Tanyag na Manunulat sa Panahon ng Himagsikan


Andres Bonifacio – Bagama’t hamak ang pinanggalingang pamilya ni Andres Bonifacio
na may-akda ng tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”, siya ay kilala rin bilang “Ama ng
Demokrasyang Pilipino”. Siya ay maituturing na bituing maningning sa kasaysayang
pampolitika ng ating bansa.

Emilio Jacinto – sa gulang na labingwalo, siya ay sumapi sa Katipunan at kinilala bilang


pinakabatang miyembro ng kilusan. Siya ay kinilala ring Utak ng Katipunan at naging
patnugot ng pahayagan ng Katipunan, ang “Kalayaan.”

Apolinario Mabini – Siya ang tinaguriang “Utak ng Himamgsikan” at “Dakilang Lumpo”.


Marami siyang naisulat na akda sa Espanyol at tagalog at kadalasang tema ng kanyang
mga isinulat ay tungkol sa politika, pamahalaan, at pilosopiya. Ginamit niya ang sagisag-
panulat na “Katabay”.

 Mga Tanyag na Manunulat sa Panahon ng mga Hapones


Ang ilan sa mga manunulat na Pilipino noong panahon ng mga Hapones ay higit na
nakilala dahil sa pagpapalabas noong 1943 ng aklat-katipunang pinamagatang “Ang
25 Pinakamabuting Kathang Pilipino ng 1943”. Ang mga may likha ng mga akdang ito
ay kinabibilangan ng mga bagong manunulat na sina Liwayway Arceo, Francisco
Rodrigo, Gemiliano Pineda at Gloria Villaraza at ng mga datihang sina Narciso Reyes,
Macario Pineda, Serafin Guinnigundo, Teodoro Agoncillo, Brigido Batungbakal at iba pa.

Wika: Pagbabagong Morpoponemiko


A. Asimilasyon – ito ay tumutukoy sa pagbabagong anyo ng morpema dahil sa impluwensa ng
mga katabing tunog nito. Ito ay ang mga panlaping nagtatapos sa –ng katulad ng sing- na
maaaring maging sin o sim. Gayundin ang pang- na maaaring maging pan- o pam- dahil sa
impluwensya ng kasunod na katinig.

Ang mga salitang nagsisimula sa d, l, r, s, t ay inuunlapian ng (sin-) at (pan-).


Halimbawa:
sing + tindi = sin + tindi = sintindi
Pang + laban = pan + laban = panlaban
Ang mga salitang nagsisimula sa b, p ay inuunlapian ng (sim-) o (pam-)
Halimbawa:
pang + pilosopiya = pam + pilosopiya = pampilosopiya
Ang mga salitang nagsisimula sa patinig (a,e,i,o,u) at katinig na (k,g,h,m,n,w,y) ay
inuunlapian ng (sing-) at (pang-). Dito ay walang pagbabagong nagaganap sa mga
salita.
Halimbawa:
sing + ganda = sing + ganda = singganda
pang + kaisipan = pang + kaisipan = pangkaisipan

Ang asimilasyon ay may dalawang uri:


 Asimilasyong parsyal o di-ganap – ang pagbabagong nagaganap lamang dito ay
nasa pinal na panlaping –ng.
Halimbawa:
sing + tindi = sin + tindi = sintindi
pang + laban = pan + laban = panlaban
pang + pilosopiya = pam + pilosopiya = pampilosopiya

 Asimilasyong ganap – nagaganap ang asimilasyong ito kapag matapos na maging (n)
at (m) ng panlapi dahil sa pakikibagay sa tunog ay nawawala pa ang sumusunod na
unang titik ng salitang-ugat at nanatili na lamang ang tunog na (n) o (m).
Halimbawa:
pang + baril = pam + baril = pamaril
pang + takot = pan + takot = panakot
B. Pagpapalit – ito ay tumutukoy sa ponemang nababago o napapalitan sa pagbuo ng mga
salita.
(o) at (u). Sa ngayon, ayon sa Gabay sa Ortograpiyang Pambansa 2013, sa pag-uulit ng
salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na (o) hindi ito pinapalitan ng letrang (u).
ginagamitan din ito ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat.
Halimbawa:
lingo-linggo ano-ano
(e) at (i). Ganoon din sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa (e), hindi ito
pinapalitan ng letrang (i). kinakabitan ng pang-ugnay/linker (-ng) at ginagamitan ng
gitling sa pagitan ng salitang-ugat.
Halimbawa:
Babae = babaeng-babae
Salbahe = salbaheng- salbahe
(d) at (r). napapalitan ng (r) ang (d) kapag patinig ang tunog na sinusundang ng (d).
Halimbawa:
Dito = rito
Ma + dapat = marapat
Ma + dami =marami

C. Paglilipat – ito ay tinatawag ding metetesis na nangangahulugan ng paglilipat ng posisyon ng


mga ponema. Kapag nagsisimula sa (l) o (y) ang salitang-ugat nito at nilagyan ng gitlaping
-in-, nakakapalit ang (i) at (n) at nagiging (ni-).
Halimbawa:
Y + -in + akag = yinakag = niyakag (niyayakag, hindi yinayakag)
L + -in + ayon = linayon = nilayon (nilalayon, hindi linalayon)

D. Pagdaragdag – nangangahulugan ito ng pagdaragdag ng isa pang morpema sa hulihan ng


salitang-ugat (hulapi) kahit mayroon nang dating hulapi ang salitang-ugat.
Halimbawa:
Pa + bula + han = panula(h)an +an = pabulaanan
Ka + totoo +han = katotoohan = katoto(o)han +an = katotohanan

E. Pagkakaltas – ito ay ang pagkawala ng isang ponema o morpema sa isang salita. Maaari itong
maganap sa unahan o gitna ng salita. May mga salita ring nagkakaltas ang ponema o
morpema sa gitna, at napapalitan ng ponema ang nasa hulihang morpema.
Halimbawa:
Dala + hin = dalahin = dalhin
Bukas + an = bukasan = buksan

Sistematikong Pananaliksik
(Basahin sa pahina 121-123, Pluma 8)

You might also like