You are on page 1of 11

4

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 1- MODULE 4

Ang Ugnayan ng Lokasyon ng


Pilipinas sa Heograpiya nito
Alamin
Ang modyul na ito ay masusing ginawa para sa iyo, upang matulungan kang matutunan
ang mga aralin na dapat mong malaman at maunawaan tungkol sa ugnayan ng lokasyon ng
Pilipinas sa mundo at sa heograpiya nito. Ang mga pagsasanay na ginamit dito ay tiyak na
mapapaunlad at malilinang ang iyong kasanayan bilang isang mag-aaral sa ika-apat na
baitang.

MELC (Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto)


Nasusuri ang ugnayan ng lokasyon ng Pilipinas sa heograpiya nito.
K to 12 BEC CG: (AP4AAB-Ig-h-10)

Pagkatapos ng aralin, ang modyul na ito ay makakaya mo nang gawin ang sumusunod
1. Matutukoy ang kaugnayan ng klima at panahon sa lokasyon ng Pilipinas sa
mundo.
2. Maiuugnay ang klima at panahon sa lokasyon ng bansa sa mundo.
3. Makikilala na ang Pilipinas ay bansang tropikal.

Tuklasin
Ang heograpiya ay nagmula sa salitang Griyego na “geographia”.
• geo o daigdig
• graphia o paglalarawan.

Sa literal na kahulugan ito ay ang paglalarawan sa daigdig.

Dalawang Sangay ng Heograpiya


1. Heograpiyang Pisikal
Pinag-aaralan dito ang iba’t ibang natural na proseso at kaganapan na
nangyayari sa loob at labas ng ating mundo. Dito pumapasok ang pag-aaral ng
kalupaan, karagatan o ang may katubigan, klima, at iba pang may kinalaman sa
pisikal na anyo ng daigdig.
2. Heograpiyang Pantao
Tinatalakay sa sangay na ito kung paano binabago ng tao ang kapaligiran at
ano ang mga nagiging epekto ng kapaligiran pabalik sa kanya. Sa heograpiyang
pantao rin pinag-aaralan ang kasaysayan, populasyon, ekonomiya, politika,
kultura at iba pa.
Ang Kahalagahan ng Heograpiya
Ngayong alam mo na ang kahulugan ng Heograpiya. Ngayon naman, ating
aalamin kung bakit mahalaga para sa atin na pag-aralan ang asignaturang ito. Ano
nga ba ang kahalagahan ng heograpiya?

• Nauunawaan natin kung paano nakakaapekto ang pisikal na katangian ng mundo


sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Halimbawa na lamang ay malalaman
natin ang mga dahilan at lunas sa mga penomenang nangyayari dito sa mundo
tulad ng Global Warming at Climate Change. Pati na rin ang COVID-19
pandemya na nararanasan ng buong mundo.

1
• Nagkakaroon tayo ng kaalaman tungkol sa koneksiyon ng heograpiya sa ating
kasaysayan at kung paano naapektuhan ng mga nakaraang pangyayari ang ating
kasalukuyan.
• Mahalagang pag-aralan ang heograpiya upang malaman natin ang kultura ng
ibang lugar. Sa pamamagitan ng pag-aaral dito, ating mauunawaan kung paano
naiimpluwensiyahan ng klima at lokasyon ang kaugalian ng ibang tao.
Makatutulong din ito upang matanggap natin ang ating pagkakaiba sa iba pang
lahi at kultura.
• Nagkakaroon tayo ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang lugar dito sa daigdig.
Maiintindihan din natin kung paano nakaaapekto ang pag-usbong ng modernong
teknolohiya sa pag-unlad na nagdulot upang maging mas konektado pa ang mga
lugar dito sa mundo.
• Nabibigyan tayo ng mas malawak na pananaw tungkol sa kinagisnan nating
lipunan. Maaring mas makilala pa natin ang ating sarili bilang isang parte ng
lipunan sa pamamagitan ng pag-aaral sa relihiyon, kultura, ekonomiya at
politika na nakapaloob sa heograpiya.
• Sa pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa paksang ito, magkakaroon pa tayo
ng mas malalim na pagpapahalaga sa ating daigdig bilang ating tahanan at
pinagkukunan ng likas na yaman.

A. HEOGRAPIYANG PISIKAL NG PILIPINAS


Sa bahaging ito, mauunawaan mo kung paano nakaaapekto ang pisikal na
katangian ng Pilipinas sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Klima at Panahon
Ang klima ay ang pangkalahatang kalagayan ng atmospera sa isang lugar
sa mahabang panahon. Ang panahon naman ay ang kondisyon ng atmospera sa
isang lugar sa loob ng ilang oras. Upang malaman ang klima ng isang bansa,
mahalagang matukoy ang lokasyon nito sa mundo, topograpiya o paglalarawan ng
katangian ng isang lugar. Pagmasdan mabuti ang globo, makikita ang lokasyon ng
Pilipinas sa mundo:
• Ang Pilipinas ay malapit sa
ekwador.
• Ang Pilipinas ay nasa
pagitan ng ekwador at
Tropiko ng Kanser.
• Ang Pilipinas ay nasa
mababang latitud.
• Ang Pilipinas ay nasa
hilagang-hating globo.

https://maps-philippines.com/

Dahil sa lokasyong ito, ang Pilipinas ay itinuturing na may Klimang Tropikal.


Dalawa ang uri ng klima sa ating bansa: tag-araw at tag-ulan. Ang tag-araw ay
nagsisimula ng Nobyembre hanggang Mayo. Ang tag-ulan naman ay nagsisimula sa
Hunyo hanggang Oktubre. Gayunpaman nakakaranas din ng iba’t ibang klima ang
bansa dahil sa iba’t ibang salik tulad ng temperatura, taas ng lugar, galaw ng hangin at
dami ng ulan.
2
Mga Salik na Nakaaapekto sa Klima
1. Temperatura – Temperatura ang tumutukoy sa nararanasang init o lamig sa isang
lugar. May katamtamang klima ang Pilipinas sapagkat nararanasan sa bansa ang
hindi gaanong init at lamig. Ngunit dahil sa Climate Change nalalagpasan ang
pinakamataas na temperatura sa panahon ng tag-araw. Ang temperatura sa
mataas na lugar ay mas mababa o malamig kaysa sa mababang lugar o kapantay
ng dagat (sea level). Ang Climate Change ay ang hindi pangkaraniwang
pangyayari sa kalikasan. Ang pagbabago sa klima ay pinaniniwalaang sanhi ng
mga gawain ng tao na maaaring makapagpabago sa komposisyon.
2. Altitude o taas ng lugar – Ang kataasan ng isang lugar o altitude ang dahilan
kung bakit mas malamig sa mga lugar na mataas ang kinaroroonan. May epekto
rin ang bundok sa mataas na lugar sa ibang lugar na nakapaligid dito. Maaring
maulan sa isang bahagi ng bundok at mainit naman sa kabilang bahagi. Ito ay
dahil sa nahaharang ng bundok ang ulan. Kapag ang hangin ay nakarating na sa
kabilang panig ng bundok, ito ay tuyo na kaya’t nagiging mainit ang klima sa
bahaging ito.
3. Direksiyon ng hangin – Ang paiba-ibang direksiyon ng ihip ng hangin kung saan
mainit o malamig ang lugar ay tinatawag na Monsoon. May dalawang uri ng
hanging Monsoon. Ang hanging Habagat at hanging Amihan.
Hanging Habagat (Southwest Monsoon)
• Ang hanging ito ay nagmumula sa timog kanlurang bahagi ng Pilipinas.
• Nararamdaman ito mula buwan ng Mayo hanggang Setyembre. Nagdadala ito
ng ulan at bagyo sa bansa
• Nararanasan ito mula buwan ng Nobyembre hanggang Marso.

Hanging Amihan (Northeast Monsoon)


• Ang hanging ito ay nagmumula sa hilagang-silangang bahagi ng Pilipinas.
Higit lalo sa bansang Siberia.
4 .Katubigan – May epekto rin ang malalaking katubigan sa klima ng isang lugar.
Mas mainit sa mga lugar na ito tuwing umaga kaysa gabi. Tumataas ang
temperatura tuwing sumisikat ang araw.
5. Dami ng ulan -Ang dami ng ulan ay isa rin sa mga salik na may kinalaman sa
klima ng bansa. Nakabatay sa dami ng ulang tinatanggap ng isang lugar ang uri
ng klimang nararanasan sa bansa. May apat na uri ng klima sa bansa:
Unang Uri: Kalahating taon ng tag-araw at tag-ulan.
Ikalawang Uri: Umuulan sa buong taon.
Ikatlong Uri: Maulan at may maikling panahon ng tag-araw.
Ikaapat na Uri: Pantay-pantay ang dami at pagkakabahagi ng ulan sa buong taon.
Adriano, Ma. Corazon V. et. al. 2015 ph.27-32

3
Mapang Pangklima ng Pilipinas

https://www.google.com/

Ang Likas na Yaman ng Pilipinas


Ang Likas na yaman ay mga bagay na nagmula sa kalikasan tulad ng lupa,
kabundukan, kagubatan, mga katubigan at depositong mineral na nagbibigay ng
pangunahing pangangailangan ng tao. Ang ating bansa ay pinagkalooban ng isang
masaganang kalikasan dahil dito mapalad ang Pilipino dahil nakukuha natin ang ating
mga pangangailangan mula sa kalikasan. Tulad ng makakain, maiinom at mga
kagamitan na ginagamit sa paggawa ng masisilungan o bahay. Ang mga likas na yaman
ay may apat na uri:
• Yamang Lupa – mga yaman na nakukuha mula sa lupa.
• Yamang Tubig – mga yaman na nakukuha sa katubigan.
• Yamang Mineral – mga yamang mineral na sangkap sa paggawa na kailangan
sa mga pabrika at industriya. Ito ay nakukuha sa ilalim ng lupa.
• Yamang Enerhiya – mga yaman na lumilikha ng kuryemte o enerhiya tulad ng
geothermal, hydropower at wind energy.

4
Ilan sa mga likas na yaman ng bansa ay makikita sa tsart:
Yamang Lupa Yamang Tubig Yamang Mineral Yamang Enerhiya
Pananim na Mga isda Mineral na Metal Geothermal Energy
pang- Humigit kumulang na ginto, tanso, ang enerhiyang
agrikultura: 2,000 uri ng isda ang chromite nagmumula sa init
palay, mais nasa katubigan ng manganese, ng ilalim ng lupa.
tubo,niyog Pilipinas mercury Halimbawa:
abaka, tabako Pating-bulik zinc,nikel, bakal Geothermal
kape,kakaw – ang pinakamalaking tingga, pilak, lata Plant sa Albay
bulak, goma isda sa bansa. (tin) Wind Energy- ang
Mga Tabios o sinarapan – asoge,karbon enerhiyang
Bungangkahoy: ang pinakamaliit na (quicksilver) nagmumula sa hangin
saging isda Mineral na Di- at nililinang ng
manga,papaya Mga kabibe at Perlas Metal windmill.
dalanghita, abokado, Tridacna gigas – luwad, buhangin Halimbawa: Bangui
durian,suha, pinakalamalaking graba, marmol Windmills, Ilocos
magosteen kabibe guwano, silika Norte at Pililla Wind
lansones, longgan Pisidium – ang gypsum, limestone Farm sa
at iba pa. pinakamaliit na kabibe Panggatong na Rizal
Punongkahoy Perlas ni Allah Mineral Hyrdopower Energy –
pangkasangkapan: Mga Korales langis at petrolyo ito ang enerhiyang
narra, apitong 500 na uri ng korales nagmumula sa mga
yakal, tindaloo sa buong mundo 488 yamang tubig tulad ng
giho, ipil nito ay matatagpuan talon.
kamagong, lawaan sa Pilipinas. Halimbawa: Turbine
Halamang Iba pang yamang na pinapaikot ng tubig
namumulaklak: dagat sa Talon ng Maria
sampaguita Espongha Damong Cristina sa Lanao del
Ilang-ilang dagat o seaweeds Sur
Gumamela Solar Energy – ito ang
Waling-waling enerhiyang nagmumula
Rosal
sa init ng araw gamit
Santan
Mga hayop: ang Solar Panels
Kalabaw, baka Coal – Ito ang
Kambing, tamaraw enerhiya na
Baboy-ramo nagmumula sa mga
sinusunog na coal, na
isang uri ng fossil
fuels.
Adriano, Ma. Corazon V. et. al. 2015 ph.67-70

5
Suriin
Gawain 1
Panuto: Isulat ang K kung katotohanan at H kung hindi katotohanan ang sinasaad ng
pangungusap. Gawin ito sa sagutang papel.
_______1. Ang tag-araw ay klimang nararanasan sa Pilipinas.
_______2. Ang Pilipinas ay nakararanas ng bagyo na may malakas na hangin at ulan.
_______3. Sa timog-kanluran nagmumula ang hanging habagat.
_______4. Nakukuha sa katubigan ang mga yamang-tubig.
_______5. Malamig na klima ang nararanasan ng mga nakatira sa Baguio.
_______6. Hydropower energy ay enerhiyang nagmumula sa tubig.
_______7. Anyong tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa ang bukal.

Gawain 2
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng panaklong . Isulat sa sagutang papel.
1. Ang _________________ ay ang sukat ng init o lamig ng isang bagay o lugar.
(bagyo, temperatura, halumigmig)
2. Ang lokasyon ng Pilipinas ay matatagpuan malapit sa ___________________.
(longhitud, latitud, ekwador)
3.____________________ ay ang dami ng water vapor sa atmospera.
(Dami ng ulan, Temperatura, Halumigmig)
4. Ang malamig na hangin na nagmumula sa Siberia o papunta sa hilagang silangan ay
tinatawag na ________________________________.
(hanging amihan, hanging habagat, bagyo)
5. May ________ na uri ng klima ang nararanasan natin sa ating bansa.
(dalawa, apat, lima)
6. Ang hanging ito ay malamig na nagmula sa timog-kanluran na tumatawid pataas ng
ekwador ay tinatawag na _________________.
(hanging amihan, hanging habagat, bagyo)

6
Gawain 3
Panuto: Tukuyin ang mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa at isulat sa
kahon.Gawin sa sagutang papel.

1.

5. 2.

5. 2.

4. 3.

4. 3.

Tayahin
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ang heograpiya ay nagmula sa salitang griyego na _____________.
A. geographia B. geography C. geology D. geographica

2.______ay ang hindi pangkaraniwang pangyayari sa kalikasan.


A. climate change B. tag-ulan C. temperatura D. wala sa nabanggit

3. Ang Pilipinas ay isang bansang_____ kung kaya napapaligiran ito ng iba’t ibang anyo ng
tubig .
A. anyong lupa B. anyong tubig C. insular D. kabundukan

4. Ang ang dahilan kung bakit mas malamig sa mga lugar na mataas ang kinaroroonan
A. altitude B. anyong tubig C. kabundukan D. mineral

5. Ang enerhiyang nagmumula sa init ng ilalim ng lupa.


A.coal B. Geothermal Energy
C. Hydropower Energy D. Wind Energy

6. Ang hanging ito ay nagmumula sa hilagang-silangang bahagi ng Pilipinas.


A. amihan B. habagat C. klima D. temperatura

7. Maituturing na pinakamalaking kabibe.


A.isda B. korales C. Pisidium D. Tridacna gigas

8. Alin sa sumusunod ang hindi likas na yaman


A. plastik B. yamang lupa C. yamang enerhiya D.yamang tubig

7
9. Tinatalakay sa sangay na ito kung paano binabago ng tao ang kapaligiran at ano ang
mga nagiging epekto ng kapaligiran pabalik sa kanya.
A. Heograpiyang Pantao B. Heograpiyang Pinansiyal
C. Heograpiyang Pisikal D. Wala sa nabanggit

10. Ang enerhiyang nagmumula sa hangin at nililinang ng windmill.


A. coal B. hydro energy C. solar energy D. wind energy

Sagot sa mga Gawain

8
Sanggunian
A. Mga Aklat
Adriano, Ma. Corazon V. et. al. 2015 ph.27-32,67-72. Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral,
Pasig City: Vibal Group Inc.
Adriano, Ma. Corazon V. et. al. 2015. Araling Panlipunan Patnubay ng Guro, Pasig City: Vibal Group Inc.

B. Website/s
https://maps-philippines.com/globe-map-philippines#&gid=1&pid=1
https://www.google.com/search?q=mapang+pangklima+ng+pilipinas&tbm=isch&ved
=2ahU
https://www.google.com/search?q=mga+anyong+lupa+sa+pilipinas&tbm=isch&ved
https://www.google.com/search?q=anyong%20tubig%20drawing&tbm=isch&hl=en-

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marissa P. Feria


Tagasuri:
A. Pang Distrito :
Dr. Baby Jean L. Collado Marilou C. Sembran
Florence C. Mercurio Miamy P. Licudo
Frederick V. Agayo

B. Pang Dibisyon:
Dr. Frederick V. Agayo Dr. Ma. Ruby Caballero
Dr. Lea C. Cacayan May Ann L. Aglosolos
Myrna B. Paras Carla R. Lopez

Tagapamahala:
Dr. Danilo C. Sison Dr. Jerome S. Paras
Dr. Wilfredo E. Sindayen Dr. Maybelene C. Bautista
Dr. Cornelio R. Aquino

9
Sagot sa Tayahin

1. A
2. A
3. C
4. A
5. B
6. A
7. D
8. A
9. A
10. D

10

You might also like