You are on page 1of 10

4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5A
Pagkakakilanlang Heograpikal
ng Aking Bansa
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5A: Pagkakakilanlang Heograpikal ng Aking Bansa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan, EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Helen M. Aquino
Editor: Delia E. Pragados
Tagasuri: Michael M. Mercado
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala: Angelita S. Jalimao
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Magandang araw sa iyo! Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang Pagkakakilanlang


Heograpikal ng Pilipinas. Kabilang dito ang klima, panahon, at likas na yaman.
Gayundin ang mga natatanging anyong lupa at anyong tubig ng bansa. Makikita sa
larawan ang Bulkang Mayon na isa sa tanyag na pagkakakilanlan ng ating bansa.

Ang modyul na ito ay nahahati sa apat na aralin. Ito


ay ang sumusunod:
Aralin 1 – Panahon at Klima ng Pilipinas
Aralin 2 – Anyong Lupa ng Pilipinas
Aralin 3 – Anyong Tubig ng Pilipinas
Aralin 4 – Likas na Yaman ng Pilipinas

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo


ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential
learning competency - MELC) at kaugnay na layunin:
1. Nailalarawan ang klima, panahon, at likas na yaman bilang pagkakakilanlang
heograpikal ng Pilipinas (MELC);
2. Nailalarawan ang anyong lupa at anyong tubig bilang pagkakakilanlang
heograpikal ng Pilipinas (MELC); at
3. Naipagmamalaki ang kalagayang heograpikal ng Pilipinas.

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.

1. Nababatay ang klima ng isang lugar sa kinalalagyan nito sa mundo. Alin ang
tamang paglalarawan sa klima ng Pilipinas?
a. Napakalamig ng klima sa Pilipinas.
b. Napakainit ng klima sa Pilipinas.
c. Nagyeyelo ang malaking bahagi ng Pilipinas.
d. May katamtamang init ang klima sa Pilipinas.
2. Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng kapaligiran, halimbawa, taglamig at tag-
ulan. Ano ito?
a. klima b. panahon c. atmospera d. temperatura
3. Ang pagiging kapuluan ng bansa ang dahilan kung bakit ito ay binubuo ng
maraming pulo. Anong anyong lupa ang mataas ngunit patag sa tuktok?
a. bulkan b. talampas c. kapatagan d. burol
4. Ito ay mahaba at paliko-likong anyong tubig na tumutuloy sa dagat. Ano ito?
a. talon b. kipot c. lawa d. ilog
5. Nagmumula sa kalikasan ang mga likas na yaman. Alin sa sumusunod ang
mga yamang tubig?
a. perlas, kabibe, asin, tanso
b. bangus, halamang dagat, pinya, pagong
c. asin, perlas, kabibe, isda,
d. ginto, palay, isda, kabibe

1
Modyul
Pagkakakilanlang
5A Heograpikal ng Aking Bansa
Ang pagkakakilanlang heograpikal ng Pilipinas ay makatutulong upang mas higit mo
pang makilala ang ating bansa. Sa araling ito, aalamin mo ang kaugnayan ng klima at
panahon sa lokasyon ng ating bansa sa mundo. Dahil sa pagiging kapuluan ng
Pilipinas, inaasahan din na pag-aaralan ang mga anyong lupa, anyong tubig at ang mga
likas na yaman na mayroon ito. Sa bandang huli, pagkatapos ng masusing pag-aaral
ay maipagmalaki mo ang kalagayang heograpikal ng ating bansang Pilipinas sa
kinalalagyan nito sa mundo.

Balikan
Unawain ang mga larawan sa ibaba. Sagutin ang tanong na “Ano ang kaugnayan
ng mga larawan sa kinaroroonan ng Pilipinas sa mapa?” Gawin sa kuwaderno ang
dialogue box at isulat ang iyong sagot.

Tuklasin

Suriin
Maliban sa kinaroroonan at teritoryo ng Pilipinas, mailalarawan ang pisikal na
katangian ng ating bansa sa klima at panahon na nararanasan sa kapuluan. Gayundin
ang mga taglay nitong anyong lupa at anyong tubig, at saganang likas na yaman nito.

2
Mahalaga ang mga pagkakakilanlang heograpikal ng Pilipinas upang malinang at
magamit para sa pag-unlad ng bansa.

Klima at Panahon
Saklaw ang nararanasang klima at panahon sa pagkakakilanlang heograpikal ng
ating bansa. Sinasabing ang klima ay ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa
isang lugar na may kinalaman sa atmospera o hanging nakapaligid sa mundo,
temperatura o ang sukat ng init o lamig ng paligid at iba pang nakaaapekto sa
pamumuhay ng mga nilalang dito. Samantalang ang panahon naman ay tumutukoy sa
pang-araw-araw na kalagayan ng kapaligiran, halimbawa, taglamig, tag-init, at tag-
ulan.
Nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang lugar dahil sa pag-ikot ng daigdig sa
araw at pag-inog sa sarili nitong axis. Malaki rin ang kaugnayan ng mga linya ng
latitude sa uri ng klima sa mga lugar sa daigdig.
Ang klima ng isang bansa ay nakabatay sa
kinalalagyan nito sa mundo. Ang Pilipinas ay malapit sa
equator at nasa mababang latitude. Ito ang bahaging
Sonang Tropikal o Torrid Zone. Ibig sabihin ay may klimang
tropikal ang Pilipinas. Nakararanas ito ng tag-ulan at tag-
araw. Bukod dito, direktang nakatatanggap ng sikat ng
araw ang bansa kung kaya’t mainit at maalinsangan ang
klima nito sa halos buong taon.

May mga salik na may kinalaman sa klima ng


Ang PAGASA ay
Pilipinas. Ang una ay ang temperatura. Tumutukoy Philippine
ito sa nararanasang init o lamig sa isang tiyak na Atmospheric,
Geophysical and
lugar. Ayon sa PAGASA, ang average o karaniwang Astronomical
taunang temperatura ng bansa ay umaabot sa Services
Administration,
26.6C. Ang pinakamalamig na karaniwang taunang ang ahensiya ng
temperatura ay 25.5C at ang pinakamainit ay pamahalaan na
nangangalaga sa
28.3C. Sa Lungsod Baguio, ang average o mga tao laban sa
mga kalamidad.
karaniwang taunang temperatura ay umaabot sa
18.3C dahil sa elebasyon o mataas na kinaroroonan
ng lungsod.
Ang ikalawa ay ang humidity o halumigmig. Tumutukoy ito sa dami ng water
vapor sa hangin sa isang partikular na lugar. Ayon sa PAGASA, umaabot ang humidity
sa bansa sa average na 71% sa buwan ng Marso hanggang 85% sa buwan ng Setyembre.
Kapag nagsabay ang mataas na temperatura at humidity ay nagdudulot ito ng
napakainit na panahon. Karaniwang nangyayari ito sa mga buwan ng Marso hanggang
Mayo.

Ang ikatlong salik sa klima ng Pilipinas ay ang rainfall o dami ng ulan.


Nagaganap ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa sa halos buong taon. Ayon
sa PAGASA, madalas na nakararanas ng pag-ulan ang Lungsod Baguio, silangang
Samar, at silangang Surigao. Samantala, ang timog na bahagi ng Cotabato at Lungsod
General Santos sa Cotabato ay may kaunting pagdanas ng ulan.

Ang susunod na salik sa klima ng bansa ay


ang elevation (elebasyon) o taas ng isang lugar.
Nagbabago ang klima ng lugar habang tumataas ang
elebasyon nito. Halimbawa nito ang Lungsod Baguio
na laging may pag-ulan at malamig na panahon.
Dahil dito, kinilala ang lungsod bilang “Summer

3
Capital of the Philippines”, umabot sa 1.7 milyong turista ang nagtungo sa Lungsod
Baguio noong taong 2019 upang mamasyal.

Ang huling salik na nakaaapekto sa klima ng Pilipinas ay ang ihip ng hangin.


May dalawang pangunahing uri ito: ang Northeast monsoon o Hanging amihan at ang
Southwest monsoon o Hanging habagat. Nagdadala ng malamig na hangin ang Hanging
amihan. Nagmumula ito sa hilagang-silangan ng Pilipinas at umiihip patungong bansa.
Karaniwang malamig ang panahon mula Nobyembre hanggang Pebrero. Ang Hanging
habagat naman ay umiihip mula sa timog-kanlurang dako ng Pilipinas. Nagdadala
naman ito ng malalakas na ulan. Ito ay nararanasan mula buwan ng Hunyo hanggang
Oktubre.

Makikita sa mapa ang apat na uri ng klimang Tropikal ng Pilipinas. Gamitin ang
pdf format ng modyul na ito para sa colored Climate Map of the Philippines.

Anyong Lupa

Dahil sa pagiging kapuluan ng bansa, ito ay binubuo ng


mga pulo at maliliit na isla. Ayon sa National Mapping and
Resource Information Authority (NAMRIA), isang tanggapan ng
pamahalaan na nangangasiwa sa pagmamapa ng bansa, ang
Pilipinas ay isang kapuluan na binubuo ng 7,641 na pulo.

Ang malalaking pulo ng Pilipinas ay Luzon, Mindanao,


Negros, at Samar. Kabilang din ang Panay, Palawan, at Mindoro.

Maliban sa mga pulo, matatagpuan din sa Pilipinas ang iba’t


ibang anyong lupa na pinagmumulan ng saganang likas na
yaman.

4
Kapatagan. Ito ay malawak, patag, at mababang
lupain. Angkop ang anyong lupa sa pagsasaka,
pagtatanim ng gulay, mais at iba pa. Kabilang sa
mga kapatagan ng bansa ay Gitnang Kapatagan
ng Luzon (Central Luzon). Mayroon ding
kapatagan sa Negros, Iloilo, Cebu, at Davao.

Bundok. Ito ang pinakamataas na anyong lupa sa


daigdig. Ang Pilipinas ay isang mabundok na
bansa. Ang Bundok Apo sa Mindanao ang
Bundok Apo sa Mindanao
pinakamataas na bundok sa bansa. Ilan sa mga
kilalang bundok ay Makiling sa Laguna, Pulag sa Pinagkunan:
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:
Benguet, Nueva Vizcaya, at Ifugao, at Halcon sa Mt_Apo_Twin_Peaks.jpg Recolored to
Oriental Mindoro grayscale

Bulkan. Ito ay mataas na lupa ngunit may butas


o bunganga sa tuktok nito. Kung aktibo ang
bulkan ay dito lumalabas ang magma. Dahil ang
Pilipinas ay bahagi ng Pacific Ring of Fire,
maraming aktibong bulkan ang bansa. Ilan dito
ay Mayon sa Albay, Pinatubo sa Zambales, Taal
Taal Volcano sa Batangas sa Batangas, at Hibok-Hibok sa Camiguin.

Burol. Ito ay mataas na lugar ngunit mas mababa


kaysa bundok. Pinakatanyag sa bansa ay ang
Chocolate Hills sa Bohol. Mahigit sa 1,200 na
burol ang bumubuo sa tourist spot na ito. Iba
pang burol sa bansa ay Manduyog Hill sa Aklan
at Cassamata Hill sa Abra.
Chocolate Hills sa Bohol

Talampas. Ito ay mataas na lupa ngunit patag


ang tuktok nito. Karaniwan ay may mga
komunidad na naninirahan sa talampas. Ang
Lungsod Baguio ang pinakatanyag na talampas
sa Pilipinas. Umaabot sa 1,500 metro ang taas ng
lungsod. Bukod dito, may mga talampas din ang
Lanao at Bukidnon.

Lambak. Ito ay mababa at patag na lupa na nasa Talampas ng Baguio


pagitan ng mataas na lupain. Ang Lambak
Cagayan ang kilala sa mga lambak ng bansa. Ang
iba pang lambak ay Compostela at sa NCR ay ang
Lungsod Marikina.

Bulubundukin. Ito ay hanay ng mga bundok at


malaking bahagi ng kalupaan ang bumubuo dito.
Ang Sierra Madre sa Luzon ang pinakamahabang
bulubundukin sa bansa. Naririto rin ang mga
bulubundukin ng Cordillera at Kitanglad.

Tangway. Ito ay nakausling lupain na


napaliligiran ng tubig ang mga bahagi ngunit ang
isang bahagi ay nakadugtong sa mas malaking
lupain. Halimbawa nito ay tangway ng Bataan,
Pangasinan, buong rehiyon ng Bicol, at Mga Tangway ng Pilipinas
Zamboanga.

5
Anyong Tubig

Maraming anyong tubig ang matatagpuan sa Pilipinas. Ito ay dahil sa pagiging


kapuluan ng bansa.

Karagatan. Ito ang pinakamalaking Kipot. Ito ay makipot na anyong tubig


anyong tubig ng daigdig. Nasa na pinagdurugtong ang dalawang mas
silangang bahagi ng Pilipinas ang malaking anyong tubig. Pinakatanyag
Pacific Ocean na pinakamalaki sa ang San Juanico Strait, San
lahat. Bernardino Strait, at Polillo Strait.

Dagat. Ito ay bahagi ng karagatan at


may tubig-alat. Ilan sa mga dagat ng
Pilipinas ay Celebes Sea, West
Philippine Sea, at Sulu Sea.

Look. Ito ay nakadugtong sa dagat


ngunit mas makitid at mas maliit. Ang
mga tanyag na look ay Manila Bay,
Subic Bay, Sibuguey Bay, at Baler
Bay.
San Juanico Strait

Talon. Ito ay anyong tubig na


umaagos mula sa mataas na lugar na
tulad ng bundok o burol. Tanyag sa
mga talon ay ang Pagsanjan Falls sa
Laguna at Maria Cristina Falls sa
Iligan. Mayroon ding Aliwagwag Falls
sa Davao Oriental at Tinuy-an Falls sa
Surigao del Sur.

Ilog. Ito ay mahaba at paliko-likong


anyong tubig na ang dulo ay dagat,
look, o golpo. Ang pinakamahabang
ilog sa bansa ay Cagayan River at ang
pinakamalaki ay Rio Grande de
Mindanao. Ang Pasig River ay
itinuturing na isa sa makasaysayang
ilog sa Pilipinas.

Lawa. Ito ay napaliligiran ng lupa.


Halimbawa nito ay Laguna de Bay,
Lanao Lake, at Taal Lake sa Batangas.
Mayroon ding Sebu Lake sa Cotabato
at Lake Buhi sa Camarines Sur. Pagsanjan Falls sa Laguna

Bukal. Ang anyong tubig na ito ay


nagmumula sa ilalim ng tubig. May
mga bukal na malapit sa bulkan at
bundok. Halimbawa nito ang Pansol
. Hot Spring sa Laguna at Tiwi Hot
Springs sa Albay.

6
Likas na Yaman
Ang likas na yaman ay ang mga bagay na nagmumula sa kalikasan tulad ng lupa,
kabundukan, kagubatan, mga ilog at lawa, kabilang ang mga depositong mineral na nagbibigay
ng mga pangunahing pangangailangan ng tao. Mapalad ang bansang Pilipinas dahil ang lupain
at katubigan nito ay may dalang biyaya para sa mga Pilipino.

Yamang Lupa

Mula sa lupa, itinatanim at nakapag-aani ng palay at sari-saring gulay at prutas. Umaasa


rin sa lupa ang mga hayop tulad ng kalabaw, baka at kambing sa kanilang pagkain. Ang
kagubatan ay bahagi rin ng yamang lupa na tirahan ng maiilap na hayop tulad ng baboy-ramo,
unggoy, at tamaraw.

Yamang Mineral

Ang yamang mineral ay mahalagang sangkap sa paggawa na kailangan ng mga pabrika


at industriya. Nakukuha ang yamang mineral sa ilalim ng lupa. May mineral na metal tulad ng
ginto, tanso, at bakal. May mineral na di-metal tulad ng marmol at mineral na panggatong gaya
ng langis, petrolyo, at geothermal na pinagkukunan ng elektrisidad.

Yamang Tubig

Isang arkipelago ang bansang Pilipinas, kaya naman ang yamang tubig nito tulad ng
dagat, golpo, ilog, at lawa ay ginagawang pangisdaan, pinagkukunan ng inumin, paliguan, daan
ng mga sasakyang pantubig, planta sa pagpopoproseso ng ilang industriya, at pinagkukunan ng
enerhiya.

Tunay na maipagmamalaki ng mga Pilipino ang pagkakakilanlang heograpikal ng ating


bansa. Bilang mamamayang Pilipino, higit na kailangan ang mapangalagaan at mapagyaman
ang mga natatanging anyong lupa at tubig ng bansa, at maproteksiyonan ang mga likas na
yaman ng ating bansa.

Pagyamanin
Pagkatapos
mong maunawaan
ang aralin tungkol sa
“Pagkakakilanlang
Heograpikal ng Ating
Bansa”, masasagot
mo ba ang mga
gawain? Simulan mo
na.

7
Isaisip

Isagawa

Tayahin

Karagdagang Gawain

You might also like