You are on page 1of 4

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC.

V.V. SOLIVEN AVENUE II CAINTA, RIZAL

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nalalaman ang ibat-ibang uri ng klima at panahon sa bansa.
2. Natutukoy ang pagkakaiba ng klima at panahon.
3. Nakikilala ang Pilipinas na isang bansang tropikal.

II. PAKSANG ARALIN:


PAKSA: Ang Klima at Panahon sa Pilipinas
KAGAMITAN: Kartolina, mga larawan na sumisimbolo sa mga uri ng
panahon,mapang panhklima, laptop at video.
SANGGUNIAN: K-12 Kayamanan p. 36-52
PAGPAPAHALAGA: Pag-angkop sa panahon, pag-iingat, displina.

III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN:
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pamukaw-awit
4. Pagsasaayos ng silid aralan
5. Pagtatala ng liban
6. Balik-aral

B. PAGGANYAK:
Ang guro ay magpapakita ng larawan na may kinalaman sa uri ng panahon.

C. PANLINANG NA GAWAIN:
GAWAIN 1: LOOP-A-WORD
1. Kadalasang nagbabaha at nagagamit mo ang damit na panlamig, kapote, at
paying kapag ganito ang panahon.
T A G - U L A N P K
A X E T Y U L M V L
T A B A X C I Z W U
F G H O L T G D A Q

2. Masasabi mong ganito ang klima kung ikaw ay pinagpapawisan at


naiinitan.
G H I L A K C S J Q
A X E T Y U L M O C
M A I N I T B X F I
X Z E T Y U L M O B

D. PAGLALAHAD:
ALAMIN:
 Ano ang klima at panahong nararanasan sa Pilipinas?
 Bakit kaya ang Pilipinas ay isang bansang tropikal?
 Ano ang pagkakaiba ng panahon at klima?

E. PAGTALAKAY:
Ang Pilipinas ay mayroon lamang 2 uri ng klima, at ito ay ang tag-ulan at tag-
araw. Sinasabing ang tag-araw ay naguumpisa sa buwan ng Nobyembre at
nagtatapos sa buwan ng Mayo. Ang tag-ulan naman ay ay nagsisimula sa
buwan ng Hunyo at nagtatapos sa buwan ng Oktubre. Ngunit ito ay pabago-
bago.

Ang panahon ay kondisyon ng atmospera sa isang lugar sa loob ng ilang oras.


Samantalang ang klima naman ay ang pangkalahatang kalagayan ng panahon
sa isang lugar na may kinalaman sa atmospera, temperature at iba pang
nakakaapekto sa pamumuhay.

Tropikal ang klimang nararanasan sa Pilipinas dahil ito ay malapit sa ekwador


at nasa mababang latitude.

Gawain:
Hanapin sa mapa sa ibaba kung saan matatagpuan ang inyong lugar, at sa
anong uri ng klima ito nabibilang?
F. PAGLALAHAT:
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang natutuhan sa
paksang tinalakay.

G. PAGLALAPAT:
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
PAMANTAYAN PUNTOS
KOOPERASYON 25%
KALINISAN 25%
MALIKAHAIN 25%
NATAPOS SA ITINAKDANG 25%
ORAS ANG GAWAIN

KABUUAN 100%

PANGKAT 1:
Gumawa ng slogan patungkol sa klima at panahon.

PANGKAT 2: GUMUHIT TAYO


Gumuhit ng mga kasuotang ginagamit sa tag-ulan at tag-init.

TAG-ULAN TAG-INIT

PANGKAT 3: DYAD
Sumulat ng lImang maaaring gawin ng mga naninirahan sa isang bansang
tropikal.

IV. PAGTATAYA:
Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasabi ng katotohanan at MALI
kung hindi.
1. Ang Pilipinas ay isang bansang tropikal.
2. Ang panahon ay pangkalahatang atmospera.
3. Ang klima ay kondisyon ng atmospera sa isang lugar sa loob g ilang araw.
4. Dapat natin malaman ang ulat panahon.
5. Ang klima at panahon ay iisa lamang.

V. TAKDANG ARALIN:
Ano ang dapat mong gawin kung ang panahon ay masama? Magtala ng 5
pangungusap.

You might also like