You are on page 1of 3

Banghay Aralin

sa
Araling Panlipunan

I. Layunin:
Natutukoy ang pagkakaiba ng panahon at klima;
Naiisa-isa ang mga salik na nakaaapekto sa klima; at
Napaghahandaan ang pagbabago ng panahon.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Klima ng Pilipinas
Kagamitan:,tsart, larawan
Sanggunian: KAYAMANAN 5 ( Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 5
Aralin 1 pahina 9-11

III. Pamamaraan:

A. Pagganyak
a.Ituro ang awit: sa himig ng “Five Little Ducks”
Tingnan natin at pakiramdaman
ang panahon, kaibigan.
Maaraw ba o maulan
Pagpasok sa eskuwelahan?
Maaraw, maaraw ang panahon (3x)
Maaraw ang panahon.
(Palitan ang salitang may salungguhit ng naaayon sa panahon)

B. Balik-Aral
Buuin ang mga pinaghalong letra upang makabuo ng isang salita na tumutukoy sa mga
imahinaryong guhit sa mapa at globo.
Ewaodkr-ito ang pinakagitnang pahalang na imahinaryong linya sa globo.
Ltuatid- ito ang mga guhit na pahalang na mapapansin sa globo.
Luonhitgd- ito ang mga guhit na patayo na nagmumula sa Hilagang Polo hanggang sa
Katimugang Polo.
Pmrie Miediran-ito ang pinakagitnang guhit na humahati sa globo sa silangan at kanluran.

B. Paglalahad
Magpakita ng larawan ng isang orasan at kalendaryo.
Paghambingin ang dalawang larawan.
2. Pagtatalakay
Talakayin at pag-usapan ang mga sumusunod:
Ang panahon o weather ay ang kondisyon sa isang lugar sa maikling oras.
Maaaring maulan ang panahon sa umaga o maaraw sa hapon.At kung minsan
naman at mahalumigmig ang panahon.
Ang klima naman ay inilalalarawan ang pangkalahatang kalagayan ng kapaligiran
sa isang lugar sa mahabang panahon.

Mga Salik Salik na Nakaaapekto sa Klima


1. Latitud o Lokayon ng Lugar
2. Hangin
3. Temperatura
4. Altitude o Taas ng Lugar
5. Katubigan
6. Dami ng Ulan

C. Pangwakas na Gawain

1.Paglalahat
Ang panahon o weather ay ang kondisyon sa isang lugar sa maikling oras
samantalang ang klima naman ay inilalalarawan ang pangkalahatang kalagayan ng
kapaligiran sa isang lugar sa mahabang panahon.May mga salik na nakaaapekto sa klima.

2. Paglalapat
PANAHON KLIMA
Ibigay sa mag-aaral ang flashcards na may nakasulat na at
Tukuyin kung ang sumusunod ay panahon o klima.
1. Ito ay pangkalahatang kalagayan ng kapaligiran sa isang lugar sa mahabang
panahon.

2. Ito ay kondisyon ng isang lugar sa maikling oras.

3. Ito ay maaaring maranasan sa isang lugar taun-taon.

4. Ito ay maaaring magbago sa umaga at hapon.

5. Ito ay nagbabago ayon sa lokasyon,temperatura taas ng lugar at iba pang salik.


IV. Pagtataya
Hanapin at bilugan sa word puzzle ang mga salik na nakaaapekto sa klima.
B E R T Y A G T U V A
K E J K L A T I T U D
A T U I O H T U Y A A
T E M P E R A T U R A
U Y A G T U I N G T U
B G T U Y A I K G W E
I R T Y A G T U C I O
G D A M I N G U L A N
A Q A L T I T U D E P
N Y A G T U Y A G T U

V. Takdang Gawain:
Ipaliwanag ang sumusunod, isulat ang sagot sa kwaderno.
1. Bakit mas mainit sa araw kaysa gabi?
2. Saang Lugar pahilis ang sikat ng araw?
3. Bakit mas mainit ang mga katubigan kaysa kalupaan kung gabi?

You might also like