You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Bulacan State University


Bustos Campus
College of Education

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 3

MAGDALENA, WILZEL SANTOS


Inihanda ni:

MRS. ERLINDA V. RAMOS


Iniwasto ni:
Republic of the Philippines
Bulacan State University
Bustos Campus
College of Education

I. Layunin

 Nalalaman ang iba’t-ibang uri ng Klima at Panahon.


 Natutukoy ang pinagkaiba ng Klima at Panahon.

Pagpapahalaga: Pagmamahal, pagtutulungan at pangangalaga sa kalikasan.


II. Paksang – Aralin

Paksa: Pagtukoy sa pinagkaiba ng Klima at Panahon sa Pilipinas


Sanggunian: Salinlahi, pp. 32
Araling Panlipunan Rehiyon III – Gitnang Luzon
Kagamitan: Powerpoint Presentation, Mga Larawan, Cartolina.

III. Pamamaraan / Estratehiya


GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG -
AARAL
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati at Panalangin

Magandang araw sa inyong lahat. Kamusta Magandang Araw din


kayo? po! Mabuti naman
po.
Bago tayo dumako sa ating aralin, simulan natin
ang araw na ito ng isang panalangin kung kaya’t
magsiyuko at damhin ang presensiya ng ating
Panginoon. Panginoon, maraming salamat po sa
binigay ninyong panubagong pagkakataon upang (Panalangin)
kami ay matuto. Gabayan po ninyo kaming mag
aaral upang malinang ang aming isipan at
maunawaan ng lubos ang aming bagong aralin para
sa araw na ito. Patnubayan niyo po ang aming mga
guro upang sila ay magkaroon ng sapat na
katiyagaan, kalakasan, at karanungan at ng
maihatid sa aming mga estudiyante ang aming
aralin at ang mga dapat nilang ituro. Hinihiling Amen.
naman ito sa pangalan ni Hesus, Amen.

2. Pagtala ng Liban
Wala pong lumiban o
Mayroon bang lumiban sa klase ngayong liban ngayong araw.
araw?

3. Pagbabalik - tanaw
Ang pangunahing pulo
Anu-ano ang mga pangunahing Pulo sa Pilipinas? sa pilipinas ay Luzon,
Visayas at Mindanano.

Magaling mga bata!


Republic of the Philippines
Bulacan State University
Bustos Campus
College of Education

4. Panghawan ng mga Balakid

Bago natin simulan ang ating leksyon, alamin muna


natin ang mga kahulugan ng mga salitang ito upang
mas lalo nating maintindihan ang ang ating
tatalakayin.

Klimang Tropikal – klimang nahahati sa tag-init


at tag-araw na nararanasan ng mga bansang nasa
lokasyong malapit saekwador.

Salik – isang bagay o kondisyong makatutulong sa


pagtatamo ng resulta.

Disyerto – isang lugar na mainit, bihira ng ulan,


kakaunti ang pananim na nabubuhay, at karaniwang
mabuhangin.

Naiintindihan ba mga bata? Wala ba kayong Opo sir at wala naman


mga katanungan? po sa ngayon sir.

Mabuti naman at mahusay mga bata!

B. Paglinang ng Gawain
1. Pag – ganyak

Whisper Challenge
Panuto: Ang klase ay mahahati sa dalawang grupo
at bawat isang grupo ay pipili ng apat na miyembro
upang maglaro. Isa lamang sa bawat grupo ang
maaring tumingin ng mga larawan at buuin ang
hinahanap na salita. Pagkatapos nito, ang salitang
kaniyang nabuo ay maaari niya lamang sabihin sa
pamamagitan ng bibig. Sa kabilang banda, ang
isang miyembro ay dapat nakasuot ng "earphone" o
pagtakip sa kanilang mga tenga at babasahin
lamang ang pagbuka ng bibig na kaniyang ka-grupo
upang malaman ang sagot. Kinakailangan niyang
isigaw ang sagot na sa tingin niya ay tama. Ang
grupo na may pinakamabilis na oras na
makakasagot ang siyang magkakamit ng premyo.

2. Pagtatalakay
Ngayong natalakay at nalaman na atin ang mga
pulo sa ating bansa, alamin naman natin ang mga
klima at panahon na nararanasan dito.
(Ang sagot ng mag –
May ideya ba kayo kung ano ang klima at panahon aaral ay maaring
at ang pinagkaiba nito sa isa’t-isa? magkaiba – iba).
Mahusay mga bata!

Una nating tatalakayin ang kahulugan ng klima at


ang mga uri nito.
Republic of the Philippines
Bulacan State University
Bustos Campus
College of Education

Klima - Tumutukoy sa pangmatagalang kalagayan


ng panahong umiiral sa isang lugar.

Pangunahing Uri ng klima


Tag-ulan
Tag-araw
(Ang sagot ng mag –
Ang Pilipinas ay isang bansang tropiko. Bakit aaral ay maaring
kaya? magkaiba – iba).

Ang ating bansa, katulad din ng iba pang bansang


tropical, ay nakararanas lamang ng dalawang
pangkalahatang klima.

May epekto ang lokasyon ng isang bansa sa uri ng


klima at panahon nito. Ang digri ng init o lamig ng
isang pook ay ang kanyang temperatura.

Batay sa masusing pag-aaral ng mga siyentipiko sa


panahon, ang pinakamalamig na buwan ay ang
Enero sa dahilang taglamig sa hilagang hating-
globo. Ang pinakamainit naman ay ang Mayo dahil
sa patindig (perpendicular) ang sikat ng araw,
bukod sa pagkakaroon ng mga monsoon at
pagkakaiba ng haba ng araw at gabi.

Nagkakaroon din ng pagbabago ng temperatura


dahil sa may matataas at mababang pook sa
Pilipinas. Ito ang dahilan kung bakit mas malamig
sa Baguio at Tagaytay kaysa sa Maynila.

Ngayon, ang panahon naman at ang mga uri nito


ang ating tatalakayin

Panahon

Minsan ay may mga araw na maulap,


makulimlim, maaraw, maulan, at iba pa. Ito’y
tinatawag na panahon.

Ang panahon ay ang pansamantalang kalagayan


ng atmospera na maaaring magbago anumang oras.

Ang magiging pansamantalang lagay ng panahon sa


maghapon sa isang pook ay;
 mababasa sa mga pahayagan
 maririnig sa radio
 mababasa sa internet
 mapapanood sa mga ulat panahon sa
telebisyon
Republic of the Philippines
Bulacan State University
Bustos Campus
College of Education

Sa tingin niyo, mahalaga bang malaman natin ang (Ang sagot ng mag –
ulat panahon? aaral ay maaring
magkaiba – iba).
Mahusay mga bata!

Mahalaga ngang malaman natin ang ulat panahon


upang magabayan tayo sa inaasahang pagbabago ng
panahon na maaaring makaapekto sa ating balakin
sa araw na iyon.

Bagama’t may dalawang pangkalahatang klima


lamang sa ating bansa, ang mga salik tulad ng
temperature, halumigmig o humidity, dami ng ulan,
lokasyon, pisikal sa kapaligiran, at pag-ihip ng
hangin ay nagpapaiba-iba pa rin sa klima ng iba’t-
ibang pook sa ating bansa.

Ang apat na uri ng klimang nararanasan sa iba’t-


ibang bahagi panig ng bansa ay makikita sa mapang
pangklima.

Uri ng Klima

Unang Uri ng Klima – May salawang tiyak na


panahon. Tuyo mula Nobyembre hanggang Abril,
maulan naman mula Mayo hanggang Oktubre.
Nakakaranas ng ganitong uri ng klima ang mga
lugar
Ikalawang Uri ng klima – Maulan sa mga lugar na
sa kanlurang bahagi ng Pilipinas tulad ng Ilocos,
Mindoro, Palawan, at Negros.
ito. Nakakaranas ng lalong malalakas n pag-ulan
mula Nobyembre hanggang Enero. Madalas din
itong daanan ng bagyo. Kasama sa mga lugar na ito
ang Silangang Quezon, Catanduanes, Sorsogon,
Samar, Leyte, at Silangang bahagi ng Mindanao.

Ikatlong Uri ng Klima – Hindi gaanong tiyak ang


panahon. Tuyo mula Nobyembre hanggang Abril.
Maulan mula Mayo hanggang Oktubre.
Nararanasan sa mg alugar ng Kanlurang Cagayan,
Isabela, Nueva Vizcaya, silangang bahagi ng
Mountain Province, timog Quezon, silangang
Negros, silangang Panay, gitna hanggang Timog ng
Cebu, at bahhagi ng Hilagang Mindanao.

Ikaapat na Uri ng Klima – Halos pantay ag


distribusyon ng ulan sa buong taon. Kasama sa mga
lugar na ito ang hilagang-silangang Luzon,
kanluran ng Camarines Norte at ng Camarines Sur,
marinduque, at ilang bahagi ng Mindanao.
Republic of the Philippines
Bulacan State University
Bustos Campus
College of Education

Ngayon, tingnan muli ang mapa. Hanapin kung (Ang sagot ng mag –
saang bahagi matatagpuan ang iyong lugar. Sa aaral ay maaring
anong uri ng klima ito nabibilang? magkaiba – iba).

3. Pangkatang Gawain

Panuto: Sa pamamagitan ng isang maikling


roleplay o pag - arte. Ipakita ang karaniwang
ginagawa ng bawat isa sa bawat klima o panahon
na nabanggit sa talakayan.

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

 Ano ang kahulugan ng Klima at


Panahon?
 Ibigay ang dalawang pangunahing uri
ng klima sa pilipinas?
 Upang malaman natin ang magiging
panahon kinabukasan magbigay ng
halimbawa kung saan malalaman ang
mga panahon kinabukasan?

2. Paglalapat

Sa isang malinis na papel sagutin ang mga


tanong na nasa presentasyon.

Pagkilala kung klima at panahon. Sabihin kung


Klima o Panahon ang tinutukoy ng mga pahayag.

1. Maaraw kaninang umaga subalit biglang umulan


nang pahapon na.

2. Tuyo mula Nobyembre hanggang Abril, maulan


naman mula Mayo hanggang Oktubre.

3. Halos pantay ang pag-ulan sa buong taon.

4. Magkakaroon ng pag-ulan sa maghapong ito.


Makakaranas din ng pagkidlat at pagkulog sa
bandang hapon.

5. Makulimlim at maulap ang papawirin subalit


maya-maya lang ay aaraw na.
Republic of the Philippines
Bulacan State University
Bustos Campus
College of Education

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga susumunod na
tanong. Piliin ang sagot sa loob ng kahon sa ibaba
at isulat sa patlang

Klima Panahon Unang Uri ng Klima


Tag– ulan at Tag– Araw Ikatlong Uri ng Klima

_____1. Ito ay tumutukoy sa dalawang uri ng klima


sa pilipinas.
_____2. Ito ay tumutukoy sa pangmatagalang
kalagayan ng panahong umiiral sa isang lugar.
_____3. Ito ay tumutukoy sa pansamantalang
kalagayan ng atmospera na maaring magbagong
anumang oras.
_____4. Ito ay tumutukoy sa hindi gaanong tiyak
na panahon.
_____5. Ito naman ay tumutukoy sa pagkakaroon
ng may salawang tiyak na panahon.

V. Takdang – Aralin

Ano ang gawaing pantag-ulan at ano naman ang pantag-init? Isulat ang mga
gawaing angkop para sa tag-init at tag-ulan sa isang buong papel.

Inihanda ni:

MAGDALENA, WILZEL S.

Iniwasto ni:

MRS. ERLINDAV. RAMOS


(Cooperating Teacher)

You might also like