You are on page 1of 9

DETAILED LESSON PLAN UNDER SOCIAL STUDIES

I. Objectives
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Nailalarawan ang Klima ng Pilipinas ayon sa Lokasyon nito sa mundo


 Nakikilala na ang Pilipinas ay isang bansang tropikal;
 Napapahalagahan ang uri ng panahon na nararanasan ng Komunidad.

II. Subject Matter

A. Topic: (Geography) Klima ng Pilipinas


B. Value Focus: Cooperation
C. Materials: Power point presentation, pictures.

III. Learning Procedures

TEACHERS’ ACTIVITY STUDENTS’ ACTIVITY

A. Preliminar Activities

1. Prayers
Magsitayo na ang lahat para sa ating
panalangin.

Maaari bang pumunta dito sa harap si Joy


para manguno para sa ating panalangin
ngayong umaga?

Iyuko natin ang ating mga ulo at tayo ay


manalangin.

Sa ngalan ng ama, ng anak, ng espiritu, santo,


Amen.

2. Greetings
Magandang Umaga mga bata, ako si teacher
Lyka. Ang inyong magiging tagapagturo sa
araw na ito.
Opo teacher
Kumusta kayong lahat? Kumain na ba kayo?

Mabuti naman kung ganon. Masaya akong


marinig ang mga iyan mula sainyo mga bata.
3. Checking Attendance
Ngayon ichecheck natin ang attendance.

Mga leader sa pangkat, meron ba tayong mga


absent?

Unang pangkat? Wala po, teacher.

Pangalawang pangkat? Wala po, teacher.

Ikatlong pangkat? Wala po, teacher.

Ang pang-apat? Wala po, teacher.

Mabuti at walang lumiban sa klase sa araw na


ito.

Nasisiyahan akong malaman na andito


kayong lahat upang makinig sa aking
talakayan.

4. Setting of Classroom Rules


Bago tayo mag-umpisa sa ating talakayan,
gusto ko kayong tanungin kung naaalala pa ba
ninyo kung ano ang ating pamantayan dito sa Opo, teacher.
ating silid-aralan?

Mabuti.

Una, kapag nagsasalita si teacher dito sa Makikinig po


harap. Ano ang gagawin ninyo?

Okay very good. Dapat makinig at


magbehave lang at wag makipag-usap sa
katabi kapag nagsasalita si teacher dito sa
harap.
May sasabihin po
Pangalawa, Itaas lamang ang kamay kapag?

Very good, kapag may gusto kang sabihin o


kapag sasagot ka sa tanong ni teacher.

Okay, Good job class.


IV. Learning Activities

A. ENGAGE

Bago tayo magsimula sa ating talakayan ay


mag-balik aral muna tayo.
Handa na ba kayo? Opo, teacher.

Kung ganoon ay magsimula na tayo.

Sino ang makapagsasabi kung ano ang tiyak


na kinalalagyan ng Pilipinas?

Itaas lamang ang kamay

kinaroroonan ng hating globo nilalatagan ng


asya?

Very good class at naaalala niyo pa ang ating


talakayan na ang bansang pilipinas ay
matatagpuan sa Timog- Silangang Asya. Isa
itong kapuluan na binubuo ng humigit
kumulang 7,500 malalaki at maliliit na pulo.

Ang tiyak na lokasyon ng ating bansa ay


matutukoy sa pamamagitan ng latitude at
longhitud.

Ang teritoryo ng Pilipinas ay nasa pagitan ng


4 at 21 hilagang latitude at nasa pagitan ng
116 at 127 silangang longhitud.

Ngayon ano naman ang karatig bansa ng


China, Japan, at Taiwan po teacher.
Pilipinas? Sa hilaga?

Very good. Borneo, Brunei, at Indonesia.


Timog-Silangan? Micronesia, Marianas, at Guam.
Ano naman sa Silangan? Vietnam, Laos, Cambodia, at Thailand.
At sa Kanluran?

Okay very good class.

Masaya akong nalaman na may napulot talaga


kayong aral sa ating talakayan noong
nakaraang araw.

B. EXPLORE
Sa puntong ito para sa ating panimulang
Gawain. May mga larawan akong ibibigay
sainyo, bawat isa sainyo ay makakatanggap
nito.

Dito sa pisara may pinaskil akong dalawang


kahon. Unang kahon ay ang “Tag-init” at ang
pangalawang kahon naman ay ang “Tag-ulan”

Ang gagawin niyo ay magdidesisyon kayo,


kung ang larawan na nahawakan ninyo
ngayon ay nakabilang ba sa panahon ng tag- Yes, teacher.
init? O kaya naman sa panahon ng tag-ulan.

Naintindihan ba?

Mabuti naman kung ganon.

Maaari na kayong magsimula.

Unang pangkat pumunta na dito sa harap.

Pangalawang pangkat

Pangatlong pangkat
Pang-apat na pangkat.
May mga iba’t iba pong larawan na
Okay tapos na ang lahat sa pag-paskil ng mga halimbawa po ay sa tag-init at tag-ulan
larawan sa mga kahon. teacher.

Ngayon ang tanong ko. Ano ang masasabi


niyo sa mga larawan na inyong mga
ipinaskil?

Okay very good


Yes teacher, meron po.
Pangalawa, may mga gamit ba na maaring
gamitin sa tag-init at sa tag-ulan?

Okay very good class, mayroon.

Mga bata nasiyahan ba kayo sa inyong


ginawang aktibidad?

Ano ang naobserbahan ninyo sa inyong mga


larawang pinaskil?
Tungkol po sa klima teacher.
Ngayon sino ang makapagsasabi kung ano
ang dalawang klima ng Pilipinas?

Ano sa palagay niyo ang paksa natin ngayong


araw?

Okay, ngayon tumungo na tayo ngayon sa


ating paksang aralin. Ang ating paksa sa araw
na ito ay tungkol sa “Klima ng Pilipinas”

C. Explain

Ang klima ay ang pangkalahatang kalagayan


ng panahon sa isang lugar na may kinalaman
sa atmospera o hanging nakapaligid sa
mundo. Upang malaman ang klima ng isang
lugar o bansa, mahalagang matukoy ang
lokasyon, togograpiya o paglalarawan ng
katangian ng isang lugar, at ang hanngin at
tubigang mayroon.

Ang klima ng isang bansa ay nakakabatay sa


kinalalagyan nito sa mundo.

Ang Pilipinas ay malapit sa ekwador at nasa


mababang latitude kaya’t tropikal ang
klimang nararanasan ditto, direktang
nakatatanggap ng sikat ng araw ang bansa
kaya’t mainit at maalinsangan ang klima rito.

Gayunpaman, nakararanas din ng malamig na


klima ang bansa dahil sa hanging nagmumula
sa Dagat Kanlurang Pilipinas at Karagatang
Pasipiko.
Ang pangkalahatang klima ng Pilipinas ay
ang tag-init at ang tag-ulan. Nagsisimula ang
tag-init mula nobyembre hanggang mayo.
Habang, ang tag-ulan naman ay mula hunyo
hanggang oktubre.

Tag-init
Mga bata, sa panahon ng tag-init, maliwanag
ang paligid dahil mayroong araw. Sa panahon
din na ito ay nakakaranas tayo ng
maalinsangang panahon.

Tuwing tag-init nagsusuot tayo ng maninipis


na damit kagaya nalang ng sando at shorts.

Tuwing tag-init masarap kumain ng mga


malalamig na pagkain gaya nalang ng ice
cream, halo-halo, upang maibsan ang sobrang
init.

Marami din tayong pwedeng gawin sa tag-


init. Kagaya na lamang ng paglalaba dahil
madaling matuyo sa sikat ng araw ang mga
damit.

Ngunit kailangan din natin mag-ingat kapag


sobrang babad tayo sa araw, dahil
magdudulot din ito ng sakit satin kagaya
nalamang ng sakit sa balat.

Tag-ulan
Sa panahon naman ng tag-ulan mga bata,
makulimlim ang langit at basa ang paligid sa
panahon na ito ay nakararanas tayo ng lamig.

Ito ang dahilan kaya tayo nagsusuot ng mga


damit na makakapal kagaya ng jacket.

Hinahanap din natin ang mga maiinit na


pagkain kagaya ng sopas at kape.

Tuwing tag-ulan karaniwan tayo ay nasa


bahay lamang dahil delikado sa labas at upang
makaiwas na rin tayo sa sakit at disgrasya. Tag-init at tag ulan teacher.

Okay class, ngayon ipapakita ko ngayon ang


world map.
Ngayon ang tanong, nasaan ang Pilipinas?
Klima teacher
Okay very good.

Ano ang klima ang mayroon ang bansang


pilipinas class? Tag-ulan po teacher

Okay very good. Ito ay ang tag-init at tag-


ulan.

Ano ang tawag sa tag-init at tag-ulan?

Okay very good.

Ano naman ang panahon ang nararanasan


natin ngayon class?

Very good.

Ang mga bansang tropiko ay lagging tuyo,


mainit at maulan sapagkat nasa mababang
latitude.

Tumatanggap ito ng direktang sikat ng araw.


Kaya dalawa lamang ang uri ng panahon sa Mula hunyo hanggang oktubre po teacher
buong taon at ito ang tag-init at ang tag-ulan.

Ang mga bansang ito ay may klimang


Nobyembre hanggang mayo po teacher.
tropikal, kagaya na lamang ng ating bansa.
Ang bansang Pilipinas.

May katanungan ako class

Una, Anong mga buwan nagsisimula at


nagtatapos ang tag-ulan?

Very good.

Ano naming buwan kung mainit?

Very good class. Nakinig talaga kayo kanina


sa aking discussion. Mabuti kung ganon
D. Ellaboration

Aalamin ko kung may natutunan o napulot na


aral kanina sa ating talakayan.

Gawain 1
Panuto: Bumuo ng mga pangungusap batay sa
kaalaman sa paksang tinalakay.
Bawat isa sainyo ay magbibigay ng tatlong
pangungusap.

Halimbawa: “Ang Pilipinas ay isang bansang


tropikal”

1.
2.
3.

Gawain 2
A.
Panuto: Gumuhit ng larawang
nagpapahiwatig ng mga Gawain sa tag-init at
tag-ulan.

B.
Panuto: Ilalagay sa hugis bilog kung ang
larawan/bagay ay maari sa tag-init. Habang sa
hugis kahon naman kung ito ay maari sa tag-
ulan.

E. Evaluate
Takdang Aralin.
Panuto: Magtala ng mga Gawain sa panahon
ng tag-init at panahon ng tag-ulan. Goodbye teacher Lyka.

Pilipinas Bansang Tropikal


Klimang Tropikal Gawain
Tag-init
Tag-ulan

Ngayon mga bata dito na magtatapos ang


ating talakayan sa ating asignaturang Araling-
Panlipunan.

Muli, ako si teacher Lyka. Nagpapasalamat sa


inyong pakikinig. Nawa’y may natutunan
kayo.
Hanggang sa muling talakayan. Maraming
Salamat. Goodbye class.

Prepared by:
Rebualos, Lyka A.
BEEd 1_ 12-MGE-01

You might also like